The Playing Coach's Manager (...

By LousyLoserRuri

14.3K 1.1K 343

[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hin... More

The Playing Coach's Manager
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Extra Part (Character Trivia and some sketches)
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy One
Chapter Seventy Two
Chapter Seventy Three
Chapter Seventy Four
Chapter Seventy Five
Chapter Seventy Six
Chapter Seventy Seven
Chapter Seventy Eight
Chapter Seventy Nine
Chapter Eighty
Chapter Eighty One
Chapter Eighty Two
Chapter Eighty Three
Chapter Eighty Four
Epilogue

Chapter Twenty Six

186 14 4
By LousyLoserRuri

A/N: Happy 1k reads! Maraming salamat po sa mga sumusuporta ng storya ko! I still plan on finishing this story then magsusulat pa ako ng magsusulat! Your reads, comments and votes are very... very... important to me! Please share this story sa iba ny'ong friends if you can! Your efforts are my fuel to write more!




[Marie]

"Brigh?! What the--"

"Claire, please shut up and hop in! You too, man!" Sabi nito.

Tulala ako sa mga nagaganap pero agad akong hinila ni Kenji at pinaupo sa likod ni Brighton tapos agad siyang umupo sa likuran ko.

Pero may isang depungol na sumugod at humawak sa likuran ni Kenji. Pinipilit siyang itumba nito mula sa pagkakasakay niya sa motor. Hindi naman ako makaatake kasi napapagitnaan ako ni Kenji at Brighton. 'Di ako makapwesto.

Pinilit sikuhin ni Kenji 'yung humawak sa kaniya para bumitaw ito, pero nagsuguran na rin 'yung iba sa amin. Kung magpapaandar si Brighton, there's a big chance na bumagsak si Kenji.


Pero nagulat kami nang may dumating na mga lalakeng nakamotor pa. Siguro mga apat sila. Nagbabaan ang mga ito at saka nagsuguran sa mga nakahawak kay Kenji.

Teka- kilala ko 'tong mga to ah! Mga pinsan 'to ni Brighton. I got to know them kasi madalas sila sa school namin noon sa US dahil nanonood sila ng laban nila Brighton. We all know each other too since I was a part of the basketball team din ng school.

"Hey, Claire! Long time no see!" Sabi ni Ricky tapos hinila yung mga lalakeng nakakapit kay Kenji.

"We do that later, we need to take them out of here!" Sabi naman ni Jessie, isang pinsan ni Brighton.

Nang makabitaw yung maraming lalaki kay Kenji, humarurot agad si Brighton papaalis ng lugar na 'yon angkas kami. Tangina. Sa sobrang kaba ko, nakahawak yung kanang kamay ko sa bewang ni Btighton tapos yung kaliwa ay nakakapit sa kamay ni Kenji na nakakapit sa bewang ko naman.



Binaba kami ni Brighton sa isang kotse sa likod ng lote. May babae sa loob noon, kilala ko rin ito. Kapatid ito ni Ricky, si Roxy. She's around late 20's na.

"Explain!" Sabi ko agad pagkababa namin.

"I need to go back, Claire. Ricky and the others need some back up."

"What the fuck is happening?!" Inis kong tanong pa.

"Roxy is there to explain. I'll be back!" Sabi nito tapos humarurot ng motor pabalik sa kung saan kami nanggaling kanina.

"May I know what is happening?" Tanong ni Kenji sa babaeng nasa loob ng kotse.

"I am Ricky's elder sister, Roxy," pakilala niya kay Kenji. "Yesterday, Brigh recorded a conversation from those guys who you beat in the match yesterday. He recorded it because he heard your name and Claire's name, and he can't understand Tagalog so he asked Ricky to translate it for him. After finding out that they were planning to take you and Claire on, we made a plan to observe and act if needed." 

"Why didn't he tell me directly then?" I asked.

"It seems that Brigh is guilty for everything he did to you so he couldn't bring himself to talk to you and you also blocked his messages. Plus, he wasn't really sure if those losers would actually do it so we just really waited and followed the plan."

Natigilan ako. 

He's feeling guilty? This is new. 

"Claire, I know that Brigh is a jerk, but I do think he means it this time. He is regretting the things he did."

I nodded.

"The police are on their way. I contacted them earlier. Go inside the car so you can guys can rest. I know it's been tough."

Pumasok kami ni Kenji sa loob ng kotse at napansin kong nakatingin si Kenji sa kaliwang kamay niya na may gasgas. Hindi naman sobrang lala pero namumula ito at medyo nagdudugo.

"Anong nangyare?!" Hinawakan ko agad ang kamay niya to check it.

