BHO CAMP #3: Clash Of The Pri...

By MsButterfly

4.6M 95.3K 6K

I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Tr... More

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
CHAPTER 1 ~ Folder ~
CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~
CHAPTER 3 ~ Fun ~
CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~
CHAPTER 5 ~ A Leader ~
CHAPTER 6 ~ Dinner ~
CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~
CHAPTER 8 ~ Real ~
CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~
CHAPTER 10 ~ Try ~
CHAPTER 11 ~ Finaliento ~
CHAPTER 12 ~ Trust ~
CHAPTER 13 ~ Love ~
CHAPTER 14 ~ This Time ~
CHAPTER 15 ~ His ~
CHAPTER 16 ~ Roar ~
CHAPTER 17 ~ TLT ~
CHAPTER 18 ~ Ready ~
CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~
CHAPTER 20 ~ Dawn ~
CHAPTER 21 ~ Home ~
CHAPTER 22 ~ Crazy ~
CHAPTER 24 ~ Attack ~
CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~
CHAPTER 26 ~ Mine ~
CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~
CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~
CHAPTER 29 ~ Work Hard ~
EPILOGUE
Up Next
Special Chapter

CHAPTER 23 ~ Perfect ~

127K 2.8K 143
By MsButterfly

CHAPTER 23

DAWN'S POV

"You're still annoyed."

Walang emosyon na tinignan ko lang si Sky na napapailing na ibinaba sa harapan namin ni Triton ang pagkain na inorder namin at pagkatapos niyon ay walang salitang umalis na siya. Mag ta-tatlong araw na kasi mula ng makabalik kami rito. Mag tatatlong araw na rin na hindi ko sila pinapansin.

Tahimik na kinuha ko ang kutsara't tinidor habang pilit na iniignora ang mabigat na tingin sa akin ni Triton. Ilang beses na niya kasi akong kinausap tungkol sa mga pamilya at katrabaho namin. Pero hindi naman ako katulad niya. Kung siya ay natanggap na niya ang ginawa nila sa amin pwes ako hindi.

I just don't understand why they go through all the trouble of doing all that. Sa tingin ba nila ay hindi ko kaya ang sarili ko? I handled them all with ease. Kahit sakit ng ulo ang hatid nila hindi ako kinakitaan man lang ng pagsuko. But when it comes to me? They didn't even trust me one bit.

"They do trust you."

Nakataas ang kilay na nilingon ko si Triton. "Mind reader ka na talaga?"

Sumilay ang ngiti sa labi ni Triton. "No, but I know you." he looked at the agents pointedly then to me. "At kilala rin nila tayo."

"Bakit ba hindi ka nagagalit sa kanila? Pareho nila tayong pinahirapan, Tri."

"Because they want the best for us. Especially our parents."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Hindi rason iyon para gawin nila ang ginawa nila."

Akmang tatayo na ako para umalis sana ngunit napigilan ako ni Triton sa braso. Hinawakan niya ang baba ko at pilit na pinatingin ako sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang ako at sinalubong ang mga mata niyang nakangiti pa rin.

"Tri, let me go."

"I'll let you go."

Pakiramdam ko ay may bumundol na kaba sa dibdib ko sa sinabi niya. Sa paraan niya nang pagkakasabi niyon ay alam ko na iba ang tinutukoy niya sa mga salitang iyon. "W-What?"

"If something hit us and they didn't did that, I won't be able to hold on. At alam ko na ganon ka rin. It may be because of a petty argument, jealousy o kahit na ano pang maisip mo na problema. Dadating ang panahon na may susubok sa atin at magagawa na naman nating pakawalan ang isa't-isa."

"You're not making any sense. Of course I won't let go of you. Marunong akong madala Triton."

"Pipiliin mo ba ako o ang kapakanan ng lahat ng mga agents? Nang pamilya mo?"

Napaatda ako sa sinabi niya. Sinubukan kong makakawala sa pagkakahawak niya sa akin pero nanatiling hawak niya ako at hindi hinihiwalay ang tingin sa akin.

This is ridiculous. Masyado ng magulo ang utak ko ngayon at hindi ko gusto na pati kami ni Triton ay mag-away dahil dito. My family is still my family. I'll come around but for now I will stay annoyed at them.

"Let go."

"Sagutin mo muna ako, Dawn."

"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Maybe you're tired or something. Just rest for now, Tri. Wala ako sa mood na makipagtalo sa iyo."

