Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 41

649 59 10
By Akiralei28


**********oo**********

Janelle's POV

Matapos namin makapag agahan ay naglinis na kami ng aming mga sarili para handa na kami sa pag alis kung dumating na ang apat

"Mag iingat kayo mga apo," ani ni Lola Luciana sa amin,"Bumalik kayo pagka galing niyo doon sa Baryo Argua, maghihintay ako,"

"Opo, Lola," pagsang ayon naman habang abala naman si Yuri sa pag aayos kay Khael na panay lang ang tulog sa mga bisig nito

"Wag kayong mag alala magiging maayos din ang lahat," sabi ni Lola Luciana sa amin

"Opo, Lola," sagot ko naman dito

"Babalik din siya sa ayos," sabay haplos sa ulo ni Khael na napapapikit nalang,"Magiging maayos ka din,"

Matapos naman namin makapag ayos ng sarili ay isinuot na namin ang mga bag

Nakita kong may iniabot si Lola Luciana kay Yuri

"Magagamit mo ito, apo," sabay bogay kay Yuri ng kahon na nakabalot ng itim na tela,"Sa Baryo ng Argua, magagamit mo ito sa oras ng kagipitan, nandiyan sa loob ang lahat ng kakailanganin mo, basta mag iingat ka," bilin pa nito sa kanya

"Salamat po," at nakita kong inilagay na niya iyon sa loob ng kanyang bag bago kinuha sa akin si Khael na tulog na naman

"Aalis na po kami," paalam ko kay Lola Luciana,"Maraming salamat pa sa tulong ko Lola,"

"Salamat din sa inyo," nakangiting turan nito sa amin

Pagkalabas namin sa bahay, nakita namin na paparating na din silang apat kasama sina Tatay Damaso

"Salamat po!," ani nina Kevin sa pamilya nito na ikinangiti ko

"Mag iingat kayo," ani ni Tatay Damaso,"Basta bumalik kayo ha?,"

"Opo," sabay nagmano kami sa kanila bago tuluyang umalis sa Baryo nila,

Habang nasa daan kami ay kinakawayan kami ng mga tao at nakangiting nagpapasalamat sa amin, dahil sa nagawa namin na malaking tulong sa kanila

Nakita din namin ang sina Mang Oca, Mamg Ben at Tonton

Inabutan kami ng mga supot na naglalaman ng aming makakain s maghapon na paglalakad

"Sa dulo may ilog," ani ni Mang Oca sa amin,"Maghanap kayo ng bangka na magtatawid sa inyi, siguro mga kalahating araw bago kayo makarating doon at kalahating oras bago ninyo matawid ang malawak na ilog papunta sa Baryo Dagit,"

"Salamat po," kuro naming saad sa kanila

"Kami ang dapat magpasalamat," ani ni Mang Ben sa amin,"Malaki ang naitulong niyo sa Baryo namin lalo na sa pamilya namin,"

"Wala po iyon," sagot ni Yuri na nakangiti," Pakabait ka, Tonton," niyakap at hinalikan niya iyon sa pisngi kaya natawa kami ng namula ang buong mukha nito dahil sa hiya

Nakita ko na nagising si Khael at masama na nakatingin kay Yuri, nagseselos ang pamangkin ko sa isang bata, ahahahahaha

Gusto kong tumawa pero bigla siyang lumingon sa akin kaya napapangiti nalamg ako, ang sama kasi ng tingin niya sa akin eh

"Aalis na po kami," paalam namin sa kanilang lahat

"Mag iingat kayo," kurong sambit ng lahat sa amin kaya gumanti kami ng kaway at ngiti habang papaalis sa kanilang Baryo

"

Hindi ko yata nakita si Manuel, Nena?," tanong ni Trina sabay siko sa katabi ko na bigla na mula ang magkabilaang pisngi

"Sister Nena?,".patanong ko sabay ngumisi sa kanya,"Mukhang tutulad ka kay Leigh ah," at nagkatawanan nalang kaming lahat dahil sa biruan

"Mau gusto sayo si Manuel," sabi pa ni Kevin,"Mukhang si Sister Tita Janelle nalang ang tunay na Madre ah," sabay tawa kaya napalo ko siya sa balikat

"Nena! Kevin! Sandali!!," sigaw mula sa likuran ang nadinig namin kaya napahinto kami at nilingon namin iyon

Kaya lalong namula si Nena ng tinukso na naman siya ng mga kasama namin

Hinintay namin ang tumatakbong si Manuel na papalapit sa amin, pansin ko na may dala itong bag

"May kailangan ka ba Manuel?," tanong naman ni Bryan na kumindat kay Nena

Hindi pa ito nakasagot kaya alam namin na hinahabol pa nito ang hininga, bago tumayo ng maayos at ngumiti sa amin

May itsura naman si Manuel, hindi nalalayo sa mga binata na kasama namin kaya hindi naman siya alanganin para kay Nena na maganda din naman

May matitipunong pangangatawan na halatang batak sa pagbubukid at sa gawaing bukid

Moreno ang balat na maganda ang pagkakamorneno dahil sa pagkakabilad nito sa araw

Maamo ang mukha at hindi iyon nakakasawa, lalo na ang balat nito na hindi naman nakakadiri o nakakailang para sa amin lalo sa aming mga babae

