Emotionless PRINCESS [Volume...

由 DarkPhantooom

9.5K 101 80

UNDER MAJOR REVISIONS... Angela Shanice Del Mundo A long lost princess of Smith Kingdom who hid herself in th... 更多

KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
Emotionless PRINCESS

KABANATA 80

56 5 0
由 DarkPhantooom

KABANATA 80


Nakapalibot sa bonfire ang magkakaibigan. Naisipan ng mga ito na gawin iyon sa backyard. Kasalukuyan silang naghahanda para sa panghapunan nila na doon gagawin. Ang iba ay nakaharap lang sa bonfire, ang iba ay nagluluto ng barbeque, ang iba ay hinahanda ang mesa.

"Shanny, pwedeng pakikuha ng kanin sa loob?"

Tumango si Angela at tumayo. Sumunod naman si Shawn na inutusan ni Rhea na magtimpla ng juice para sa barkada na kaagad namang sinunod ni Shawn.

Kasalukuyang naghahain si Angela ng kanin nang bigla na lamang dumating si Shawn para magtimpla ng juice.

Saglit na napatingin si Angela sa binata, ganoon din ito sa dalaga. Nagsitanguan lang sila sa isa't isa bago bumalik sa ginagawa.

"Nautusan ka rin?" Biglang tanong ni Angela sa lalaki.

"Oo. Palautos ang isang 'yon." Komento ni Shawn.

Napangisi naman ng kaunti si Angela. "Alam ko na 'yan. Sa tagal na naming magkasama, halos lahat ng karengkeng sa katawan niya, alam ko na."

Tumigil sa ginagawa si Shawn at seryosong tumingin sa dalaga. "Kaibigan mo?"

Napatigil sa ginawa si Angela, nanatiling nakatalikod sa lalaki. Kalaunan ay bumalik lang rin ito sa ginagawa.

"Hindi."

Napatango-tango si Shawn. "Okay."

Napatingin ang dalawa kay Alyson na pumasok rin ng kusina.

"Napag-utusan ka rin?"

Napairap na lamang si Alyson. "Oo, nakipagsigawan pa ako sa kanya, wala naman akong magawa dahil kakampi niya si Vanessa."

"Galit ka?"

Natigilan si Alyson sa tanong ni Shawn. Tinimbang-timbang ang sarili kung galit ba talaga siya kay Rhea o hindi.

"H-hindi." Mahinang sagot ni Alyson bago naghain ng adobong manok.

Napangiti naman si Shawn sa naging sagot ni Alyson.

Samantala, kasalukuyang naghahanda sina Rhea sa may backyard nang bigla na lamang nahimatay si Vanessa.

Kaagad na nanlaki ang mata ni Rhea at nilapitan si Vanessa.

"Vanessa!"

Mas lalong nanlaki ang mata ni Rhea nang makitang ang mga kasama naman nito ang sunod na nahimatay.

"Hoy---" Natigilan si Rhea nang makita ang isang bagay sa may leeg ng mga kasama.

Papatakbo na si Rhea papasok ng bahay nang matigilan muli ang dalaga. Nakita nito ang lalaking nakaitim, nakatago sa malaking puno at may bagay na nakatutok sa direksyon niya. Akala niya, katapusan na niya pero may biglang yumakap sa kanya at sabay silang tumilapon. Napangiwi si Rhea, pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya matingnan ang taong nagligtas sa kanya.

dO___Ob

Gulat ang siyang sumalubong sa dalaga nang makilala ang lalaki. It was Luhence.

Kaagad niya itong dinaluhan. "Luhence!"

Napatingin si Rhea sa paligid at nakitang si Adam naman ang nahimatay. Kaagad na tumayo si Rhea. "Sha---" Ang dalaga naman ngayon ang nahimatay. Hindi na nito natawag ang matalik na kaibigan upang humingi ng tulong.

Sa kabilang banda, sabay na napalingon sina Angela, Shawn at Alyson sa may parte ng backyard.

Napakunot-noo si Shawn nang mapansin na tahimik ang likod-bahay.

"Titingnan ko lang sila." Paalam nito sa dalawang babae.

Mas lalong napakunot-noo si Shawn nang paglabas sa backdoor, wala siyang nakitang tao roon. Kaagad na umusbong ang kutob ng binata. Pabalik na siya sa loob, paatras ang gamit niyang paglakad habang nakatingin pa rin sa backyard.

*bogshhh*

Hindi naiwasan ni Shawn ang suntok na nagmula sa lalaking nagtago pala kanina sa gilid. Kaagad na yumuko ang binata nang mapansin na umatake ang kalaban. Kaagad niyang binigyan ng suntok sa may tiyan ang lalaking nakaitim ngunit parang wala 'yong epekto sa huli dahil umatake na naman ito. Malakas ang lalaki, mabilis ang kilos at mapapansin na sanay na ito sa pakikipaglaban.

Nang makita ni Shawn na napaatras ang lalaki sa sipang ibinigay niya sa tiyan nito, kinuha na ni Shawn ang pagkakataon na iyon para bigyang muli ng tadyak ang lalaki, sa tiyan pa rin at kaagad na ikinulong ang leeg nito sa mga braso niya.

"Anong pakay mo." Seryosong tanong ng binata rito.

Ngumisi lang ang lalaking nakaitim kasabay niyon ang pagbigay nito ng isang malakas na siko sa tiyan ni Shawn na naging dahilan para mapaatras ang huli. Napahawak sa tiyan si Shawn, pero hindi iyon naging dahilan para hindi niya mabigyan ng malakas na sipa ang lalaki at parang hanging napunta nalang sa likod nito. Sisikuhin na sana ni Shawn ang spine ng lalaki nang may maramdaman siya sa leeg niya. Napahawak siya roon kasabay niyon ang pagkahimatay ni Shawn.

Samantala, nagtataka na sina Alyson at Angela nang mapansin na hindi na bumalik si Shawn.

"Nautusan na naman ba ni Rhea?" Biro ni Alyson.

Napanguso ang dalaga nang makitang hindi manlang tumawa si Angela. Bagkus, lumabas ito para tingnan ang mga kasama. Nakangusong sumunod ang dalaga.

Gulat ang sumalubong sa dalawa nang makitang wala ng tao roon.

"Dapa!" Sigaw ni Angela nang mapansin ang lalaking nagtatago sa puno.

Napatingin si Angela sa gilid niya at nakitang bumagsak si Alyson doon na hindi nakadapa kaagad matapos siyang sumigaw kanina. Kaagad niyang nilapitan ang katawan ni Alyson.

"Tsk!"

Tiningnan ng dalaga ang lalaki sa may puno pero wala na ito roon. Papatayo na si Angela para sana sundan ang lalaki na tumatakas na nang makaramdam siya ng presensiya mula sa likuran. Kaagad na humiga patihaya ang dalaga at isinipa ang paa sa lalaking nasa likuran niya kanina. Papa-atake na ito sa kanya, mabuti nalang at naramdaman niya ang presensiya nito sa likuran niya.

Matapos masipa ang lalaki, sunod nitong pinuntirya ang paa nito dahilan para madapa ang lalaki. Papalapit na si Angela para sana sakalin ang lalaki nang maramdaman ang bagay sa may leeg niya, kasabay niyon ang unti-unting pagkawala ng malay-tao ng dalaga.

Samantala, halos sabay-sabay na nagising ang magbabarkada nang sapilitan silang ipatayo ng ilang kalalakihan. Hindi sila makapagsalita dahil sa telang nasa may bibig nila, nakagapos naman ang mga kamay nila sa likod.

Napatingin ang magbabarkada sa paligid at nakitang malayo ang lugar na kinaroroonan nila. Wala pang tao. At may abandonadong gusali sa harapan na siyang tinatahak na nila ngayon.

"Hmmm!" Pagpupumiglas ni Rhea, nakatingin pa ng masama sa lalaking nakahawak dito.

Inilibot naman ni Shawn ang paningin, tila may hinahanap ang mga mata nito. Laking pasalamat ng lalaki nang hindi matagpuan sa loob ang hinahanap, si Alyson. Nabuhayan naman ito lalo na nang makitang wala si Angela.

Tumigil sila sa pinakamataas na bahagi ng gusali at doon sila isa-isang iginapos sa upuan. Matapos no'n, isa-isa silang binigyan ng sampal sa mukha para sa mga babae, suntok sa tiyan at mukha naman para sa mga lalaki.

"Bwahahahaha!" Tawanan ng mga lalaki matapos gawin 'yon. Ngunit napatigil sila sa pagtawa nang bumukas ang pinto, pumasok ang dalawang lalaking nakaitim.

"Boss." Sabay na yumuko ang mga kalalakihan.

Tumango lamang ang lalaki at humarap sa mga estudyanteng bilanggo. Napangisi pa ang una nang makita ang mga mukha nito. Tinanggal ng lalaki ang itim na maskara kaya bumungad sa mga estudyante ang nakangisi nitong mukha.

Gulat at napanganga naman ang magbabarkada nang makilala ang taong nasa likod ng sitwasyon nila ngayon.

"Dos."

