The Desperate Wife

By mariacray_

1.4M 18.6K 1.6K

Muntik ko ng hindi makilala ang babaeng nakatayo sa aking harapan. Her baggy shirt and pajama was gone. Compl... More

The Desperate Wife
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Author's Note
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Author's Note 2
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Last Chapter
The Revelation of the Desperate Wife
Part Two
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
WEDDING OF THE CENTURY TEASER!

Chapter 24

19.6K 273 8
By mariacray_

Isang ordinaryo na namang araw sa kompanya, at abala pa rin ang lahat sa trabaho lalo na ngayon na may hinahabol na deadline dahil magtatapos na naman ang buwan. Si Sandra naman, hindi pa rin tapos sa pag-eencode ng mga inutos sa kanya ng kanyang boss hubby, kaya ngayon, nagkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatutok sa kompyuter na napaghalataang seryoso sa ginagawa.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagta-type, nakarinig ito ng mga pagkatok. Nakatalikod kasi ito sa pintuan kaya hindi na niya nagawang lumingon dahil ayaw niyang mawala ang atensyon sa kanyang ginagawa.

Pumasok ang binata sa opisina ng kaibigang si Keith at bumungad sa kanya ang likod ng sekretarya nito. Napa- 'oh' ang kanyang labi nang mapagmasdan ang kabuuan nito mula sa likuran. Sa isipan nito, sumeksing lalo si Shane, humaba at kumulot ang buhok nito, at mas naging maayos ang pormahan. New look? He thought.

"Hi Shane, nasa loob ba ang Sir Keith mo?" Saad niya sa tonong nagpapacute.
Inikot naman ni Sandra ang swivel chair niya para makita ang taong nagmamay-ari ng isang pamilyar na tinig. Pareho silang nagulat nang makita ang isa't-isa.

"S-Sandra, what are you doing here? Where's Shane?"

"Hi Gab, I'm the new executive secretary. Pinalipat pansamantala si Ate Shane sa HR dep." Ngumiti si Sandra kay Gab na hindi pa rin makapaniwala. Sabay na lumingon ang dalawa sa pintuan nang pumasok doon si Joseph na nagulat ding makita siya.

"Joseph, you can't believe this! Sandra  is Keith's new secretary." Tumingin ulit sa kanya si Gab.

"Bakit ka nandito? Di ba heiress ka?" Nakapamulsa si Joseph na ngayon ay nasa tabi na ni Gab at naghihintay din sa sagot niya.

"I took my training here. Si Keith ang nagtrain sa akin at the same time I'm working as his secretary." 

Abala si Keith sa pagbabasa ng mga proposals nang marinig ang ingay ng mga boses mula sa labas. Naiinis siyang tumayo para pagalitan kung sino ang mga nangdidisturbo sa kanila ni Sandra.

"Kakaiba ka talaga Sandra!" Boses na sumalubong sa kanya pagbukas niya ng pintuan.

"Gab? Joseph?"

"Keith! You did not tell us that Sandra's working with you here!" Keith rolled his eyes in annoyance.

"Ako naman siguro ang pinunta niyo dito, di ba? Nandito ang office ko. Madaming ginagawa si Sandra, pwede ba huwag niyong disturbohin?" Napangisi si Gab sa narinig mula sa kaibigan at si Joseph naman ay sumunod kay Keith na pumasok ulit sa loob ng office nito.

"Talk to you later." Gab winked at her. Napailing-iling nalang si Sandra sa kapilyohan nito.

"Gab!"

"Alright! Alright! I'm coming!" Gab shouted back at Keith.

"Sungit naman ng boss mo!" Huling saad nito kay Sandra at sumunod na sa mga kaibigan sa loob.

"Ano bang ginagawa niyo dito?" Tanong ni Keith na nakapamulsa pa at nakatingin ng masama kay Gab na kumukuha ng inumin sa mini wine counter.

"Chill, bro. Magpahinga ka naman ang init na ng ulo mo. Umupo ka nga." Nilatag ni Gab sa mesa ang tatlong baso at sinalinan ng alak.

"Just Chill bro, tatanda ka ng maaga kapag palagi kang galit. Drink this." Tinapunan pa rin ni Keith ng masama  na tingin si Gab at umupo sa tabi ni Joseph. Kinuha niya ang isang baso at ininom ito.

"Ano bang meron?" Tanong nito matapos matungga ang alak.

"Ouch bro. Kinalimutan mo na nga ako." Humahawak-hawak pa sa kanyang dibdib si Gab at nagddramang nasasaktan. Pilit namang inaalala ni Keith kung anong meron.

"It's his Birthday." Joseph answered for him.

"Nagsasalita ka pa palang gagu ka?" Natatawa namang saad ni Gab kay Joseph.

"Shut up Gab, you're hell of annoying." Pabirong pangiinsulto ni Joseph sa kaibigan habang nakadekwatro.

"Oh yeah... I almost forgot!" Saad ni Keith nang maalala na kaarawan nga ng kaibigan niya sa susunod na linggo.

"Anong almost?! You forgot talaga."

"So what's the plan?" Tanong ni Keith.

