POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin

By CeCeLib

58.3M 1M 293K

Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan ni... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
EPILOGUE

CHAPTER 22

2M 41.5K 10.8K
By CeCeLib

CHAPTER 22

Doctor siya kaya naman ng mapansin ni Krisz na araw-araw na siyang nagduduwal at nahihilo, parang alam na niya kung bakit ganoon palagi ang nararamdaman niya. But she still needed confirmation, kaya naman binisita niya ang OB-GYNE na nasa unang papalag ng hospital nila. Dra. Czarina Salem handed her a photo of her ultrasound. Ka-edad lang niya si Dra. Salem. "You're two weeks pregnant, Mrs. Wolkzbin. Congratulations."

Tinanggap niya ang larawan at pinakatitigan iyon. Napakagat labi siya habang nakatitig sa larawan. She felt like crying in happiness. Magiging isang pamilya na sila ni Train. Speaking of which, ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nitong buntis siya?

Nginitian niya ang doktora na nag-ultrasound sa kanya. "Thanks, doc."

"Don't mention it." May ibinigay itong reseta sa kanya. "Bilhin mo ang vitamins na ito para sa baby mo. And then you should drink milk everyday para malakas ang resistensiya ni baby. Iwasan mo rin ang magpagod at magbuhat ng mabibigat." Kapagkuwan ay pilyang ngumiti ang doktora. "At uunahan na kita, okay lang na magtalik kayo ni mister hanggang seven months. Yung last two months ng pagbubuntis mo, kung maari lang, huwag na. Kantahan mo nalang ang pagkalalaki ni Mister." Kinindatan siya nito. "You know what I mean."

Mahina siyang natawa sa sinabi ng pilyang doktora. "Sasabihin ko po 'yan sa asawa ko."

"Okay." May pilya itong ngiti sa mga labi. "Anyway, we will have a check-up every three weeks. I'll be seeing you soon again, Mrs. Wolkzbin."

Nginitian niya ito at inayos ang damit na medyo nalilis pataas. "Thank you. Aalis na ako."

"Ingat."

Ngiti lang ang tinugon niya sa Doktora at lumabas na sa Clinic nito.

Nasa elevator na siya pabalik sa opisina niya sa top floor ng tumunog ang cellphone niya.

Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, napakunot ang nuo niya ng makitang si Boggy iyon.

"Hello, Boggy?" Aniya ng sagutin ang tawag habang nakakunot ang nuo. "Bakit ka napatawag?"

"Madam Krisz, tumawag ako kasi may pinapasabi si Boss."

Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya. "Ano naman 'yon? Bakit hindi nalang siya ang nagsabi kanina bago siya umalis?"

Umalis kaninang umaga si Train patungong Russia dahil kailangan daw ito roon dahil may board meeting ang Wolkzbin Enterprise at kailangan present ito at kailangan niyang maiwan dahil hands-on siya sa pag-i-interview ng applicants para sa iniwang posisyon ni Marky, ang sekretarya niyang trinaidor siya.

Huling balita niya kay Marky ay sekretarya na raw ito ni Trina. Hay! Magsama silang dalawa na pareho mga higad. Basta siya, masaya. Bahala sila sa buhay nila.

Tumikhim ang nasa kabilang linya na nagpatigil sa kanya sa pag-iisip. "Kasi Madam Krisz, nakalimutan daw niya."

"Oh. Okay." Bumukas ang pinto ng elevator na sinasakyan at lumabas siya. "Ano pinapasabi niya sa'kin?"

"Ahh, Madam Krisz, pinapasabi ni boss na—" Tumikhim ulit ito. "Kung puwede raw po ay pumunta kayo sa opisina niya ngayon din at kunin niyo daw ang folder na nasa ibabaw ng mesa niya at i-fax daw sa kanya kasi importante raw."

"Bakit ako? Hindi pa puwedeng ikaw nalang?"

"Madam, nasa eskwelahan ako ngayon ng anak ko. Uma-attend ako ng family bonding."

"Oh. Sige, kukunin ko na."

"Salamat ng marami, Madam." Pagkasabi no'n ay pinatay nito ang tawag.

Siya naman ay bumalik sa elevator at pinindot ang ground floor, nang makarating doon at sumakay siya sa kaniyang sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa Wolkzbin Technologies.