"The media won't let go that easily. Hahalukayin nila lahat ng kaya nilang halungkatin. Matagal ng natago ang mga impormasyon sa akin. I was careful because of the industry I'm working. But we're different, Dawn. Nakatago man lahat ng tungkol sa iyo pero hindi ibig sabihin non ay maitatago mo lahat. O natin pareho. It will put the other agents at risk. At kapag nangyari iyon ay pakakawalan mo ako...o pakakawalan kita."

"Tri..."

"It can happen now as we speak. But I won't let go and you won't." he leaned closer to me and pointed at the agents. "And it's because of them. Dalawa lang ang choice na laging meron tayo noon. Ang kagustuhan natin at ang nakakabuti para sa lahat. Pero ngayon alam na natin kung ano ang hindi natin kayang mawala. Alam na natin kung paano gumawa ng paraan para magawa nating mahawakan ang kagustuhan natin na hindi nagagawang mapasama ang iba."

I gritted my teeth in agitation. "Stop."

Marahang hinaplos niya ang pisngi ko. "Masyado ka ng nasanay na pangalagaan ang ibang tao dahilan para hindi mo kaagad matanggap na gusto ka din nilang alagaan."

"They betrayed me." I whispered.

"Because they love us."

"My parents-"

"Wanted us to be strong for each other."

"The agents-"

"They were scared for us."

Muling kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Natatakot? Para saan? "Stop talking in riddles. Anong kailangan nilang ikatakot, Tri? Magugunaw ba ang mundo kapag may nangyari sa relasyon natin at naghiwalay tayo ulit? We managed before when we broke up, anong ipinagkaiba kung mauulit iyon ngayon?"

"They were scared for the time we are wasting and the time that we will waste, sweetie."

"What-"

Ibinaling niya ang ulo ko sa direksyon kung saan kasalukuyang katabi ni Sky ang mga kapatid niya na si Blaze at Stone habang nakaakbay naman sa babae ang asawa niya na si Adonis. Nagtatawanan sila pero pakiramdam ko ay may kung anong kumurot sa puso ko habang nakatingin sa kanila.

"Ano sa tingin mo ang nawala sa kanila?" bulong ni Triton sa tapat ng tenga ko.

Habang nakatingin sa kanila ay tila tumimo na sa akin ang lahat. Our parents did what they did because they are our parents. Gusto nilang makasiguro na matatag kami para sa isa't-isa...because they want to make sure that we won't get hurt. Katulad lang ng kagustuhan ng lahat ng mga magulang para sa mga anak nila. While my co-agents did what they did, because they don't want me to experience the feeling of losing someone I love. Losing someone in just a blink of an eye. And forever...forever I'll regret that I held back.

"Sa trabaho natin, Dawn sa isang kisap ng mga mata pwedeng mawala ang isa sa atin. Pwede akong mawala sa iyo."

"Don't..." nahihirapang pigil ko sa kaniya pero nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Pwede kang mawala sa akin. Sa hindi inaasahang oras, sa hindi inaasahang pagkakataon. Ganoon nawala sa atin si Storm, Dawn. At hindi imposibleng mangyari iyon ulit dahil ito ang buhay natin." Marahang hinaplos niya ulit ang pisngi ko at ngumiti. "Kaya hindi ko magawang magalit sa kanila. Dahil wala silang ginusto kung hindi ang magiging matatag tayong dalawa."

Dahan-dahang tumango ako habang kagat ko ang ibabang labi ko. Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Triton at umayos na ng upo.

"Bati na tayo ate Dawn?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Hera ang nagtanong at katabi naman niya si Athena na naka-peace sign. "Hindi kita kapatid."

Ngumuso si Hera habang si Athena naman ang nagsalita. "Bati na tayo?"

"Hindi."

Ngumisi si Athena na para bang alam kung ano talaga ang nasa isip ko. Inabutan niya ako ng lollipop na tinignan ko lang. Pinaikot niya ang mga mata niya at pabagsak na ibinaba iyon sa lamesa. "Peace offering."

"Lollipop?"

Namewang siya at mataray na tinignan ako. "Malaking sakripisyo sa akin na bigyan ka ng lollipop. Hindi mo ba alam na kaya kong ipagpalit ang diamonds sa lollipop?"

"Hindi."

"Hay nako! Maloloka ako! Kaya ayong nakikipag-usap sa inyo ni ate Freezale eh. Nakukulta ang utak ko mhaygholay!"

Naagaw ng malakas na boses ni Athena ang atensyon ng mga customers at ng mga agents. Nagtama ang mga mata namin ni Sky at napailing na lang ako ng sumilay ang ngiti sa labi niya. She knows they're forgiven.

"Tsaran!"

Napakurap ako ng mawala sa harapan ko si Athena at Hera dahil tinabig sila ni Ocean na kasunod si Hermes at may dalang tray na may takip. Paniguradong cake ang laman niyon dahil may icing pa sa damit si Ocean. Isa pa, iyan talaga ang binibigay nila sa mga agents na nakaaway nila o ano. Peace offering.

Tahimik lang si Hermes habang si Ocean ay kumekembot kembot naman at gumigiling-giling na parang nag ma-magic show.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Hulaan mo."

"Ayoko."

Pinutol ni Triton ang sasabihin ko na mukhang game na game sa pakulo ni Ocean na giling pa rin ng giling. Anak nga ni Tito Yale. Gigolo din eh. "Tao ba 'to?"

"Hindi." sagot ni Ocean na nag peace sign pa.

"Hayop?"

"Hayop na hayup sa hindi!"

"Bagay?" tanong uli ni Triton.

"Nope!"

"Parte ng katawan ng tao?"

"Hindi-"

Magkasalubong ang kilay na sumingit ako sa usapan nila. "Kapag hindi niyo tinapos ang usapan na ito, puputulin ko ang pwedeng putulin sa inyo at ilalagay ko sa tray na iyan."

Napangiwi si Hermes sa sinabi ko habang si Ocean at Triton naman ay sabay na tinakpan ang tapat ng zipper nila. Pinaikot ko ang mga mata ko. Typical men. Syempre iyon ang unang iisipin. Ano pa nga ba?

"Karagatan tumabi ka nga diyan at baka madulas ako at maihampas ko sa iyo ang tray na 'to." sabi ni Hermes kay Ocean na nakasimangot na tumabi naman.

"Ganiyan ka na Kuya Hermes. Isusumbong kita kay Papa!"

"Eh di magsumbong ka. Isusumbong ko din kung paanong muntik mo nang masunog ang paborito niyang oven dahil natulog ka sa ibabaw ng kitchen table dahil sa katamaran mo."

Kakamot-kamot na ngumisi si Ocean at pinagpag ang imaginary na dumi sa chef uniform ni Hermes. "Hindi ka naman mabiro, kuya Hermes. Ang gwapo mo pa naman ngayon."

"Hindi kita type."

Sinaklot ni Ocean ang dibdib niya. "Ouch! Pinagnanasaan pa naman kita-"

"Anong pinagnanasaan ang naririnig ko saiyo Ocean Anderson?"

Parang hinigop ng magic vacuum ang dugo ni Ocean sa narinig na nagsalita. Walang iba kundi ang nanay niya na si tita Eika na kasalukuyang nakapamewang habang nakatingin sa unico hijo niya. "M-Ma!"

"Uwi!"

"Ma, naman. Sorry na po."

"Uwi."

"Ma, sige ka baka awayin ka ni Papa na pinapagalitan mo ako."

Naniningkit ang mga mga na humakbang palapit si tita Eika sa anak niya. "Ang papa mo? Ayon kasalukuyan kong pinaglalaba ng sangkaterbang damit ninyo pareho. Anong akala ninyo sa akin labandera? Samantalang kayong dalawa ang para bang mga modelo na minu-minuto ata kung magpalit ng damit. Hala, uwi!"

"Binata na ako Ma! Hindi mo na ako pwedeng apihin!" nagmamaktol na reklamo ni Ocean.

"Anong akala mo sa ama mo, fetus? Uuwi ka o ipapaban kita sa pakikipagdate sa loob ng limang taon? Pili!"

"Ma!"

"Pili-"

"Uuwi na po! Sorry na po!" kakamot-kamot na ngumisi si Ocean sa amin at kumaway. "Batsi na ako mga pipol! Baka ma-high blood na ang mama kong maganda!"

Tumakbo na palabas ng Craige's ang pinakabatang lalaking miyembro ng BHOCAMP. Iniwasan niya pa ang kamay ng nanay niya na kukurutin siya sana. Nakangiting bumaling sa amin si tita Eika. "Pasensya na. Minsan talaga kailangan mong ganiyanin si Ocean bago magtino. Mana sa tatay eh. To think na magbebente pa lang ang batang iyon. Paanoo pa kaya kapag binatang binata na siya?"

"Naiintindihan po namin, tita." sagot ko sa kaniya.

Saglit na tinignan niya ako bago nakangiting tumalikod na. "Mukhang kailangan ko ng puntahan sila Warren. Ilang araw ng hindi pinalalabas ni Sophie ng kwarto ang ama mo na iyon dahil gusto kang puntahan."

"Tita..."

