Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 40

895 67 34
By Akiralei28


**********oo**********

Napalingon naman si Yuri sa mga kaibigan na iniwanan nila habang inililigtas ang dalawa

Nakita niyang tumigil sa pagpana si Aira para tulungan ang dalawa dahil napapaikutan na iyon ng mga kamagrang

Habang sina Nena at Sister Janelle ay patuloy pa din sa pagpana sa mga tiktik na umiikot sa ulunan nilang dalawa

"Trina ikaw na ang maghatid sa kanila," ani niya,"Tutulungan ko lang sila at mukhang agrabiyado na ang mga kaibigan natin sa dami ng aswang,"

"Sige, ako na ang bahala,"ani ni Trina,"Tulungan mo nalang sila at susunod ako pagkahatid ko sa kanila,"

Tumango lang siya at tumakbo pabalik sa mga kaibigan nila, agad niyang inilabas ang kanyang armas, na hinasa at pinatalim pa iyon ni Lola Luciana

Ang itak na binigay sa kanya ng kaibigan ni Gudo, ibinabad pa nila iyon sa napakadaming dagta ng alugbati at sa banal na langis

Agad niyang tinaga ang isang kamagrang na papasugod na kay Nena, hindi iyon napansin ng kaibigan dahil abala ito sa pagpana sa mga tiktik

"Salamat!," ani ni Nena, tumango lang siya sabay takbo sa pwesto nina Kevin na may mga kalabang kamagrang na napakarami na

"Kaya niyo pa?," tanong niya na napapangiti sa kanila

"Ayaw namin ng ganyang ngiti, Yuri," saway ni Aira,"Mapapagalitan kami ni Khael kapag nalaman niya iyang kapilyahan mo,"

Napatawa siya sa sinabi nito, kaya napailing nalang ang tatlo dahil sa kanyang sinabi at pagtawa

Hindi na siya kumibo at tumakbo na para salubungin ang mga kamagrang na papasugod sa kanilang lahat

Ilang sandali pa ay dumating na si Trina, tinulungan na sina Nena sa pagpana sa mga tiktik, nasa paanan kasi ng mga ito ang panang iniwanan ni Aira

Kaya naman mabilisang pinana ni Trina ang mga tiktik na nasa likuran nito

Talikuran silang tatlo habang panay ang pana nila sa mga tiktik,

"Nakakapagod naman," ani ni Trina,"Nakakapagod ang pagpana," angal nito sa dalawa

"Sabi mo pa," sang ayon naman ni Nena,"Nangangalay na nga ako,"

"Napakadami naman nila!," inis na sabi ni Sister Janelle pero patuloy pa din sa pagpana

"Enjoy lang!," sigaw naman sa kanila ni Yuri na ikina iling nalang nilang tatlo sabay ngiti

"Tama si Leigh," sabi ni Sister Janelle na napangisi na din

"Bagay nga kayo magsama," bulong naman ni Nena,"Pareho kayong brutal kapag wala si Khael," sabay tawa kaya lalong ikinangisi naman ni Sister Janelle

"Lubos lubusin niyo na," payo ni Trina,"Habang tuta pa si Khael," sabay tawa,"Kasi kapag bumalik na sa dati iyon malamang papagalitan kayo, lalo kana, Tita Janelle,"

Napatango nalang si Sister Janelle kaya mas ginanahan sa pag pana at pag patay si Sister Janelle dahil sa pagkakangisi nito

Kaya ganoon na din ang ginawa ng dalawa, nakangiti sila habang pinapana ang mga tiktik na papalusob sa kanila, napapahiyaw pa sila kapag nakakatama sila at nakakapatay ng tiktik

Napapailing nalang ang tatlo sa nadidinig nila habang si Yuri naman ay patawa tawa nalang habang nakikipaglaban sa mga kamagrang na nasa harapan niya

Umikot siya at sabay taga sa leeg ng mga kamagrang na kaagad naman ay napuputol at gumugulong sa harapan niya

Umikot siya ng umikot na walang humapay habang nakaunat ang mga braso niya habang pasugod ang mga kamagrang sa kanya

Yuyuko at sabay gugulong, tinutusok naman niya sa tiyan ang ilang kamagrang na nakadagan sa kanya kapag naabutan siya ng mga ito at gusto siyang sakmalin

"Mga p.g kayo ah!," sabi niya,"Heto ang kainin mo!," sabay saksak ng patalim na gawa din sa pilak at tanso ang talim noon

Natawa naman sina Aira dahil sa sinabi niya kaya napapangiti nalang siya sa sarili

"Hindi ako masarap!," sigaw niya,"Ang payat ko at hindi ako masarap!,"

"Ang seksi mo kaya, Yuri," ani ni Kevin,"Nakita ko noong iaalay ka ni Father Joseph,"

"Kaya nga halos mamula at mahiya sayo si Khael ng makita niya ang katawan mo!," dagdag pa ni Bryan,"Kaya halos hindi ka niya kinausap kasi nahihiya siya," sabay tawa ulet

"Naiinggit nga ako sayo," dagdag ni Aira,"Kasi nga hindi ka tumataba, tama lang ang katawan mo,"

Natawa lang siya sa mga nadinig sa mga kaibigan nila, napapailing siya na bumangon at pinutulan ng ulo ang kamagrang

Tumakbo siya papalapit sa mga kaibigan at tinulungan niya ang mga iyon sa pagpatay ng mga tiktik na lumapag na sa lupa kasama ang mg kamagrang

