The Desperate Wife

Autorstwa mariacray_

1.4M 18.6K 1.6K

Muntik ko ng hindi makilala ang babaeng nakatayo sa aking harapan. Her baggy shirt and pajama was gone. Compl... Więcej

The Desperate Wife
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Author's Note
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Author's Note 2
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Last Chapter
The Revelation of the Desperate Wife
Part Two
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
WEDDING OF THE CENTURY TEASER!

Chapter 23

18.2K 283 17
Autorstwa mariacray_


Simula ng pag-amin ko, halos gabi-gabi  nalang akong umiiyak. Tinotoo nga ni Keith ang sinabi niya na mas lalayuan niya ako. Dalawa sa isang linggo nalang ito umuuwi at hindi ko alam kung saan ito natutulog. Ayokong tanongin si Tita Celeste kung nasa kanila ba ito namamalagi, kasi ayoko ng idamay pa sila. Baka lalong magalit si Keith kasi nakikialam na naman ang pamilya niya.

Hindi naman ito late tuwing papasok sa trabaho kinabukasan. Hinayaan ko nalang siya kung ito talaga ang gusto niya. It's worst, yes, pero alam kong nasaktan ko siya eh, I somehow deserve this.

Isang araw, hindi na nga napigilan ni Aling Nana ang magtanong kung bakit hindi umuuwi si Keith, napapansin niya siguro na hindi kami katulad ng mga normal na mag-asawa. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti, umabot na kasi ako sa punto na napagod nang magpanggap. Simula non, Hindi na nagtanong si Aling Nana tungkol kay Keith, naiintindihan niya yata na ayokong pag-usapan pa ang tungkol dito.

Isang buwan na ang lumipas at kinakausap niya lang ako kapag may inuutos siya. Napansing kong nilulunod nito ang sarili sa trabaho. Minsan nag-oovertime kami sa dami ng ginagawa. Naaawa na ako sa kanya dahil hindi ko ito nakikitang kumakain kahit na nilalagyan ko na ng pagkain ang kanyang lamesa.

Ang masakit, natatagpuan ko nalang ang mga pagkain sa loob ng basurahan ng office niya, at hindi ko mapigilang maiyak kapag ginagawa niya 'yon. Sumusobra na kasi siya eh.

Ang sakit mabalewala na parang hindi ka nag-eexist. Ang sakit mapagkaitan ng pagmamahal sa sariling asawa. Sa totoo lang nawawalan na ako ng pag-asa sa relasyon namin, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ginagawa ko na ang lahat pero hindi pa rin talaga sapat. Napapagod na ako, napapagod na akong mag-effort, napapagod na akong umiyak, napapagod na akong masaktan. Araw-araw, pinipilit kong magpakatatag kahit gustong-gusto ko ng mawala para hindi ko na nararamdaman ang ganito.

"Keith, it's been six months pero hindi pa rin natin nababawi ang nawala sa atin. Hindi na ba talaga natin mahihigitan 'yan?" Tanong ng isang board member na si Mr. Lee matapos mareview ang monthly profit graph. Nandito ako ngayon sa conference room dahil as the Executive Secretary ng CEO, inaassist ko siya sa presentation niya sa board meeting.

"Mukhang wala ng appeal sa mga mamimili ang produkto natin, why not we should do something to spice it up once again?" Suggestion ni Mrs. Reyes.

"Nagawa na lahat ng Design and Production management team pero wala pa rin, hindi pa rin talaga umaakyat ang kita." Komento ulit ni Mr. Lee. Lahat kami ay lumingon kay Keith, naghihintay ng isasagot niya mula sa concern ng mga investor.

"Maybe we should try--"

"We should call Nathaniel to help us here. We need his suggestion regarding this matter." Lumingon kami kay Mr. Cruz, ang daddy ni Keith, nang sumingit ito sa sanay sasabihin ng anak.

"I think I ---"

"Yeah, I agree. Keith needs him as the co-CEO." Naputol na naman ang sasabihin ni Keith nang sumang-ayon si Mr. Garcia. Lahat ay tumatango at bumubulong sa kanilang supporta sa suhestyon ng kanyang ama.

Tiningnan ko si Keith na nakaigting ang panga at nakakuyom ang mga kamay. Maybe that Nathaniel is his brother, and everyone just agreed to get him back as the co-CEO. Mukhang may naapakan na naman na pride, at pakiramdam nito, hindi pa rin siya sapat sa kabila ng paghihirap niya sa kompanya.

Pagkatapos ng meeting, mukhang nagkatotoo nga ang akala ko, wala sa mood si Sir Keith pagbalik namin sa office niya. Napapatalon ako sa aking upuan sa tuwing nagdadabog ito sa loob. Susuriin ko na sana kung ano na ang nangyayari sa kanya nang bigla na lamang bumukas ang pintuan ng opisina nito.

Nagtama ang mga mata namin. Ang pula ng mga mata niya at ang gulo ng buhok. Kumirot ang puso ko sa nakikita kong lungkot sa mga mata nito. Hindi ko masikmurang nakikita siya ng ganito. Yumuko ako at umusog para makadaan siya.

I silently check the time, 3pm palang. "Uuwi ka na?" Inangat ko ang aking tingin at ang malakas na pagsara ng pintuan ang sumagot sa akin.

Kinuha ko ang aking bag at sinundan ang asawa ko. Mabilis siyang sumakay sa kotse niya, at binilisan ko rin ang mga kilos ko upang masundan siya. Nag-aaalala ako sa kung ano ang gagawin niya sa kanyang sarili. Nakita ko itong lumiko sa street kung saan kami nakatira. I sighed heavily.

