Desperate Gay Husband (BOYXBO...

By geraheart_17

249K 10.8K 2.4K

Bakit kung kailan nafe-feel mo nang nahuhulog na sya sayo saka may babalik at mababaliwala ka na naman ulit. ... More

Disclaimer
Characters
Prologue
DGH 1
DGH 2
DGH 3
DGH 4
DGH 5
DGH 6
DGH 7
DGH 8
DGH 9
DGH 10
DGH 11
DGH 12
DGH 13
DGH 14
DGH 15
DGH 16
DGH 17
DGH 18
DGH 19
DGH 20
DGH 21
DGH 22
DGH 23
Pasilip
DGH 24
DGH 25
DGH 26
DGH 27
DGH 28
DGH 29
DGH 30
DGH 32
DGH 33
DGH 34

DGH 31

4.8K 317 137
By geraheart_17



Chapter 31

Lithium P.O.V.

Pagkagising na pagkagising ko ay agad akong nagtungo sa guest room nitong condo ko, kung saan natutulog si James. Pero pagpasok ko sa kanyang kwarto ay wala na ito doon. Maayos ng nakatupi ang kumot at ang mga unan sa kama.

Hindi naman ako nagdalawang isip, at mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko dito sa loob ng kwarto ko. Alam kung umuwi na ito pero parang may mali, kaya agad akong bumaba at nagtungo sa parking lot kung saan ang kotse ko.

Hindi ko alam pero feeling ko ay parang may mali. Kinakabahan ako para kay James. Simula nong tumawag sa akin si dad kagabi na kailangan ko daw bantayan ng mabuti si James dahil anytime soon ay pwede itong mamatay dahil sa sakit nito. Nag-alala lang talaga ako sa kalagayan nya ngayon lalong lalo na may dinadala pa siya.

Habang nasa byahe, sa di kalayuan ay may nakita akong isang binatang lalaki na naglalakad sa gilid ng kalsada. Napaluhod naman ito at sumigaw. Nang medyo malapit na ako sa kinaruruonan nito ay doon ko napagtantong si James pala ito.

Agad ko namang itinabi ang sasakyan ko sa may gilid ng kalsada at patakbong pinuntahan ito.

"James! Anong nangyari sayo bakit ka umiiyak?" Punong pag-alala kong tanong sa kanya. Inalalayan ko naman itong tumayo.

"Ang sakit! Ang sakit sakit!" Sigaw naman nito sabay pokpok sa dibdib niya.

Kinuha ko naman ang mga kamay nito at niyakap ito. Hindi naman ito pumalag, pero napapansin kong nanginginig ang buo nitong katawan. Kaya mas hinigpitan ko naman naman ang yakap ko sa kanya.

"James please tahan na, hindi ito maganda sa kalusugan mo lalong lalo na sa pinagbubuntis mo" Sabi ko naman sa kanya

"Lithium, pangit ba ako? Masama ba akong asawa?" Tanong naman nito sa akin habang umiiyak

"Hindi, bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko sa kanya

"Pero bakit! Bakit hindi ako yung pinili! Bakit ako nalang ang palaging talo!"

"Shhhh, James listen okay. Hindi kasi sa lahat ng panahon ay ikaw at ikaw ang pipiliin, kasi hindi naman natin hawak ang puso ng ibang tao. Sabi nga nila hindi natin kayang diktahan ang puso natin kung kanino at sino ang dapat nitong mahalin. Kusang titibok ang puso natin ng di natin nalalaman at inaasahan minsan sa maling tao at minsan sa taong mahal natin"

"Dahil minsan ang pag-ibig ay parang isang laro lang yan. May nananalo at may natatalo. Pero sa case mo kasi ngayon ay parang ikaw lang ang naghahabol ng pagmamahal sa asawa mo, where in kabaliktaran naman ang sa kanya dahil wala siyang pagmamahal sayo dahil may mahal na itong iba"

"Sorry to say this to you James, but you need to accept na hindi talaga ikaw ang mahal niya. Wag kang desperado sa kanya dahil hindi ikaw ang tinitibok ng puso niya at hindi ikaw ang hinahanap-hanap niya. Hindi mo naman kayang diktahan ang puso ng asawa mo na ikaw ang mahalin nito diba"

"Wag kang magpalimos ng pagmamahal sa asawa mo James dahil  hindi siya worth it sa pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya. Marami pang iba dyan James na kaya kang mahalin at kayang suklian ang pagmamahal mo. Malay mo nandito lang sa paligid mo. O baka itong kayakap mo ngayon" Ang madamdamin kung saad sa kanya pero hininaan ko na yung panghuli kung sinabi.

Inangat naman nito ang kanyang ulo at tumingin ito sa akin. Pinunasan ko naman ang mga luha nito gamit ang dalawa kong hinlalaki.

"Salamat talaga ng marami Lithium dahil andyan ka palagi sa akin sa tuwing wala akong makaka-usap at lalong lalo na sa tuwing may problema ako"

"Anytime James, nandito lang ako para sayo, mahal kita eh" sabi ko sa kanya pero binulong kuna ang pang huli.

"If you dont mind, pwede mo bang ikwento sa akin kung nong nangyari? Pero okay lang din kong ayaw mo"

"Okay lang Lithium, sa tingin ko kailangan ko ding ilabas ang mga hinanakit dito sa puso ko. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan kita"

"Salamat James, so ano tara na balik na muna tayo sa condo?"

Tumango naman ito, inalalayan ko naman itong pumasok sa loob ng kotse ko.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ito, pero maririnig mo parin sa kanyang mga hikbi. Hindi ko naman kasi alam kung ano talagang nangyari sa kanya. Pero kahit ganon, alam ko din naman na hindi siya mahal ng asawa nito dahil kahit may asawa na ito ay humanap pa nang iba.

Para sa akin, si James ay parang isang diamond na kailangan mong alagan at protekhan dahil bihira lang ang mga carrier na gaya niya. Kung ako lang sana ang naging asawa ni James, ay baka mapatay ko pa ang sarili ko kapag pina-iyak ko ito. Mas cute kasi siya kapag makikita mo siyang ngumiti. Yung buo na ang araw mo kapang ngumiti siya. Pero kabaliktaran naman ang nangyari sa kanya ngayon.

Nang makarating na kami sa condo ko ay agad naman itong pumasok sa kwarto niya. Kumuha naman ako ng tubig mula sa ref para sa kanya.

"Naalala mo noong galing tayo sa hospital kahapon nong nalaman kung may sakit ako at buntis ako. Kina-usap ko siya, sinabi ko sa kanya na, na hospital ako *sob* pero hindi siya naniwala sa akin *sob* bagkus sinabi pa niyang itinakbo niya daw sa hospital si Jade kasi daw nagcollapse ito"

"Ganoon na ba ako kawalang halaga sa kanya para ipamukha niya sa akin na wala siyang paki-alam sa akin! Kung alam lang niya na niloloko lang pala siya ng Jade na yon!"

"Bago kasi nangyari ang lahat ng ito Lithium ay narinig ko si Jade na may kausap sa phone niya, na sinabi niya na wala siyang sakit, nagpapanggap lang siyang may sakit para mahalin siya ni Mathius at para makuha nila ang yaman ni Mathius!"

Hindi naman ako nakakibo sa rebelasyon na sinabi niya.

"Ginagamit lang niya ang asawa ko, kaya nga dahil sa galit ko ay isinumbong ko siya kay Mathius pero alam mo kung anong nangyari! Hindi niya pinaniwalaan ang mga sinasabi ko bagkos ay binaliktad pa niya at ginawa pa kong sinungaling!"

"Ang sakit *sob* ako na nga ang nagsasabi ng totoo, pero parang ako pa yung mali"

Hinagod ko naman ang likod nito at pina-inom ng tubig.

"At kahapon, ipinakita ko sa kanya ang ultrasound ko na nagpapatunay na buntis ako, pero alam mo kung anong ginawa niya. Pinag salitaan niya ako ng masasamang salita  *sob* kesyo daw bakla ako at wala akong karapatang mabuntis *sob* at sabi pa niya na kahit ilan pang mga lalaki ang gagalaw sa akin ay di talaga ako mabubuntis. Gusto ko sanang i-explain sa kanya kung bakit ako nabuntis pero hindi niya ako pinayagang mag explain. Bagkos ay  sinabi pa niyang gumagawa lang ako ng piking ultrasound para lang daw utuin ko siya *sob*"

At dahil sa mga narinig ko ay di ko naiwasang mapakuyom sa aking kamao dahil sa galit.

"At *sob* sinabi pa niya na si Jade lang daw dapat ang pweding mabuntis *sob* at magpapalaganap ng lahi niya"

"Pero alam mo Lithium kung ano ang mas pinakamasakit na sinabi niya sa akin *sob*, yung sanabihan niya akong ipalaglag ko nalang daw ito dahil hindi niya daw anak ang pinagbubuntis ko dahil anak daw ito ng mga demonyo."

"Gago pala yang asawa mo ah!" Galit kong sabi

"Hindi niya tanggap itong pinagbubuntis ko Lithium, hindi niya tanggap na nabuntis niya ako. Kasi sabi niya nag-iilusyon lang ako na buntis ako para daw  mahalin niya ako"

"Hindi naman ganoon ang intensyon ko sa kanya eh, ang gusto ko lang naman ay malaman niyang buntis ako at anak niya ang dinadala ko, pero parang mali pa atang sinabi ko sa kanya na buntis ako"

Hindi ko napigilan at niyakap ko na ito. Naawa ako sa kalagayan at sa mga nangyayari kay James. Hindi niya deserve ito.

Napakagago naman talaga yang asawa mo James, kong makikita ko lang talaga yan! Nako hindi na ako magdadalawang isip na patayin ang damuhong yon!

"Ayaw niyang maniwala sa akin! Kahit sinabi ko na sa kanya ang lahat! Hindi niya daw ako kayang paniwalaan kasi daw napakasinungaling ko! Napakasinungaling ko!" Sabi nito at mas lalong umiyak

"Shhhhh, tahan na James please" Ang pag-aalo ko sa kanya

Kung alam ko lang na ganito pala ang nangyari sayo, sana pinatay ko na yang demonyo mong asawa James.

"Alam mo kanina nong umuwi ako sa bahay, sinabihan ko siya na may sakit din ako at ipinakita ko sa kanya ang medical certificate ko *sob* pero hindi niya ako pinaniwalaan *sob* dahil daw nagsisinungaling lang daw na naman ako!"

"Bakit ganon, bat parang wala siyang pakialam sa akin *sob* asawa niya naman ako ah *sob* pero bakit hindi niya man lang kayang paniwalaan ang mga sinasabi ko"

"Anong klasing asawa siya! Ganyan naba siya ka walang modo para ganyanin ka niya! James!"

"Im sorry James, im sorry" Sabi ko naman sa kanya

Natahimik naman ito, pero ilang sandali ay tumingin naman ito sa akin.

"Lithium *sob* wala na kami *sob* hiniwalayan na niya ako *sob* pinilit niya akong papirmahin sa annulment paper namin kanina, pero alam mo ang mas masakit? Yung feeling na masaya pa siya na tuluyan na niyang natupad ang matagal niyang gusto na magkahiwalay na kami"

"Lithium paano na ako? Paano na ang ipinagbubuntis ko? Saan ako pupunta ngayon? Walang wala ako Lithium" Sabi nito sa akin habang humahagolgol na sa iyak

"Shhhh, James you have me, nandito ako para sayo at para sa anak mo. Nandyan din si daddy at si mommy na handang tutulong sayo para sa pagpapagamot mo" Sabi ko naman sa kanya

"Fuck you Mathius! Hindi mo alam kung sinong sinayang mo!" Galit kong sabi sa aking isipan

"Sana *sob* sana mamatay nalang ako para hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko nga....." Pero di na niya natuloy ang sasabihin niya ng nawalan na ito ng malay

"James! Hey James wake up!" Ang natatarantang gising ko dito

Pero ilang sigundo pa ay mas lalo akong kinabahan ng makitang nangitim ang mga daliri nito at namutla ang buo nitong katawan.

"James please, hold on! James!"

*************************

Vote and Comment

Geraheart_17

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 72.3K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
135K 2.9K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
7.3M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
392K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...