Nang wala ng makitang tiktik na lumilipad ang tatlo ay kaagad naman silang tumakbo papunta sa lima para matulungan ang mga iyon dahil napapaikutan na ang mga iyon ng mga aswang

Talikuran silang lahat habang panay ang kanilang taga ng dala nilang armas at hampas ng buntot pagi sa mga tiktik

Umuungol ang mga natatamaan nila ng buntot ng pagi at natataga nila ng kanilang armas

Napakarami na ng mga tiktik na napatay nila at ang tanging mga kamagrang nalang ang natitira nilang mga kalaban

Sa mga kabahayan naman na malapit sa kanilang kinatatayuan kung saan nila nilalaban ang mga kamagrang ay may mga nakasilip sa mga awang ng bintana

Nanlaki din ang mga mata ng ilan dahil sa nakita nilang pakikipaglaban sa mga aswang

Hinangaan sila ng lahat ng makita ang kanilang pakikipaglaban sa mga aswang at tiktik

Bumilib sila sa tapang ng magkakaibigan at sa lakas ng loob ng mga iyon para labanan ang mga aswang sa kanilang lugar lalo na ang mga kamagrang na halos walang kinatatakutan at wala gaanong panlaban sa mga iyon maliban sa sandata na binabad sa dagta ng alugbati

Sa may bahay naman nila Mang Oca ay nagpapasiga naman si Lola Luciana sa may kusina

Nilagyan ni Lola Luciana ng goma at asin ang siga para lalong umamoy sa buong kapaligiran ang amoy ng asin at goma

Lumalayo naman ang mga tiktik at kamagrang sa naamoy na mga usok, lalo pa at may ensenso at kamangyan na hinahalo ang matanda at umuusal ng orasyon

"Pagkatapos ng gabing ito ay lulubayan na kayo ng mga kamagrang at tiktik," ani ni Lola Luciana,"Madadala na sila dahil sa pausok ko at dahil sa mga batang lumaban sa kanila,"

"Tama po kayo, Lola," ani ni Oca,"Napakatapang nila, kung sino pa ang mga dayo ay sila pa ang nagkalakas ng loob para labanan ang salot ng ating Baryo,"

"Tama ka, Oca," pag sang ayon naman ni Lola Luciana,"Malakas ang loob nila at napakatapang, nakakabilib na mga kabataan," sabay ngiti sa kanila

"Kaya nga po hinahangaan ko sila eh," ani ni Tonton,"Lalo na po si Ate Yuri, napakaganda nito at napakatapang talaga," sabay kinilig pa ang bata

Pero tinahulan lang iyon ni Khael na mga sandaling iyon ay nagising dahil sa nakaramdam iyon ng gutom

Natawa naman si Lola Luciana dahil sa ginawa ni Khael na pagkahol, lumapit kay Lola Luciana at ikiniskis ang balahibo sa mga binti nito

"Nagugutom kana ba?," tanong ni Lola Luciana sabay kuha kay Khael at inilapag sa lamesa,"Sandali at ikukuha kita ng gatas,"

Kaagad naman na nilapitan ni Lola Luciana ang gatas na nasa di kalayuan at nilagyan ang isang maliit na lagayan bago inilapag sa harapan ng gutom na si Khael

Agad naman iyong nilantakan ni Khael habang panay ang tingin kay Tonton na laging bukambibig ang pangalan ni Yuri

Kaya natatawa nalang si Lola Luciana dahil alam nito na nagseselos iyon, natutuwa ang matanda dahil sa dalisay at malinis ang pagmamahal nito para sa matapang na dalaga

Sa labas naman ay halos pagod na ang pito dahil sa pakikipaglaban sa mga kamagrang at tiktik

Halos alas dos na ng madaling araw iyon ng makita nilang umaatras na ang iilang kamagrang dahil sa madaling araw na iyon

"Mag uumaga na," anas ni Kevin,"Kaya magsisipag atrasan na silang lahat,"

"Pero di ba dapat doon sila papunta sa mga kabahayan ng mga tiktik?," may pagtatakang tanong naman ni Trina,"Bakit papunta sila doon at palabas ng Baryong ito?,"

"Pupunta sila sa Baryo Argua," sagot ni Yuri,"Doon na sila mananatili hanggang sa pagsapit mg pulang buwan,"

"Marami pala tayo makakalaban," ani ni Nena,"Lahat sila doon papunta," nakatingala sila sa bawat bubungan ng bahay, doon dumadaan ang mga kamagrang

Hindi na sila pinapansin ng mga iyon, pero nakahanda pa din sila kung sakali man na lundagan sila

"Kailan tayo aalis?," tanong ni Sister Janelle sa kanila

"Baka ngayon araw din po," sagot niya,"May limang araw nalang tayo para makarating doon,"

"Pahinga muna tayo," ani ni Bryan,"Wala na tayong lakas para makipaglaban sa susunod pang dalawang bayan,"

"Sige, bukas nalang," sabi niya sabay talikod sa kanila

Sumunod nalang sila sa kanya dahil wala ng mga aswang na dumadaan sa harapan nila

Pero nandoon pa din na nakikiramdam sila sa kapaligiran baka kung may aswang pa na darating at bigla nalang sila ng mga iti na lundagan at lusubin

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 426 25
A story about the adventure of a mermaid in the world of humans.😉💖
76.8K 6.2K 88
Isang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin...
76.6K 6.2K 158
Heto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita k...
68.5K 5.4K 123
Nang dahil sa mga kampon ng kadiliman ay naging magkakaibigan ang dalawang taong magkaiba ang paniniwala pagdating sa mga kababalaghan Ang isa ay lum...