Emotionless PRINCESS [Volume...

By DarkPhantooom

9.5K 101 80

UNDER MAJOR REVISIONS... Angela Shanice Del Mundo A long lost princess of Smith Kingdom who hid herself in th... More

KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
Emotionless PRINCESS

KABANATA 77

57 5 6
By DarkPhantooom

KABANATA 77

*klak*

Napatingin si Christian sa may pinto ng kuwarto niya nang bumukas iyon.

"Pasok." Pagpapatuloy ng binata sa kapatid. "Anong pakay mo?" Tanong nito bago ibinalik ang tingin sa laptop.

"Magba-bakasyon nga pala kami ngayon. Nakalimutan kong magpaalam kahapon."

Kaagad na napatingin si Christian sa kapatid. "Bakit?"

Napakunot-noo si Angela. "Anong bakit?"

"Bakit sa'kin ka nagpapaalam?"

Sa tuwing may lakad ang dalaga, pupunta kaagad ito kay Sebastian at magpapaalam.

"Dahil ikaw ang pinagpaalaman ko?" Hindi siguradong tanong ng dalaga.

d-.-b

"'Wag kang sarkastiko, Angela."

"Tch! Dahil ikaw ang panganay." Nakaiwas na sagot ng dalaga.

Napangisi si Christian. "Noon naman, kay Sebastian ka nagpapaalam kahit alam mong ako ang panganay."

Natahimik ang dalaga, pero mababasa sa mukha rito ang inis.

Mas lalong napangisi si Christian. "Tara sa baba. Do'n mo sabihin para malaman din ng iba."

Pagkababa, nadatnan nilang nagluluto si Sebastian.

Kaagad na lumapit si Angela at tumingin sa niluluto nito.

Gulat na napatingin si Sebastian sa dalaga. Ganoon din si Angela, tila nasanay na itong tumingin sa binata sa oras na magluluto ito.

"Ehem!" Tikhim ni Christian. "May gustong sabihin si Angela." Saad ng binata bago tingnan si Angela. "Go ahead."

Napatingin ang mga kapatid sa dalaga.

"Aalis ako." Saad ng dalaga habang nakatingin sa may mesa.

Napatigil sa ginagawa ang mga kapatid.

"Saan?!" Sabay-sabay na tanong ng mga ito.

Inis na tiningnan ng dalaga ang mga ito. "Tch, magba-bakasyon lang kami ng mga barkad---ng mga kaklase ko. Sandale lang 'yon."

"Saan naman?"

"Sa probinsiya, hindi ko lang alam kung saan."

Natahimik ang magkakapatid. Tahimik silang naghanda sa mesa at tahimik na umupo sa upuan nila.

"Tahimik niyo?" Puna ng dalaga.

"Mami-miss ka namin." Pag-amin ng magkakapatid.

"Tch!" Nakangising singhal ng dalaga. "Hindi na kayo bata---"

"Hindi lang bata ang nakakaramdam ng pagka-miss." Pambabara ni Christian.

Natahimik si Angela. Napansin naman ng dalaga na natahimik din ang magkakapatid kaya napatingin siya sa mga ito.

"Bakit?"

"Pwedeng sumama?" Sabay-sabay na tanong ng mga ito.

Napaismid ang dalaga. "Tch!" Tumayo si Angela. "Aalis na ako, parating na sila rito."

Umakyat sa itaas ang dalaga at kinuha ang maleta nito. Pababa na ang dalaga nang madatnan ang mga kapatid sa may sala.

Tumayo si Christian at kinuha ang maleta kay Angela. "Ako na."

~Ding dong~

"Mukhang nandiyan na sila." Saad ni Lucian bago buksan ang pinto.

"Shan---Cian!" Bungad na sigaw ni Rhea bago niyakap ang binata.

Natigilan si Lucian dahil sa ginawa ng dalaga. Hindi maganda ang eksenang iyon lalo pa't nasa harapan nila ang kasintahan nito.

"Rhea, I think your boyfriend is in a jealous state just because of what you did." Mahinang saad ng binata sa dalaga.

