Wife Of A Ruthless Mafia Boss...

By bitchymee06

16M 522K 244K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA UNDER PSICOM PUBLISHING INC. #COMPLETED How much can you put up for your rut... More

WOARMB
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
FINAL CHAPTER
ANNOUNCEMENT!
AUTHOR'S POV

CHAPTER 37

234K 9.3K 5.9K
By bitchymee06

(WARNING/AUTHOR's NOTE: Ang kabanatang ito ay nangangailangan nang malawak na pag-intindi. Maaaring hindi niyo magustuhan ang mababasa ninyo o hindi n'yo matanggap ang nakapaloob dito. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng pasensya sa mga madi-disappoint at sana ay balikan n'yo ang ikalawang chapter (synopsis) at muling basahin ang huling paragraph na isinulat ko ro'n. Salamat.)
***

HALOS tatlong minuto na ang lumipas mula nang ibaba ako ng taxi driver sa harapan ng mansyon ni Valjerome. Dahil nga kasama ako ay hinayaan ng mga bantay na nadaanan namin na makapasok ang sasakyan. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa kabuuan ng bahay niya. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang mapakla habang naiisip ang mga taon na inilagi ko sa masyon na ito.

Matagal na rin pero parang kahapon lang ang lahat...

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko saka ako naglakad papasok. Agad na sumalubong sa akin si Jaime, base pa lang sa tingin na ibinigay niya sa akin ay ramdam ko ang pasasalamat doon. Napaisip tuloy ako kung maayos ba ang trato ni Valjerome sa kanyang mga tauhan at ganito na lang sila mag-alala para sa kanila. Mas lalong dumoble ang guwang sa dibdib ko dahil doon.

Sana ay nagawa niya rin akong itrato nang maayos noon.

Iwinaksi ko na lang iyon sa isip ko at itinuon ang atensyon sa dahilan kung bakit ako naparito. Iyon ay ang pakiusap ni Manang na asikasuhin ko si Valjerome. Labag man sa loob ko na makita ang dati kong asawa ay pinili ko pa ring pumunta dahil sa linya na sinabi ng anak ko kanina.

Halos anim na taon kong kinargo ang galit at sama ng loob ko kay Valjerome. Panahon na rin siguro para pakawalan ko ang lahat. Napapagod na rin akong manumbat, manakit, manisi. Kailangan ko na maging maayos para makapagsimula ng panibago.

Seryoso ako noong binigyan ko ng pagkakataon si Chaos. Maaaring wala pa akong nararamdaman ngayon sa kanya pero bukal sa loob ko na bigyan siya ng pagkakataon. Bukod sa deserve niya iyon ay nakikita ko rin ang pagpapahalaga niya sa amin ng anak ko. Oras na rin siguro para sumubok muli, ang sumugal ulit.

"Hija, mabuti naman at nagpunta ka," salubong ni Manang sa akin.

Tipid akong ngumiti at napaangat ng tingin sa ikalawang palapag nang may narinig akong ingay roon. Hindi iyon gano'n kalakas pero dahil sa magkakasunod na mahinang kalabog ay maaagaw niyon ang atensyon ko.

"Akyatin mo na, anak. Kanina pa siya bumabaril sa loob," ani Manang, bakas ang pag-aalala sa kanyang tono.

"Bukas po ba ang kanyang silid?" usisa ko.

Umilin si Manang at nagpakawala nang malalim na hininga. "Anak, alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa inyo ng asawa mo. Pero sana ay magawa mo siyang pakinggan."

Gusto kong itama si Manang sa sinabi niyang asawa ngunit hindi ko na ginawa pa dahil muli na naman akong nakarinig ng dalawang kalabog sa itaas na palapag.

"Pupuntahan ko lang po," paalam ko at tuluyan nang naglakad patungo sa hagdanan.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay tila tumatakbo ng milya-milya ang utak ko. Nakakatawang isipin na lubos akong nag-iisip ngunit hindi ko matukoy kung ano ba ang iniisip ko.

Tumigil ako sa paglalakad nang nakarating ako sa labas ng silid ni Valjerome. Tumitig pa ako ro'n ng ilang segundo at saka kumatok ng tatlong beses.

"Leave," I heard him spoke from inside.

I breathe deeply and pinched my fingers. "It's me," I uttered.

Hindi ko alam kung narinig niya iyon. Wala akong sagot na narinig mula sa kanya hanggang sa nagulat na lang ako sa marahan na pagbukas ng pinto.

Agad na sumalubong sakin ang namumungay na paningin ni Valjerome. Mula sa aking pwesto ay amoy na amoy ko ang alak na nagmumula sa kanya. Gulo-gulo ang mahaba niyang buhok at namumula ang kanyang mga mata. Kahit ang kwarto niya ay hindi ko naiwasang pansinin, nagkalat ang mga basag na kagamitan pati na rin mga bote ng alak na walang laman.

We didn't speak for a second. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin habang ako naman ay nakaiwas ang paningin.

