POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin

CeCeLib tarafından

58.8M 1M 294K

Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan ni... Daha Fazla

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
EPILOGUE

CHAPTER 21

2M 41.6K 11K
CeCeLib tarafından

CHAPTER 21

NAPAIGTAD sa kinauupuang swivel chair si Krisz ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok si Train na sobrang madilim ang mukha. Parang may naka-park na maitim na ulap sa taas ng ulo nito at nagbabadha ng masamang panahon.

Matalim ang mga mata nito habang mabilis na naglalakad palapit sa mesa niya at buong galit na hinampas ng dalawang palad nito ang ibabaw ng mesa niya.

Napaigtad siya sa ginawa nito.

"B-Bakit?" Nakamulagat na tanong niya sa asawa na madilim na madilim ang mukha at nagtatagis ang bagang habang matiim na nakatingin sa kanya.

Krisz was scared when she looked at her husband pale, charcoal eyes. It held fury in them.

Nagtatagis ang bagang na nagsalita ito. "Bakit mo ba sa'kin ginagawa 'to? Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito? Hindi pa ba sapat ang ginagawa ko para sayo para iwan mo ako para gawin iyon sa likod ko?"

Nawala ang takot na nararamdaman niya at napalitan iyon ng pagkalito.

Nagsalubong ang kilay niya sa pinagsasasabi nito. "Ano ba ang pinagsasasabi mo?" Naguguluhang tanong niya. "Hindi kita maintindihan, Train."

Mapait itong tumawa. "Hindi mo alam? Wow naman, Krisz, nagmamaang-maangan ka pa ba? Mom already told me everything I need to know."

His mom? Oh, God. Anong sinabi ng mama nito rito?

"A-Anong sinabi ng m-mommy mo?" Kinakabahang usisa niya.

Ikinuyom nito ang kamao na naka-patong pa rin sa mesa at matalim ang mga mata na sinalubong ang mga mata niya. "Hindi mo talaga alam? You filed a divorce, Krisz! Sa tingin mo hindi ko malalaman?! Am I not enough for you?! May nahanap ka na bang iba? May mahal ka na bang iba?" Sigaw nito kapagkuwan ay lumamlam ang mga mata nito. He looked so vulnerable. "Sana sinabi mo sa akin na nakahanap ka na ng lalaking mamahalin mo, e di sana napigilan ko ang puso ko na tumibok para sayo. E, di sana nirendahan ko ang puso ko. Ngayon ka makikipagkiwalay sa akin kung kailan hulog na hulog na ako sa'yo, kung kailan baliw na baliw na ako sa'yo." Umiwas ito ng tingin. "Hindi pa ba sapat na mahal kita para iwan mo ako? Ano ba ang dapat kong gawin para mahalin mo ako at hindi iwan?"

Umawang ang labi niya at napatanga siya rito. Hindi siya nakagalaw sa kinauupuan habang nagsi-sink in sa utak niya ang mga salita na binitawan nito.

She was incapable of speaking. Nakatanga lang siya kay Train na nakatingin din sa kanya. Naumid ang dila niya. Hindi niya alam ang sasabihin. Train's confession rendered her capability to think clearly. Parang nag-stop ang pag-inog ng mundo niya.

"Krisz, ano ba ang dapat kong gawin para hindi mo ako iwan?" Malumanay na ang boses nito. "Mahal naman kita. Kung hindi mo ako mahal ngayon, pwede naman 'yan gawan ng paraan diba? Mamahalin mo rin ako. I'll do anything for you to love me." Umikot ito sa mesa patungo sa kanya at lumuhod sa harap niya. "Krisz, if you don't love me, just please, stay with me. Huwag mo naman akong iwan. I cannot live without my heart and you are my heart. I love you, Krisz."

"Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin. When I saw you again after eight years, hindi ko akalain na titibok ang puso ko para sayo. I have always been the kind of man who wants to plan everything. Pero kung may isang bagay man na hindi ko plinano, iyon ay ang umibig sayo. Ayaw kitang pakasalan noon kasi ayokong pumasok sa isang loveless marriage lalo na kung ikaw ang magiging asawa ko. My parents love each other, and I want that for myself, too. Papayag naman sana ako sa gusto ni daddy noon, but first, I planned to reach my goals and dreams. And eight years later, ikaw pa rin ang gusto ng mga magulang ko na pakasalan ko. I said no, I won't. I already have plans for you. After that proposal you made in my penthouse, I started planning in my head on how to make you mine. I planned to know you better. I planned to date you. And I planned to make you fall for me, because unconsciously, my heart was already falling for you. But of course, my plan change. I was forced to marry you. Sa tingin ng iba napilitan ako na pakasalan ka, iyan din ang tingin mo diba? But no, no one forced me to marry you. I only acted that way dahil natatakot ako na hindi tayo parehas ng nararamdaman. I didn't plan it, but I fell for you like a shooting star falling from the sky. Fast and hard."

Hinawakan nito ang kamay niya at hinayaan nitong makita niya sa mga mata nito ang pagmamahal nito sa kanya.

"I know I wasn't the perfect husband for you. I'm not perfect and I never will be. Hindi ako yung tipo ng lalaki na bibigyan ka ng flowers para iparamdam sayo na mahal kita. Hindi ako 'yong lalaki na maghahanda ng isang engrandeng dinner date para lang ipaalam sa'yo ang nararamdaman ko. I'm the kind of man who will cook for yo from breakfast to dinner because I don't want you to get hungry. Kasi kapag nagutom ka at nagkasakit, hindi 'yon kakayanin ng puso ko na nag-aalala para sa'yo. I'm the kind of man who'll sing you to sleep even when my voice sounds like a breaking glass. Gusto ko kasi maging mahimbing ang tulog mo at kakantahan kita kahit pa boses palaka ako para iparamdam sa'yo na espesyal ka sa'kin. I'm the kind of man who gets possessive when a man looks at you in any way, because that's me loving you. I'm the kind of man who will love you not just 'till we die but 'till eternity."

Pinisil nito ang kamay niya na hawak nito. "Ganoon din ba ang lalaking ipapalit mo sa akin kaya dini-divorce mo ako? Kaya ba niyang lampasan ang pagmamahal ko para sayo?"

Nang hindi siya nagsalita, niyugyog siya ni Train.

"Answer me, Krisz! Can he?" His voice was desperate and filled with obvious pain. "Can he surpass my love for you?"

Nag-iwas siya ng tingin para hindi nito makita ang kislap ng pagmamahal sa mga mata niya. "Kung kaya niyang lampasan, hahayaan mo ba ako na makapiling siya?"

"Hindi." Nagtagis ang bagang nito. "Hindi kita ibibigay sa kanya." Gumagalaw ang panga nito tanda ng galit na tinitimpi. "Akin ka lang. Asawa kita kaya akin ka lang. Nang pakasalan mo ako, akin ka na. At wala akong planong ipamigay ka sa iba kasi akin ka."

Napatitig siya sa mukha ng asawa niya. His eyes were full of hurt and hopelessness. His face was painted with pain and desperation. Parang hindi ito ang Train na pinakasalan niya na puno ng confidence sa sarili. Yung Train na minsan walang emosyon ang mukha. Yung Train na simpli lang pero sweet naman. Ang Train na nasa harap niya ngayon ay ang lalaking nawasak ang puso.

God! Bakit ba 'yon pa ang ginawang paraan ng ina nito para magtapat sa kanya ng nararamdamn si Train? Kung alam lang niya na makikita niya ang sakit sa mga mata nito, mas pipiliin pa niyang hintayin na kusa nitong sabihin na mahal siya nito.

Not like this... oh heavens... the man she loved was on his knees, asking her to love him. Her heart was being torn apart as she looked down at him. He looked so broken.