Pagdating sa bahay, sinalubong kami ni Aling Nana. Deritso lang si Keith papasok sa loob at pumanhik agad sa itaas.

"Anong nangyari?"

"Problema po sa trabaho." Sagot ko kay Aling Nana na dinaanan lang din siya at sinundan ang asawa ko sa kanyang kwarto.

Magagalit na naman ito na nangingialam na naman ako, pero wala akong paki-alam. Gusto ko lang na malaman niya na nandito lang ako, at hindi ko siya iiwan.

Kumatok ako ng mahina at pinihit ang pintuan. Nakita kong nakadapa ito sa kama nito.

"Keith.."

"Leave me alone, Sandra." Walang lakas na saad nito. Hindi ko ito sinunuod at sa halip ay umupo ako sa gilid ng kanyang kama.

"Ang tigas talaga ng ulo mo." Inikotan niya ako sa kanyang mata at binaling ang ulo sa kabila. Mukha siyang nanghihina.

"Keith okay ka lang?" Hinihimas-himas ko ang likod niya.

"Ang init mo, nilalagnat ka ba?" Nag-aalala kong tanong at inangat ang hawak ko patungo sa kanyang noo.

"May lagnat ka hubby." Hindi ito kumibo, kaya ang ginawa ko hinubad ko ang suot nitong sapatos at inayos ang paghiga niya. Pinatihaya ko ito, buti nalang hindi na ito umangal at nagpatangay nalang.

"Magpahinga ka muna, magluluto lang ako ng sopas para makainom ka ng gamot ha..." Saad ko habang hinahaplos ang mga buhok niya palayo sa kanyang mukha.

Tinulongan naman ako ni Aling Nana kaya naging mabilis ang pagluto ng sopas. Naghanda na rin ako ng bimpo at kumuha ng gamot sa first aid kit bago bumalik sa taas.

"Hubby, umupo ka muna."  Paggising ko sa kanya habang nilalatag ang tray na dala ko sa ibabaw ng lamp table. Sinupportahan ko naman ito para makaayos ng upo.

"Kumain ka ng marami ha." Saad ko habang sinusubuan siya ng sopas.

"Mmm mainit!" Pagrereklamo nito.

"Omg, sorry hubby. Let me see." Sinuri ko ang napasong labi nito. Marahan ko itong hinahaplos gamit ang aking hinlalaki at pinainom siya ng tubig.

"I'm sorry..." Paghihingi ko ulit ng tawad. Sinubukan ko ulit na pakainin si Keith, hinuhuyop ko muna ang pagkain na nasa kutsara bago sinubo sa kanya. Hindi na naman ito nagreklamo hanggang sa naubos niya ang buong sopas. Pagkatapos, pinainom ko siya ng gamot at pinunasan ng bimpo.

( Narration )

Lingid sa kaalaman ni Sandra na sinusundan siya ng tingin ni Keith. Lumambot ang pilit na nagmamatigas na puso niya sa kanyang asawa nang makita ito ngayon na nasa kanyang harapan at masinsinang nag-aasikaso sa kanya.

Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa magandang mukha ng asawa lalo na't kung magtama ang kanilang mga mata at ngingitian siya nito. Hindi man niya mapangalanan kung ano ang nararamdaman niya, pero dahil dito napagtanto niya sa sarili na mahal nga talaga siya ng asawa.

Sa pagmahahal nito, nasira ang mga plano niya sa buhay at dumagdag pa sa purwisyo niya. Inaamin niyang nasasaktan niya si Sandra, hindi niya tinatago 'yon. Kaya nabibilib siya dito dahil hindi pa rin ito lumalayo sa kanya at nanatili itong nasa kanyang tabi kahit binabalewala lang niya. Despite of everything he did, her love remains.

Pinupunasan siya ng kanyang asawa nang maramdaman ang vibration ng kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Pilit itong inaabot ni Keith kahit nanghihina. Tumatawag sa kanya si... Clarisse.

Bahagya niyang tiningnan si Sandra na nakatingin sa cellphone niya, at nabasa nito ang pangalan ni Clarisse na rumihestro sa kanyang telepono. Inangat ni Sandra ang kanyang ulo kaya nagkatinginan sila.

Naramdaman niyang nanigas ito sa kanyang harapan at katulad niya, hindi rin alam kung ano ang gagawin. Hindi niya alam kung sasagutin pa ba niya ang tawag nang makita ang sakit at lungkot sa mga mata nito.

Ring lang ng ring ang telepono, pero sa huli sinagot niya pa rin ito.

"H-Hello, babe?" Bungad niya sa kasintahan na si Clarisse. Wala siyang maintindihan sa  sinasabi nito sa kabilang linya dahil ang atensyon niya ay nasa kanya pa ring asawa na kasulukayang tumayo at nililigpit ang mga gamit sa tray.

"Baby? Are you still there?"

"Ah.. ano ulit 'yon?" Hindi na nagawang lumingon ni Sandra sa kanya. Palabas na ito ng kwarto, at kahit nakatalikod nakita niya itong nagpunas ng mukha gamit ang isang kamay. Napahigpit ang hawak ni Keith sa kanyang telepono dahil alam niya na sa sandaling 'yon, napaiyak na naman niya ang asawa.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

92.1K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
268K 8.8K 49
She is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got m...
1.7K 675 55
COMPLETED | RAW/UNEDITED "I met you as enemy but ended up being your forever." Everleigh Carter is an ordinary new student at Parker High and only wa...