Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

Da Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... Altro

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 38

640 54 3
Da Akiralei28

**********oo**********

"Nasaan ang kasama niyong si Khael?," paghahanap ni Tatay Damaso ng makauwi silang apat sa bahay ng mga ito

"May pinuntahan lang po, Tay," sagot ni Bryan,"Susunod nalang po kami sa kanya kapag ayos na po kayo dito,"

"Ah ganoon ba?," napatango nalang sila,"Kamusta naman ang laban niyo kagabi?,"

"Ayos naman po," tugon ni Bryan at ikinuwento ang mga naganap ng gabing pinayagan sila lumabas para tulungan sina Yuri

"Babalik din kayo mamaya?," takang tanong ni Nanay Berta

"Opo," kuro nilang sabay sabay kaya pinayuhan na sila na magpahinga na muna para may lakas sila para labanan ang mga kamagrang na makakalaban nila

**********

Habang nasa silid nila ay abala naman si Yuri sa paghaplos sa makapal na balahibo ni Khael habang nakahiga iyon sa kanyang mga hita

"Khael," tawag ni Aira, kaya napaangat naman ang ulo ng tuta at tinignan ang kaibigan,"Tama nga pala sabi ni Lola Luciana, nakakintindi at nadidinig mo pala kami kahit na nasa anyong tuta ka,"

Nakita nila na umirap ang tutang si Khael, kaya natawa sila sa nakita nitong reaksiyon

"Ang taray naman nito," ani ni Sister Janelle,"Palibhasa katabi na niya at lagi siyang karga ni Leigh,"

Umungol lang si Khael na tila sinasabi na manahimik na sila na lalo naman nilang ikinatawa

Dahil sa tuwa ay kinuha ni Sister Janelle ang pamangkin na aso at pinaglaruan nila iyon, na tila umiiyak na tumingin at humihingi ng tulong kay Yuri na natatawa nalang dahil sa kalokohan ng dalawa

"Yaan muna," ani niya,"Minsan ka lang nila mapang gigilan kasi kapag bumalik kana sa dati hindi kana nila makukurot at mapanggigilan, masungit ka kasi," at nagtawanan na naman silang tatlo dahil sa hitsura ng tuta

Masama na ang tingin nito sa kanilang tatlo, na kahit anong piglas nito ay hindi makawala sa dalawa na panay ang gigil sa katawan niya at haplos sa malagong balahibo na napakalambot hawakan

"Ang bango mo," ani ni Aira, sabay yakap ng mahigpit

Umiyal at tumahol si Khael dahil sa ginawa ni Aira

"Ngayon lang kita mayayakap eh," sabay tawa ni Aira

"Sinasamantala ninyo habang nasa anyong tuta siya ah," ani niya,"Hindi mo ba siya nayakap, Aira?,"

"Hindi," tugon nito na yakap pa din si Khael,"Masungit at maarte eh, saka ikaw lang nakayakap noon at ikaw pa lang nakakayaka sa kanya, kaya habang nasa ganitong anyo pa siya ay lulubos lubusin ko na,"

Napapailing nalang siya sa dalawa na salitan kung pang gigilan at asarin ang tutang si Khael na masama na ang tingin sa kanila

"Naku kung nasa anyong tao iyan," ani ni Lola Luciana na napansin ang itsura ni Khael,"Baka pinaghahabol na kayo ng itak," sabay tawa,"Ang sama na ng tingin niya sa inyo, sabi pa niya humanda daw kayong dalawa kapag bumalik siya sa anyong tao,"

"Ha? Bakit po ano ang gagawin niya sa amin?," takang tanong ni Aira sabay abot ng tuta kay Yuri

"Itatali kayo at gagawing aso," sabay tawa nito,"Apo," baling kay Yuri,"Maswerte ka sa kanya, mahal na mahal ka niya, nakikita at nababasa ko sa mga mata niya kapag tinitignan ka,"

Napatili naman ang dalawa dahil sa kilig at sinabi ni Lola Luciana, napapangiti nalang siya

Nang tignan niya ang tutang si Khael ay nakatingala iyon sa kanya at nakatingin

Hinaplos nalang niya ang ulo nito at hinalikan ng mabilisan, kaya yumuko na ito ay isiniksik ang ulo sa kanyang mga braso

"Nakakatuwang nilalang," ani ni Lola Luciana,"Malakas siyang nilalang, isang mabuti at mapagmahal na uri ng ganyang nilalang na ngayon ko lang nakita at nakilala,"