Oh, God!

Hindi ba nito alam kung gaano niya ito kamahal?

"Krisz," pukaw nito sa kanya. "Sagutin mo naman ako. I deserve a fucking answer! I deserve to know."

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at hinaplos ang pisngi ng asawa.

"I'm sorry," aniya at agad na bumalatay ang sakit sa mukha nito. "I'm sorry but the man I love can surpass your love for me. He is the reason why my heart beat as loud as thunder in a stormy sky. He is the reason why I smile every day. He is the reason why I'm always happy."

Binitawan nito ang kamay niya at napasalampak ng upo habang nakatingin sa sahig. Kitang-kita niya sa itsura ni Train na nasasaktan ito. At hindi niya kayang makita itong nasasaktan.

Umuklo siya at sinapo ang mukha nito. Tumingin ito sa kaniya at ang mga mata nito ay walang buhay. Her heart wanted to see his eyes sparkling in happiness. Kaya naman ibinuka niya ang bibig para magsalita.

"Train," matiim niyang tinitigan ang mga mata ng asawa. "Kilala mo ang lalaki na tinutukoy ko. Kilala mo ang lalaking mahal ko," madamdamin niya sabi.

He forced a smile. It looked so bitter and fake. "Si Lath ba? Bakit hindi mo sa'kin sinabi? Pwede bang iba nalang ang mahalin mo. Huwag si Lath please. Hindi ko—"

She cut him off. "His name—"

"—kakayanin na makita—"

She interjected. "Is—"

"— na may kasama kang iba—"

"Train Wolkzbin." Buong pagmamahal na nginitian niya ito. "'Yan ang pangalan ng lalaking mahal na mahal ko. Kilala mo siya, Train, kasi ikaw siya. Ikaw ang lalaking mahal ko."

Umawang ang labi ni Train sa sobrang gulat. Disbelief was shown in his pale, charcoal eyes. Nakaawang lang ang labi nito habang nakatingin sa kanya.

"A-ano?" Bakas sa mukha nito ang gulat at halatang hindi ito naniniwala sa salitang lumabas sa bibig niya. "I-I don't believe you."

Mahina siyang napatawa. "Kanina gusto mong mahalin kita, ngayon naman na sinabi ko na mahal kita, ayaw mo namang maniwala. Okay. Ikaw ang bahala."

Tumayo siya at naglakad palayo rito. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng may yumakap mula sa likuran niya. Krisz felt the heat coming from Train's body pressed against her back.

"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong nito na may pagdududa sa boses nito. "O, baka sinasabi mo lang iyon kasi ayaw mo akong saktan?"

"Bakit hindi ka naniniwala?"

"Because you are divorcing me!" Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "You can't divorce me, Krisz."

"I'm not planning to. Ni wala nga iyan sa isip ko," aniya at humarap dito. "Nagsinungaling sayo ang mommy mo. Kausap ko siya kanina. She was here. Sabi niya may pinuntahan siyang charity ball sa Singapore kaya dumaan na rin siya rito bago bumalik sa Russia. Tinanong niya ako kung umamin ka na mahal mo ako, sabi ko hindi pa. 'Yon, sabi niya tutulungan niya ako. I never knww that telling you a lie was her way of helping you to confess your love for me."

Ang madilim nitong mukha ay biglang umaliwalas. "Nagsisinungaling lang si Mommy?" Nagliwanag ang mukha nito. "Hindi mo ako idi-divorce?"

"Hindi." Ihinilig niya ang ulo sa matitipuno nitong dibdib. "Bakit ko naman gagawin 'yon? I was hoping that you'll love me, too. Kaya, bakit ko naman gagawin 'yon? Binabakuran nga kita at hindi na pakakawalan pa. Why would I divorce the man I love? Why would I divorce you?"

