Wife Of A Ruthless Mafia Boss...

By bitchymee06

17.1M 535K 248K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA UNDER PSICOM PUBLISHING INC. #COMPLETED How much can you put up for your rut... More

WOARMB
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
FINAL CHAPTER
ANNOUNCEMENT!
AUTHOR'S POV

CHAPTER 39

253K 8.5K 2.1K
By bitchymee06

"Uy, Jazzie!"

I flinched on my place when someone tapped my shoulder. "Oh, Ken, b-bakit?" tanong ko nang natuon ang atensyon ko sa kanya.

Kunot-noo niya akong pinagmasdan. "May problema ba, Jazzie? Kanina ko pang napapansin na para bang malalim ang iniisip mo," puna niya.

Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa bintana. "W-wala, ano... naisip ko lang si Erom," pagpapalusot ko.

Kababalik ko lang sa hotel pero ito ako, lutang at hindi makagawa nang maayos sa 'king trabaho. Pangatlong suite na ang nililinisan ko ngayon at ang dalawa kong silid na nalinisan kanina ay parehong palpak. Nakalimutan kong palitan ng bedsheet ang naunang suite habang nawala naman sa isip ko na linisin ang cr ng pangalawang kwarto. Kaya naman ngayon sa ikatlong suite na nakatoka sa akin ay nagpasama na ako kay Ken para hindi na makalimot pa sa ibang bagay. Marahan akong nagpakawala ng buntonghininga at muling tinanaw ang itim na sasakyan sa ibaba ng gusali.

It's Valjerome's car.

Halos kainin ako ng kaba kanina nang natanawan kong nakaparada ang sasakyan niya bago ako pumasok ng gusali. Inakala ko pa na naka-check in siya sa hotel pero hindi ko nakita ang pangalan niya nang hanapin ko iyon sa listahan. Maski ang pangalan ni Jaime ay sinubukan kong hanapin, nagbabakasakali na iyon ang ginamit niya pero wala ring lumabas sa system. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nandoon siya sa loob ng kanyang sasakyan.

Kung totoo na nandito siya... bakit niya ako pinuntahan?

Halos ilang oras kong iniisip ang dahilan kung bakit siya nandito. Gusto niya bang mag-usap kami? Mangulit? Makiusap? Kung isa man doon ang dahilan...

Bakit hindi niya ako hinaharap?

"Sigurado ka? Kanina mo pang pinupunasan ang bintana na 'yan, Jazzie," ani Ken.

Napatigil ako sa 'king ginagawa at nahihiyang napaiwas ng tingin. "A-ano... hindi ko napansin," muli kong pagsisinungaling at lumipat sa kabilang pwesto.

"Jazzie," pagkuha ni Ken ng atensyon ko.

Alanganin akong tumingin sa kanya.

Naroon ang pag-aalala sa kanyang paninitig sa akin at saka huminga nang malamim. "Nalinisan mo na 'yan," imporma niya.

Hindi ko tuloy naiwasang pamulahan ng mukha dahil sa pagkapahiya. Nakagat ko ang ibaba kong labi at marahan na ibinaba ang hawak kong pamunas.

"Pasensya ka na, Ken. Medyo may gumugulo lang sa isip ko ngayon," pag-amin ko at saka naglakad patungo sa kama ng silid.

Naupo ako at hinilot ang sumasakit kong sintido dulot ng labis na pag-iisip. Sumunod naman si Ken sa akin at naupo sa gilid ko, naramdaman ko ang mahina niyang pagtapik sa 'king balikat saka umayos sa kanyang pwesto.

"Alam mo, Jazzie. May mga problema na kahit hindi nasosolusyunan kapag sinasabi sa iba, nagagawa naman niyong pagaanin ang loob natin," saad niya.

Tipid na lang ako na napangiti at napatitig sa kawalan. "Hindi ko alam kung paano magdedesisyon..." panimula ko.

Ramdam ko ang pagtutok ng atensyon ni Ken sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

"Ang dami kong nalaman. Mga masasakit, nakakalungkot at nakakapanghiyang na katotohanan. Hindi ko na alam kung paano iyon isisiksik sa ulo ko, hindi ko mawari kung saan ba ako lulugar. Kung ano ang iintindihin ko; ang nararamdaman ko o ang nararamdaman ng iba. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao kapag nagalit ako, pero isa akong walang kwenta kapag pinabayaan ko." Mapait akong ngumiti habang iniisip ang sitwasyon ko at ng dati kong asawa.

"Pare-pareho kaming nasaktan, nawalan, nakagawa ng maling desisyon. Gusto kong manukat ng sakit sa mga pinagdaanan namin ngunit alam kong mali iyon. Hindi kailanman tama na magsukatan kami ng pinagdaanan dahil alam kong iba't iba kami ng lebel ng emosyon, magkakaiba kami ng limitasyon. Gusto kong intindihin ang sitwasyon niya pero... maiintindihan din kaya nila kung hindi ko pa kaya sa ngayon?" patuloy kong saad.

Binalot ng katahimikan ang silid. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Ken sa mga sinabi ko pero kahit papaano ay naroon ang paggaan ng aking dibdib dahil nasabi ko ang mga bagay na umiikot sa utak ko.

"Hindi mo naman kailangan na pilitin ang sarili mo na magpatawad..." ani Ken na nakakuha ng atensyon ko.

I slowly looked at him. Tinitigan niya lang ako at saka bumaling ng tingin sa kawalan. Isang ngiti ang pinakawalan niya bago muling nagsalita.

