Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 39

659 52 3
By Akiralei28

**********oo**********

Alas Singko ng Hapon

"Handa na ba kayo mga apo?," tanong ni Lola Luciana sa kanilang pito habang inihahanda ang kanilang mga gagamitin at sandata laban sa mga aswang

"Opo, Lola Luciana," kuro nila

"Yuri, apo," sabay bigay ng isang maliit na bag,"Ilagay mo dito ang nobyo mo para hindi mahulog at hindi ka mahirapan sa pagdala,"

"Salamat po," ani niya at itinali sa bewang bago ipinasok doon ang tutang si Khael

"Ang swerte naman ni Khael," ani ni Kevin,"Lagi kasama ang babaing mahal na mahal niya," at nagtawanan sila dahil sa sinabi nito na pabiro

Kinahulan naman ni Khael si Kevin bilang pagsaway kaya lalo pa sila nagtawanan

Matapos nilang magkwentuhan at tawanan ay inihanda na nila ang kanilang mga kagamitan

"Heto gamitin niyo," ani ni Lola Luciana,"Magagamit niyo ito sa mga aswang na lumilipad,"

"Pana po?," takang tanong nila habang sinisipat ang panang binigay sa kanila ni Lola Luciana

"Oo, kakaiba ang panang iyan," ani nito na sinisipat nilang magkakaibigan

Binigay naman nina Kevin at Bryan ang pana sa tatlong babae para hindi na ang mga ito makipaglaban pa ng masyado


**********

Mabilis na lumipas ang mga oras

Gabi na at napakatahimik

Nasa labas ng bahay ang pito habang nag uusap at naghihintay ng mga aswang

"Masyadong tahimik," ani ni Lola Luciana habang nagmamasid sa kapaligiran,"Kapag ganitong napakatahimik ay napakadelikado,"

"Oo nga po eh," ani ni Yuri na kalong si Khael,"Pati mga kulisap at mga pang gabing insekto ay wala man lang po ingay,"

"Maghanda at mag iingat kayo mga apo," bilin ni Lola Luciana sa kanilang pito

"Opo," kuro nilang pito sabay palinga linga sa paligid

"Nga pala mga apo," ani nito bago tuluyang makapasok sa loob ng bahay,"Hindi niyo ba napansin kung dumating na ang mag tiyuhin na sina Ben at Tonton?,"

Nagpalinga linga sila sa paligid at tila may hinahanap doon

"Wala pa po Lola," tugon ni Kevin,"Wala pa po iyong tricycle nila,"

"Gabi na," singit ni Oca,"Nasaan na nga sina Manong Ben at Tonton?," may pag aalalang tanong nito

"Baka nasiraan lang sila at papauwi na din ang mga iyon," ani ni Lola Luciana sa lalake na labis na nag aalala para sa kaligtasan ng dalawa,"Ang mabuti pa ay bantayan mong maigi ang mag ina mo dahil sila ang pakay ng mga kamagrang,"

"Opo," tugon nito

"Kami nalang po ang maghihintay kina Tonton at Mang Ben, Mang Oca," ani ni Bryan sa lalake

"Mag iingat kayo mga anak," ani nito sa kanila na ikinatango lang nila sabay sabay

"Papasok na din ako mga apo," paalam ni Lola Luciana,"Yuri ako na muna ang bahala sa kanya," sabay nguso sa natutulog na tuta

"Salamat po," maingat niyang inalis ang pagkakatali ng bag sa bewang niya bago iniabot kay Lola Luciana ang tutang si Khael, hinalikan muna niya iyon sa ulo na ikinangiti ng matanda sa kanya

Bago ito tuluyang umalis ay pinaalalahanan pa sila na amg iingat sa kanilang laban

Nagdasal muna silang pito bago nila inihanda ang mga armas

"Heto," sabay abot ni Yuri ng tig iisang balisong sa mga kaibigan,"Para sa malapitan,"

"Salamat," ani ng mga iyon na ikinatango niya

"Kayo na ang gumamit ng mga panang iyan," sabay turo ni Kevin sa tatlong pana na kasama na ang mga bala niyon

"Mabisa ito," ani ni Aira

Napatango nalang sila at isinukbit ang lagayan ng pana sa kanilang likuran at sa harapan naman isinukbit ang itak

Nakita nila ang dulo ng pana na nagingintab, alam nila na gawa iyon sa tanso at pilak na pinaghalo para sa mga aswang at panlaban sa mga bampira

Kaya hindi nila iyon sasayangin at kailangan nilang ipatama ang bawat bala niyon sa mga aswang

**********

Sa di kalayuan,

"Tiyoy Ben, may mga tiktik po sa likuran natin," kinakabahang ani ni Tonton habang nakasilip sa labas ng tricycle

"Malapit na tayo," ani ni Ben sa pamangkin niya

Lalo pa sanang bibilisan ni Ben ang pagpapatakbo pero biglang tumirik ang makina ng motor ilang metro nalang ang layo nila sa bahay nila