Nahigit ko ang aking hininga nang mabilis siyang kumilos para yakapin ako. Bumaon ang mukha ko sa dibdib niya habang mahigpit siyang nakayakap sa bewang ko. Hibang man kung iisipin ngunit pakiramdam ko ay takot na takot siyang mawala ako. Isang ilusyon na paulit-ulit kong pinaniwalaan noong nagsasama pa kaming dalawa.

"V-Valjerome," utal kong tawag nang nakaramdam ng ilang.

"Limang minuto lang, pakiusap. Limang minuto lang, hayaan mo ako," namamaos na bulong niya.

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang hayaan siya sa kanyang gusto. Mayamaya pa, tulad nang sinabi niya ay kusa siyang bumitaw. Bahagya pa siyang gumewang marahil sa rami ng alak na nainom niya.

"I'm dreaming again, right?" he asked, looking at me softly.

Again, I averted my eyes. Seeing him like this was new to me. Hindi ako sanay na ganito siya. Masyado akong nasanay noon sa malamig niyang awra, sa makapangyarihan niyang tindig, sa walang pakialam niyang paninitig. Lahat iyon ay kabaligtaran nang nakikita ko ngayon.

"You should go to sleep, Valjerome," ani ko at alanganing lumapit sa kanya.

I held him from his arm to support him. Agad na dumapo ang paningin niya roon.

"I miss this..." he whispered and then glanced at me. "I miss you," he added.

Humigpit ang hawak ko sa braso niya at tiim bagang na nag-iwas ng tingin. "Stop lying, Valjerome. Come on, go to your bed already," I said coldly and let go of his arm.

Balak ko sanang maglakad patungo sa kama niya para maihanda ang paghihigaan niya ngunit natigilan ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. The next thing happened, stunned me.

"I'm sorry." He started crying on my shoulder. "I'm sorry for everything. I'm sorry for hurting you, I'm sorry for being the worst husband, I'm sorry for... killing our child."

Nagsimulang magtubig ang sulok ng mga mata ko habang inaalala ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan.

"I know, I don't deserve your forgiveness. But still, I want to say sorry. Alam kong walang magagawa ang paghingi ko ng tawad pero gusto kong malaman mo na pinagsisisihan ko ang lahat."

He sobbed and cried harder. "Patawad, Jazzie. Patawad," aniya sa pagitan ng kanyang hikbi.

I didn't bother to answer. Hinayaan ko lang siya na paulit-ulit na humingi ng tawad habang pareho kaming walang patid na lumuluha.

"Tama ka..." I felt him took a deep breath. "Sabihin ko man ang rason ko, wala na iyong silbi pa. Nangyari na ang mga nangyari. Anuman ang rason ko noon, alam kong hindi iyon sapat para bigyang katwiran ang lahat."

Slowly, he broke the hug and gently held me to face him. "Kill me," nangungusap na sambit niya na nakapagpatigil sa akin. "Kill me, please," pumipiyok niyang patuloy.

My throat went dry hearing him beg to end his life.

Kinuha ni Valjerome ang baril sa gilid ng bulsa niya saka inilagay sa palad ko. "I made him cry," he said as tears were streaming down on his cheeks. "I made Erom cry. Kill me, Jazzie. Pakiusap, patayin mo na ako."

Napalunok ako at napatitig sa baril. Kung susukatin ko lahat ng sakit at pasakit na binigay niya sa akin, madali lamang gawin ang hinihiling niya.

Valjerome distanced himself and kneeled in front of me. On his bended knees, he looked up at me. Nakikiusap, nagmamakaawa. Nakita ko na siyang lumuha noon sa anak namin, ngunit ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak nang ganito.

"Let's end this. Tapusin na natin ang paghihirap ng bawat isa. Kill me, Jazzie."

Once again, I stared on the gun. Marahan akong umiling at saka tumingala para pigilan ang dumadaloy kong luha.

"Where, Valjerome?" I asked weakly and glanced at him with my teary eyes. "Where did it all go wrong?"

Nanghihina kong pinindot ang tanggalan ng magazine at hinayaang bumagsak sa sahig ang baril kasama iyon.

"We are okay back then. Noong mga bata pa tayo hanggang sa lumaki tayo. Nagbago ba ang lahat noong naging mag-asawa tayo? Gusto kong isipin na ayaw mo sa akin kaya gano'n ang pakikitungo mo sa buong pagsasama natin, pero nagbago ka, eh." I wiped my tears and laughed painfully. "Naniwala akong nagbago ka kasi na-threaten ka noong may lalaking pumasok sa mundo natin. Naging maayos ka sa akin, naging malambing, naramdaman ko ang halaga ko sa mga araw na iyon. Bakit? Bakit kailangan mo akong paasahin kung 'di pala totoo ang lahat ng iyon?" puno ng hinanakit kong wika.

"May nagawa ba akong masama sa iyo? Hindi ba ako naging mabuti sa 'yo para gawin mo sa akin lahat ng iyon? Tiniis ko lahat, Valjerome. Ang harap-harapan mong pambababae, ang pambabalewala mo, ang kakarampot mong atensyon na ibinibigay sa akin, tiniis kong lahat iyon. Kahit konting konsiderasyon, bakit hindi mo naibigay sa akin noon?" Tuluyan na akong naglabas ng sama ng loob, ang mga inipon kong hinanakit ay unti-unti kong inilabas sa paglipas ng ilang taon.

