Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 37

621 59 3
By Akiralei28


**********oo**********

Nang wala na ang mga aswang na kamagrang ay tumayo na silang lahat at nilapitan nila si Yuri na nakalumpasay dahil sa kapaguran na nararamdaman

"Kamusta kayo?," tanong niya sa mga iyon,"Ayos lang ba kayo?,"

"Oo," tugon ni Aira,"Ikaw?,"

"Ayos lang din naman," tugon nito,"Dumating na ba si Khael?," may pag aalalang tanong niya

Sabay sabay na umiling ang mga iyon kaya kaagad siyang tumayo at tumakbo papasok sa matalahib na parteng iyon ng lupain

Naguguluhan naman ang mga iyon ay kaagad na silang sumunod kay Yuri na tumakbo papasok doon sa matalahib na lugar

Nakita nila sa di kalayuan si Yuri na nakatayo at may tinitignan na kung ano kaya mas minadali pa nila ang pagtakbo

**********

Samantala,

Patuloy naman sa pagkain ng malaking puso si Khael na tila gutom na gutom at hayok na hayok sa pagkain ng puso

Iyon naman ang tagpong naabutan ni Yuri, ang makitang kumakain ng puso ng aswang na kamagrang

Nakatulala siya habang tinitignan ang kasintahan sa kalagayan nito, iyon din ang maabutan ng mga kaibigan nila

Halos masuka naman ang ilan sa kanila ng makita ang kinakain ni Khael, hindi sila makakilos at makapagsalita sa nakita

Matapos kasi kainin at maubos ni Khael ang puso ay sinunggaban pa nito ang katawan ng asong kamagrang at kinakain pa nito

Napaiyak nalang si Sister Janelle at napatakip sa bibig nito

Patuloy na sa pagsusuka ang mga kaibigan nila dahil sa pandidiri at sa nakikitang kagahaman ni Khael sa pagkain ng katawan ng aswang

"Khael," anas niya na lumapit sa kasintahan,"Tama na iyan," awat niya dito

Lumingon si Khael sa kanila, nagulat sila sa kakaiba nitong anyo, kakaiba sa una nilang nakitang pagpapalit ng kaanyuan nito, ngayon nila masasabi na para itong halimaw sa itsura

Kakaiba na ang kaanyuan nito, mukha na itong isang tunay na aswang dahil sa napakapanget nitong itsura

"Khael, anong nangyayari sayo?," tanong niya na punong puno ng pag aalala

Umangil ng malakas si Khael at lumapit kay Yuri, tinalunan siya nito kaya natumba sila

"Yuri/Khael!," sigaw nila na tinawag ang pangalan nilang dalawa

Nakakubabaw sa kanyang katawan si Khael, hinawakan siya sa magkabilaang balikat

Napapikit siya ng maramdaman ang dulo ng bunganga nito na naramdaman niya na nasa leeg na niya, ramdam din niya ang malapot nitong laway na may kasamang malansang amoy dahil sa dugo ng kinain nitong aswang

"Khael!," sigaw ni Sister Janelle,"Ano bang nangyayari sayo?," tanong nito na may takot na nararamdaman

"Si Leigh iyan!," sigaw naman ni Nena,"Bakit ka ba nagkakaganyan?!,"

Tumingin sa kanila si Khael, tinitigan sila isa isa kaya nakaramdam sila ng kilabot, napakabalasik ng itsura nito lalo na ang mga matang ubod ng pula na kagaya ng sa dugo

Matapos silang titigan ay ibinalik na nito ang tingin kay Yuri,

Hindi na nila nakita na nagbago kaagad ang itsura nito ng matitigan ang maamong mukha ng dalagang mahal na mahal niya

Kaagad napabalikwas ng bangon si Khael at lumayo kay Yuri na napadilat ng maramdaman na nawala na sa ibabaw niya si Khael

Agad siyang bumangon at nakita niyang nasa di kalayuan si Khael, nakayuko iyon na tila umiiyak

Nagkatinginan silang lahat at nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik sa dati nitong anyo

"Khael,"tawag niya,"Halika na at uuwi na tayo," malumanay niyang tawag at nilapitan pa ito

Pero umurong lang si Khael na nasa anyong aswang

"Bumalik kana sa dati mong anyo," ani ni Sister Janelle,"Nagugutom na kami at gusto na namin magpahinga, alam ko ganoon ka din,"

Hindi nila nadinig na umimik ito, bagkus ay umuungol lang iyon na kagaya sa isang aso na tila umiiyak at natatakot

Maya maya ay nakita nilang nagbago iyon ng anyo, pero laking gulat nila dahil hindi ito naging tao

Kundi maging isang puting tuta ito, agad itong tumakbo at sumiksik sa mga binti ni Yuri

Ikiniskis naman ang malagong balahibo sa mga binti niya, kaagad naman niya iyong kinarga

"Bakit naging ganyan kaa?," umiyak na tanong ni Sister Janelle sa pamangkin, tinignan nilang mabuti ang itsura ni Khael

"Mata pa din ni Khael ang nakikita ko," sabi ni Kevin,"Matang tao hindi mata mg aso,"

"Ang cute mo naman," sabay pisil ni Aira kay Khael na natutuwa

Umangil iyon at sumiksik sa mga braso niya kaya natawa silang lahat sa inasal nito