Nang makarating sa distinasyon, kaagad siyang nagtungo sa elevator na maghahatid sa kaniya sa opisina ni Train. When she reached the top floor of the Wolkzbin Technologies building, the elevator stopped. When it opened, naglakakad siya patungo sa pintuan ng opisina ni Train at ng pihitin niya pabukas ang doorknob ay hindi iyon naka-lock kaya naman madali siyang nakapasok.

Nanlaki ang mga mata at napasinghap siya ng makitang maraming rose petals na nagkalat sa sahig. Ano naman kaya ang mga ito? Ang amoy ng rosas ay nanunuot sa ilong niya. It smelled wonderful.

Naglakad si Krisz palapit sa mesa ni Train. Nakita niya ang folder na tinutukoy ni Boggy pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin niya kundi ang hugis parisukat na cake na nasa ibabaw ng lamesa.

It was a mocha flavored cake, and it had a word written on top of it.

The word read: WILL. Naguguluhan siya habang nakatitig sa cake. Ano naman ang ginagawa ng cake na 'to rito? In the corner of her eyes, she saw another cake on the top of the steel cabinet. Hindi tulad ng cake na may nakasulat na WILL, chocolate flavor naman ang isang iyon. Nilapitan niya ang cake na nasa steel cabinet at kinuha 'yon. Tulad ng nauna, may nakasulat doon. It sayif 'ME' with a question mark.

Dinala niya ang chocolate cake sa mesa at itinabi niya iyon sa mocha cake. Will at saka Me na may question mark. Hindi niya maintindihan kung ano ang koneksiyon ng dalawang cake sa isa't-isa. Pero nararamdaman niyang may koneksiyon talaga. Out of curiosity, ipinalibot niya ang paningin sa kabuonan ng opisina para maghanap ng cake.

And there! She saw it! Isang rectangular cake na strawberry favor yata dahil kulay pink naman iyon. Mabilis niyang nilapitan ang cake na nasa round table ng sofa na nasa gilid ng opisina nito. Gumuhit ang kinikilig na ngiti sa mga labi niya ng mabasa ang nakasulat sa ibabaw ng cake.

"Ang lalaking 'yon talaga." Halos magwala ang puso niya sa sobrang kilig na nararamdaman. "So sweet and just so lovable."

Kinuha niya ang strawberry cake at inilagay iyon sa gitna ng mocha at chocolate cake saka binasa ang nakasulat sa ibabaw ng tatlong cake.

"Will you marry me?" Basa niya sa nakasulat sa cake na pinagdikit-dikit niya.

Naiiling na napapangiti si Krisz habang paulit-ulit na binabasa iyon. And then suddenly, the door of Train's office opened. Mabilis siyang lumingon sa pinto at mahina siyang napatawa ng makita si Train na may dalang isang hugis puso na cake.

"Anong flavor niyan?" Nakangiting usisa niya sa asawa.

"Grape flavored cake," sagot ni Train habang naglalakad palapit sa kanya.

"Grapes?" Napailing-iling siya habang may ngiti sa mga labi. "May grapes flavored cake pala?"

"Oo naman." Nang isang metro nalang ang layo ng mga katawan niya, iniabot nito sa kaniya ang cake na hawak. "Para sayo."

Napatitig siya sa cake. May nakasulat sa ibabaw ng cake at sa ibabaw niyon ay mayroong kulay violet na velvet box.

"Again," basa niya sa salita na nakasulat sa grapes cake.

Walang imik na lumapit si Train sa mesa at itinabi ang cake. Then Train looked warmly at her. "Read it and please, answer correctly."

Binasa niya ang nakasulat sa cake na magkakadikit. "Will you marry me? Again?"

Nang hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa cake, si Train ang bumasag sa katahimikan. "Anong sagot mo? Please, answer my question."

Kinuha niya ang kulat violet na velvet box na nakapatong sa ibabaw ng grape flavored cake at binuksan ang box. Her heart thumped like crazy when she saw that it contained a very beautiful diamond ring.

Kinuha ni Train ang singsing saka hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon. "Gusto ko ikasal tayo ulit. I want our wedding to be held here in the Philippines. Mahal ko ang bansang ito dahil dito kita nakilala at dito ako umibig ng sobra-sobra." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Gusto ko na ulitin ang pangako natin sa isa't-isa sa harap ng altar na magmamahalan ta'yo habang buhay. This time, it won't be just a word spoken by a married couple but a vow of our love for each other." Inisang hakbang nito ang pagitan ng katawan nila at matiim na tumitig sa mga mata niya. "So, Krisz." Lumuhod ito sa harapan niya habang nakatitig parin sa mga mata niya at dahan-dahang isinuot ang diamond ring sa daliri niya. "Will you marry me, again?"