Natauhan naman si Rhea at kaagad na kumawala sa yakap.


"Shanny!" Baling ng dalaga sa kaibigan.

Napailing-iling nalang si Lucian. "Noisy." Bubulong-bulong ng binata.

Nakaharap na ngayon ang magbabarkada sa van na siyang sasakyan nila papunta sa probinsiya.

Si Harley ang magda-drive, si Vanessa ang nasa pasenger's seat.

Sina Adam, Aishia, at Alyson ang nasa may unahang upuan.

Sina Angela, Jericho at Shawn naman ang nasa may gitnang bahagi ng upuan.

Sina Luhence at Rhea naman ang nasa huling upuan kasama na roon ang iba pang mga bag na dala nila.

"Okay na kayo diyan guys?" Tanong ni Harley sa mga barkada.

"Okay na!" Sabay na tugon ng mga ito.

"Mag-ingat kayo." Bilin ni Christian sa mga ito.

Napalingon dito ang magbabarkada. "Salamat kuyaaa!"

"Tch!" Tanging saad ng binata.

"Let's go!" Sigaw ni Harley bago pinaandar ang sasakyan.

Habang bumabyahe, tahimik lang ang magkakaibigan. Napasimangot si Rhea dahil doon. Hindi ganoon ang nasa isip niya.

Bahagyang napaayos ng upo ang lahat nang bigla na lamang bilisan ni Harley ang pagpapatakbo ng sasakyan.

"Harley," Saway ni Vanessa sa kasintahan.

"Ahhhh!" Sabay-sabay na sigaw ng magbabarkada nang bigla na lamang magpreno si Harley.

"Hahaha!" Tawa ni Harley nang makita ang reaksyon ng mga kasama lalo na nang bigla na lamang siyang hampasin ni Vanessa. "Ang tahimik niyo masyado, e. Hindi ako sanay."

"Pero hindi 'yon dahilan para gulatin mo kami, Harley!"

Napakamot si Harley nang makatanggap ng singhal galing kay Rhea.

"Akala ko katapusan ko na 'yon!"

"Pfft!" Hagikgikan ng mga kasama.

"Sorry na." Nakatawang saad ni Harley bago paandarin muli ang sasakyan.

Kinuha naman ni Shawn ang neck pillow niya at inilagay iyon sa may leeg ni Alyson.

"Ayieeeh!" Kantyawan ng mga magbabarkada sa ginawang moves ni Shawn.

"Dumada-moves ka na naman Shawn!" Nakangiting intriga ni Vanessa na nakalingon na sa mga kasama.

Natulala na naman ang mga kasama nang makita ang tipid na ngiti nito.

"Grabe, patay na patay na talaga si Shawn sa'yo, Alyson, congrats!" Nakatulalang saad ni Vanessa bago hinampas si Alyson. Nakatanggap ng masamang tingin ang dalaga.

Tumahimik muli ang byahe. Natulog sina Aishia at Alyson. Tahimik namang nakaupo sa upuan sina Shawn at Adam na nakikinig ng music sa kani-kanilang headphone.

Habang bumabyahe, hindi alam ni Rhea kung anong gagawin. Para lang siyang natulos sa kinauupuan, tila hindi makagalaw mula roon.

*sigh*

Palihim niyang tiningnan si Luhence gamit ang sariling peripheral vision.

Muling napabuntong-hininga si Rhea at sumandal sa backrest ng upuan.

Napatingin si Rhea sa lalaki nang makita ang mahinang paggalaw nito papasandal sa backrest. Nakita naman ng dalaga na may kung ano itong pinagkakaabalahan sa sariling cellphone kaya kinuha niya rin 'yong sa kanya.

Compose message
To: Lu

Galit ka?

-Message sent!

Kita sa peripheral vision ni Rhea ang bahagyang pagtingin ni Luhence sa kanya at ang pagbalik ng tingin nito sa screen ng cellphone.

One message received
From: Lu

Hindi.

Napatingin si Rhea sa katabi at nakitang nakatingin lang ito sa unahan. Napanguso si Rhea dahil doon.

Nakanguso at mahinang tinusok ng dalaga ang tagiliran ni Luhence.

"Luhence," Mahinang tawag ng dalaga. Mas lalong napanguso si Rhea nang hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ng kasintahan. "Hoy Luhence!"

Napalingon ang mga kasama dahil sa malakas na boses ni Rhea.

"Hoy, ang lakas ng boses mo Rhea!" Puna ni Vanessa, nakatawa pa ang dalaga.

Napailing-iling nalang si Vanessa, imbes kasi na makatanggap ng sorry, irap ang nakuha niya sa dalaga.

"Luhence---"

"Sorry."

Napakurap-kurap si Rhea. "Bakit ka nagso-sorry?" Takang tanong ng dalaga rito. Sa natatandaan nito, wala itong nagawang kasalanan sa kanya.

Umiwas ng tingin ang binata, bumuntong-hininga at umiling.

'Hindi ako dapat magselos kay Lucian, magkaibigan lang sila.'

"Gusto ko lang."

Napangiwi si Rhea. "Ang weird mo!" Medyo pasinghal na saad ng dalaga. Umayos na lamang ito sa pagkakaupo at isinandal ang ulo sa may bintana.

Napangiwi si Rhea nang mauntog ang ulo niya sa bintana.

Napatingin naman si Luhence roon. Napangisi si Luhence ng kaunti at napailing-iling.

"You can lean on me."

Kaagad na napatingin si Rhea rito. "Ayoko nga, baka aakalain mong dumadamoves ako."

"Hindi ba?" Panunukso ng binata. Kaagad na napalayo si Luhence habang tumatawa nang kurutin siya ni Rhea. "Biro lang!"

Inismiran lang siya ng dalaga.

Napailing-iling ang binata bago kinuha ang ulo ng kasintahan at inihilig iyon sa sarili. Inakbayan niya ang dalaga pagkatapos.

Napangiti si Luhence ng marinig ang mahinang pagtili ng mga kasama. Nakangiti ang mga ito habang tinitingnan ang senaryong ginagawa nila gamit lamang ang rearview mirror.

Kaagad na napaayos ng upo si Rhea. Umalis siya sa pagkakahilig sa kasintahan nang marinig ang kantyawan ng mga kaibigan.

Napatingin na lamang si Luhence kay Rhea na halos umiiwas na ng tingin sa kanya.

Sumandal na lamang si Luhence sa backrest. Kalaunan ay pinadausdos ang sarili para makahilig sa balikat ng dalaga.

Kaagad na nanlaki ang mata ni Rhea sa ginawang iyon ng binata. Iginalaw niya ang balikat dahilan para gumalaw-galaw ang ulo ng binata na nagkukunwaring tulog. Nang makitang wala iyong epekto, tinapik ng dalaga ang pisnge ni Luhence.

"Hoy Luhence." Mahinang saad ng dalaga pero hindi man lang nag-abalang sumagot ni tumingin ang binata.

"Pabayaan mo na Rhea, baka napagod lang 'yan."

Napatingin si Rhea kay Shawn. "Nagsasalita ka pala?"

d-.-b

"Sabi ko nga hindi."

Pinabayaan na lamang ni Rhea na sumandal ang binata sa kanya.

Samantala, nakasandal at nakatingin lang sa unahan si Vanessa. Tahimik ang dalaga, ganoon din ang mga kasama sa likod na mukhang natutulog na.

"Nagugutom ka?"

Napatingin si Vanessa sa kasintahan, kalaunan ay nginitian at tumango.

"Gusto mo bang tumigil na muna tayo sa isang restaurant?"

Napatingin si Vanessa sa mga kasama. "Hindi na. Magdrive-thru nalang tayo."

"Sige." Sang-ayon ni Harley bago iniliko ang sasakyan.

____________

Nagmulat ng mata si Rhea na nakatulog na rin kanina. Napatingin siya sa mga kasama at mahinang napatawa nang makitang natutulog ang mga ito.

Nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ng dalaga nang makita si Vanessa na kumakain sa may passenger's seat.

