"iho nakausap ko ang mga kasama ko." bungad sa kanya ni Mang Piko pagkalabas sa kubo. Siya na lang pala ang natutulog doon.
"kuya gusto mo, ayan ang kapi namin dito." Binigay sa kanya ni buknoy ang kawayang baso na may lamang dilaw na tubig. Mabango yung parang luya kaya ininom niya pero para siyang nagsisi dahil hindi muna niya tinikman bago ininom kaya napaubo siya.
"ay naku iho magiingat ka sa paginom, mainit pa yan." Hindi naman dahil dun kaya siya na paubo kundi sa lasa nito, ang anghang, medyo mapait medyo matamis sa lasa pa lang siguradong luya nga ang lahok ng inumin.
"ayos lang po ako." Sabi na lang niya at pilit inuubos ang laman sa baso. Napatingin siya kay Buknoy na ang lapad ng ngiti, alam na niya kung sino ang nag-utos dito.
"ano po ang sabi nila Mang Piko."
"wala daw bababa sa araw na ito, hindi ko nga alam kung bakit pero minsan talaga walang bumaba sa amin dipende kasi sa ani yan."
Napabuntong hininga na lang siya." Wala po ba pwedeng maghatid sa akin sa patag?" kumamot lang ito ng ulo. Wala na siyang magagawa, kailangan niya manirahan dito hangang sa maisipan ng kaibigan na sunduin na siya. Tiningnan niya ang paligid.
"na saan po si Anaya?"
"ay nasa punong balite yun nagtuturo sa mga bata." Sabi ni Aling Maring.
"nagtuturo?" hindi makapaniwala na sabi niya. Teacher ba si Anaya, bakit nakalimutan niya itong itanong kay Mitch.
"oo tinuturuan niya yung mga batang hindi nakakapag-aral dito sa amin. Nakatapos naman ng High School si Anaya kaya may alam din siya."
"tuwing umaga ay doon ang punta niya, nag-aabang na ang ibang bata na gustong magpaturo sa kanya." Ani ni Mang Piko. Humanga siya sa nalaman, mabait pala talaga si Anaya wag lang galitin dahil nagiging sadista at amazona.
"kuya gusto mong punta dun?" tanong ni Buknoy, duda siya sa alok nito. "pangako ligtas ka na makakapunta kay ate." Tumango na lang siya, sa wakas naubos din niya ang iniinom niya. Lumakad na sila ni Buknoy.
"may gusto ka ba sa ate ko?" nagulat siya sa tinanong nito.
"h-ha wala ah, bakit mo naman natanong." Ano ba itong bata na ito, kibata-bata may gusto ng nalalaman.
"kagabi, nakita kitang hinawakan ang kamay ni ate" muntikan na siyang matapilok pagkarinig sa sinabi ni Buknoy, pucha naman nakita pala nito iyon. Haizt bakit hindi kasi siya nagiingat. Teka, alam din kaya ni Anaya yun, naku patay baka hindi ang bato ang ibato nito sa kanya.
"a-alam ba ito ng ate mo?" kinakabahan niyang tanong
"hindi po, napaghiwalay ko na ang kamay niyo bago nagising si ate. Naku kuya magiingat ka kung si amang ang nakakita sa ginawa mo baka kasal na kayo ni ate ngayon." Pinagpawisan siya ng malamig sa sinabi ni Buknoy, ganun ba sila ka-conservative kung nagkataon na hinalikan niya si Anaya baka umuwi siya sa kanila na may dalang asawa.
"salamat Buknoy, hindi ko naman alam na ganito pala sa inyo." Wala sa sarili na napakamot sa kilay niya.
"maganda ba sa lugar niyo kuya?" tiningnan niya ito bago sumagot.
"sa Manila, maganda rin naman hindi katulad dito madaming puno, duon madaming malalaking gusali, dito malamig ang ihip ng hangin doon mainit, dito may malinaw na ilog at sapa doon may malaking lagayan lang ng tubig para languyan." Hindi niya alam kung alam ba ng bata ang swimming pool kaya pinaliwanag na lang niya.
"mas maganda dito." Napangiti siya sa sinabi nito.
"oo nga mas maganda dito." Sabi niya habang nakatingin sa nakangiting babae na nagtuturo sa mga bata.
"hehehehehe" binalingan niya si Buknoy na humahagikhik. "masama na ang tama mo kuya." Paniro niya itong binatukan at yun ang eksena na nakita ni Anaya.
"bakit mo sinasaktan ang kapatid ko!" hinila nito si Buknoy at tinago sa likod nito, sumilip naman ang bata at nakangisi. 'lagot ka' kung malapit lang sa kanya ang bata baka nabatukan niya ulit.
"sumagot ka, bakit mo sinasaktan ang kapatid ko!"
"hey relax lang amazona, ayan ba ang nasaktan tingnan mo nga ang likod mo." Sinunod naman nito ang sabi niya at nilingon ang kapatid na malapad pa rin ang pagkangisi. "see, tsk tsk alam mo bang masama ang magbintang." Umiling-iling pa siya.
"ano pa ang ginagawa mo dito, di ba dapat umalis ka na?" ngayon niya sasabihin, masungit din ang babae na ito.
"ouch" hinawakan niya ang dibdib na para ngang nasaktan. "ayaw mo nab a makita ang kagwapohan ko at gusto mo nang umalis ako."
"sinong may sabi na gwapo ka, ilusyon mo lang yun." inirapan pa siya nito habang naka-cross arms. Ang cute niya talaga kapag naiinis ang sarap halik- hep hep hangang isipan na lang niya yun, wala siyang balak magpapikot.
"hindi ako gwapo para sayo?" naglungkot-lungkot siya.
"hindi." Matigas nitong sabi.
"sayang, maganda ka pa naman para sa akin" nakangisi niyang sabi, at ang pinakahihintay niya ay nangyari na.
"you're blushing" dumampot ito ng bato kaya tumakbo na siya palayo. Narinig pa niya ang tawanan ng mga bata. Hahaha hindi naman pala siya mabobored dito.
"KINIKILIG ka ano. Hehehe" sinamaan niya ng tingin si Ligaya, umabot na dito ang nangyari nung umaga ang daldal kasi ng kapatid niya hindi niya tuloy kung sino ang kakampi nito. Nasa ilog sila ngayon at nagpapahinga, galing sila sa bukid kanina at sumama ang engkantarantado.
"hindi ako kinikilig, naiinis ako malayo yun sa kinikilig." Inis na sabi niya dito pero ang baliw tinawanan lang siya at sinusundot-sundot pa siya sa tagiliran. Natigil lang sa ginagawa si Ligaya ng makita nila ang binata na papalapit sa kanila.
"hi girls" inirapan niya lang ito, tumayo siya at nagderetso sa ilog para maligo. Kung wala lang ang lalaki baka hubarin niya ang tapal niya sa katawan. Pero ayos na rin yun para deretso laba. Nilibang niya ang sarili sa paglangoy, pumunta siya sa medyo malayo sa dalawa saka palang niya hinubad ang damit at kinusot. Wala naman silang sabon kaya ganon lang ang paglalaba nila. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang lalaki kailang pa ito lumusong sa ilog. Nagulat siya dahil may kamay na humawak sa baywang niya at dahil sa gulat ay napasigaw siya.
"hey.. Ssshh wag kang maingay ako lang ito." Nilingon niya ang nagsalita.
"Zetrex, anong ginagawa mo dito lumayo ka nga sa akin?" pinalibot niya ang tela sa katawan niya pero dahil nga nasa tubig sila ay nahirapan siya dahil umaangat lang ito.
"chill wala akong gagawin sayo, naliligo rin ako katulad mo." Hindi siya naniniwala sa sinabi nito kaya lumangoy siya palayo dito, inayos muna niya ang damit sa ilalim ng tubig bago dahan-dahang umahon sa ilog. Nilingon muna niya ang binata, kumuha ng bato at ibinato dito pero saying hindi man lang tinamaan kaya pinabayaan na lang niya. Naglakad na siya pauuwi sa kanila.
Nang sumunod na araw ay ganun pa rin ang nangyari, maaga siyang aalis sa kubo para magturo sa mga bata, susunod ang binata at makikipagkulitan kaya hindi na lang siya natatapos sa tinuturo niya. Tuwang-tuwa naman ang mga bata pero hindi siya dahil naiinis siya sa tuwing bibiruin siya nito.
Nang araw na yun ay tumulong sa kanila sa pag-ani ng mga gulay ang binata, matyaga naman itong tinuturuan ng kanyang amang.
"anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Ligaya, dapat wala ito dito dahil araw ng klase.
"eh ano kasi" tinaasan niya ito ng kilay habang ito naman ay niyakap siya. Isa ito sa gustong ugali ng kaibigan, malambing ito kahit madalas na makulit.
"ano nga may problema ba?" nag-aalala siya dito, hindi naman naglalambing ng ganito ang kaibigan kung walang problema.
"hindi na ako pinabalik ni ate Edith, wala na daw sila pangbayad sa school." Niyakap niya ito, gustong-gusto rin kasi makapagtapos ng high school ni Ligaya swerte na nga talaga siya dahil mababait ang napuntahan niya.
"ayos lang yun, susubok na lang ulit ako" ang tinutukoy nito ay susubok na mamasokan ulit sa ibang bahay. "ang gwapo talaga niya" nilingon niya ang tinutukoy ng kaibigan pero umismid lang siya, ang tinutukoy kasi nito ay si Zetrex. Tinatawag na niya ito sa pangalan dahil kinukulit siya nito kahapon kaya para magtigil na ito ay pinagbigyan na lang niya .
"hooo ang init." Reklamo nito habang pinapaypay ang somblero na gamit nito. Nasa lilim sila ng puno, binigyan ni Ligaya ng tubig si Zetrex na kaagad naman nitong ininom. Umiwas siya ng tingin ng tumingin ito sa kanya. "ang sungit mo talaga" narinig niya na sabi nito pero hindi niya ito pinansin. Naalala niya kung bakit nandito ang lalaki, ano nang mangyayari sa kanila kapag umalis na ito aalis na rin ba sila sa lugar. Hindi niya alam kung ano ang plano ng binata pero sana naman pagbigyan sila nito total napalapit na dito ang mga kasamahan niya.
"iho ayos ka lang ba?" tanong ni amang
"opo Mang Piko, mainit lang talaga." Sabi nito.
"kaya nga hindi ako nagdadamit ng ganyan eh dahil mainit sa balat."
"presko po ba kapag ganyan ang suot" tinutukoy nito ang bahay na suot ng amang.
"aba oo gusto mo bang subukan." Nanlaki ang mata niya na napalingon sa dalawa, tumingin muna sa kanya si Zetrex bago ngumiti sa amang niya.
"pwede po ba?"
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Oh ayan bitin!! Hahaha. Emeged magbabahag si Zetrex shet pwede umepal sa story nila para makita ko rin. hihihihi