"Napuruhan din ako nu'ng sinuntok ko 'yung lalake kanina. Hindi ako sanay sa basag ulo."

"Kaya mo naman magpractice pa, right?"

Napakurap siya, "oo naman. Gagaling naman ito agad."


Napabuntong hininga ako. Finally, nagsisink in na sa akin ang lahat. Kenji almost got beaten to death and I almost got.... ugh! This sucks so bad.


Brighton...you jerk! You should be fucking okay or I'll kill you.



----

[Kenji]

"Well now, mister! Look at you!" Nakapamewang pa si Marie habang nakatingin kay Brighton na nakahiga sa kama ng ospital. Ang dami nitong pasa sa katawan at sugat. Talagang nakipagrambulan sila.

Nanatili lang kami ni Marie sa loob ng kotse hanggang dumating ang mga pulis at hinuli ang mga ang lahat ng mga nagrarambulan doon. Kinuha nila ang statement namin at inayos naman namin ang lahat kaya napakawalan ang grupo ni Brighton. Nandito kami ngayon sa ospital dahil napuruhan din sila.

"Good thing nothing serious happened to you," dagdag pa ni Marie.

"Well... I am strong," nakangising sabi ni Brighton.

Napapansin kong nagiinit na ulo ni Marie. 

"Mama mo, strong!" Sabi nito. "Pasalamat ka talaga at niligtas mo kami at sugatan ka kasi kung hindi, sinapak na kita! Sana talaga sinabi mo sa akin sa una pa lang para 'di ka na nasaktan. Depungol!"

"Claire, how many times do I have to tell you that I do not understand Tagalog?"

"Eh letse! Manigas ka!" Dabog nito at saka naglakad papaaalis ng kwarto.

"What did she say?" Tanong ni Brighton sa akin.

"She said you should be thankful that you saved us and you are bedridden because she wants to give you a punch on the face. She also stated that you should've told her everything so this could have been avoided." 

"That stupid Claire. How can I tell her if she blocked my messages a long time ago?" Tapos tumawa siya.

Napabuntong hininga ako.

"You have my gratitude," panimula ko. "I really.... really didn't know what to do when we got cornered. All I know is I will never forgive myself if something happens to her. Thank you for saving us." 

"I will also never forgive myself if something bad happens to her," sabi nito. "I am glad I helped, man."

Napangiti ako.

"I know you will take care of her," ani nito tapos yumuko. "I watched your match yesterday and honestly, your team is really amazing."

"Everyone has been doing their best," sagot ko.

"I know, it's why Claire seemed so happy with you guys. I am such a jerk for trying to ruin everything that makes her happy."

"You made up for it. It's okay now."

Bumuntong hininga ito, "back then, it was the first time I saw Claire smile like that. Her eyes sparkled when he looked at everyone. But she sparkled the most when she looked at you."

Natigilan ako.

"Claire never look at me the way she looked at you. I do not think she even looked at anyone like that except you."

Nagulat ako sa mga sinasabi niya. Hindi ako makasagot.

"Lucky man."


Siguro... siguro sobrang hinahangaan ni Marie ang paglalaro ko at sobrang mahal niya ang team kaya siya ganoon.


"I'll do my best to keep her happy," seryosong sabi ko.

"Ah, you better," nakangiting sabi nito at saka inabot ang kamay niya. "Friends?"

"Certainly," nakangiting sabi ko at saka ako nakipagkamay sa kaniya.

"I'll call her," sabi ko pa.

"Call her for what?"

"I know she still has something to tell you and she just went outside to gather her thoughts," sabi ko.

"You really know her, huh? You sure you're not into her?"

Nginitian ko siya, "secret." 

Lumabas ako ng kwarto at saktong nandoon si Marie na nakapalumbaba sa bench. 

"Marie," tawag ko sa kaniya.

Nakanguso ito. 

"Kaya mo na bang magpasalamat?"

"Naiinis kasi ako sa lalaking iyon eh. Baka pag pinasalamatan ko, lumaki ang ulo."

"Palagay ko, hindi naman. Alam kong genuine lahat ng ginawa niya para sa atin."

"Well... you have a point."


---

[Brighton]

I was shocked when Claire actually went inside my room. Wow, that Kenji guy is really something. He knows exactly what's gonna happen.

"Hey," Claire approached me.

I just looked at her.

"Thank you," then, she looked at me straight in the eyes.

I smiled. "You are very welcome, missy."

"Also, I am sorry for not bidding any farewell to anyone way back when we left the US. I thought... it wasn't needed or something. I was being selfish. I hope that when you get back, you can tell the whole team that I miss them and I am still sorry for not saying goodbye."