*gruu* *gruu*

"Hoy Vanessang epal, pahingi nga!" Malakas na sigaw ni Rhea, tila nakalimutang natutulog ang mga kasama at nasa iisang sasakyan lamang sila.

"Hoy Rhea, ang lakas ng boses mo!" Medyo pasinghal na saad ni Jericho dahil nagising ang binata sa lakas ng sigaw nito.

Pinanlakhan naman ni Rhea nang mata si Jericho. "Siyempre dahil---"

"Dahil babae ka?" Dugtong ni Jericho na naalala ang katagang sinabi rin ng dalaga noong acquaintance party. "Bakit, si emo girl---"

"Babae rin siya?" Nakangising saad ni Rhea na naalala rin ang sinabi ng binata noon. "Shanny, alam mo bang hinanap ka ni Jericho no'n sa acquaintance party? Ang malala, bilang emo girl at hindi bilang Lady Sha-do!" Nakatawang sumbong ni Rhea.

Kaagad na nanlaki ang mata ni Jericho. Napatingin ang binata sa katabing dalaga at nakitang nakatingin na sa kanya si Angela.

"H-hoy! 'Wag kang maniwala sa kanya! Alam mong magaling gumawa ng kwento ang babaing---"

Napangisi si Angela. "Pasensiya na," Patiuna ng dalaga. "Pero mukhang gusto kong paniwalaan ang sinasabi niya." Dugtong ng dalaga na nakangisi na. "Totoo ba 'yon?"

Kaagad na napaiwas ng tingin si Jericho. "H-hindi 'yon t-totoo!" Napalakas ang pagkakasabi niyon ng binata. Kaagad niyang binalingan si Shawn na kanina pa nakatingin kay Alyson sa unahan. "Hoy Shawn, palit na nga tayo!"

Hindi naman nakinig si Shawn, nanatili lamang itong nakatingin kay Alyson na nabatiling nakaupo sa upuan nito. Ayaw niyang makipagpalit sa binata dahil gusto na niya ang upuan niya, hindi man sila magkatabi, pero magkahanay sila.

"Shawn!"

Napalingon na si Alyson sa likurang bahagi nang mapansin na natahimik ang magkakaibigan at nakatingin sa may bandang likod. Napakurap-kurap ang dalaga nang makitang nakatingin sa kanya ang binata, palipat-lipat naman ng tingin ang mga kasama sa kanilang dalawa.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Pagtataray ng dalaga, nakataas pa ang kilay.

"Hindi ka ba talaga mamimigay?" Tila nagtitimping saad ng dalaga na mailakas ang boses nang sabihin iyon.

Gulat na napatingin ang lahat sa kanya.

"Gutom na gutom lang?" Nagtatakang saad ni Vanessa.

"Oo! Kanina pa ako nagugutom!" Sigaw ni Rhea.

"Bwahahaha!"

Napanganga si Rhea. "Anong tinatawa-tawa niyo?"

"Ganyan ka pala magutom?"

"Nakakatakot ah?"

"Bigyan mo na Vanessa, baka kainin ka na niya ng buhay." Nakatawang saad ni Alyson.

Sinamaan lang ng tingin ni Rhea si Alyson dahil sa sinabi nito.

"Maganda ba sa probinsiya, Harley?" Tanong na lamang ni Alyson kay Harley para maituon doon ang atensyon ng lahat.

Napangiti si Harley. "Maganda ang probinsiya, masagana sa mga pagkain at sariwa rin ang hangin doon."

"Mukhang maganda nga roon dahil sa ganda ng ngiti mo, Harley. Sana mag-enjoy kami roon." Nakangiting saad ni Aishia.

"Mag-e-enjoy kayo roon."

_____________

Napatingin-tingin kaagad sa paligid ang magbabarkada pagkalabas sa sasakyang sinasakyan nila.

Napanganga ang lahat sa pagkamangha.

"Sariwa nga ang hangin dito, Harley. Ibang-iba sa maynila." Komento ni Rhea habang nakangiti, puno nang pagkamangha sa tanawing natatanaw. Pumikit ang dalaga nang dumaan ang isang malamig, ngunit sariwang hangin. Natigilan ang dalaga nang pagmulat niya ay si Luhence ang nabungaran niya. Nginitian siya ng binata, sinuklian niya na lamang iyon.