"May kailangan ka ba, Manuel?,"tanong ko dito ng hindi pa din ito nakakimik

"Kamusta po, Sister Janelle?," tanong niya sa akin,"Kamusta kayo?," tanong pa niya sa mga kasama ko,

Ngumiti naman sila kay Manuel bilang tugon dito

"Manuel?," tanong ko, napakamot lang ito sa ulo

"Pwede ba akong sumama sa inyo?," tanong niya sa amin,"Alam kong mapanganib, pero simula ng makita ko kayo ng ilang gabi na lumalaban sa mga aswang, nagkaroon ako ng lakas ng loob at gustong gusto ko patayin at labanan ang mga aswang, dahil s pagkakapatay nila sa pamangkin ko," mahabang paliwanag nito sa aming lahat

Nagkatinginan lang kami habang nagsesenyasan ang mga tingin na halata naman kaagad ni Manuel iyon kaya napayuko nalang ito

"Alam ko," ani niya sa amin,"Alam ko na hindi lang kayo basta mga ordinaryo na kagaya ko, malalakas kayo at kaya niyong labanan ang mga aswang, kagaya niyo ay ganoon din ako, peros simula ng mamatay ang pamangkin ko ay nawalan na ako ng gana na lumaban sa kanila,"

"Kaya mo bang lumaban?," tanong ni Leigh sabay lapit sa binata, nakita ko na gising si Khael,"Kung kaya mong ipagtanggol ang sarili mo lalo na si Nena, sige sumama kana sa amin,"

Namula ang pisngi ni Nena dahil sa sinabi ni Leigh kaya natawa nalang kami dahil doon

"Salamat, Yuri," ani ni Manuel, umungol nalang si Khael kaya nahawakan at nahimas ko nalang siya sa ulo

"Basta lumaban ka hanggang sa kaya mo," payo nalang ni Yuri sa kanila bago kami nag umpisang maglakad papasok ng maliit na kagubatan

Na kung saan kalahating araw namin lalakbayin at paglabas ay isang malawak na ilog naman ang bubungad at aming tatawirin

**********

Sa Palasyo

"May apat na araw nalang at makakapunta kana sa mundo ng mga mortal, Kamahalan," ani ng Baylana kay Kharry

"Makikita muna ang ating anak, Mahal ko," masayang saad ni Mayumi,"Nasasabik na akong makita at mayakap siya,"

"Wag kang mag alala, Mahal ko," ani ni Kharry sabay yakap sa asawa niya,"Mabubuo din tayo,"

"Naghahanda na sina Haring Serafino para sa darating na kabilugan at pagpula ng buwan," biglang sambit na Greg na kadarating lang

"Kailangan po natin siya mapigilan," ani ng Baylana,"Delikado at nanganib tayo sa kanila,"

"Ano ba ang gagawin ng kapatid ko?," tanong ni Kharry kay Greg

"Kapag nakoronahan na si Apollo ay magkakaroon na ito ng kapangyarihan para sakupin ang buong kaharian at ang kalupaan,"

"Ganoon ba siya kalakas?," tanong naman ni Mayumi

"Oo," tugon ni Greg,"Dahil sa gabi ng pagpula at pagbilog ng buwan ay pasasakop na siya sa kapangyarihan ng Diablo, sa pitong prinsipe ng impyerno," paliwanag ni Greg sa kanila

"Tama ang Haring Greg," sang ayon ng Baylana,"Makikipagkasundo sila sa pitong Prinsipe ng impyerno para magkaroon ng kapangyarihan si Apollo para matalo ang mahal na Prinsipeng Khael Moon,"

Napabugtong hininga balang sila dahil sa nalaman nila

"Lalo na kapag napangasawa niya ang anak ko,"malungkot na sambit ni Greg,"Lalong lalakas si Apollo dahil ang mapapangasaqa niya ay isang birheng bampira,"

"Hayaan mo, Greg," ani ni Kharry,"Gagawa kami ng paraan ng anak ko para hindi mapakasal ang anak mo at para mahadlangan ang pagsako sa ating kaharian at sa buong kalupaan,"

"Wala na din po tayong magagawa kung pasasakop siya sa kapangyarihan ng pitong Prinsipe ng impyerno," iling na sambit ng Baylana sa kanila

Kaya napabugtong hininga nalang silang lahat dahil sa napakalaking suliranin na kanilng kinahaharap at ng buong kalupaan

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

So ayan na po ang mga rebelasyon natin sa ngayon✌✌✌✌

Abangan po ang nalalapit na pagsasagupaan ng magpinsn,👊👊👊👊na alam natin na kayang kaya ng ating mga bida💪💪💪💪

At ang pagtatapos ng Season 2 ng kwento ni Khael Moon👏👏🤗🤗

Kaya sama sama po tayo hanggang sa huling pakikipaglaban nila🙏🙏🙏🙏🙏

Continue Reading

You'll Also Like

76.6K 6.2K 158
Heto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita k...
680 107 15
Ralna was once the prettiest and the most powerful fairy in the kingdom of Vadronia. Pero nagbago ang lahat ng tumapak sya sa lupa ng mga tao para ta...
17.7K 428 38
a true identity of park and Damian is now revealed
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...