"Well, I just wanna celeberate my birthday in Palawan." Gab said and even winked at the two. Tumatango-tango naman ang dalawa nitong kaibigan.

"Bring Sandra with you, Keith."

"No way! Paano ako mag-eenjoy kung sasama siya."

"Keith it's my birthday, not yours. I'm sorry, but if you let me choose between Sandra and Clarisse, I'll choose Sandra. She's my friend you know. Pagbigyan mo na ako, ako naman ang magbbirthday eh."

"Speaking of, magkaibigan pala ang tatlo."

"Huh?" Reaksyon ni Gab na walang nakikitang koneksyon sa sagot ng kaibigan.

Kinuwento ni Keith sa mga ito ang nangyari noong nagdinner ang mga kaibigan ni Sandra sa kanilang bahay at ang eksena sa parking lot ng mall noong nakaraan.

"Sa tingin mo? Alam na kaya ni Sandra?" Umiling si Keith.

"Mukhang hindi sinabihan ni Christine. Sa tingin ko, may pakiramdaman na ito na may iba pero hindi lang nito alam na 'yong kaibigan niya."

"Oh shit man! Girl's instinct is Satan's gift." Gab said.

"You're really are in trouble, Keith." Ang kaninang nakikinig lang na si Joseph ay sumali na rin sa usapan.

"I know. I hope Sandra will put an end to our marriage, para matapos agad ang lahat ng 'to."

"Bakit hindi nalang ikaw ang magfile ng annulment, Keith. You see, ikaw ang naiipit sa sitwasyon." Tumingin ang dalawa kay Joseph na minsan lang sumasagot pero may laman ang bawat salita.

"Of course, you know I can't do that. Lalabas na wala kaming utang na loob sa pamilya nila. At ngayon ko lang naramdaman na supportado ako ng mga magulang ko. I can't fail them, I couldn't bear."

"Sabagay... Pero pustahan tayo, darating din ang panahon na mapapagod ang asawa mo."

"That's the problem, Gab. Nagdududa ako kung aabot pa ba sa ganyang punto. That woman's just so crazy in love with me."

S a n d r a  

Ang lakas ng hangin sa buong paligid na natatangay nito ang mahahaba kong buhok. Tumatama pa ang init ng araw sa aking balat dahil naka sleeve floral dress ako. Lihim kong minura si Christine sa isipan dahil siya ang namimilit na suotin ko 'to. Siya pala ang pumili sa lahat ng susuotin ko sa trip na 'to, by the way.

Natatanaw namin mula dito ang pigura ng tatlong mga lalaki at dalawang mga babae sa aircraft shed na naghihintay sa amin.

"Faster, Sandra." Lumingon pa si Keith sa akin na nakasunod sa kanya. Ang gwapo nito sa suot na plain white shirt at blue short.

"Akala namin hindi na kayo dadating." Bungad ni Gab nang makalapit kami sa kanila.

"Hi Sandra...You look so beautiful in that dress." Pagbabaling ng tingin nito sa akin at nginitian ako.

"Thanks Gab, Happy Birthday!" I smiled as I went closer to him and tapped his shoulder.

"Thanks. Anyways, guys this is Sandra, Keith's wife." Bahagya akong nagulat sa pagpapakilala sa akin ni Gab sa iba naming mga kasama. Tiningnan ko si Keith upang makita ang reaksyon nito. Naramdaman niya sigurong nakitingin ako sa kanya, kaya nagtama ang mga mata namin. Tinaasan niya lang ako ng kilay as if telling me, 'What now?'.

Okay, Sandra... You're just overthinking.

"Sandra, this is my cousin Marco. And our friends, Alpha and Delta." Nagtanguan at nginitian lang namin ang isa't-isa.

"Are you guys ready?" Sabay-sabay kaming um-oo kay Gab. May lumapit sa aming mga staff at ina-assist kami pasakay sa isang private airplane. 

Unang sumakay ang dalawang babae tapos ako. Nakasunod sa akin si Keith tapos ang mga kaibigan nito. Kinuha sa akin ng isang flight attendant ang aking mga dalang gamit at nagpasalamat ako dito pagkatapos.

Napansin ko si Keith na nakaupo na sa upuan na nasa gilid ko at kaharap nito si Joseph na nakapikit na. Sinuri ko ang aking tingin sa eroplano. Magkatabi sina Gab at yong Delta, at sa harap ng mga ito ay sina Marco naman at si Alpha.

Saan ako uupo? May bakanteng sofa na nasa gilid  kaya hahakbang na sana ako patungo doon nang maramdaman ang isang kamay na humawak sa aking pulsuhan.

"Where are you going?" Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng kamay na 'yon na nagkasulubong na naman ang mga kilay.

"Ah.. uupo?"

"Then, why are you stil not sitting?" Pahayag nito at bahagya akong hinila papaupo sa tabi niya. Tiningnan ko ito at ngumiti ng napakalapad.

"What?" He asked annoyingly.

"Wala..." I said and we stared each other for awhile. Nakangiti pa rin ako sa kanya habang nakakunot pa rin ang noo niya.
Nilakbay ko ang aking mga kamay sa noo nito. Bahagya itong napaatras nang nagtama ang aming mga balat.

