Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 34

653 55 3
By Akiralei28

**********oo**********

Alas Siyete ng Gabi

Nakadinig na sila ng mga huni ng tiktik sa paligid

Napatingala naman sa bubungan si Lola Luciana ng may lumapag na napakabigat na bagay o nilalang, sabay sabay din silang tatlo na napasunod na napatingala

"Ano iyon?," tanong naman ni Aira

"Mga aswang," sagot ni Lola Luciana sa kanila, tapos napaupo nalang ito sa mahabang upuan

"May problema po ba, Lola?," takang tanong ni Sister Janelle

"Mga apo, may mga lalake bang nagpunta kanina habang tulog ako?," tanong sa kanila

"Opo," sagot niya,"Sina Manuel po at Tatay Damaso,"

"Ah ang kapatid ko at ang anak niya," napatango sila,"Wala na ba ibang nagpunta?,"

"Wala po."iling na sagot nila,"Bakit po?," tanong naman ni Sister Janelle sa matanda

"Kasi may inaasahan akong bisita," sagot nito,"Ngayon kasi manganganak ang asawa niya, nasa dulong bahagi ng Baryo ang bahay nila,"

Nagkatinginan silang tatlo at nakita nila na may pag aalala sa mukha ng matanda

"Baka mapahamak ang babaing buntis," may pag aalalang sambit ng matanda sa kanila

"Hindi naman po siguro," sagot niya sa matanda

Matapos nilang makapag usap ay kumain na sila ng hapunan

**********

Samantala sa di kalayuan

"Tatay!," tawag ng isang binatilyo sa ama na nasa kusina at naghahanda ng hapunan nila

Tumatakbo itong pinuntahan ang ama na nasa kusina

"Ano iyon, Tonton?," may pagtatakang tanong ng Tatay Oca nito na nag aalala

"Tatay si Nanay mukhang manganganak na po," tarantang sabi nito sa ama

Hindi na nakasagot si Oca at mabilis na pinuntahan ang asawang si Lanie na nasa silid nila at nagpapahinga

"Lanie, ano ang nararamdaman mo?," nag aalalang tanong ni Oca sa asawang hindi na maipinta ang mukha dahil sa nararamdamang pananakit ng tiyan

"Tay, manganganak na yata ako," napapapikit na sambit nito,"Tawagin muna si Lola Luciana," utos nito

"Pero paano ka dito?," tanong nito,"Naglilibot na ang mga tiktik sa labas ng Baryo,"

"Gamitin muna ang tricycle natin," utos nito,"Bilisan muna, gisingin mo nalang si Manong Ben na nasa kubo natutulog,"

"Sige," sabay tayo at takbo sa kusina para puntahan ang anak nilang panganay,"Tonton, bantayan mo si Nanay mo at tatawagin ko si Lola Luciana ha?,"

"Opo, Tay," sagot nito, kaagad na kinuha ni Oca ang itak at buntot ng pagi, binigay nito ang isa sa anak

Bago umalis ay ginising nito ang kuya ni Lanie na nasa kubo natutulog at nakatira

"Manong Ben! Manong Ben!," katok at tawag nito sa loob, ilang sandali pa bago iyon napagbuksan dahil tulog na ito

"Ano iyon, Oca?," papungas pungas na tanong nito sa bayaw

"Manong, manganganak na yata si Lanie," kinakabahan sagot nito,"Samahan mo muna ako kina Lola Luciana,"

"Tara bilisan natin," ani ni Ben na isinukbit ang itak at kumuha ng buntot pagi na nasa pintuan din

Matapos makapaghanda si Ben ay bumalik muna sa bahay si Oca para bilinan ang anak na si Tonton

Isinarado naman kaagad ni Tonton ang pintuan, hinarangan ng mabigat, naglagay ng walis tingting na pinatayo ng pabaliktad

Naglagay ng mga bawang at asin sa pintuan at mga bintana bago pumunta sa silid ng Nanay niya para ito samahan at bantayan

Agad naman nakaalis sina Oca at Ben sakay ng tricycle nito, mabilis nila iyong pinaandar dahil nakita nila na may mga tiktik na paikot ikot sa itaas nila

May mga nakita din sila sa mga bubungan ng mga kababaryo nila na mga nakaupo at tila naghihintay lang ng tamang oras para sumalakay at mambiktima

Samantala sa tinutuluyan naman nina Khael ay gising silang lahat dahil halos nag iiyakan ang mga kasamang bata dahil sa takot

"Ano po ang mga kalabog na iyon?," tanong ni Trina na nakatingala din sa bubungan,"Parang hindi sila gumagalaw, pero nasa taas sila,"

"Mga aswang na Kamagrang kung tinatawag," ani ni Tatay Damaso

"Kamagrang?! Anong uri pong aswang iyon, Tatay Damaso?," tanong naman ni Kevin sa kaharap

"Kamagrang," ani ni Tatay Damaso,"Mga aswang na kagaya ng Gabunan, pero hindi tinatablan ng asin at bawang, matatapang at halos walang kinatatakutan, kahit babaryo ay pinapatos nila at pinapakialaman, pero mas mabalasik at matapang ang mga aswang na Kamagrang,"