"No worries, I will tell them," I replied. It feels warm when Claire talks to me this calm and nice. I feel fuzzy.

"Also," then she made the prettiest smile I've ever seen, "you're not bad at all. You can be a badass if you want to."

Darn.

Man, I was really a jerk for not dating her. Fuck! Welp, at least she's happy.

"Oh please, I am already a badass."

"Haha. Lumaki na ulo ng putang'na," then she grimaced.

"I don't know what exactly you said but I know there's a bad word in it," I said smilingly.

"Haha yeah. Tangina mo talaga!" She laughed.

I laughed too.

"I'll be going back in the U.S. this Tuesday," I told her.

"You sure you can travel? Aren't you hurt that much?" She asked.

"Nah, this is nothing. I can manage."

"Well, okay, big boy," she gave a smug smile.

"Take care, Claire."

"Take care too, Brighton."

And she left my room.

I guess, going here in the Philippines is worth it. Although I didn't get to take her with me, that smile she made towards me is enough for me to move on. 

Thank you, Claire.


Thank you.


-----

[Tyrone]

"Meron ka bang mensahe para sa Maroon Whales, Mr. Fajardo?" Tanong ng journalism club kay Kenji.

"Wala naman," deretso sagot nito.

"Sigurado ka? Pinlano nilang bugabugin ka at ipahamak ang manager mo," pamimilit nuong interviewer. Tangina, ngayon lang ako nakakita ng interviewer na namimilit sumagot ng interviewee.

"Wala talaga," si Kenji.

Nasa gym kami ngayon at magppractice na sana pero naudlot kasi kailangang interviewhin si Kenji ng Journalism Club. Hindi naman siya bastos para tanggihan iyon kaya ginawa niya. Saglit lang naman daw.

Ang totoo niyan, nabigla talaga kami sa mga nabalitaan naming nangyare kila Kenji at Marie. Hindi namin inaakala na hahantong sa ganoon ang trip ng Maroon Whales. Du'n din namin nalaman na sikat talaga sa basag ulo ang mga players nila. Buti na lang, nakickout na ang mga yo'n sa university nila matapos sumabog ng kwento.

Kaso naman pushy naman ng mga interviewer na ito. Pinipilit nilang sumagot si Kenji kahit na wala naman na talaga siyang gustong sabihin.

Ilang minuto pa ay palagay ko ay napagod din itong mga grupo ng mga babae na ito kay Kenji at kay Marie naman lumipat. Kinakausap ni Marie ang mga freshmen noong nilapitan siya ng mga nasa journalism.

"Ikaw si Marie Angeles di ba? Maari ba kaming maginterview sayo regards sa gulo with Maroon Whales?

"Hindi," tipid na sagot ni Marie pero straight ang mukha niya.

Kumunot ang noo ng mga ito, "huh? Bakit ayaw mo?"

"Eh ayaw ko eh," sagot ulit ni Marie. "May right naman akong tumanggi, hindi ba?"

Nakita kong naningkit ang mata ng isa sa kanila, "alam mo, ang damot mo."

Uh-oh.

Agad kong sinenyasan si Kenji na kailangan na siyang makialam sa usapan ng journalism club at ni Marie dahil baka umbagan lang ni Marie itong mga babae sa journalism club.

"Wala akong pake," umikot mata ni Marie.

"Porke't may lahi ka, akala mo kung sino ka na?" Sabi nuong isang babae sa club na may kulay ang buhok.

"Naiinis na ako ah? Putangina pala, ano ba ng kinagagalit ninyo eh kayo nga unang nagtanong kung pwede akong interviewhin tapos tinaggihan ko naman. Amputa pal--"

"Excuse me," sumingit na si Kenji. "Palagay ko, maganda naman ang mga binigay kong impormasyon sa inyo kaya ayos na iyon. Hayaan ninyo na kaming magpractice."

Nakakunot pa rin ang mga kilay nuong mga babae. 

"Nakikiusap ako," magalang na sabi ni Kenji.

"Halika na," sabi nuong babaeng may kulay ang buhok at saka naglakad ang grupo nila papaalis.

"'Di ko inaakalang ganyan kapilit ang mga nasa journalism club," sabi ko kay Shane.

Umasim ang mukha ni Shane, "'di naman ang mga yan ang official journalism club, Tyrone. Pinsan ko ang EIC ng official school paper at hindi niya under ang mga iyan. Vloggers' Club yata ang mga 'yan eh. Mga wannabee ng original school paper." 

"Kaya naman pala wala silang manners 'no?" Sabi ko.

"Sinabi mo pa. Ewan ko nga bakit pa inentertain ni Captain yan eh," maasim pa rin mukha ni Shane.

Haaaay.


----

[Marie]

Tanginang mga 'yon! Nagoyo kami! Hindi naman pala si ang official school paper club pero kung makapilit ng interview, kala mo mga professor eh. Tangina sarap pagsisibakin ng mukha.

"Balik na sa practice!" Sigaw ni Kenji tapos nagpractice uli sila habang nanonood naman ako kasama si Cara sa bench.

"Ate Marie, wag ka na mainis," pakiusap nito. 

"Nakakasira kasi ng araw eh," reklamo ko.

Depota naman kasi. Ayaw ko nang pagusapan ang mga ganap kasi nakakatrauma iyon. Ikaw ba naman ang muntik nang halayin ng mga tarantandong iyon, 'di ka mattrauma? Isa pa, muntikan na talaga si Kenji duon. Ayaw na ayaw na nga naming alalahanin, tapos pipilitin pa kaming magsalita about what happened ng club na ito? Kalbuhin ko kaya mga babaeng 'to?!

"Palagay ko, kailangan mo may pagbuntunan ng inis," ani niya.

"Yeah, I wanna make them eat shit," then I crossed arms. 

"Hmmm, 'di ba you've been wanting to take kuya Kenji on a one on one? Ayain mo kaya siya ngayon? Ano sa tingin mo? Since next week na ang unang match natin sa finals, magandang magkasukatan kayo ng lakas!" 

"Wow, your suggestion isn't bad at all!" I felt my mood brighten up! 

Nginitian ako ni Cara. She's really nice and cute. I gave her a pat on the head.


"Kenji!" Sigaw ko.

Lumingon siya sa akin.

"One on one tayo?"

Nanlaki mata niya.

"Please!" Sigaw ko pa.

"Uy, ayos 'yan a!" Sabi ni Arci.

"Gusto kong makita iyan!" Si Shane.

"Captain, pabigyan mo na," si Harold.

"Ahh.. eh.." nagpapalit-palit mga mata ni Kenji sa akin at sa team mates niya, "sige."

"Yes!" Napatalon ako sa tuwa. 

I've always dreamed of testing Kenji's strength in a one-on-one match and I will surely not let this go to waste.

Naglakad sila papunta sa bench to give us the floor. Hell yeah! I'm fucking excited! I started stretching.

"Marie," Kenji approached me.

Napatingin ako sa kaniya habang nagstretching ako.

"'Di ako magiging mabait sa'yo," sabi niya with such a confident smile.

"Oh really?" I said with my smug face, "we'll see."

Ngumiti lang siya uli tas naglakad papaalis. 'Di kita aatrasan!


First five to win and the ball is mine since I won the jack en poy! Hahahaha! I never thought I'd beat him in that game.

I was all happy and excited when I got the ball from Tyrone, but it changed when I faced him. He has this very confident smile, but I can feel the intense concentration he's giving me. Nakaramdam ako ng mabigat na pressure. 

Alam kong nagiibang tao si Kenji pag naglalaro siya, pero this is the first time I'm gonna experience it first hand. There's no trace of that friendly Kenji that I usually hangout with. 

This shit is serious.

Ayan na.

He didn't let a time go to waste at umatake siya sa akin by trying to steal the ball, but I am quite of a quick acting din. I dribbled the ball backwards papunta sa kabilang kamay ko para maiwasan ang steal niya tapos umatras ako para magkadistansiya kaming dalawa. 'Di ako makalusot! Ang bilis niyang kumilos.

This needs a better tactic! 

Yumuko ako lalo at binuka ko lalo ang mga hita ko for the only technique I know I can use to such a quick thinking-acting opponent: Changing pace.

Changing pace is when you dribble the ball in a very irregular manner of speed to avoid the steal and to help you get pass an opponent.

"Changing pace?" Nakangiti siyang naghahamon.

I didn't reply.

Habang nakachanging pace, nag-fake move ako na pupunta akong kaliwa pero I dribbled the ball on the right side para makalusot sa kaniya. It's effective! I got passed him! Hindi na ako nagdalawang isip at tinira na ang bola.

Pero nagulat ako nang maramdaman kong may tumama sa bola nang tinira ko ito. si Kenji! Nasa likod ko siya! The fuck ang bilis!

Wala na akong nagawa kung 'di manalangin na pumasok ang jumshot ko kahit na tinamaan ng kamay nya sa likod nang patira na ako.

And wow, pumasok!

"Nice, Commander Tamagotchi!!" Sigaw nila.

Nakaramdam ako ng tuwa dahil naipasok ko pero kung iisipin, it's just a mere luck that it still went in dahil nadaplisan niya 'to kanina.

"Nice, Marie," nakangiting sabi niya. He's now the friendly Kenji I know.

Naguguluhan ako minsan kay Kenji kasi ang dami niyang personality. I don't hate it pero ang hirap magadjust kasi aminado akong moody din ako.

Inabot ko sa kaniya ang bola at siya na ang opensa. Lamang ng 5 inches sa height si Kenji sa akin kaya kailangan kong tumalon ng mas mataas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang expression ng mukha niya habang nakaharap sa akin. Putangina, naghahamon talaga ang ngiti niya at tangina, kinakabahan ako!

Pero mas lalo akong natigilan nang magdribble na siya.

Changing pace... din!


GUMAGANTI SIYA!


Sobrang irregular ng timing ng changing pace niya na wala akong pattern na makita kaya hindi ko masteal ang bola. Pero ilang segundo lang, bigla siyang tumakbo sa bandang kanan dahilan para tumakbo din ako. Hinabol ko siya para i-steal ang bola pero hindi ko nagawa dahil nga nagchachanging pace pa rin siya sa pagdribble. Nang mapagilid ako, agad niyang nilagay ang bola sa kaliwang kamay niya, tumalon at tumira.

Pumasok.

Ang bilis. 

"Nice, Captain!" Sigaw nila.

"Pa'no ba 'yan, tabla na?" Sabi niya.

Napanguso ako, "just you wait." 

"Sabi mo eh," nakangiting sabi niya ta's binigay sa akin ang bola.

Pagharap ko sa kaniya, kinabahan na ako uli. Hindi na uubra yung ginawa ko sa kaniya kanina dahil nakita na niya iyon. Anong gagawin ko?

Pero putangina, umatake siya agad at hindi na ako nakapagisip pa. Nahuli na niya yung bola ng tapik niya. Agad akong tumakbo para habulin pero nakuha na niya. Ang bilis ng pangyayare. Nang makuha niya, dumeretso siya sa sa labas ng ring para mg three point shot! PUTA TATAPUSIN NA NIYA ANG LABAN!

Binigay ko ang best ko para tumalon ng mataas para maabot yung bola, pero putangina sa lahat ng putangina! Hindi pa siya nakakaabot sa peak ng talon niya, tinira na niya agad! Early release!

Pumasok.

"NICE!" Sigaw nila.

And there's me, tulala.

Holy shit, he is too darn strong. Kung gaano siya kabait at kagalang off court ganoon naman siya ka ruthless at ka-dominant sa basketball. Pag nakakakita siya ng pagkakataon, kahit split second, hindi niya sinasayang. Umaatake siya agad. He's a fucking scoring machine too. Lahat ng tira, pumapasok. 

Yodeputa, anong klaseng halimaw ang lalaking 'to?

I looked at him with disbelief. 

Lumingon naman siya sakin, giving me that friendly smile I use to get.

NALILITO NA AKO SA LALAKING ITO!!!

"Ang ganda ng laban, Marie," sabi niya.

"Ang lakas mo," mahinang sabi ko.

"Salamat. Ikaw rin," nakangiting sabi niya.

"Talo nga ako eh," sabi ko.

"Hindi naman dahil sa talo ka ay mahina ka na, Marie."

Ngumuso ako.

"Oo, buti nga naka 2 points ka pa dyan eh," narinig kong sabi ni Tyrone.

"Kung ibang tao iyon, hindi tatagal ang laban at hindi sila makakapoints. Magaling ka naman, Marie. Halimaw lang talaga 'yang si Captain," sabi ni Harold.

"Sana ol," si Arci.

"Sana ol, two," si Nicko.

"Sana ol, three," si Glai.

"Hahaha! Bitter si Ate Marie!" Nangiinis na sabi ni Samuel.

"'Wag ka ngang manginis, depungol ka! Kala mo naman tatagal ka kay Kenji eh," bwisit kong sabi.

Nagtawanan sila. Mga kolokoy talaga.

Hindi naman sa bitter ako or what, pero it's just... hard to take in pag naexperience mo ang lakas niya first hand.

But Kenji.... he's just too amazing. 


"Guys," natigilan kami nang may tumawag sa pintuan ng gym.

Bakas sa mukha niya ang matinding lungkot. Ngayon lang namin siya nakita matapos ang ilang linggo niyag pagkawala.

"Jolo?" Bulong ko.

Continue Reading

You'll Also Like

76.5K 2.5K 51
(Agent Series 2|Part 1|| ) (Alferez Series 3) Started Writing:April 20,2020 Finish Writing:May 2,2020 Written By:Shireroseee
669K 16.2K 166
Date started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 1...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...