"Tara." Anyaya ni Harley sa mga kasama.

"Apo!"

Napangiti si Harley nang makita ang lola niyang mabilis na naglakad pasalubong sa kanila.

"La!" Tumakbo ang binata palapit dito saka niyakap ang matanda.

"Mabuti naman at dumating na kayo, apo. Kanina ka pa inaantay nina Carla at Carlo."

Napangiti si Harley. "Nasa loob ba sila?"

"Oo." Tumango ang matanda at tiningnan ang mga kasama ng apo nito.

Napalingon naman si Harley. "Ay, siyanga pala 'la, sila ang mga kaibigan ko." Nilapitan ng binata si Vanessa. "Ito naman ang girlfriend ko 'la, si Vanessa."

Napangiti naman si Vanessa. "Hello po, lola."

"Ay, napakaganda mo, hija."

Ilang na napangiti si Vanessa. "Salamat po."

"O siya, pumasok na kayo sa loob at nang makakain na kayo nang pananghalian."

Isa-isa silang nagsikuha sa mga bagahe nila. Habang naglalakad papasok, napapatingin sila sa bahay.

Malaki ang bahay nito. A two-storey building. Mamahalin rin ang mga gamit kaya pansin na pansin na mayaman ang matanda.

"Kuya!"

Napatingin ang magkakaibigan sa dalawang batang tumatakbo papunta sa direksyon ni Harley.

"Hey twins!"

Kaagad na yumakap ang kambal kay Harley.

"Ang tagal mong dumalaw dito, kuya Ley." Nakasimangot na saad ng batang babae.

Yumukod ang binata para makapantay ang bata. Nginitian ito ni Harley at ginulo ang buhok.

"Busy lang si kuya sa school, okay? Basta ang mahalaga, nadalaw ko na kayo rito."

Napangiti naman ang dalawang bata. Tumayo si Harley at nilapitan si Vanessa.

"Baby Lo and baby La, this is Vanessa, my girlfriend." Pagpapakilala ni Harley sa dalawang bata.

Ngumiti si Vanessa, ngunit nawala rin iyon kalaunan lalo na no'ng makita ang uri ng pag tingin ng dalawang bata sa kanya.

Napacross-arms ang mga ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Parang sinusuri lang siya ng mga ito.

"Hmm," Parang nag-iisip na saad ng batang babae, nakahawak pa sa sariling baba. "Magaling kang pumili, kuya!"

Napatawa ang magkakaibigan sa sinabing iyon ng bata.

"Ay naku, pasensiya na kayo mga hijo at hija sa batang ito, masyadong makulit lang ang mga ito." Pagpasensiya ng matanda. "O siya, ilagay niyo nalang diyan ang mga bagahe niyo at nang makakain na kayo rito. Baka kanina pa kayo nagugutom, malayo pa man din ang binyahe niyo."

Sumunod ang magkakaibigan sa kusina. Kaagad silang nagsiupo sa upuan para makakain na.

Continue Reading

You'll Also Like

92.6K 3K 51
𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐁𝐔𝐒 𝐆𝐑𝐀𝐕𝐄𝐘𝐀𝐑𝐃 "𝚝𝚑𝚎 𝚋𝚎𝚜𝚝 𝚠𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝚐𝚘, 𝚒𝚜 𝚒𝚗 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚎. 𝚆𝚑𝚊𝚝𝚜 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚒𝚜𝚑 𝚝𝚑𝚊𝚗 𝚊 𝚖𝚘𝚝...
45.5K 861 22
why do you people like this. I hate myself for making this Oh yeah nothing is owned by me.
915 200 18
Isang babae na masaya sa Mundong Namulatan nya kasama ang inaakalang mga Magulang nya At may na tuklasan Siyang mga bagay na masyadong Mahirap paniw...
116K 12.1K 32
Athulya Singhania has spent her entire life in solitude, yearning for the love of a family. Over the years, she mastered the art of concealing her em...