"Lola, ibig sabihin babalik lang po siya sa kanyang kaanyuan kapag lumitaw na ang pulang buwan?," tanong ni Sister Janelle

"Oo," tugon nito

"May limang araw pa," ani ni Aira sabay tingin kay Khael,"Eh Lola bakit po ganyan siya? Matamlay at tulog lang ng tulog?,"

Tinitigan naman ni Lola Luciana si Khael na tulog na tulog sa mga braso ni Yuri

"Masama para sa kanya ang pagkain ng laman ng aswang," paliwanag naman ni Lola Luciana,"Ang pupwede lang sa kanya ay ang puso ng mga aswang na napapatay niya,"

Napatango nalang silang tatlo sa pinaliwanag ni Lola Luciana

"Alam ko ang dahilan kung bakit kayo napadayo," ani pa nito

Kaya nagkatinginan silang tatlo sa sinabi nito, naramdaman naman niya na gumalaw si Khael kaya minabuti muna niyang ilapag ito sa kanyang tuwalya

"Dahil sa mutya ng bulaklak ng Arguas, tama ba?," tanong nito sa kanila,"Na ang tanging makakakuha lang noon ay ang kalahating aswang at kalahating bampira na miminsan lang magkaroon sa libong taon,"

"Tama po kayo, Lola," sagot niya

"Mas magiging malakas siya at makapangyarihan kapag nakuha niya iyon," sabi nito,"May puso siyang mapagmahal kaya alam ko sa kabutihan niya gagamitin iyon,"

Pinagmasdan nila ang tutang si Khael na himbinh na natutulog

"Ilang araw pa siyang ganyan," ani nito,"Napaka among tuta at walang kakayahang ipagtanggol o ipaglaban ang sarili laban sa mga masasamang elemento,"

"Hayaan niyo po Lola," ani niya,"Hindi ko po siya ihihiwalay sa akin, babantayan ko po siya,"

Napatango at napangiti naman ang matanda dahil sa kanyang tinuran

"Hindi siya nagkamali ng ikaw ang mahalin niya, apo," sabay tapik sa balikat niya,"Bagay na bagay kayong dalawa ng Prinsipe,"

Napangiti nalang sila kay Lola Luciana, sikuhan naman ang dalawa habang tinitignan siya pati na ang tutang si Khael na natutulog sa di kalayuan

**********

Samantala sa bahay nila,

"Napahamak si Khael," ani ni Lola Maria sa mga kasama nila

"Po? Paano mo po nalaman?," takang tanong ni Nanay Alfie

"Dahil sa gabay ko," sagot ni Lola Maria,"Pero panandalian lang iyon kaya magiging maayos din siya,"

"Paano at ano po ang nangyari kay Khael, Lola?,"tanong ni Nanay Alfie

"Dahil sa nalalapit na pagbilog at pagpula ng buwan ay naapektuhan ang kanyang katauhan bilang aswang," napapailing ito

"Paano po iyon nangyari, Lola?," takang tanong din ni Tatay Carlos

"Dahil doon ay natakam siya at nakakain ng laman ng aswang," ani ni Lola Maria,"Hindi siya pwede makakain ng laman ng kapwa aswang niya, pwede lang siya kumain kapag puso lang ng aswang," napapailing na sambit nito sa mga kaharap

"Ano po ang nangyari kay Khael Lola?," tanong na kinakabahan na sabi ni Nanay Alfie

"Habang wala pa sa kanya ang mutya ay magkakaganoon talaga siya," ani ni Lola Maria,"Naging tuta si Khael dahil sa pagkain niya ng laman ng aswang na kamagrang,"

"Makakabalik pa po ba siya sa kanyang dating anyo, Lola?," tanong ni Nanay Alfie

"Oo," sagot nito,"Sa pagbilog mismo ng buwan at pagpula nito ay babalik siya sa pagiging tao, wag kayong mag alala, nasa pangangalaga siya ng apo ko,"

"May limang araw pa siya sa ganoong itsura?,"

"Oo," tugon ni Lola Maria

"Paano po maipagtatanggol ni kuya Khael ang sarili niya, Lola?," tanong ng kuya ni Ella sa kanya

"Si Yuri na ang bahala sa kanya at ang mga kasama nito," napatango naman sila at nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nito

Nagdasal nalang sila na sana ay makauwi na ang mga ito ng ligtas at walang bawas kahit isa

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

66.7K 1.2K 40
Ang pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa...
28.9K 2.1K 71
Ano ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at ma...
76.5K 6.2K 158
Heto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita k...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...