Mas lalong napangisi si Dos nang makilala siya ng mga estudyante.

"Mukhang ipinakilala na ako ni Ms. Fernandez ah? Well, mabuti na rin 'yon para hindi na masayang ang laway ko sa pakikipagkilala sa inyo."

Maayos na tumayo ang lalaki at nagbigay ng senyales sa mga kasamahan kasabay niyon ang pagbukas ng pinto.

Halos lumuwa ang mata ng mga estudyante nang makita si Marielle. Maraming pasa sa katawan, gulo-gulo ang buhok, namumutok ang labi, namamaga ang mga mata, at tila nahihirapan na sa paglalakad ang dalaga.

Kaagad na rumihistro ang awa at galit sa mukha ng mga estudyante.

Namasa naman ang mata ni Rhea na siyang pinaka-close kay Marielle. Kalaunan, sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ng dalaga.

'Ate Rielle!'

"Mmmm!" Nanggigigil na nagpupumiglas si Rhea. Naroon pa rin ang sunod-sunod na pag-agos ng luha nito.

Nakangising lumapit naman si Dos sa dalaga at brutal na hinablot ang tela sa bibig nito.

"Ano?" Tila nanunudyo ang boses nito.

"Ang sama mo!" Malakas na sigaw ni Rhea.

Napapikit naman ang lalaki, kalaunan ay napatawa. "Hahahaha!" Mala-demonyo itong tumawa, nakahawak pa sa tiyan. Kalaunan ay sumeryoso ito. "Sinabi ko na sa inyo, may mas masama pa sa 'kin."

__________

NAGISING si Angela dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Kaagad siyang napabangon at napahawak sa may leeg niya. Napatiim-bagang ang dalaga nang mapagtanto ang nangyari.

"Mukhang may nagplano ng nangyari."

Kaagad na napatingin si Angela sa nagsalita. Nakita niya si Alyson na nakaupo sa bermuda grass, seryoso ang dalaga habang nakatingin sa di kalayuan.

Tiningnan ni Alyson si Angela at inihagis dito ang isang cellphone. Napatingin si Angela rito at kaagad na napakunot-noo.

"Nagbilin sila ng cellphone na may lokasyon ng eksaktong kinaroroonan nila." Napangisi si Alyson. "Seems we're gonna have some knotty and deadly adventure today." Tiningnan nito si Angela. "Are you ready?"

Napangisi si Angela habang nakatingin sa di kalayuan. "If they want a deadly game, then I'm in."

Sabay na tumayo ang dalawa at kaagad na naglinis sa kalat nila kagabi. Walang alam si Mrs. Hernandez sa nangyari dahil binigyan ito ng dare ni Rhea na matulog sa villa ng hacienda kahit isang araw. Naroon pa ang matanda, pero maya-maya lang ay uuwi na ito kaya kailangan na nilang linisin ang backyard bago pa maghinala ang matanda.

"Sasabihin ba natin kay lola?"

Nagpatuloy sa ginagawa si Angela. "Hindi na. Masyado na siyang matanda para isipin at problemahin ang sarili nating problema." Tumigil si Angela at napatiim-bagang.

'I won't let others suffer just because of me.'

Napatingin si Angela kay Alyson nang bigla siya nitong tinapik sa balikat.

"We can do this, together."

Tumango si Angela at nagpatuloy sa ginagawa.

Katatapos lang nilang maglinis nang dumating ang dalawang bata at si Mrs. Hernandez.

"Good morning, hija." Bati ng matanda.

"Good morning." Sabay na bati nina Alyson at Angela.

Nagtaka naman ang matanda nang mapansin na sila lang dalawa ang nasa labas.

"Nasa'n ang iba niyong mga kasama?"

Nagkatinginan sina Alyson at Angela.

"Maagang umalis la, susunod kami sa kanila mamaya."

Tumango ang matanda. "Gano'n ba?"

"Opo. Akyat lang kami, la."

"Sige."

Umakyat ang dalawa at nagbihis ng tamang maisusuot para sa magiging adventure nila mamaya.

Napabuntong-hininga si Angela nang makitang wala siyang dalang combat outfit na bagay sa mangyayari mamaya.

"Here."

Napalingon si Angela sa kasama at nakitang nakalahad ang kamay nitong may hawak ng damit na hinahanap niya.

"Ibalik mo nalang."

Tumango si Angela, may kaunting ngisi labi. "Ge."

Kaagad iyong isinuot ni Angela. Kalaunan, tiningnan na si Alyson kung ready na ba ang kasama.

"Ready?"

Alyson and Angela are wearing a black combat outfit. A black combat shoes, a black jeans, black shirt partnered with a black leather jacket.

"Ready." Nakangising tugon ni Alyson kasabay niyon ang sabay nilang pagtalon mula sa bintana ng kuwarto nila, sa second floor.

Sabay na tumakbo ang dalawa at kaagad na pinuntahan ang nakaparadang motor para iyon ang gamitin nila papunta sa lokasyong kinaroroonan ng mga kasama.

"We're lucky we have Harley's key." Nakangising saad ni Alyson habang nakataas sa ere ang kamay na siyang may hawak ng susi. "Sinong magd-drive? Ikaw o ako nalang?"

"Ako nalang." Saad ni Angela bago kinuha ang susi at sumakay sa motor. Inilagay ng dalaga ang cellphone sa unahan at kaagad na binuhay ang makina.

Umangkas si Alyson sa likod kasabay niyon ang mabilis na pagpapatakbo ni Angela sa motor.


Kasalukuyang bumabyahe ang dalawa, tinutonton ang lokasyong nakalagay sa screen ng cellphone nang bigla na lamang itong tumunog.

From: Unknown

Stay put.⒡

Kaagad na nagbrake si Angela. Tiningnan ang mensahe, ilang minuto ring nakatingin doon ang dalaga. Nagtataka sa kung ano ang ibig sabihin ng ⒡ na nasa dulo niyon. Kalaunan ay tumingin-tingin sa paligid kung may mali ba.

"Anong sabi?"

"Stay put." Tugon ni Angela, nakatingin pa rin sa paligid.

Lumingon-lingon din sa paligid si Alyson, nakakunot ang noo. "Parang wala namang mali ah?"

"Tsk!" Kaagad na nagpatakbo si Angela. Nang tumunog na naman ang cellphone, hindi na huminto si Angela, binagalan niya lamang ang pagpapatakbo ng motor at saglit na tiningnan ang text message.

From: Unknown

Look up.⒯

Napailing-iling lang si Angela at hindi na ginawa ang kung ano ang nasa mensaheng natanggap.

Napahinto si Angela nang makitang ang lugar na iyon na ang huling lugar na nakadekta sa cellphone. Bumaba si Alyson, sunod ay si Angela at sabay na tumingin-tingin sa paligid.

"Gubat na ang nandito."

Hindi na nakatugon si Angela nang bigla na namang tumunog ang cellphone.

From: Unknown

Abandoned building.⒭

"Tara." Saad ng dalaga bago naglakad-lakad sa gubat. Hinahanap ang abandoned building na siyang sabi base sa laman ng mensahe.

Nakaharap at nakatingin sina Alyson at Angela sa abandonadong gusali na nasa harapan nila.

"Ito na ba 'yon?"

Bago pa makasagot si Angela, may natanggap na naman itong text message.

From: Unknown

High area.⒪

Kaagad na tumakbo ang dalawa papasok ng building. Kasalukuyan silang tumatakbo, umaakyat sa abandonadong gusali nang may marinig silang tinig.

"Mmm!"

"Rhea," Nakilala kaagad ni Angela ang tinig ni Rhea. Nasa itaas na bahagi na sila ng building, isang palapag nalang at magro-rooftop na. Huminto ang dalawa at nagtago sa gilid, nagsi-senyasan.

Angela were assigned to get inside of the room, while Alyson were assigned to find another way to let them safe from the gamers.

Sabay na tumango ang dalawa kasabay niyon ang pagtalon ni Alyson at ang malakas na pagtadyak ni Angela sa pintuan.

Tumakbo ang dalaga papasok doon, pero kaagad ding napatigil nang makita 'di kalayuan sa kinatatayuan niya ang mga kasamang nakagapos isa-isa sa upuan.

Pain were visible against Angela's face, but because of having the ability to hide such emotions, hindi iyon masyadong mapapansin sa mukha ng dalaga. She's good at hiding one's emotion.

Although Angela is good at hiding an emotion, hindi maiwasan ng dalaga ang manatiling nakatingin kay Rhea na lumuluhang nakatingin sa kanya. Umiiyak ito, umiiling-iling.

"Why don't you go near them and help them get out of this awesome abandoned building instead of," Nakangisi nitong sabi.

Kaagad na itinuon ni Angela ang paningin sa isang sulok, napatingala at napatiim-bagang.

"Instead of?"

"Instead of staring back at my handsome face, Lady?" Nakangising sabi ni Dos, nakatayo mula sa itaas na bahagi ng silid, nakaharap sa nakaharap nang dalaga.

"Why don't you come down and face me instead of staying at that fvcking thing."

Napangisi si Dos bago tumalon mula sa kinatatayuan sa itaas. Parang wala lang sa kanya ang pagtalon mula sa itaas na bahagi, tila sanay na ito sa ganoong paraan ng pagbaba.

"Easy, Lady." Nakangisi nitong sabi habang nakapamulsa. Kalaunan ay kinuha ang cellphone at may pinagkakaabalahan doon.

One message received
From: Unknown

20 minutes.⒪2

Angela was about to utter some words when other text message came.

From: Unknown

Choose left.⒪3

Kunot-noong napatingin si Angela kay Dos. Nakangisi lang ang lalaki.

From: Unknown

Choose right.⒫

"It's either left or right." Nakangisi nitong sabi. Mas lalong napangisi ang lalaki nang mapansing hindi pa kumilos ang dalaga, nanatili pa itong nakaharap sa kanya. "If I were you, I will help them get out of this awesome abandoned building. You only have 19 minutes, Lady."

"19 minutes is long enough for me."

"You think so?" Nakangisi nitong sabi bago nagkibit-balikat. "I don't think so."

*bang*

"Shit!" Daing ni Dos bago tumakbo at nagtago.

Napatingin si Angela kay Alyson at tinanguan ito. Nakangiti namang tumugon ng tango ang dalaga bago sinundan si Dos.

Si Angela naman ay tumakbo palapit sa mga kasama. Bago paman makalapit, huminto sa pagtakbo ang dalaga nang maalala ang sinabi at text ni Dos kanina.

"Choose left."

"Choose right."

"It's either left or right."

Napatingin sa kaliwa at kanan ang dalaga, ngunit wala itong nakitang mali. Kaagad siyang tumakbo at pinakawalan ang mga kasama.

Lumapit si Rhea sa matalik na kaibigan. Kahit nahihirapan, sinubukan nitong magsalita.

"Si---"

"Rhea!" Sigaw ni Angela nang bigla na lamang natumba ang dalaga. Napahawak si Angela sa leeg nito at nakita ang isang bagay doon. Pampatulog.

*bogshhh*

Napalingon sa iba pang mga kasama si Angela nang sunod-sunod itong natumba. Napatingin sa itaas na bahagi ang dalaga at nakita roon ang ilang kalalakihan na may dalang armas na siyang may gawa ng nangyayari sa mga kasama.

Samantala, habang dinadaluhan ni Shawn sina Aishia, kita sa peripheral vision niya ang pagtutok ng isang lalaki sa kanya mula sa itaas. Kaagad na iniwasan ni Shawn ang itinira nito patungo sa kanya, nagtagumpay naman ang lalaki.

Sabay na napatingin si Shawn at Angela sa lalaking nahulog mula sa itaas. 'Yon yung taong hindi nagawa ang trabaho nitong patulugin si Shawn. Binaril ito ni Dos.

Sabay na nagkatinginan sina Angela at Shawn, tila iisang ideya lamang ang tumatakbo sa isip ng dalawa. Sabay na tumakbo ang dalawa palapit sa lalaki. Kinuha ni Angela ang baril mula sa lalaki at kaagad na pinaputukan ang mga lalaking nasa itaas ngunit mabilis itong nakapagtago. Kinuha naman ni Shawn ang armas na may balang pampatulog at itinutok ito sa itaas na bahagi ng gusali.

Nang makitang wala nang tao, sabay na lumapit ang dalawa sa mga katawan ng kasama at pinagtutulungang mailabas ang mga ito. Nasa may pintuan pa sila nang maramdaman ni Angela ang presensiya ng mga kalalakihan. Napalingon ang dalaga at nakita ang dalawampung lalaki sa dulong bahagi niyon.

繼續閱讀

You'll Also Like

113K 3.8K 51
Part 1 : Ray's Adventure "Everything that is hidden will be found out, and every secret will be known."
91.9K 2.9K 51
𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐁𝐔𝐒 𝐆𝐑𝐀𝐕𝐄𝐘𝐀𝐑𝐃 "𝚝𝚑𝚎 𝚋𝚎𝚜𝚝 𝚠𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝚐𝚘, 𝚒𝚜 𝚒𝚗 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚎. 𝚆𝚑𝚊𝚝𝚜 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚒𝚜𝚑 𝚝𝚑𝚊𝚗 𝚊 𝚖𝚘𝚝...
22K 1.3K 47
A Tragedy that befell the Family. A tragedy that cause an Arcie Solomon to change, the only child and unique survivor of the tragedy. Arcie Solomon...
3.5K 167 20
Triplets ladies surpass many challenges but at the end of their life in the Immortal World, they died. But do you believe in reincarnation? Yes, the...