"Ngayon magkasa na kayo lagi ni Leigh," bulalas ni Nena,"Leigh sayo na yan si Khael, itabi mo sa pagtulog at alagaan mo," sabay tawa nila

"Ang sa ng tingin niya oh," ani ninTrina,"Kahit aso ka na pala iyong ugali mo Khael na Khael na pa din," sabay himas sa ulo nito

"Swerte mo," ani ni Bryan,"Makakatabi mo na si Yuri sa pagtulog,"

"Umayos kayo ah," saway niya habang yakap yakap niya sa mga braso ang tutang si Khael na napakalago ng balahibo nito,"Ang bango mo naman, Moon,"

"Yan na ang itatawag natin sa kanya," sabi ni Sister Janelle,"Tutal Khael Moon naman ang pangalan niya para hindi halata, Moon nalang ang itatawag natin sa kanya diba?,"

"Tama," kuro nila kaya sabay sabay na silang lumabas ng matalahib na lugar na iyon

Para pumunta sa bahay na kanilang tinulungan para mailigtas ang mga iyon


**********

Nakita na sila ni Lola Luciana ng makitang paparating na sila mula sa matalahib na lugar na iyon

"Kamusta kayo mga apo?," tanong nito sa kanila

"Ayos lang po, Lola Luciana," tugon niya,"Kamusta po ang panganganak ng Ale?,"

"Nakapanganak na siya ng maayos," tugon nito na nakatingin sa tutang yakap niya na ngayon ay natutulog na,"Salamat pala sa inyo, siyanga pala, naibaon ko na sa lupa ang mga ginamit niyong itaka, para mamatay na iyong mga nakatakas na sugatan,"

"Salamat po, Lola," tugon nila

"Lola Luciana," ani ni Oca,"Papasulin niyo po muna sila para makapag almusal," yaya nito

"Tara na mga apo," yaya nito,"Maghilaos muna kayo at ang dudungis ninyo," sabay tawa nito,"Ako na muna ang bahala sa aso mo, apo,"

"Sige po, Lola," sabay abot niya kay Lola Luciana si Khael na umungol lang pero hindi naman nagising

Agad silang pumunta sa likurang bahagi ng bahay nila Oca na kung saan ay may poso doon

Salitan sila sa paglilinis ng katawan at sa pagbobomba ng poso para lahat sila ay makapaglinis ng katawan nila na may mga natuyong dugo mula sa mga aswang na napatay nila

Matapos iyon ay ginamit nila ang binigay na tuwalya ni Oca para pamunas nila sa kanilang katawan

Bago sila bumalik at pumasok sa loob para makapag almusal

Nakita nila ang asong si Khael na natutulog pa din at nakahiga sa isang kumot

Kasalo nila sa hapagkainan si Lola Luciana habang nagpaalam naman si Oca na pupunta muna sa palengke para makapamili ng kakailanganin ng asawa nito at ng sanggol

"Hindi siya ordinaryong tuta diba?," tanong ni Lola Luciana sa kanila,"Kakaiba siya lalo na kanina ng dumilat siya bago bumalik sa pagtulog, mata ng tao ang nakita ko," mahabang sabi nito

Nagkatinginan silang pito sa sinabi at sa nakita mg matanda

"Tao siya diba?," tanong nito,"O mas tamang sabihin kalahating aswang at bampira, pero pinalaki sa mundo ng mga tao, tama ba?,"

Hindi sila nakaimik dahil hindi nila alam kung paano ipapaliwanag sa matanda ang lahat

"Siya iyong binata na kasama niyo kahapon diba?," tanong ni Lola Luciana kina Kevin,"Nakita ko kayo kahapon sa labas ng bahay, nagising ako at nakita ko kayo,"

"Lola, paano niyo po nalaman?," tanong niya sa matanda,

"Yuri, apo," ani nito,"Alam mo ang nalalaman ko, siya ba iyong binatang si Khael? Nakakadinig at nakakaintindi siya pero hindi niya magawang magsalita,"

"Bakit po nangyari sa kanya iyon?," takang tanong ni Kevin

"Dahil nakakain na siya ng laman ng aswang," sagot nito,"Hindi niya napigilan ang sarili niya, naaapektuhan siya sa nalalapit na kabilugan at pagpula ng buwan,"

"Paano po siya makakabalik sa dati?," nag aalalang tanong ni Sister Janelle

"Sa mismong araw o gabi kapag tuluyan ng sumikat at lumitaw ang pulang buwan," paliwanag nito,"Pero wag kayong mag alala hindi na siya makakapanakit o magiging aswang kapag nasa ganyang kaanyuan siya,"

Nakahinga naman sila ng maluwag dahil sa nalaman nila,

Matapos makapag agahan ay tuluyan na silang umalis doon, nangako naman sila na babalik sa kinahapunan para samahan sila

Dahil sinabi naman ni Lola Luciana na mas magiging agresibo ang mga kamagrang dahil nailuwal na nito ang sanggol

Kaya naghanda na ang magbayaw na Oca at Ben sa pagsasabit ng mga ibat ibang pangontra sa mga aswang na tatalab sa mga kamagrang

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 88.2K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
17.7K 428 38
a true identity of park and Damian is now revealed
59.1K 2.2K 37
They once made eye contact. When their eyes met for the second time, will they recognize each other? Jessica Blane, a sixteen year old middle school...
66.7K 1.2K 40
Ang pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa...