That Time I Got Reincarnated...

Galing kay Messy_Pixie

247K 14.9K 1.4K

Matapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabu... Higit pa

Prolouge
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
NO PLEASE DON'T. 😭😭
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
THAT TIME I GOT REINCARNATED AS A FOX (S1)

12

6.2K 375 23
Galing kay Messy_Pixie


"Kyaaah! Nina!"

"Nina notice me please!"

"Oh God you're gorgeous! I wish I was you!"

Napangiti ako ng mapait sa narinig ko. You wish you're me? Wrong choice, girl. Hindi mo magugustuhan na mabuhay sa katayuan ko.

Patuloy lang akong naglalakad papunta sa room ko ng makasalubong ko ang kapatid ko. She's laughing with her friends but when she saw me, her smile faded.

"Look. It's your sister right?" sabi ng kaibigan niya.

I smiled. "Hi—"

"No. We have a same surname but it doesn't mean we're siblings," sabi nito at sinamaan ako ng tingin. "Let's go girls."

Napabuntonghininga na lang ako ng makaalis sila at napayuko. What I have done? Why did they hate me so much?

Oh. I know, it is because of—

"Shh! Fiera will gonna wake up," rinig kong sabi ni Lana kaya napamulat ako ng mata.

"Ay wala na, gising na," natatawang sabi ni Nana.

Teka, anong pinag-uusapan nila?

"What?! Ugh!" Kunot-noo naman akong napatingin kay Lana na buhat buhat ako.

Naglalakad na pala sila, bakit hindi ako nagising?

Bumaba ako kay Lana at marahang nag-unat ng katawan.

"Ilang oras na kayong naglalakad?" tanong ko.

"Magda-dalawang oras na ata," sagot ni Lana.

Tagal ko namang natulog.

"Nakakainis, hindi pa rin natin mahanap ang daan palabas," ungot ni Luca.

Napabuntonghininga ako at tumingin sa taas. Kung kaya lang talaga naming butasan ang lupa na 'yon.

"What are you looking?" Hindi ko pinansin ang nagsalita at nananatili ang tingin sa taas.

We need so much power to make a hole just incase. Hindi namin alam kung gaano kataas o kababaw ang kinalalagyan namin.

"Hey. We need to go," sabi ni Kreyos.

"Move," seryosong sabi ko.

"What?"

"Bingi ka ba?" mataray na sabi ko.

Umingos naman siya at umusog. Hindi ko alam kung magagawa ko 'to pero why not coconut?

Bumwelo ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Sinubukan kong mag focus para mabalabas ang kapangyarihan ko.

"Lotus." Ilang segundo akong naghintay pero walang nangyari.

"Yep. Hindi gumana." Nakarinig ako ng iba't ibang komento mula sa kanila kaya napahalakhak ako.

Naghintay ka ba? Wala na, it's a prank. Tsaka anong lotus? Bulaklak 'yon 'di ba?

"Para kang tanga, Fei," naiinis na sabi ni Luca at akmang kukunin ako ng agad akong tumakbo palayo.

"Lana oh!" pagsusumbong ko sabay lapit kay Lana.

Sumimangot naman ang mukha ni Luca kaya nilabas ko ang dila ko sa kanya.

"Hmp. Dito tayo dadaan," turo ko at nauna nang maglakad.

"We're going left, Fei," sabi ni Kreyos kaya napasinghal ako.

"Dead end r'yan, makikita mo lang ay mga lava at mga malalaking gagamba," sabi ko kaya napatingin silang lahat sa 'kin.

Tsaka ko lang na realize ang sinabi ko. Wait what?

"How did you know?" tanong ni Mira.

"Uh, I don't know?" nakangiwi kong sabi.

"Fine, we're going this way," sabi ni Kreyos kaya agad kaming sumunod sa kanya.

Sa buong paglalakad namin ay ako ang nagtuturo nang daan. May mga nakalaban din kaming mga monster na tinatawag nila pero hindi naman gaanong malakas.

Tumagal din ang paglalakad namin at doon ko napansin na paakyat ang nilalakaran namin kaya marahil ay tama ang sinasabi ng instinct ko kuno.

"There! I can see the light!" tuwang-tuwang sigaw ni Jack kaya naman ay nagunahan silang lumabas ng kuweba.

"Tsk, parang mga bata," nasabi ko na lang.