"Tiyoy, ano pong nangyari?," kinakabahang tanong ni Tonton sa kanyang tiyuhin

"Nagloko na naman ang motor ng tricycle," kinakabahang ani ni Ben na lumilingon sa likuran nila

"Tiyoy, malapit na po sila!," sigaw ni Tonton sa tiyuhin

"Tara takbo na," sabay hila sa pamangkin na lumabas na mula sa loob ng tricycle

Tumakbo silang mag tiyuhin, hawak na mabuti ni Ben ang kamay ng pamangkin, habang panay ang lingon sa kanilang likuran

Nakita ni Ben ang mga tiktik at kamagrang na humahabol sa kanila ng mga sandaling iyon

"Tulong! Tulungan niyo po kami!!," sigaw ni Tonton na umiiyak na at naghahalo na ang pawis at sipon sa mukha nito

Habang si Ben ay pinagpapawisan na ng malapot dahil sa kaba at takot na nararamdaman nito,

Kinakabahan at takot para sa buhay niya lalo na sa buhay ng pamangkin nito, kaya mas binilisan pa nila ang pagtakbo para sa kaligtasan nilang dalawa

"Tulong! Tulungan niyo po kami!!," sigaw pa ulet ni Tonton,

May nakakadinig naman sa kanila sa bawat kabahayan na nadadaanan nila, dahil bawat kabahayan ay gising pa ng mga sandaling iyon, na nakikiramdam lang sa kanilang paligid

Naaawa sila sa mga taong tumatakbo sa labas, napapailing dahil sa naabutan amg mga ito ng dilim lalo na at naglipana na ang mga kamagrang at tiktik

"Aray ko, Tiyoy!," ani ni Tonton ng bigla naman itong nadapa, tatlong kabahayan nalang ang layo nila sa bahay nila ng madapa ito dahil sa natisod ito sa nakausling bato

"Anong nangyari sayo?," nag aalalang tanong ni Ben sa pamangkin ng makitang nadapa ito,"Kaya mo bang tumayo at tumakbo?,"

"Natalisod ako, Tiyoy," sagot ni Tonton na umiiyka na,"Masakit po ang paa ko, nabalian po yata ako,"

"Halika ka at aakayin kita," sabay itinayo ang pamangkin at inakay na patakbo papalayo

"Tulungan niyo po kami! Parang awa niyo na po!!," umiiyak na sigaw ulet ni Tonton

Habang tumatakbo ng dahan dahan dahil sa sakit paa nito at ang tuhod naman nito ay nagdurugo na dahil natusok iyon ng matulis na bato

"Boses iyon ni Tonton ah," hangos ni Oca ng madinig ang sigaw ng anak, napatingin pa iyon sa kalangitan,"Hinahabol sila ng mga tiktik at kamagrang,"

"Po?!," gulat nilang tanong sabay tayo at kinuha ang mga armas

"Kami na po ang bahala," ani niya sa lalake,"Pumasok na po kayo sa loob, Mang Oca,"

"Kami na po ang tutulong sa kanila," sabi pa ni Nena

"Mag iingat kayo mga anak," bilin pa nito kaya napatango nalang silang pito bago tumakbo papalabas sa bakuran nila

Inihanda na nina Aira, Nena at Sister Janelle ang pana, nilagyan agad nila iyon ng bala para maasinta ang mga tiktik na lumilipad at paikot ikot sa magtiyo

Sila ang pumapana sa mga lumilipad na tiktik, habang sina Kevin at Bryan naman ang tumataga sa mga kamagrang na gustong lumusob sa dalawa

Sila namang dalawa ni Trina ay nilapitan ang mag tiyo at inalalayan sa pagtayo si Tonton

Si Ben naman ay binuhat na ang mga supot na dala ni Tonton na hindi na nagawang iwanan sa tricycle dahil alam nito na kailangan iyon ng kanyang kapatid

"Mauna na kayo!," sigaw ni Kevin habang nakikipaglaban na mga kamagrang na nasa harapan nila

"Babalikan namin kayo!," sabi ni Trina sabay akay sa bata, tinulungan naman ni Yuri si Ben sa mga dala nitong supot

"Bilisan na ninyo!," sabi ni Nena sa kanila,"Parami na sila ng parami sa taas, napakadami na nila!,"

"Oo!," kuro nilang dalawa at mabilis na nilang itinakbo pauwi sa bahay ang magtiyo sa bahay nila

Habang panay naman ang lingon ni Yuri sa mga kaibigan na nakikipaglaban sa mga tiktik at kamagrang

Nakita niyang tumigil na sa pagpana si Aira at tinulungan na ang dalawa na pinaikutan na ng mga kamagrang

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Continue Reading

You'll Also Like

696K 48.3K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
17.7K 428 38
a true identity of park and Damian is now revealed
76.8K 6.2K 88
Isang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin...
119K 5.3K 90
Pagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay...