Forbidden Desire

By SenyoritaAnji

1.6M 42.9K 6.9K

WARNING: SPG | R18 | MATURED CONTENT ••• He was a living temptation that I shouldn't let myself be tempted. ... More

Forbidden Lust
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 19

38.2K 1.1K 239
By SenyoritaAnji

Chapter 19

"Dahan-dahan, miss Keith." Maagap ang kamay ni Gemma na alalayan ako sa siko.

Nilakad namin ang distansiya ng sofa at binagsak ko ang aking sarili doon. I ordered Gemma to lower down the cold temperature. Nanlalamig ako at hindi maganda ang pakiramdam ko. Siguro ito na ang aftermath ng pagpapaulan ko kagabi.

Tanginang Leslie kasi, e.

"Huwag na lang po kaya kayong sumali sa board meeting? Maputla po labi niyo tapos 'yung mata niyo parang inaantok," Gemma suggested and handed me a glass of water.

Tinanggap ko ito at ininom; matapos ay nilapag ko ang baso sa mesang nasa harap ko bago sumandal sa aking kinauupuan. I massage my temple before biting my lips.

"You know I can't, Gemma. Today would be the day that the chairman will show up and be introduced. I don't want to miss this chance. Baka pwede ko siyang kausapin tungkol sa kompanya." I covered my nose as I sneeze.

"Teka lang po. Tawagan ko po family doctor niyo. Magpahinga ka po muna," she said.

Umiling ako dito. Sinubukan kong umupo ng tuwid na napagtagumpayan ko naman. "Just give me medicine. I'll be fine."

Mabilis namang tumalima si Gemma at umalis sa harapan ko. Humikab naman ako at muling sumandal sa 'king kinauupuan. I closed my eyes and the scenery from last night flashed inside my head like a fucking disc.

Matapos niya akong bulungan kagabi ng salitang 'di ko maintindihan ay wala na akong maalala. Maybe I lost consciousness because of being drunk. Nagising na lang ako kanina na nasa loob na ng aking kwarto at mabigat ang pakiramdam.

My phone inside my pocket vibrated. I reached for my phone and lifted it in front of my face to see who's the caller, and it was Marco.

I swiped the screen to answer the call and placed the phone beside my ear. "Hello?"

"Hey, babi. Saan ka?" he asked.

Napangiti ako sa turan nito. Marco became my friend for the past five years. Maayos na ang relasyon namin at klaro na sa kanya na pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. As far as I've heard, he's dating a model. It's all over the news. Pero kapag tinatanong ko siya ay hindi raw iyon totoo. Well, kung totoo man, I wouldn't be this close to him. I need to limit myself. Ayoko namang maging kabit 'no.

"I'm at my office. Why?" I replied.

"Great! May free time ka ba? Wanna crash in my resort tonight?"

Humikab ako at umiling. "I don't think I can. I'm not feeling well, babi. Magpapahinga ako tonight."

"What? Nilalagnat ka ba? Pupuntahan kita." I sensed panic in his voice which made me chuckle. "Hey, don't laugh at me. I'm worried here!"

"Kalma lang, babi. Inaantay ko pa si Gemma para sa gamot. At saka, ngayong araw ipapakilala ni uncle Baron ang bagong chairman ng kompanya ni daddy. I just hope na magkakasundo kami."

"No. Pupunta ako riyan. Hintayin mo ako." The line suddenly beeped, means he ended the call without saying goodbye.

Sakto namang pumasok muli si Gemma sa opisina bitbit ang isang baso ng tubig at ang gamot. She immediately handed it to me carefully.

"Salamat, Gemma." Binigay ko sa kanya ang baso at hinilot ang aking sintido. I yawned and stretched my body.

"Miss Keith, hinahanap ka na ni former Chairman Baron Gil," sambit Gemma sa pormal na boses.

I nodded my head. "Tell him I'll be there in ten minutes time."

"Yes, miss." Tumalima kaagad si Gemma.

Pinilit ko ang sarili kong tumayo kahit ramdam kong nahihilo na ako. I walked towards the mirror to take a look of myself. I can't face the new chairman in this kind of situation.

Maputla ang labi ko at 'yung mata ko ay namumungay na. Mahahalata sa hitsura ko ang pagod at pagka-antok.

I cleared my throat and strenghten my back. Tinanggal ko ang tali ng aking buhok at muli ko na naman itong tinali into low ponytail. May nagsihulugang hibla ng buhok ko sa 'king noo na hindi ko na lang pinansin.

I searched for my purse and looked for my make up. Naglagay ako ng kaunting blush on sa 'king magkabilang pisngi. I also put a light red lipstick on my lips to hide my pale ones. Inayos ko ang aking ocean blue long sleeve dress na tatlong dangkal mula sa 'king tuhod.

I cleared my throat and stare at my reflection on the mirror. Mas maayos na akong tignan kaysa kanina. Hindi na masyadong maputla ang pisngi at labi ko. Inayos ko ang mga babyhairs kong nakatayo at ngumiti sa 'king sarili.

"Kaya mo 'to, Keith." I tried cheering myself.

Bumukas ang pinto kaya't nilingon ko ito. Pumasok sa loob si Gemma na may ngiti.

"Miss Keith, according to the former chairman, they'll just visit you here and you don't have to bother yourself to attend the meeting," nakangiting usal nito.

Pinanliitan ko ito ng mata. "Sinabihan mo ba siyang masama ang pakiramdam ko?"

Humagikhik ito at inakay ako paupo sa sofa. "Nahuli niya po kasi akong may bitbit na gamot kaya tinanong niya ako kung sino ang iinom. E syempre honest ako kaya binuking kita."

Natawa ako nang mahina sa sinabi nito. Gemma is quite stubborn. Dahil na rin siguro sa tagal ng kanyang pagtatrabaho sa 'kin ay hindi na siya masyadong nahihiya sa 'kin.

"Babi!"

Someone slammed the door opened, revealing Marco's worried look. Nilapitan agad ako nito at niyakap. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo ngunit hindi ko ito pinahalata.

I chuckled and answered his hug. I saw Gemma smiled and gestured that she'll give us a time together which I just responded with a smile. Nang makalabas si Gemma ay saka lamang kumalas si Marco.

"Are you hurt somewhere?" Dinampi nito ang kamay sa 'king noo at napasimangot. "You have fever. Bakit pumasok ka pa?"

Nginitian ko lang ito. "I need to, babi. May mga business meeting—"

"Health is more important than attending some business meeting!" iritadong bulyaw nito at sa halip na magalit ako, natawa ako.

I pulled the hem of his shirt and pulled him to sit beside me. Yumakap agad ako sa kanyang bewang at hinalikan ang kanyang panga.

I'm always like this with him around. We flirt with each other but I am not planning to commit a serious relationship with him. He's kind, and I'm happy when he's around.

Kung may ipagpapasalamat man ako sa nangyari sa akin limang taon ang nakakaraan, 'yun ay ang pagkabuo ng malapit na pagkakaibigan namin ni Marco.

"Huwag mo 'kong malambing-lambing, babi. Hindi ka pupunta sa mga meetings mo. Uuwi ka o 'di kaya ay magpahinga. You have a room here, you can rest. I'll call Ysrael to check on you," he said.

Umungot ako. "Huwag si Ysrael. Tanginang doktor 'yun, napakapokpok."

Natawa si Marco sa sinabi ko at niyakap ako. He kissed my hair and tightened his embrace.

"Bakit ayaw mo kay Rael? He's kind," natatawang usal nito.

Umiling ako at mas sumiksik sa kanya. Mainit katawan niya, e. "Kasi naman, e! Lahat ng lumalabas sa bibig nu'n puro kapokpokan. Tinatanong mo ng maayos sasagutin ka ng banat pangkalye."

Ysrael Ferrell is Marco's friend. He's a doctor and the CEO of Ferrell Hospitals all over the asia. He's that rich. Ewan ko lang kung bakit napakapokpok nun. Basta talaga nagsusuot ng palda, tipo agad niya.

"Hindi ko nga maisip kung paano ko naging ka-sosyo 'yun sa negosyo, e," I added and closed my eyes.

Mabait naman si Rael, pokpok lang. Gwapo at talagang may ibubuga in terms of physical features. Kaya siguro nagkakasundo kami minsan kasi mahilig siya mang-trip at laging si Marco ang pinagti-tripan namin.

"Sus. Kasundo mo nga 'yun, e." He chuckled. "Nonetheless, I'll be calling him. You need to be checked baka malala na ang lagay mo."

Napairap ako at muling pumikit. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko at parang anytime, bibigay na ang katawan ko. The medicine Gemma handed me a while ago didn't even lessen my fever. It just made me feel worse.

Bumukas ang pinto kaya't napatingin ako dito. There I saw uncle Baron with someone beside him. Napakurap-kurap pa ako para siguraduhing hindi ako namamalik-mata. I can feel Marco's embrace tightened.

"Anong ginagawa mo rito?" my babi asked.

The man chuckled. "I should be the one to ask you that, Umali. What are you doing here?"

Tumingin ako kay uncle Baron na may pagtataka. "Uncle? What's this all about? B-bakit nandito 'yan?"

Uncle Baron took a deep breath and smiled. "This is Leslie Scott, hija. He is the chairman at the moment and the mysterious owner of fourty-percent shares of our company."

Napatayo ako dahil sa narinig. Bahagya akong gumewang ngunit mabilis akong dinaluhan ni Marco. "A-ano? Uncle, the fourty percent shares was named to my father! Is this a joke?"

"Kitty, it's not," said the man with an stoic face. "Your father entrusted me his shares and now I owned the Gil Corporate."

"Pero may sarili kang kompanya, 'di ba?! Bakit ka nandito at pinapakialaman ang kompanya ko?!" There I raised my voice. 

Biglang kumirot ang ulo ko sa narinig kaya't napahakbang ako paatras habang hawak ang aking sintido.

"Keep calm, babi," bulong sa 'kin ni Marco at hinigpitan ang kapit sa 'king bewang.

I saw how Leslie's stare dropped on Marco's arms. He clenched his jaw and I saw his hand balled into fist. "Wala ka nang magagawa."

Umiling ako. "Hindi 'to pwede."

Biglang umikot ang mundo ko at hindi ko na narinig pa ang sinabi ni uncle. At bago ako tuluyang mawalan ng ulirat, naramdaman ko ang brasong sumalo sa katawan ko at ang pagsatinig ni Leslie sa pangalan ko.

--

"She's fine. Painumin niyo lang sa gamot na binigay ko. Nagsabay ang stress at lagnat niya," I heard Rael's voice. "Ano ba kasing katangahan ginagawa niyan? Ang init-init ng temperatura kanina."

"Hindi ko rin alam," Marco replied.

Ysrael groaned. "I left that model to rush here you know. Alagaan mo naman 'yan. I saw some symptoms of fatigue kaya h'wag niyo muna pagpatrabahuin 'yan."

I decided to open my eyes and shot glares at Rael's back. "Ang ingay mo."

Nilingon ako nito at mabilis nila akong dinaluhan. "Buhay ka pa. Kumusta pakiramdam mo?"

I lifted my hand and massage my nose. "I'm good."

"Don't overwork yourself," seryosong sambit ni Ysrael na ikinaiwas ko ng tingin. "Muntikan ko pang suntukin si Marco kanina dahil sa pagpapabaya niya sa 'yo."

"Oh, come on. I was taking care of her! Siya lang ang matigas ang ulo," angal ni Marco na nasa gilid ko pala at nagbabalat ng mansanas.

"Whatever." Inirapan ni Rael si Marco na ikinatawa ko. Kung hindi ko lang kilala si Rael bilang dakilang malandi, iisipin ko na talagang bakla 'to. "Take care with your health, Keith."

"Yes, doctor," I replied.

Sumimangot ito. "It's baby! Not doctor."

"Taas mo namang mangarap." Marco handed me the peeled apple.

"Syempre, ang gwapo ko kasi."

Natigilan sila sa pagbabangayan nang bumukas ang pinto. I roamed my eyes around to avoid his gaze at ngayon ko lang napansin na nasa isang hospital private ward ako.

"Can I have a moment with my niece?" tanong ni uncle Baron.

Napalunok naman ako nang bumaling sa 'kin ang lahat. I look at Marco and nodded my head. Rinig ko ang pagbuntong-hininga ng mga ito bago yumukod si Marco para halikan ang noo ko. Ganoon din ang ginawa ni Ysrael bago sila lumisan ng silid.

"Keith," tawag ni uncle.

Bumaling ako rito at ngumiti. Bumangon ako sa kama. Lace tried to help me but I immediately manage to sit, kaya't ang ginawa na lang niya ay lagyan ng unan ang likod ko para masandalan.

Umupo si uncle sa tabi ko at hinimas ang aking buhok. "Pinapagod mo na pala ang sarili mo."

"I can handle everything just fine, uncle. Nagpaulan lang ako kagabi kaya nilagnat ako," nakangiting tugon ko.

Uncle Baron is almost in his sixtie's kaya hangga't sa maaari, ayoko na siyang mag-alala. Siya na rin ang nagsilbing ama ko kaya't ayoko siyang mabahala sa 'kin.

"Alam ko namang ginagawa mo ito para sa daddy mo, but take a break sometimes. Huwag mong pagurin ang sarili mo. Ayokong magkasakit ka," uncle said.

Ngumiti ako dito ng pilit at napatingin kay Leslie na nakatayo sa paanan ng kama ko at nakatitig sa 'kin na para bang sinusuri ako.

"Uncle." I cleared my throat. "Tama po ba ang narinig ko kanina? H-hindi ka po nagbibiro?"

Hinawakan ni ni uncle ang kamay ko at pinisil ito. "Yes, hija. Ang daddy mo mismo ang nagsabi at nagbilin sa inyong lawyer na si Scott ang sasalo ng shares niya."

"P-pero ako ang anak niya, 'di ba?" I asked.

Look, I'm not being greedy or something. But it's my right! Ako ang nag-iisang anak niya. Bakit naman niya naman ipagkakatiwala sa isang estranghero ang importanteng bagay sa kanya?

'Di kaya...

"I want to talk to her, can I?" wika nito sa malamig na tinig.

I gulped and looked away. I can't stand his scorching stares. Ayoko maging marupok. Ayoko na.

"Sure, iiwan ko muna kayo." Tumayo si uncle at nilingon ako. "I'll be just outside."

Piliti ko itong tinanguhan at hilaw na ngumiti. Nang makalabas siya ng silid ay bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw. And now we're left alone.

"Spit what you wanted to say," I said coldly.

"My chairman role is only temporary, Gil." He walked towards where Ysrael was situated a moment ago. "But the decision is still with me. Earn my trust before I'll transfer everything under your name."

I laughed nonchalantly and shot him glares. "Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa 'kin 'yan. You were the one who should earn my trust."

"That's between our personal life. Business is business. Don't let your personal shits interfere with our business," he firmly replied.

Napakuyom ako sa aking kamao. "Asshole."

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 291 12
"You ruined my life! So why would I kneel to someone like you?!" - Mauel
469K 14.4K 55
Empress Cervantes knows what she wants in life--she would excel in her studies and would not let any distractions get in her way, love life included...
405K 7.8K 38
Wyatt Roberts is the chief executive officer of a well-known food enterprise in the Philippines. He already possesses everything, including wealth, g...