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "Yes. Yes!" Sigaw niya at niyakap ang asawa.

Bakas ang kasiyahan sa mukha ng asawa niya at walang sabi-sabing sinakop ng mga labi nito ng mainit na halik ang mga labi niya.

Nang pakawalan nito ang mga labi niya, tinaasan niya ito ng kilay ng may maalala. "Akala ko ba pupunta ka sa Russia? May board meeting ka pang nalalaman, e."

Napangiti si Train. "I was planning this proposal for two days now. At biglang tumawag si Mikhaela, ang sekretarya ko sa Wolkzbin Enterprise at kailangan daw ako sa board meeting. Thankfully, my father volunteered to attend when I told him that the board meeting ruined my planned proposal for you." He chuckled. "Masaya si daddy at ikakasal daw ulit tayo. Mas lalo naman si mommy na nangakong hindi lang three thousand guests ang dadalo."

Napailing-iling nalang siya at napangiti na agad din namang nabura ng may maalala.

Mabilis niyang kinuha sa loob ng pouch ang ultrasound picture ni baby at binigay 'yon kay Train.

"Ano 'to?" Nagtatakang usisa ni Train ng tanggapin ang larawan at tiningnan.

"Train, larawan yan ng baby natin sa ultrasound," wika niya.

Malalaki ang mata na nag-angat sa kaniya ng tingin si Train. "B-Baby? M-Magkaka-baby na tayo?"

Tumango siya. "Oo. I'm two weeks pregnant."

Tinitigan ulit ni Train ang larawan at may isang butil ng luha na kumawala sa mga mata nito. Mabilis nitong pinahid ang luha at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you." Hinalik-halikan nito ang nuo niya. "Thank you for this wonderful gift." Pinakawalan siya nito at tumingala habang nakapikit at may luha sa mga mata. "Magiging daddy na ako. Yes! Thank you, Lord!"

Krisz giggled. Her eyes started to water. "Amen."

Masayang tumawa si Train saka niyakap siya ng mahigpit. "I love you, my wife. I love you so much. Thank you! Oh, God. Thank you!"

"Bakit ka naman nagpapasalamat sa'kin?" Natatawang tanong niya. "You contributed, too, remember?"

Natawa ito ng malakas at hinalikan siya sa pisngi at sa mga labi. "Yeah. I remember it perfectly."

Itinirik niya ang mga mata ng makita ang kislap sa mga mata nito.

Hindi niya alam kung ilang minuto silang magkayakap ng pakawalan siya nito at maingat na hinila palabas ng opisina nito.

"Come on," ani Train na mukhang nagmamadali.

Nilingon niya ang cake. "Teka, saan ba tayo pupunta? 'Yong cake—"

"Ipapahatid ko nalang kay Boggy sa bahay."

"Nasa family bonding si Boggy—"

"No. He just made it up. He's here in the building."

Nang makapasok sila sa elevator, hinarap niya ito. "Saan ba tayo pupunta?"

"Sa baby planet," excited na sagot ni Train. "Bibili tayo ng damit ni baby."

Napapantastikuhan siyang napatingin sa asawa. "Train, two weeks old palang ang baby natin sa tummy ko. Puwede, chill muna?"

Hindi siya pinakinggan nito. "Ano kaya ang gender niya? Lalaki o babae?"

"Train—"

"No matter," nito. "Bibili tayo ng pang-lalaki at pang-babae na damit."

"Train—"

"We should buy a crib and then baby mosquito net and then cute room decorations."

"Train—"

"Oh, I know, we will buy baby pillows and all those baby stuff." Ang saya ng ngiti ng asawa niya. "I'm so excited." Hinimas nito ang tiyan niya. "Bilisan mo, baby. Labas ka na. Excited na si daddy."

Napangiti nalang si Krisz at hinayaan ang asawa niya na kausapin ang baby sa tiyan niya. Mas excited pa yata ito kaysa sa'kin. Oh well, I can already see it. Train will be a very good and amazing father to our baby. And she couldn't wait to be a mom.


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

850K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
51.3M 1M 30
She met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of dirty music, talk some nonsense and then...
63.7M 1.2M 27
One word to describe Anniza Gonzales: voluptuous. And because of her voluptuous body, her fiancé cheated on her and the woman he cheated with called...
139M 3.6M 135
Knight Velasquez would willingly and silently sacrifice himself in order to protect the people he cared the most about, even if it meant endless trou...