Sinapo nito ang mukha niya at inilapat ang labi nito sa mga labi niya. She sighed in contentment and when he let go of her lips, Train was smiling from ear to ear.

"Oh, God, akala ko mawawala ka na sa'kin." Mahigpit siya nitong niyakap. "I love you, wifey."

Ang lapat at ang saya ng ngiti niya. Kinikilig siya. "I love you too, hubby."

Niyakap siya ng mahigpit ni Train at hinalikan ang nuo niya.

Habang yakap siya nito, may bigla siyang naalala. "May tanong ako, hubby."

"Ano 'yon?" Tanong nito habang yakap siya.

"May sinabi ka kagabi." Pinalibot niya ang mga braso sa beywang nito at tumingala ng tingin dito. "Ano ang ibig sabihin ng mga sinabi mo kagabi sa'kin matapos tayong you know?"

May kapilyuhang kumislap sa mga mata nito. "Anong you know. I don't know."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Train naman e! Sagutin mo nalang kasi." Nakasimangot na sabi niya.

Malakas itong tumawa saka hinalikan na naman siya sa mga labi. "Please, lyubi menya. Ya vlyublen v tebya. I was saying 'please, love me. I'm in love with you'."

Her heart jumped. "Iyon ang sinabi mo kagabi? Bakit hindi mo nalang tinagalog o ini-English? E, di sana naintindihan ko. E, di sana hindi tayo umabot sa ganito."

"Kagabi, I was hoping na haharap ka sa akin at itatanong mo kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ko. But you didn't. I even asked you kung hindi mo itatanong at hindi ka na nagsalita. Alam kong gising ka pa kagabi. Kaya naman hindi na ako nangulit. Naisip ko kagabi na hindi iyon ang tamang oras para sabihin ko sayo ang nararamdaman ko. Ngayon, sa wakas, masasabi ko na sa'yo na mahal kita kahit kailan ko gusto. I don't need to use foreign language so I can tell you I love without you knowing it. Ngayon, malaya na akong ipagsigawan sa mundo na mahal na mahal ko ang asawa ko." Ngumiti ito at napakapit siya sa leeg nito ng maramdaman niyang parang nanghihina ang tuhod niya dahil sa ngiting iyon. "How about you, my love? Kailan mo nalaman na mahal mo ako?"

Ginawaran ng halik ang mga labi nito bago sumagot. "The day you accompanied me to the conference room, that's the day that I realized that I want to keep you in my heart because I had fallen for you. Akala ko noon, trip mo lang ako ihatid, and then I overheard you and Boggy talking outside the elevator. At kung kailan naman kita minahal? Hindi ko alam. Basta nagising nalang ako isang araw na mahal na kita. In denial lang talaga ako kasi ayokong mahalin ka. Noon, ang nasa isip ko, hindi mo ako mamahalin kasi napilitan ka lang naman na pakasalan ako. Pero hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko para sa'yo. Mas lalo pa yatang lumalim ang pagmamahal na nararamdaman ko para sayo sa mga araw na nakakasama kita. You're so sweet and just so lovable. May heart can't help but love you."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Mabuti naman at hindi mo pinigilan ang nararamdaman mo. Masaya ako na mahal mo rin ako. At hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita, kasi ikaw ang pinakamagandang nangyari sa akin na hindi ko plinano."

Nilukob ng sobrang kasayahan ang puso niya. "Hindi rin ako nagsisisi na pinakasalan kita. Kasi ikaw din ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

Puno ng pagmamahal siyang hinalikan ni Train kapagkuwan at matiim itong tumitig sa mga mata niya. "I love you, Krisz. Ty moya, my wife. That means you're mine by the way."

Puno ng kasiyahan siyang ngumiti. "Ty moya too, Train. And I love you too, hubby." 


CECELIB | C.C.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
48.8M 969K 28
Lath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tit...
184K 2.5K 31
Top Students. One list. One Night. One Tragedy. Mysteries & deaths will follow.