Bahagya niya akong nilingon at pagkatapos ay kumindat. "You're a daddy's girl aren't you? At kahit hindi pa, walang magulang na gugustuhing matagal na magalit sa kaniya ang anak niya."

Hindi ko na nagawa pang makapagsalita ng tuloy-tuloy na lumabas na siya ng restaurant. Napabuntong hininga na lamang ako at mariing nakapikit na sumandal sa kinauupuan ko.

"Talk to your father, Dawn." Triton whispered.

"Mamaya."

"Promise?"

I opened my eyes and looked at him. "Promise."



HUMINGA ako ng malalim bago ako kumatok sa pintuan sa kwarto ng parents ko. Pero hindi pa ako nagtatagal sa pagkatok ay pabalibag na bumukas ang pintuan at may mga kamay na humila sa akin. Kaagad na umangat ang kamay ko at hinawakan ko ang kamay ni Triton na kasama ko dahilan para masama siya na mahila.

"What-"

Hindi ko na magawang ituloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang dalawang pares ng mga braso na yumakap sa akin at kay Triton.

My parents. My crazy...wonderful parents.

Naalala ko tuloy noong walong taon pa lang ako. Lahat kaming magkababata ay nabigyan ng task na bumuo ng isang maliit na bahay. Project para sa school. Pero dahil competitive ang mga parents namin ay nagkaniya-kaniya na ng bigay ng ideas ang mga parents nila Sky at ng iba pa para maging mas maganda ang sa kanila.

Pero ako hindi ako nagpatulong kaila Daddy. Dahil alam kong kaya kong tapusin ng maayos ang pinagagawa. I nearly finished it. But then I saw the other's work. Kahit na mas maayos ang sa akin pakiramdam ko mas maganda ang sa kanila. And I realized why.

"Dawn? O, bakit hindi mo pa tapos ang project mo?" tanong sa akin ng ama ko na kapapasok lang ng kwarto namin.

"Matatapos ko na po sana pero tumigil muna po ako."

"Why?"

"Because it will be more beautiful if you will help me finish it."

Saglit na hidni nakaimik si daddy bago niya nagawang lumapit sa akin para tulungang ayusin ang maliit na bahay na ginagawa ko. Nang matapos iyon ay pakiramdam ko wala ng tatalo pa sa gawa namin. Para sa akin iyon ang pinakamaganda.

"You know, Dawn, you're a great child. Independent pa. Kahit ata ano basta gustuhin mo makakaya mong gawin." sabi ni daddy at nakangiting tinignan ang maliit na bahay sa harapan namin. "Sigurado ako na kahit wala ang tulong ko, matatapos mo ito."

"But it will be different."

Nakangiti pa ring binalingan niya ako. "Different?"

Gamit ang hintuturo ko ay bahagya kong itinulak ang bahay. Imbis na bumagsak iyon ay nanatili iyong nakatayo. "If you didn't help me, this little house won't be strong enough. Because Daddy helped me, everything became perfect."

Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko na. Siguro dahil sa matagal na rin mula nang mangyari iyon. Siguro din dahil sa tumanda na ako. Pero ganoon siguro talaga. Kahit na gaano na tayong katanda, kahit na marami na tayong naranasan, kahit akala natin kaya na natin ang lahat...iba pa rin kapag ginabayan tayo ng mga magulang natin. Iba pa rin kapag nasa atin ang suporta nila.

"Hindi na ako makahinga."

Natatawang kumalas ang gma magulang ko sa sinabi ko. Pinigilan kong mapangiti pero hindi ko rin nagawa at kusa na iyong kumurba sa mga labi ko.

Tinapik ni mommy ang pisngi ko ng mahina. "My beautiful baby." saglit na nakatingin lang siya sa mukha ko bago siya kumindat at hinawakan sa kamay si Triton na mukhang nagulat. "Sa kusina muna kami."

Nilingon ako ni Triton pero hindi na niya nagawang makaangal ng tuluyan na siyang mahila ni mommy paalis. Naiwan kami ni daddy na mukhang nag-aalinlangan sa harap ko. "Dawniella..."

"It's okay."

"I'm sorry, baby." he whispered.

Ngumiti ako at ako na ang kusang lumapit sa kaniya. Yumapos ako sa bewang niya at isinandig ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Everything's perfect now, Daddy."

Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
14.7M 343K 78
She's still holding to their promise that they'll love each other until eternity. Can she keep that promise and stay loyal to him or indulge herself...
1.9M 55.2K 34
It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted the typical heart fluttering love story...
2.3M 73.7K 45
Levi is a notorious playboy; women around him would beg for his attention, that's until he finds himself kissing a woman who happens to be a nun. For...