**********oo**********
Habang abala ang tatlo sa pagpatay sa mga bampira na halos abo na ang natira dahil nasunog na ang mga katawan ng mga iyon
Ay ganoon din naman si Khael sa mga aswang naka kapaikot sa kanya, nakakagat ang mga bibig ng mga iyon sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan
Napuno na ng sugat ang buong katawan niya, pero ang inaalala pa din niya ang ang kalagayan nila Yuri na nasa di kalayuan
Nakita naman niya na natalo na ng tatlo ang mga bampira kaya napanatag na ang kalooban niya
Iwinasiwas niya ang mga braso naay tigda dalawamg aso na nakakagat bago ang isa sa paa niya na may tigda dalawa ding asong nakakagat
Hinila niya nag dalawa na nasa tiyan niya at sinakmal ang mga leeg bago inihagis sa di kalayuan ang mga ulo ng mga iyon
Dinukot ang bawat puso at sabay sabay na isinubo para maghilom kaagad ang mga sugay na kanyang natamo mula sa mga ito
Nagsipag layuan ang ilan s amga asong aswang ng makitang patay na ang dalawa sa kanila
Nagkatinginan ang mga iyon at halatang nag uusap,
Maya maya pa ay sabay sabay na ulet silamg umatake sa kanya, pero ang ilan ay hindi na nakaabot sa katawan niya
Dahil sinalubong na sila ng tatlo at nilabanan ang apat sa walong natitirang aswang
"Kami na dito," ani ni Kevin,"Tulungan mo na sila Bryan at mukhang hirapa sila sa aswang na iyon,"
"Sige," pagsang ayon niya, pero bago pa siya tuluyang makaalis doon ay pinatay na muna niya ang dalawa na humarang sa kanya
Sa di kalayuan naman ay halos hingalin na sila sa kalaban nilang Pari na halos walamg kapaguran
Punit na halos ang kalahating sando ni Yuri, labas na ang kaliwang dibdib niya at tigiliran, punit na din ang suot niyang pang ibaba kaya nababanas na siya
"Halos nakahubad kana, Leigh," ani ni Janelle sa katabi
"Oo nga , Sister Janelle," nakangisi nitong sagot sa katabi
Si Yuri kasi ang pinupuntirya ng aswang na mapatay at makain dahil sa nababanguhan na siya sa amoy ng dugo nito na tumutulo sa galos nito sa braso
"Lagi nalang ako nagagalusan, nasusugatan," angal niya ng bigla siyang napaiwas ng talunan siya ng Pari na tumutulo na ang laway mula sa bibig nito
Halatadong gutom na gutom na ito at sabik na sabik ng lapain siya
Nakita niyamg tinabig nito sina Aira at Bryan matapos maihagis si Sister Janelle sa di kalayuan
Ngayon ay siya nalang ang nakatayo at lalapitan ng Pari para lapain na ng tuluyan
Pero bago pa lumapat sa mga balat niya ang matutulis nitong kuko ay nasalag na iyon ni Khael ng isang braso nito
Bago ibinalya ang aswang palayo sa kanya, hindi na siya nilingon ni Khael, sinugod na nito ang aswang na akmang babangon na naman
Sinakal niya iyon at ibinitin sa ere bago ibinabaon ang matutulis na kuko sa leeg nito
Napaigik ang malaking aswang na nakatingin sa kanya lalo na sa marka niya na namumula sa dibdib
Ngayon alam na ng Pari kung sino ang kanyang kaharap,
"I-ikaw a-ang P-Prinsipe?," gulat at pautal nitong tanong
"Oo, ako nga," diretsong sagot niya," Kailangan munang mawala dito sa Baryo Banal,"
"P-parang a-awa m-muna," pagmamakaawa ni Father Joseph sa kanya habang humahanap ng tyempo para mapatay siya
"Walang kapatawaran ang ginawa mo sa babaing iniingatan ko!," galit na sigaw niya sabay diin sa leeg nito na inaagasan na ng dugo,"Sinaktan mo siya at nilapastanganan mismo sa harapan ko! At gusto mo pa siya ialaya sa diablo?!,"
Umiling iling nalang si Father Joseph sa kanya
"Isa kang makasalanang Pari na dapat mg mawala dito sa lupa!!!," sigaw niya sa harapan nito
Idiniin pa niyang lalo ang mga kuko sa leeg nito bago unti unting ibinabaon din sa tapat ng dibdib nito ang mahahabang kuko pra madukot ng paunti unti ang puso nito kagaya ng pagapatay niyo sa mga tao doon ng paunti unti