"Ang alam ko, miminsan lang sila lumabas," ani ni Nanay Berta,"Minsan lang sila lumabas, mambiktima at kumain, kapag may buntis na malapit ng manganganak o manganganak na,"

"Manganganak?,"tanong naman ni Berna,"Ang alam ko Nay si Manang Lanie? Kabuwanan na niya ngayong linggo,"

Nagkatinginan naman sila habang nanlalali ang mga mata

"Baka nandoon na si Manang Luciana," sambit naman ni Tatay Damaso, bago tinignan sila ng paisa isa,"At baka kasama din ang mga kaibigan niyo,"

"Delikado po ba ang mga kamagrang?," tanong naman ni Khael, na nag aalala sa tatlo

"Oo, malalakas na uri ng aswang," ani ni Manuel,"Delikado lalo pat agresibo sila kapag malapit ng mailabas ang sanggol,"

"Pupuntahan po namin sila," ani ni Bryan na biglang tumayo,"Kailangan po nila ng tulong,"

Umiling lang ang mga iyon, hindi sila pinayagang makalabas

"Hindi mapapahamak ang mga kaibigan niyo hanggang kasama nila si Tiyang Luciana," sabi ni Connie,"Ligtas sila hanggat kasama nila si Tiyang,"

"Ha? Paano?," takang tanong naman ni Nena kay Connie

"Isang Babaylan o manggagamot si Tiyang Luciana," paliwanag ni Connie,"Isang Manggagamot na parehong may gamit sa kaliwa at kanan, pwede sa masama at pwede din sa mabuti,"

"Mayroon bang ganoon?," takang tanong naman ni Bryan samantalang si Khael naman ay nakikinig lang sa kanila

"Oo,"sagot naman ni Tatay Damaso,"Siya ay isa ding mangkukulam, mambabarang, pero nanggagamot siya at nagpapagaling, nagpapaanak din,"

"Nakakatakot palang kalaban si Lola Luciana," sabi naman ni Trina,"Eh sino po ang magmamana ng kakayahan niya halimbawang mamatay po si Lola Luciana?,"

"Wala," sagot ni Nanay Berta,"Namatay ang isang apo namin dahil sa mga tiktik, siya sana ang magmamana ng kakayahan nito,"

"Sayang po ang kakahayan ni Lola Luciana," sabi ni Trina

"Oo sayang nga," pagsang ayon naman ni Berna,"Pero ayaw namin maging kagaya niya,"

Hindi na sila nakaimik dahil sa sinabi ni Berna,

Nakikiramdam nalang sila sa kapaligiran dahil lalong mas nagiging agresibo ang mga tiktik na lumilipad paikot sa bawat kabahayan

Ang mga tumatakbo at mga naglulundagan sa bawat bubungan ng mga kabahayan ay mas lumalakas at dumadami

"Nagiging agresibo na sila," ani ni Tatay Damaso,"Mas magiging agresibo sila oras na maipanganak na ang sanggol,"

"Iaaalay nila iyon sa darating na kabilugan at pagpula ng buwan," sambit ni Danilo,"Kaya halos lahat ng kabataan dito at ang mga maliliit na mga bata ay bantay sarado dahil sa mga kamagrang,"

"Kahit sa mga kasunod na Baryo ay naglilipana na din ang mga aswang," ani ni Nanay Berta,"Dahil mag mapangahas sila kapag bilog at pula na ang buwan, nauuhaw sila sa dugo at laman ng tao,"

"Eh ano ang gagawin niyo sa araw na iyon?," tanong ni Khael

"Magkukulong sa loob ng bahay ng dalawang gabi at isang araw," sagot naman ni Berna,"Kasi baway bahay ay pinupwersa na nila kapag sumapit ang gabi na iyon,"

"Kaya nga naghahanda kami para sa araw at gabing iyon," ani ni Nanay Berta,"Sa araw bago ang kabilugan ng buwan may mga aswang na dumadaan dito,"

"Daanan ang Baryo namin ng mga aswang na papunta sa ikatlong Baryo o Sitio," dagdag pa ni Tatay Damaso,"Ang kasunod naming Baryo ay Baryo Dagit, kung ngayon ang araw at bukas ang kabilugan at pagpula ng buwan, halos magdamag na dumadaan ang mga aswang dito para dumalo sa pagtitipon sa Baryo Argua,"

"Mas dagsa ang mga aswang na dumadaan dito lalo na kapag sa araw mismo o gabi mismo ng pagbilog at pagpula,"

Nagkatinginan silang lima at iisa lang ang nasa isip nila, tiyak na nila na mapapalaban sila ng sobra

Hindi lang sa mga Manggar kundi sa mga ibat ibang uri pa ng mga aswang na pupunta sa Baryo Argua pagsapit ng kabilugan at pagpula ng buwan

Kaya kailangan nilang maghanda sa araw na iyon at sa paglaban sa mga aswang para lang makuha nila ang pakay nila doon

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Continue Reading

You'll Also Like

15.6K 251 38
Mahal bayad ko sa kaniya! Kaya basahin mo ito!
9.8K 426 25
A story about the adventure of a mermaid in the world of humans.😉💖
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
119K 5.3K 90
Pagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay...