Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 32

640 64 4
By Akiralei28


**********oo**********

Nang magkanya kanya sila ng takbo dahil sa nasa likuran na nila ang ilang mga aswang ay hindi na nila napansin na napahiwalay na silang tatlo sa kanilang mga kasama

Nauna ng nakapasok ang lima bago dahil nasa hulihan nila ang mga iyon, silang tatlo ay nauna ng makatakbo at maghanap ng bahay

Napalingon nan si Aira sa lima ng makitang nakapasok na ang mga iyon sa isang bahay na di kalayuan

Balak pa sana na bumalik n aAira pero nasa di kalayuan ay may nakita siyang parang mga ibon na naka dipa sa lupa kaya napatakbo nalang ito ng mabilis papunta kina Yuri na kasalukuyang kumakatok

Eksaktong pagkalapit ni Aira ay pinapasok na kaagad sila ng isang matandang babae sa loob

"Pasok kayo, dali," ani ng isang matanda sa kanilang tatlo

Agad silang pumasok sa loob na hingal na hingal dahil sa katatakbo

"Maupo kayo mga ineng," anyaya naman ng matanda,"Ako pala si Lola Luciana," pagpapakilala nito,"Kayong tatlo lang ba?,"

"Hindi po," sagot ni Aira,"Ako po po si Aira at sila sina Tita Janelle at Yuri, iyong iba po naming kasama ay nakapasok na po sa ibang bahay," paliwanag nito para hindi na magtanong pa ang dalawa

"Kumain na ba kayo mga apo?," tanong ni Lola Luciana,"Mag uumpisa pa lang ako kumain ng madinig ko kayo na kumakatok,"

"Hindi pa nga po eh," tugon ni Janelle,"Ah Lola ikaw lang po ba ang nakatira dito?," tanong nito

"Oo," sagot nito,"Mula dito, nasa ikalimang bahay nakatira ang bunso naming kapatid," sagot nito,"Iyong dalawang anak ko naman ay nasa kabilang bahay,"

Napatango nalang sila sa sinabi nito, bago sila niyaya na pumunta na sa kusina para saluhan itong kumain ng hapunan

Dahil alas nuwebe na ng mga sandaling iyon

Habang papunta sila sa kusina ay may napansin naman si Yuri sa bahay ng matanda, kagaya ng bahay nila at gamit ng kanyang Lola Maria kaya bigla nalang niya naalala ang kanyang Lola

"Lola Luciana," ani niya ng makaupo na sila sa isang maliit na lamesa na halos kasya lang silang apat doon,"Isa ka po bang manggagamot?,"

Napatingin ang matanda sa kanya na napangiti naman kaagad

"Oo, apo," sagot nito,"Paano mo pala nalaman?,"

"Isa din pong manggagamot ang Lola ko," nakangiti niyang sagot,"Kaya ng makita ko po ang mga gamit niyo naalala ko po ang lola ko," kiming ngiti niya

Natawa lang si Lola Luciana sa kanyang pag ngiti

"Kagayang kagaya mo ang apo ko na bunsing anak ng panganay ko," na bigla naman lumungkot,"Palangiti at magandang bata, palakaibigan siya at napakalapit sa akin,"

"Eh nasaan na po siya Lola?," tanong naman ni Aira

"Matagal na siyang patay," bigla napatigil sa pagkain si Lola Luciana,"Pinatay siya ng mga tiktik, sampung taon pa lang siya noon ng mag umpisang dumagdsa ang mga kabahayan sa bukana,"

"Ah Lola," putol ni Janelle,"Dati po ba walang mga kabahayan diyan sa bukana? Eh ano po ang pangalan ng Baryo ninyo?,"

"Tama ka, apo," ani ni Lola,"Walang kabahayan diyan sa bungad, puro damuhan at mapuno diyan sa bungad, hanggang isang araw may nagtayo ng isang kubi, tapos pagkalipas ng isang araw naging dalawa, tatlo hanggang sa dumami na sila sa loob lamang ng isang taon," paliwanag nito,"Baryo Mapayapa ang tawag sa amin, pero simula ng dumating sila at nagkaroon na ng mga huni ng tiktik, kaya tinawag na iyong baryo naman na Baryo Tiktikan, simula noon ay iniwasan na kami ng lahat," sabay inom ng tubig

"Kaya po pala," napatango sila

"Kumain na kayo para makapagpahinga na din tayo," ani nito sa kanila

Kaya binilisan na nila ang pagkain ng hapunan

Ilang sandali pa ay tumulong na sila sa pagliligpit, pero si Yuri na ang naghugas habang silang dalawa ay sinamahan naman sa dalawang silid para makapagpahinga na din

**********

Nang matapos makapag linis sa kusina at mailigpit ang mga pinagkainan ay sinundan niya ang dalawa sa isang silid

Pero nakita naman niya na nakatulog na ang mga iyon kaya napapailing nalang sila

Nagpasya nalang siya na pumunta sa maliit na sala at naupo s aisang upuan na yari sa narra

"Hindi ka ba magpapahinga, apo?," tanong naman ni Lola Luciana,"Hindi ka ba makatulog?,"

"Ikaw pala, Lola," ani niya,"Hindi po eh, baka namamahay lang po ako,"

Naupo naman sa harapan niya si Lola Luciana na naupo din sa solohang upuan

"May kakayahan ka, apo," ani nito sa kanya,"Mana ka sa iyong Lola na magaling na manggaggamot, kagaya ng apo ko na katulad mo din na kakaiba, pero dahil sa mga tiktik ay namatay siya, dahil sa kaibigan niya na isa din pala sa mga tiktik,"

Hindi siya nakakibo dahil sa nadinig niya, alam niya na malungkot ang matanda

"Inalay at kinain siya," sabi nito,"Nakita nalang namin na patay na siya kinabukasan,"

"Lola," ani niya sabay yakap doon sa matanda na umiiyak, inalo niya ito at hinagod ang likod

Ilang sandali pa sila sa ganoong posisyon bago na naghiwalay a nagkatawanan

Nahulog ang loob ni Yuri sa matanda dahil kagaya din nito ang kanyang Lola Maria na mapagmahal na Lola sa kanyang apo at maalalahanin

"Samahan mo ako sa aking silid, apo," ani nito,"May ipapakita ako sayo at may ibibigay ako sayo,"

Napatango nalang siya sa matanda bago sumunod ang sa matanda na papasok sa loob ng silid nito

Nang makapasok siya doon ay nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam, para siyang nakalutang at napakapayapa ng kanyang pakiramdam kagaya mg silid ng kanyang Lola Maria

Napapikit pa siya sa bango na kanyang nasamyo na galing sa may altar nito

"Isa iyang banal na langis o lana," ani ng matanda,"Heto kunin mo," sabay abot ng isang bote na isang dangkal ang laki,"Isang banal na lana iyan,"

Agad naman niya iyong iniabot at pinagmasdan ng maigi

"Banal na lana, na hinaluan ng dagta at luha ng kalamansi," paliwanag nito,"Pinagsamang lahat iyan at pinakuluan sa loob ng isang araw, ginawa ko iyan ng linggo ng pagkabuhay."

"Gumagawa din po ng ganito ang aking Lola," sabi niya

"Isang magaling na manggagamot ang iyong Lola," sabi nito,"Nagmana ka sa kanya, apo,"

Napatango nalang siya sa sinabi nito, naupo siya sa tabi  ito

"Hinaluan ko din iyan ng asin, napakaraming asin na tinunaw sa lana, dagta at luha ng kalamansi, kaya napaka bisa niyan panlaban sa kahit anong aswang o masasamang elemento, dahil karamihan sa kanila ay takot sa kalamansi,"

"Kaya po pala napakaputi at napakabango," samyo niya na binuksan iyon

"Apo, nasa sayo ang mutya ng kalamansi," sabi nito at hinawakan ang kanyang kanang braso na may sugat na maliit,"Nasa loob nito ang buto ng kalamansi na iyong nakuha, ang kailangan mo lang gawin ay alagaan ito at pakainin ng dasal at orasyon, magagamit mo ang isa sa taglay nito, ang kakayahang makapag usap sa kalikasan at sa mga hayop,"

"Po?!," gulat na tanong niya,"Baka po nagkakamali lamg kayo, Lola. Kasi po ang sugat ko gawa ng aswang na muntikan ko na po ikapahamak," paliwanag niya

"Oo," sabi nito,"Pero ibinaon ng Lola  mo ang buto o mutya ng bunga ng kalamansi bago niya tahiin iyan, saka nasa sayo ng kwintas ng Santo Benito," sabay hawak sa kwintas niya na nakalabas sa suot niyang damit

Napaisip siya dahil sa sinabi ng kaharap niya, kaya pala simula ng magising siya at gumaling mula sa kagat at hawa ng aswang ay may kakaiba na siyang nararamdaman

"Nakainom kana din ng banal na langis at lana ng isang aswang," ani nito,"Kaya may kakayahan ka ng manggamot at gumawa ng dasal o orasyon na laban sa mga aswang o sa mga itim na elemento, pero ang kaibahan lang sayo ay nasa kaliwa iyan nakabaon, kaya kaliwa ang gagamitin mo,"

"Ano po ang pagkakaiba ng kaliwa ang gamit?,"

"Kapag kaliwa ang gamit, pwedeng mapunta sa kasamaan, dahil ang karamihan ng kaliwa ay masasama," paliwanag nito,"Hindi kagaya ng sa akin at sa Lola mo na kanan, lahat ay ginagamit para sa kabutihan at panggagamot, kakaunti lang ang may gamit sa kaliwa na napunta sa kabutihan,"

"Paano po ang sa akin, Lola?,"

"Dahil mabuti at malinis ka dito," sabay turo sa tapat ng puso niya,"Alam ko sa mabuti mo iyan gagamitin, mas malakas ka kaysa sa iba na kaliwa ang gamit, apo,"

Napaisip siya sa sinabi nito, napatingin sa matanda na nakangiti ng buong tamis

"Kakaiba ka sa kanila," dagdag pa nito,"Pinagpala ka at ikaw ang pag asa nila," sabay tapik sa balikat,"Halika at tuturuan kita ng ilang orasyon at dasal na kakailanganin niyo, kakaibang orasyon at dasal na ang kagaya namin ang gumagamit, pero alam ko kaya mo iyon gamitin kahit na kaliwa ang nasa saiyo,"

Tumango siya at pumayag sa sinabi ng mabait na matanda

"Heto inumin mo muna ang banal na langis," sabay abot ng isang maliit na botelya,"Para hindi ka mahirapan sa mga ituturo ko sayo,"iniabot niya iyon at walang alinlangan na ininom

Hindi na siya natulog at nagpahinga, doon na siya namalagi sa silid ni Lola Luciana kasama ito at inaral niya ng buong magdamag ang mga dasal at orasyon sa tulong nito

Noong una ay nahihirapan siya dahil ang mga dasal at orasyon na binigay sa kanya ay para lang sa mga kanan ang may gamit

Napagod siya ng husto dahil minsan ay sumasablay siya at halos hindi makahinga kapag sinusubukan na niya iyon isagawa matapos makabisado ang orasyon at dasal

Pero dahil nasa tabi niya ang matanda ay kinaya niya iyon ng may pananalig sa Poong Maykapal

Nagdarasal siya sa Diyos para tulungan siyang tanggapin ng kanyang katawan ang mga orasyon at dasal na binibigay sa kanya ni Lola Luciana na napakaraming alam tungkol doob

May mabuting dasal at orasyon at may iilan din na para sa kasamaan siyang nakabisado

Kaya handa na siya para sa labanan sa mga darating na araw at sa paghaharap nila ni Apollo

Hindi na niya namalayan na nakatulog na siya sa silid ng matanda dahil sa sobrang napagod ang katawan at isip niya

Hinayaan nalang siya doon matukog ng matanda sa silid nito

Dahil alas singko na ng umaga sila natapos sa kanilang mga ginagawa, naisalin na sa kanya ng matandang manggagamot ang lahat ng alam nito

At dahil doon ay masaya ang matanda, kasi kahit isa man sa mga kaanak nito ay walang gustong sumalo o tumulad sa kanya, kaya nalungkot iyon

Pero dahil bigla.silang dumating ay nagkaroon na ito ng pag asa na hindi mababalewala ang kanyang kakayahan at kaalaman ng makita si Yuri, hindi siya lilisan sa mundo na walang mapagsasalinan ng kanyang kakayahan

Mapakaliwa man iyon o kanan ay isinalin na niya kay Yuri, sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng langis na ipinainom nito bago niya turuan ng mga lihim na orasyon at dasal

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Continue Reading

You'll Also Like

8.2K 743 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
59.1K 2.2K 37
They once made eye contact. When their eyes met for the second time, will they recognize each other? Jessica Blane, a sixteen year old middle school...
15.6K 251 38
Mahal bayad ko sa kaniya! Kaya basahin mo ito!
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...