Sumusuka na ng dugo ang Pari, habang bumabaon ng paunti unti ang mga kuko niya
Kahit na isa siyang Gabunan na matapang at walang kinatatakutan ay natalo siya ng isang tunay na malakas at isang tagapagmana
Unti unting inilabas naman ni Khael ang puso nitong tumitibok tibok pa bago isinubo at inihagis sa mga patay na aswang ang katawan ng Pari
Maya maya pa ay nagbago na siya ng anyo bago humarap kina Yuri na agad siya napatakip ng mukha
"Tita Janelle, wala ba kayong itatakip sa katawan ni Leigh?," galit na tanong nito sa mga kaharap
"Sandali," ani ni Aira na hinubad ang suot na dobleng damit at ipinasuot kay Yuri,"Pagtiyagaan mo na lang muna iyan, Yuri,"
"Salamat," tugon ni Yuri na napapangiti
Nilapitan naman ng dalawang binata si Khael
"Ayos na, tumingin kana sa kanila," sabi ni Kevin
Kaya nag alis na siya ng takip sa mukha bago tumingin kay Yuri
"Ahahahahaha," tawa ng dalawang binata sabay turo sa pisngi niya
"Para kang kamatis, bro," ani pa ni Bryan,"Pulang pula pisngi mo hanggang sa tainga mo,"
"Paano ngayon lang iyan nakakita ng babaing nakahubad," tukso pa ni Aira,"Lalo na sayo Yuri,"
"Hindi naman ako nakahubad ah," sabi pa ni Yuri
"Kahit na," ani ni Trina,"Kita naman ang kabila at ang tiyan mo, ngayon lang nakakita ng ganyan si Khael," sabay tukso sa kaibigan nila
Napapailing lang si Khael na nakasalubong ang mga kilay
"Umaandar na naman ang kasungitan mo," saway ni Janelle,"Salubong na naman kilay mo, pogi," sabay tawa nito
"Psh," sagot nalang niya bago nagpatiuna ng naglakad sa kanila,
Inakbayan naman iyon ng dalawang binata sa unahan nila at tinutukso tukso pa habang nagtatawanan
Napapailing nalang si Yuri dahil hindi man lang siya nito nilapitan
Hindi nalang siya kumibo at nagpatuloy nalang sa paglalakad papauwi sa bahay nila Nena
Tahimik lang silang naglalakad habang nakikiramdam sa paligid at baka may kalaban pa sila
"Kakapagod ang gabing ito," anas ni Trina na nag inat inat pa habang naglalakad,"Sayang iyong mga sakristan, ang gugwapo pa naman,"biro nito sabay siko kay Nena na napapangiti nalang
"Ahahahaha, oo nga," sang ayon naman ni Nena,"Lalo na iyong matangkad, kaso aswang pala,"
Nagtawanan na naman silang apat sa mga kalokohan nila
"Aba sinisipat sipat niyo pa pala ang mga sakristan?," tanong naman ni Janelle sa kanila
"Aba oo, Tita," sang ayon ni Aira,"May mga itsura nga at saka mukhang ang babango, kaso mga aswang nga," may panghihinayang pang tugon nito
"Mababango nga sila," sagot ni Yuri
"Totoo?!," kurong tanong ng tatlo maliban kay Janelle na napapailing nalang sa mga kasama,"Oo, kasi sila ang may hawak sa akin, kaso may amoy pa din kapag katagalan, kagaya ni Apollo, malansa,"
Kaya nagkatawanan na naman sila sa mga kalokohan nila
Tahimik na ang tatlong binata na nasa unahan nila
"Pero alam niyo, may basement pala sa ilalim ng Kapilya," ani pa nito,"Kaso may sapa na puro dugo at ang baho pa,"
"Baka doon nila nilalagay ang mga pinapatay nila?," komento ni Janelle,"Kaya madami dugo,"
"Tama ka,"sang ayon niya,"Kasi madami ding kalansay ang nakita namin doon eh,"
Napapailing nalang sila sa mga ikinuwento niya, alam nila na doon pinapatay ng Pari ang mga Madre at ang ilang Pari na pinapadala sa Baryo Banal ng simbahan
"Tara na at gutom na ako," yaya ni Nena at mabilis na silang tumakbo papunta sa bahay ng Mama nito
Kaya nag unahan na silang lima sa pagtakbo at iniwanan na nila ang tatlo na naglalakad at nagku kwentuhan pa din
Hindi na nila nilingon pa ang tatlo kaya hindi na nila nakita na napapailing nalang ang mga iyon sa ikinilos nilang lima
**********oo**********
Read.Vote.Comment
Maraming Salamat Po!