"See? Mas pogi ka kapag hindi nakakunot ang mga noo mo, hubby."

"Tsss." Sumandal na ito sa kanyang upuan at binaling ang atensyon sa labas. Dinedma na ako nito sa buong byahe.

After 30 minutes, nakarating na kami sa palawan. Sumakay agad kami sa isang puting van, at magkatabi pa rin kami ng asawa ko sa bandang likuran. Nakaramdam ako ng pagod kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising na lamang ako sa pakiramdaman na parang may nakadagan sa ulo ko. At sa sandaling 'yon ko pa narealize na nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Keith at ang ulo nito ay nakadagan sa ulo ko.

Naramdaman ko rin ang braso nito na nakapalibot sa aking balikat at ang kamay nito na nakabatay sa bewang ko. Tipid akong napangiti. Pilit kong nilalabanan ang antok, dahil baka hindi ko na ulit maranasan ang ganito.

Nagkatinginan kami ni Gab nang lumingon siya sa direksyon namin at kumindat sa akin na parang nanunukso. Baliw talaga. I rolled my eyes at him and smiled widely.

After an hour, "We're here!" Sigaw ni Marco, pinsan ni Gab. Nagising si Keith kaya marahan niya akong natulak. Grabe siya... Kung makaasta naman 'to parang walang ginawa ha.

"What?" Pagsusungit nito nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

I smiled. "Gwapo mo."

"Tsss... crazy." Ang gwapo talaga nito kahit bagong gising.

"Come on guys, so you can rest on your rooms."

Lumabas kami ng van at agad namang sumalubong sa amin ang mga kasambahay na kinukuha ng aming mga gamit na nasa kabilang sasakyan. Narinig ko kanila Delta na ang pamilya pala ni Gab ang nagmamay-ari sa pinakaprestihiyosong beach resort sa Palawan kung saan kami namamalagi ngayon.

Habang nag-uusap na sila sa room assignment, palihim naman akong namamangha sa kabuuan ng villa. Gawa ito sa glass at may malawak na pool sa harap. Nakapalibot sa buong lugar ang mga puno at halaman kaya naparefreshing and enchanting sa feeling. I wish we could have a place near the beach with Keith and our family soon. I smiled at the thought.

"Keith and Sandra, I guess as a married couple, okay lang sa inyo to share one room together, r--"

"Yes Gab, walang problema." Pagsisingit ko kahit hindi pa tapos magsalita si Gab. I looked up to Keith and smiled. Kumunot lang ang noo nito sa akin at hindi na umangal.

Good.

Sinundan namin ang kasambahay na maghahatid sa amin sa aming kwarto. Mas nauna pa ang aming mga bag sa loob, pagdating namin. May isang queen size na kama at napangiti ako dahil walang sofa.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Nabaling ang atensyon ko sa aking asawa na nakaupo na sa kama habang hinuhubad ang kanyang sapatos.

"Nothing. I guess we can sleep together in one bed. You see, wala ka ng mapapatulog sa sofa."

"Sinong nagsabi sa 'yo? May sahig naman."

"What?! No way!" Sinusundan ko ito na nakapameywang habang kumuha ito ng damit sa loob ng bag nito.

"Grabe ka, hindi ka na talaga naawa ano? Ayokong matulog sa sahig hubby!" Saan ako matutulog? Maghahanap nalang ako ng bakanteng kwarto sa labas?

"Pupuntahan ko nalang si Gab, hindi ako papatulugin non sa sahig." Malungkot kong saad at nakababang balikat na nagtungo palabas. Binuksan ko ang pintuan nang may humila sa akin at sinara ito ng malakas. Napanganga ako sa sakit nang isandig ako nito sa pintuan.

"Sinong nagsabi sa 'yo na pwede kang umalis?" Tumayo ang mga balhibo ko sa katawan nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa aking tenga at ang paghawak nito sa aking bewang.

"K-Keith..."

"Walang aalis sa kwartong 'to ng hindi ako kasama, naiintindihan mo?" Mas lumakas pa ang kabog ng puso ko ng tingnan niya ako sa aking mga mata.

"I'm asking you Sandra.." Wala ako sa sariling tumango sa kanya. His serious look changed as he smiled at me and pinched my cheeks.

"Awww." Reaksyon ko habang hinahaplos ang aking pisngi.

"Dito ka lang, ako ang matutulog sa sahig." Sabi niya. Umalis ito sa aking harapan at pumasok sa loob ng CR. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang init at bango ng hininga niya, pati na rin ng mga haplos niya.

Ugh Keith what have you done to me?

Continue Reading

You'll Also Like

858K 18.9K 49
[ Stanford Series #2 ] [FIN] She was hired as a helper in a mansion owned by the famous casanova, Senechov Stanford. Their first meeting wasn't a goo...
1.7K 675 55
COMPLETED | RAW/UNEDITED "I met you as enemy but ended up being your forever." Everleigh Carter is an ordinary new student at Parker High and only wa...
263K 7.7K 75
I found my prince, but I was not his princess... He made me feel special... I fell... but he just let me hit the ground. I tried to move on, he pull...