"Hindi naman kasi iyon ang unang bagay na kailangan mong gawin. Dahil bago ka magpatawad, kailangan mo munang tanggapin ang lahat ng mga nangyari. Kailangan mong tanggapin ang sitwasyon, ang sanhi, ang resulta, bago mo pa magawang patawarin ang taong nagkasala sa iyo," aniya.

Marahan siyang bumaling sa akin at saka ako muling tinapik sa balikat. "May mga rason talaga na kailanman ay hindi natin makakayang tanggapin dahil hindi tayo ang nakatungtong sa mga swelas nila noong panahon na iyon. Ngunit 'wag mong iisipin na mali ka o masama ka dahil lang hindi mo matanggap ang lahat. Tulad nila, ay wala rin sila sa sitwasyon mo noong mga oras na nasaktan ka, nagalit o ano pa."

Hindi naman ako nakaimik pa sa mga sinabi niyang iyon. Naiintindihan ko ang bawat punto ni Ken. Tama siya, wala ako sa sitwasyon ni Valjerome o ng ama niya noong mga panahon na kinailangan nilang gumawa ng mali. Alam ko man na naging mahirap para sa kanila ang desisyon nila ay hindi ko naman alam ang pakiramdam niyon dahil kailanman ay hindi pa ako nalagay sa ganoong sitwasyon.

Sinsero akong ngumiti kay Ken. "Salamat. Tama ka, hindi man nasolusyunan ang dinadala kong problema, gumaan naman iyon dahil may napagsabihan ako," wika ko.

"Maliit na bagay, Jazzie. Gano'n naman talaga ang magkaibigan, 'di ba? Handang makinig sa namomroblema kahit magpaulit-ulit pa iyon."

Saglit akong natawa at marahan na hinampas ang kanyang balikat. "Siraulo, para bang sinasabi mo na uulit-ulitin ko iyon."

"Malay ko ba kung maghiwalay kayo ng boyfriend mo, tapos marupok ka. Babalikan mo tapos maghihiway tapos babalikan ulit. Kapag gano'n chat na lang tayo, ah? Para backread ka na lang sa mga advice."

Boyfriend?

Ngumiwi naman ako at naiiling na tumayo. "Sige na, tapusin na natin itong paglilinis at naka-unli 'yong word na 'tapos' mo," galaw ko.

Tiningnan ako nang masama ni Ken at saka sumunod sa pagtayo. "Pasalamat ka absent si Stacey. Naku! Lagot ka ro'n kapag nalaman niyang nagpasama ka sa 'kin," pananakot niya.

I rolled my eyes and fixed my trolley. "Grabe, takot na takot ako mga one million times," sarkastiko kong wika.

"Dapat in-extend mo pa leave mo, Jazzie. Mga isang taon," sagot ni Ken pabalik.

Palihim akong napangiti at itinulak ang trolley bilang paghahanda sa pag-alis. "Mawawalan ng maganda rito sa hotel. Kawawa naman mga mata mo, puro pangit ang makikita."

His mouth parted because of my sudden show off. Kinuha ko naman iyong pagkakataon para unahan siyang makaalis sa lugar.

"Hoy, Jazzie! Maganda si Stacey ko!" sigaw niya nang nakalayo na ako ng kaunti.

I turned around and raised an eyebrow, then pointed my face. "This is the definition of beauty, Ken. Pa-check up ka na," tudyo ko at saka siya tuluyang iniwan.

Naglalakad ako patungo sa silid ng pahingahan naming mga staff nang natigilan ako at napakunot ang noo. Normal na sa akin na makita si Chaos, pero ang katabi niya ang hindi. Napalunok na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Una akong sinalubong ni Chaos kaya naman tipid akong ngumiti. Doon ko lang napagtanto ang mga bagay na nagawa ko dahil sa aking desisyon.

"Mukhang pagod ka," puna niya sa akin.

"Medyo lang. Marami kasing bisita ang nag-check out," paliwanag ko.

Tumango naman siya at ngumiti. "Here, pampabalik ng energy," tudyo niya habang ibinibigay ang kumpol ng pulang rosas sa akin.

"Nag-abala ka pa, salamat," sinsero kong usal at palihim na sinisilip ang katabi niyang lalaki. "Ahmm... may kailangan ka ba, Jaime?" usisa ko rito.

Sandali siyang tumingin kay Chaos at saka lumapit sa akin. "Lunch niyo po," aniya habang nakaaro ang isang paperbag sa harapan ko.

Natigilan naman ako at ilang segundo na napatitig doon bago iyon alanganin na tinanggap.

"K-Kanino po galing i-ito?" pagsusumikap kong tanong.

May ideya man ako ay gusto kong makasigurado.

"Kay Señior Valjerome po, Ma'am," tugon ni Jaime.

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 1.9K 43
Bakit kaya umuulan? Dahil ba nabibigatan na ang mga ulap kaya wala na silang ibang magawa kundi bumigay? Para kay Mikay, hindi siya pwedeng bumigay...
1.3M 25.1K 49
" Please, wag ang anak ko, Enrique! Ako na lang ang saktan mo! Wala syang kasalanan!" Pero hindi siya nakinig bagkos ay itinulak ako dahilan para tu...
8.2K 246 105
Meg lost her first love two years ago in a car accident but the pain is still overwhelming. Dean is looking for the loved ones of his cornea donor. ...
71.1K 2.2K 40
Pierson Maxrill Salvatore