Hindi naman siya agad sumagot. Pigil ang hikbi niya sa pag-iyak habang nanatiling nakaluhod sa harapan ko. Ang balikat niya ay yumuyugyog sa labis na pag-iyak habang nakayuko siya sa sahig.

"I..." usal niya makalipas ang ilang segundo. Inangat niya ang kanyang paningin sa akin habang patuloy na umiiyak.

"I loved you, Jazzie," he continued and took a deep breath. "Maniwala ka man o hindi minahal kita sa buong pagsasama natin. Hindi... mahal pa rin kita, iyon ang totoo."

"Sinungaling," agad kong sambit habang nakakuyom ang aking palad. Ang galit ko ay muling sumibol sa 'king dibdib.

"Alam kong hindi mo iyon paniniwalaan dahil sa lahat nang nagawa ko sa 'yo. Hindi ako humihingi ng tawad para bumalik ka sa akin, gusto ko lang na matahimik ka dahil alam kong kinukwestyon mo ang sarili mo sa lahat."

I gritted my teeth and averted my eyes.

"I needed to protect you back then, Jazzie," namamaos na saad niya.

I quickly glared at him. "Protect?" I laughed sarcastically. "Iyon ang proteksyon para sa 'yo?" pangungutya ko.

"Yes," he answered hoarsely and stared at me. "Iyon lang ang paraan na naiisip ko para protektahan ka sa mga kaaway ko. Ang ilayo ang sarili ko sa 'yo. Kaya naman buong pagsasama natin ginawa ko ang lahat para lang huwag mo na akong mahalin."

"But I still did, Valjerome. I accepted your flaws!"

He looked at me softly. "That's why I loved you more, Jazzie."

I badly wanted to hit him, but I controlled myself. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at saka matalim na tumingin sa kanya.

"Stop fooling me, Valjerome," I warned.

He smiled painfully. "I am not fooling you, Jazzie. That was my real reason."

"Then why? Bakit mo piniling ipalaglag ang anak natin kung mahal mo pala ako?!"

Valjerome lowered his gaze. "Because... I want you to run away from me." He looked up again and tears were quickly streaming down to his cheek. "I want you to run away with our child. Gusto kong kamuhian mo ako, gusto kong intindihin mo naman ang sarili mo, gusto kong piliin mo naman ang anak natin. I said those because I want you to run away from me."

"Pero sinigurado mong ipapalaglag ko ang bata, Valjerome! You even threatened me!"

"Because I want you to stop putting up with your ruthless husband, Jazzie! I want you to stop putting up with me!" He cried harder. "Ang naging pagkakamali ko lang ay umasa ako. Umasa ako na aayaw ka, na gagawain mo ang lahat para makaalis. I even cleared all the guards that day. Maski ang doktor ay kinausap ko na kung sakaling pakiusapan mo siya na itigil ang aborsyon at hilingin mo na ilihim iyon ay hayaan ka niya. Naghintay ako sa labas ng kwarto, humiling ako na sesenyasan niya ako sakaling gusto mong tumakas pero..." he trailed off and sobbed harder. "You still chose me."

"Bakit parang kasalanan ko pa na minahal kita ng sobra?"

He shook his head. "I am not blaming you, Jazzie. I am blaming myself for everything. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako at wala ng iba. Biktima lang kayo ng mga anak natin sa maling desisyon ko."

"Kaya ba hiniwalayan mo ako kinabukasan din?" natatawa kong sambit habang lumuluha. "Gano'n mo ako gustong mawala sa buhay mo at ginawa mo ang lahat para paalisin ako?"

"It's my way of protecting you. My father... died, Jazzie."

I stiffened after hearing those words.

Yumugyog ang balikat ni Valjerome sa pag-iyak, tila inaalala ang lahat.

"That day when I started being cold again. Noong araw na nakatanggap ako ng itim na kahon... namatay ang ama ko, Jazzie." He slowly looked at me. "Laman niyon ang litrato niya na nakagapos, tadtad ng baril sa katawan," pumipiyok niyang saad.

"B-Bakit hindi mo sinabi sa akin? Y-you should talk to me that day. Tingin mo ba ay hindi ko kayang intindihin ang lahat?"

"How? Paano ko sasabihin sa iyo na may litrato ka rin doon at alam kong ikaw ang isusunod ng kalaban sa susunod na mga linggo?" agad na balik niyang tanong at humagulhol sa pag-iyak.

"Paano ko sasabihin sa 'yo na ang ama ko ang pumatay sa mga magulang mo?"

Continue Reading

You'll Also Like

389K 20.5K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
57.4K 110 2
Gangster Series #1 A young girl growing up in a family of gangsters and preparing her way in a dangerous world where two rival gangs are engaged in...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
6.5M 145K 77
Silvanus "Silas" Alvarez is fantasizing over a girl who is unfortunately his niece-Athena Aine Alvarez-to his horror. For him, Athena is like an ench...