"Damn. You're the best, I'm so proud of you." Napatingin ako kay Kreyos at tila tumalon ang puso ko sa sinabi niya.

In my past life, no one dare to said those words to me. No one, even my family. It's already obvious, wala naman silang pakialam sa 'kin.

"Tsk, dami mong alam," sabi ko bago naunang maglakad.

Napangiti na lang ako ng palihim. It feels good, honestly.

"Maghihiwalay na po ba tayo dito?" Napatingin ako sa bata ng magsalita ito.

"Oh, no. Saan ka ba nakatira?" Tanong ko.

Bahagya pa akong suminghot para damhin ang hangin. Ang bango, amoy mga puno na parang napatakan ng ulan.

"Wow! Ano 'to dahon?!" Napakunot naman ang noo ko ng marinig ang sinabi ni George.

Siraulo talaga.

"Sa lugar kung nasaan ang mga bampira," sagot niya.

"You mean, kingdom of vampires?" He immediately nod his head. "Great! We're going there too."

"Talaga po?!" nakangiting sabi niya. "Salamat po sa pagtulong niyo sa 'kin!"

"No worries, tayo lang din naman ang magtutulungan." Nakangiti itong tumango.

"Ako nga po pala si Wave, sa tagalog ay alon. Hindi ko alam kung bakit pero gustong gusto ni Ina ang tunog ng alon," sabi niya.

"Maganda naman kasi talaga pakinggan 'yon," sabi ko at napangiti ng maalalang nakapunta ako sa beach ng isang beses.

Sakto ang paglubog ng araw non habang nakatayo ako sa buhangin, pinapakinggan ang tunog ng alon at dinadama ang lamig ng hangin.

"Mukhang nakapunta ka na po sa dagat." Tumango naman ako.

"Oo." Medyo nakakalungkot dahil ako lang ang mag-isa na naroon dati.

"Ugh, hindi ko alam kung nasaan tayo," naiinis na sabi ni Mira.

"Wait, leave this to me." May lumapit kay Nana na isang ibon at kinausap ito. "Lead us to the kingdom of vampires."

Humuni naman ito kasabay ng pagdating ng dalawa pang ibon.

"Sundan nalang natin sila." Wala kaming nagawa na kahit pagod ay nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Isa kang guardian hindi ba?" Naiangat ko ang tingin kay Wave at binalik din ang tingin sa daan.

"Oo."

"Ngayon lang ako nakakita ng kagaya mo na nakakapagsalita," sabi pa niya. "May guardian din si Ina."

"Nasaan na 'yon ngayon?"

"Hindi ko alam, ang sabi kasi niya ay nawala na lang daw 'to na parang bula." Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Hindi ba kapag nagkaroon ka ng guardian ay mananatili 'yon sa tabi mo hanggang mamatay ka? Pero siyempre hindi siya mamamatay kasama ng amo, maghahanap ulit ito ng panibago niyang magiging master. Iyon ang pagkakaalam ko.

Nang palubog na ang araw ay huminto muna kami para makapagpahinga at makakain. Salamat naman at nakahuli ng usa ang kasamahan namin pero normal pa ba ang usa na dalawa ang ulo? Sa mundo ko dati hindi, malamang normal na 'yon dito.

Ang mga babae naman ang naglinis pero ang mga lalaki pa rin ang nagkatay.  Ibinigay naman ang dugo kay Wave na agad naman niyang ininom.

"Oo nga pala, kailangan kong maialis ang kristal sa tyan mo," usal ni Wave at tinuro ang tyan ko.

Gabi na at tapos na rin kaming kumain kaya naiwan na lang ang bonfire. Buti nalang may magic pocket sila kaya mayroon kaming tent.

"Sige." Lumapit ako kay Wave.

"Medyo maduduwal ka dito," sabi niya kaya tumango na lang ako.

Mas maganda pang lumabas sa bunganga ko kaysa sa labasan ko ng dumi. Mas eww naman 'yon.

Pinikit ko ang mata ko at naramdaman ko ang pagalaw ng bilog na nasa loob ko paakyat sa lalamunan ko.

"Ackk—"

"Pfft." Hayop, sige tawanan niyo ako.

Nang mailabas ko na ang kristal ay agad akong napaubo. Hinugasan naman 'yon ni Kreyos at tinignan.

"Kaya pala nilunok," sabi niya.

"Nalunok nga!" inis na sigaw ko at uminom ng tubig.

Nagtawanan naman sila kaya napairap ako.

Matapos ang eksenang 'yon ay pumunta na kami sa kanya kanya naming tent para makapagpahinga pero siyempre, katabi ko na naman si Kreyos na natutulog na ngayon.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatitig sa kanya. May pagka-badboy looks kasi talaga siya, gwapo at matangkad. Hindi ko rin naman maitatanggi na malakas siya. Kahit may pagka masungit at malamig ang pakikitungo saamin ay may care pa rin naman siya kahit papaano.

"Stop eye raping me." Nanlaki ang mata ko ng magsalita siya.

"Mukha mo!" singhal ko bago lumayo sa kanya pero hinila lang niya ako palapit.

"Sleep, maaga pa tayo bukas." Hindi ko na lang siya pinansin at natulog na.

Kinaumagahan ay maaga nga kaming naglakbay. Hindi ko talaga alam kung saan kami dinala ng kuweba na 'yon na daig pa ang labyrinth sa pasikot sikot.

Hapon na ng makarating kami sa lugar ng mga bampira. As usual, walang mga tao.

Tumungo kami sa mansyon ni Vlad at ibinigay ang kristal sa kanila. Nagpasalamat naman ang mga ito at ibinigay ang pabuya saamin.

Sinabi niya rin na mahigit apat na araw kaming nawala kaya nag-aalala siya na may nangyari saamin pero dahil may malakas kaming kasama at magaling, nakabalik kami ng ligtas.

"Saan ang bahay ninyo?" tanong ko kay Wave.

Aalis na rin kasi kami ngayong gabi dahil malayo rin ang daan pabalik sa academy. Nandito na rin saamin ang patunay na natapos namin ang quest.

"Nandoon lang po!" turo niya sa isang bahay. "Ina!" sigaw niya.

Napatingin naman saamin ang magandang babae na may hawak na pandilig.

"Wave!" sigaw nito pabalik.

Tinakbo naman ni Wave ang pagitan nila ng Mama niya at niyakap ito ng mahigpit.

"Ina."

"Anak ko, nag alala ako sa'yo," umiiyak na sabi ng babae.

Hindi ko maiwasan ang malungkot at mainggit. Simula kasi nang mangyari ang aksidenteng 'yon ay hindi ko na naramdaman ang yakap ni Mama sa'kin.

"Wave, aalis na kami," paalam ni Lana.

Kumalas ng pagkakayakap si Wave saamin at tumango.

"Maraming salamat po sa pagtulong sa 'kin, balang araw ay masusuklian ko din po ang kabutihan ninyo." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Aasahan ko 'yan."

"Salamat sa pagbalik sa anak ko."

"Walang ano man po."

Matapos magpaalam kay Wave at mama niya ay dumeretso na agad kami sa karwahe, iyon pa rin ang sinakyan namin na hinintay kami ng apat na araw. Estudyante kasi kami ng academy tapos royalties pa ang mga kasama ko.

"Ahh! I miss my dorm!" sugaw ni Lana na kasama ko loob ng karwahe.

"Ako rin," sabi ni Mira.

Kaming mga babae naman ang magkakasama at sa isang karwahe ay mga lalaki. Mabuti nang ganon para may pa girl talk naman sila, hindi lang ako sure sa isa na mukhang lumiko ang landas.

Dude! Kahit mukha siyang babae halata pa rin lalo na kung paano siya tumingin kay Mira!

"Why are you looking at me like that?" taas kilay na tanong ni Nana.

Magkatabi kasi sila ni Mira ngayon.

Lalo naman akong napangisi na ikinapula niya. Hindi ko alam kung sa inis ba o sa kilig. Asus. Wala pa nga akong sinasabi, ganyan agad ang reaksyon niya.

"Fiera!" Pinanlakihan niya ako ng mata kaya napahalakhak ako.

"Okay, what's happening?" tanong ni Mira kaya lalo akong natawa.

Wala kasing kaalam aalam ang dalawang 'to sa nangyayari. Well, si Nana na ang bahalang magsabi non sa kanila.


A/N: Loe. Walang kayo, never magiging kayo. Kbye.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

51.1K 1.6K 35
Chione spent most of her life in the hospital due to her illness. She felt miserable and lonely. However, when she woke up in a mysterious kingdom wh...
376K 12.5K 54
"I just woke up as a villain in the novel that i was reading," - Amara Grammatical errors || Typos || Unedited Ara grew up in an orphanage and becam...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
876K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...