Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 33

639 54 3
By Akiralei28


**********oo**********

Kinabukasan,

Tanghali na nagising ang magkakaibigan, dahil halos alas kuwatro na ng madaling nakatulog ang tatlo kasama si Tatay Damaso

Naabutan nila sa maliit na sala ang salawang dalaga na nakikipag kwentuhan sa mga naroroon kasama ang dalawang bata

"Magandang umaga," bati nila sa mga naroroon,

"Magandang umaga din," bati ng isang babae na nakangiti,"Ako nga pala si Connie at siya si Danilo ang aking asawa tapos ang mga anak namin," sabay turo sa lalake at dalawang bata na magkamukha

Nagpakilala din sila sa kanila bago sila niyaya ni Tatay Damaso na kumain na ng almusal

"Nasaan po sina Nanay Berta, Berna at Manuel?," tanong naman ni Kevin sa matanda

"Nagpunta na sila sa bukid kani kanina lang," sagot ni Connie na sumunod pala sa kanila para kumuha ng makakain ng anak,"Sila na ang namitas ng mga pananim, kadarating lang din nina Trina at Nena kasama si Danilo, ayan nga at naiuwi na nila ang ilang mga naaning gulay," sabay turo sa tatlong malaking bayon

Napatango nalang sila sa babae, bago nagpatuloy sa pagkain

"Mag ayos na kayo ng sarili niyo," ani ni Tatay Damaso,"Hahanapin natin banda sa looban ang mga kaibigan niyo,"

Tumango lang sila bago mas binilisan ang pagkain ng almusal

Kailangan nila mahanap ang tatlo para malaman nila kung ligtas ang mga iyon ng nagdaang gabi

**********

"Mukhang tinanghali kana ah," ani ni Sister Janelle sa kanya ng magising siya kinabukasan

"Oo nga eh," sagot niya sabay punta sa may banyo na nasa loob ng bahay at malapit sa kusina

Naghilamos muna siya at ginawa ang pang umagang ritwal para makapag almusal na din siya

"Kain kana, bago ka maligo," sabi ni Aira na halatang nakapaligo na din kasama si Sister Janelle

"Labas tayo para mahanap sina Khael," ani ni Sister Janelle

Tumango lang siya bago nagtimpla ng kape at naupo sa tabi ng dalawa

"Si Lola Luciana nga pala?," tanong niya sa dalawa

"Nagwawalis sa labas ng bahay," tugon ni Sister Janelle,"Ako na nagluto ng almusal natin, nag almusal na din si Lola,"

Napatango nalang siya at nag umpisa ng sumandok ng sinangag na napakaraming bawang

"Takot ka sa aswang, Sister Janelle?," tukso niya ng makita ang sinangag, natatawa na din si Aira sa tiyanin ni Khael,"Halos mas marami ang bawang kaysa sa kanina ah," sabay tawa

"Sabi mo pa," sang ayon ni Aira,"Kulang nalang iyong bawang nalang ang kainin natin kaysa sa kanin eh, natawa din si Lola Luciana sa kanya," at nagkatawanan na silang tatlo

Masayang natapos ang kanilamg agahan, si Aira na ang naglinis ng pinagkainan at kusina

Siya naman ay nagpatuloy na sa banyo para maligo at maglinis ng kanyang sarili

Para mahanap naman nila ang lima para makamusta ang mga iyon at kung ayos lang din ba ang mga iyon sa tinutuluyang bahay

**********

"Tara na, habang may araw pa," yaya ni Tatay Damaso sa kanila, katatapos lang nila magtanghalian

Dahil hindi na sila natuloy mag ikot matapos mag agahan dahil bigla dumating sina Nanay Berta at tinulungan nila iyon sa pag aayos ng mga dala na mga inaning gulay at ilang prutas kagaya ng saging na hinog, mangga, saging na saba

Kaya tanghali na sila nakatapos, sinabi nalang nila Tatay Damaso na pagkatapos nalang mananghalian sila lalakad

Nang mga sandaling iyon naman ay nasa labas naman ng bahay ang tatko habang nagpapahangin at nagpapahinga dahil katatapos lang din nila mananghalian

"Tulog si Lola Luciana," ani niya matapos maupo at ilapag ang malamig na tubig

"Puyat na naman siya mamayang gabi," sabi naman ni Aira,"Sasamahan na namin kayo magpuyat kayo mamaya,"

Tumango lang siya habang nakaupo at nakapikit dahil sa samyo ng malamig na hangin

Ilang sandali pa ay natanaw nila sa di kalayuan ang paparating na binata sa tinutuluyan nila

"Bago kayo?," tanong ng isang binata na kadarating lang, tinignan sila isa isa

"Oo, mga dayo kami," tugon naman ni Aira,"Ikaw sino ka?,"

"Ako si Manuel," pagpapakilala nito,"Nandiyan ba si Tiya Luciana?,"

"Natutulog si Lola Luciana," sagot naman ni Sister Janelle

"Kung dayo kayo," sabi pa nito,"Baka kasama at kakilala ninyo ang tinulungan nila Tatay kagabi,"

Nagkatinginan silang tatlo habang lumiliwanag ang mga mata nila

Bago pa sila makasagot ay may tumawag sa binata na nasa di kalayuan kaya lumingon iyon

"Tay, tara po dito!," sigaw nito sabay kaway sa tumawag sa lalake

Sumilip din sila sa tinatawag ng binata na nagpakilalang si Manuel sa kanila

"Kevin!!," sigaw ni Aira ng makilala ang nauunang binata na naglalakad papunta sa kanila

"Aira?!," gulat na sabi nito sabay takbo papalapit sa kanila,"Tara dito, nandito sina Aira,"

Agad silang niyakap ni Kevin isa isa na masayang masaya dahil nakita sila na ligtas

Agad naman tumakbo ang ilan sa kanilang kinalalagyan, nagyakapan at kamustahan naman sila matapos magyakapan

"Sila po ang kasama namin, Tatay Damaso," pagpapakilala nila Khael sa matanda,"Sila ang tumulong sa amin kagabi, kayo?,"

"Si Tiyang Luciana ang tumulong sa kanila,"sagot ni Manuel

"Nasaan si Ate Luciana?," tanong ni Tatay Damaso sa kanila

"Nagpapahinga po sa kanyang silid,"sagot ni Yuri,"Matapos po kumain ng pananghalian,"

Napatango lang ang mag ama sa kanyang sagot, naupo naman ang mag ama sa kabilang upuan habang umiinom ng tubig

"Kamusta kayo?," tanong naman ni Khael sa kanila

"Kayo na mag usap," ani ni Sister Janelle bago napangiti sa kanilang dalawa kaya nagtawanan sila

Nag usap naman silang dalawa ni Khael, tungkol sa nangyari sa kanila at kung ano ang nangyari sa kanila ng gabing iyon

"Puro tiktik ang nakatira sa bungad ng Baryong ito," ani ni Khael sa kanya,"Delikado ang mga tao dito,"

"Tutulungan ba natin sila?," tanong niya sa kaharap,"Kawawa naman kasi sila kung iiwanan natin sila,"

Napatahimik muna si Khael sa sinabi niya, tila nag iisip ito ng mabuti bago sumagot sa kanila

"May pitong araw pa bago ang kabilugan ng buwan,"sagot ni Khael,"Kahit mag tumigil muna tayo dito kahit dalawang araw pa,"

"Salamat," sabi niya,"Kawawa naman ang mga tao dito,"

"Sasa ba kayo sa amin?,"tanong naman ni Nena sa kanila

"Hindi na," tugon ni Aira,"Dito muna kami, saka walang kasama si Lola Luciana, saka mukhang marami na kayo sa tinutuluyan niyo,"

"Magkita nalang tayo bukas," sabi ni Sister Janelle,"Dito nalang kayo mananghalian,"

"Tamang tama iyan," ani ni Tatay Damaso,"Dito nalang tayong lahat mananghalian,"

"Salamat po," ani ni Yuri sa matanda,"Para naman po masaya,"

"Oh siya sige," ani ni Tatay Damaso,"Tara na at umuwi, alas kuwatro na ng hapon,"

Napatango sila at hindi na nila namalayan ang oras dahil sa naging abala sila sa kwentuhan kasama ang mag ama

"Grabe ang tingin sayo ni Manuel," bulong ni Aira kay Nena,"Uy may mangingibig na si Sister Nena," tukso nito kaya nagkatawanan silang walo

Wala ang mag ama, may kinausap ang mga iyon sa kabilang bahay kaya natutukso nila si Nena

"Magagaya na din sa wakas si Nena kay Yuri," tukso naman ni Trina sabay tawa

Kaya namula ang magkabilaang pisngi ni Nena dahil sa hiya

"May itsura naman si Manuel, Nena," tukso pa ni Yuri,"Matipuno ang katawan at mukhang masipag naman sa buhay,"

"Umayos ka, Yuri Leigh," banta na sabi ni Nena,"Umayis kayo at nakakahiya kung madinig niya,"

Nagtawanan na naman silang lahat bago nagpaalam sa isat isa

"Tara na," yaya ni Tatay Damaso sa lima,"Makulimlim na,"

"Sige, alis na kami," paalam ni Trina sabay kaway

Nagtanguan nalang sila habang papalayo ang mga iyon sa kanila

Agad naman nila iniligpit ang mga kalat na nasa labas ng bahay

Nagpasok ng mga pang gatong at nagsarado na ng mga bintana at pintuan kagaya ng mga kapitbahay nila na naging abala sa mga bahay ng mga iyon lalo at makulimlim

Nagsindi na din sila ng gasera at inilagay sa bawat sulok ng kabahayan para maging maliwanag

Dalawa ang nilagay nila sa sala, sa bawat silid at lalo na sa kusina, tatlo ang nilagay nila para mas maliwanag doob

Nakita naman nila na nagdarasal si Lola Luciana sa silid nito laya hinayaan na lamang nila

Sina Aira naman at Sister Janelle ang nagpasya na maghanda ng kanilang ihahapunan

Siya naman ay naupo sa may sala at nag usal ng ilang dasal at orasyon na alam niyang panlaban sa mga tiktik o aswang

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!





Continue Reading

You'll Also Like

66.7K 1.2K 40
Ang pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa...
8.2K 743 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
76.8K 6.2K 88
Isang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin...