Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 24

612 50 2
By Akiralei28


**********oo**********

Yuri Leigh's POV

Hindi namin nalaman na lumabas pala silang tatlo kung hindi pa pumunta si Sister Janelle sa kwarto nila kagabi para kausapin

Ngayon heto kami, pinapagalitan ang tatlo kasama nila ang mag iina na iniligtas nila sa kapahamakan

"Ang titigas ng ulo ninyo!," galit na sabi ni Tiyo Fred sa tatlong kaibigan namin

"Mapapahamak kami ng dahil sa inyong pakikialam," dagdag pa ni Tiya Isabel

"Tinulungan lang po namin sila sa mga halimaw na iyon," sagot naman nj Kevin na halata kong nagpipigil na ng galit

"Tama po sila," pagsang ayon naman ng isa sa dalawang bata,"Nilabanan po nila ang mga halimaw,"

"Kapag nalaman ni Father Joseph ang ginawa ninyo, kamatayan ang kaparusahan ninyo kasama ng mga iniligats ninyo," sabi pa ni Tiyo Fred na napahilamos sa kanyang mukha dahil sa inis at galit

"Tama po ang ginawa nila," ani ni Sister Janelle, napangit ako dahil nagsalita na din siya,"Huwag na po kayo magbulag bulagan, lumaban po kayo sa mga halimaw,"

Napapailing nalang ang mag asawa, alam ko nagpapasakop nalang sila sa batas ng Pari para sa kanilang kaligtasan,

Sabay sabay kaming napatingin sa labas ng bintana ng madinig namin ang nagkakaingayan na mga kababaryo nila, parang may inaabangan at nakita namin na papunta sila sa Kapilya

Nagkatinginan kami sa isat isa bago napatango at sabay sabay na tumayo palabas ng bahay

Tumakbo kami pasunod sa mga tao na nagmamadali

Sumunod na din sila sa amin pero naiwan ang mag iina doon dahil sa takot na makita ng Pari

**********

Naabutan namin ang mga tao sa gilid ng Kapilya kung saan may tatlong kalalakihan na nakatayo doon malapit sa isang poste

Na kung titignan ay may mga tali na nakabitin doon at may tatlong upuan kung saan nakaupo ang Pari at ang dalawang lalake

"Ito ba ang bitayan?," dinig kong tanong ni Nena

"Oo," sagot naman ni Tiyo Fred

"Sina Ka Ambo iyan ah at ang dalawa niyang apo," bulalas ni Tiya Isabel,"Bakit bibitayin sila?,"

"Nahuling nagnanakaw," sagot ng isang babae kay Tiya kaya napatingin ako sa kanila

"Nagnakaw po ng ano?," takang tanong ko sa ginang

"Nagugutom na kasi Ka Ambo," tugon nito sa akin,"Halos wala na kasing natira sa inani nila dahil kinuha lahat ni Father Joseph bilang kabayaran sa kaligtasan nila," sabi nito

Naikuyom ko nalang ang aking dalawang kamao sa tindi ng galit, lalo pa at nakita ko ang isang matanda, dalawang babae na umiiyak at ang tatlong bata na kalong ng mga iyon

Halos magkakasunod ang edad ng mga batang iyon, ang pinaka bata ay nasa isang taong gulang, sumunod ay apat na taom at ang huli ay anim na taon

Nagmamakaawa ang mga iyon na patawarin nalang ang tatlo dahil sa nagawang kasalanan

"Walang kapatawaran ang ginawa nilang pagnanakaw," sagot ng ni Father Joseph na lalo kong ikinainis,"Kaya dapat lang na kamatayan ang iparusa sa kanila para hindi na sila tularan ng iba. Kapag pinatawad ko sila marami na ang gagawa ng kalapastanganan sa Baryo Banal,"

"At wala din po kapatawaran ang pagpapataw mo ng kamatayan sa kanila!," sigaw ko, napatingin lahat sila sa akin

Pati ang mga kaibigan ko, ang mag asaqa at ang lahat ng tao doon, naglakad ako papalapit sa kinauupuan ng Pari

"Sino ka para patawan sila ng kamatayan?," tanong ko sabay duro sa kanya,"Kung ang Diyos nga nagpapatawad ikaw pa kaya na isang normal na tao at Pari lang?,"

"Isang kalapastanganan ang ginagawa mo, bata," saway ng matanda na katabi ko,"Kamatayan ang kaparusahan mo sa pambabastos mo sa ating Pari,"

"Tao lang po siya," paliwanag ko,"Katilad ko, katulad ninyong lahat at katulad ng tatlong bibitayin ngayon,"

Nakita kong tumayo si Father Joseph, may hawak siyang latigo, inihampas iyon sa lupa kaya lumikha iyon ng tunog sa hangin

Nakita kong nagsipaglayuan ang mga taong nasa magkabilaang tagiliran ko at sa likuran ko

Napapangisi nalang ako dahil sa katuwagan ng mga tao dito

"Lumuhod ka," utos ng isang lalake sa akin na katabi ni Father Joseph,"Humingi ka ng kapatawaran kay Father Joseph at patatawarin ka niya."

Tinitigan ko lang ang lalaking nagsalita, bago ibinalik ang tingin sa Pari at ngumisi

"Ako hihingi ng tawad sa kanya?," turo ko sa sarili ko sabay tawa at turo sa Pari,"Tapos sasabihin mo pang lumuhod ako?,"

"Magbigay galang ka sa kanya!," sigaw ng isa pang lalake sa akin,"Isa kang Madre alalahanin mo," paalala niya sa akin, napatingin naman ako sa suot ko

Napabuga nalang ako ng hininga ng makitang nakasuot nga pala ako ng pang Madre

Nilingon ko ang pito, nakita kong tumango lang sila sa akin

"Hindi po ba dapat may paglilitis na nagaganap bago mapatawan ng kaparusahan?," tanong ko

"Wala ng paglilitis," sagot sa akin ni Father Joseph na lumalapit,"Napatunayan na nagnakaw sila at marami ang nakakita,"

"Bakit ba nila nagawa iyon ha, Father Joseph?," tanong ko,"Kasi nagutom sila, dahil ang mga inani nila ay kinuha mo, para pambyad para sa kaligatasan nila di po ba?,"

"Leigh!," napasigaw si Khael ng makita nilang hampasin ako ng latigo ni Father Joseph,

Napayuko ako at hinawakan ang nahampas ng latigo, pero napangisi lang ako dahil kakauntng sakit lang ang naramdaman ko

Siguro dahil sa suot kong damit, yari kasi sa makapal na tela ang suot kong damit na pang Madre na si Lola Maria pa mismo ang bumili at nagtahi

"Ikulong siya!," utos ni Father Joseph sa dalawang lalake na nakaturo sa akin

"Wala kang maikakaso sa akin, Father," ani ko,"Pati sila pakawalan mo din,"

"Hindi," at kinaladkad ako paakyat doon sa kinatatayuan nilang mataas na lupa

Kasama ang tatlong bibitayin ng gabing iyon

Wala ng nagawa pa ang pito kong kaibigan dahil kinindatan ko sila at tumango ako

Alam na ni Sister Janelle ang gagawin nila mamayang gabi

Tama kayo, ito ang plano namin, kapag may nalaman kaming bibitayin ay aapela ang isa sa amin

Pero wala silang nagawa ng mauna akong umapela, pasensiya na kayo kung naging bastos ako kay Father Joseph, kasi nga iba siya sa lahat ng Pari

Hinarangan ng apat ang tatlong binata lalo na si Khael kasi baka magwala kapag nakita niya, masira pa ang plano namin

Ito lang ang tanging paraan para makita namin ang sekreto ng Pari at kung nasaan na din ang ilang Paring nawawala kasama ang mga Madre na napapadpad doon o sadyang pinadala ng simbahan

Dinala nila kaming tatlo sa isang silid na nasa loob ng Kapilya

Ngayon ko lang napagtanto na malaki ang loob ng kapilya nila o matatawag na iyong simbahan

Dumaan kami sa pinaka kusina ng Kapilya, malinis iyon at nakalagay ng maayos ang mga plato at gamit pang kusina

May isang pintuan na hindi mo mapapansin kung hindi mo tititigan ng maigi

Binuksan iyon ni Father Joseph habang nakasunod kami sa kanya

Nakita kong isang daanan iyon pababa sa ilalim

May daan pala pababa sa ilalim o basement, may kulungan doon na nakita ko sa pinakadulo

Tanging mga sulo lamang ang nagsisilbing ilaw papunta doon

Madilim at mabaho, malansa at higit sa lahat puro dugo ang naaapakn namin o tinatapakan

Para na nga iyong maliit na sapa eh, halos bumaliktad na ang sikmura ko sa tindi ng amoy

Iyong tatlo kong kasama hayun suka ng suka at duwal ng duwal dahil sa nakita at naamoy nila

Pagdating namin sa kulungan na nasa pinakadulo, agad na binuksan iyon ng Pari at pasalya kaming itinulak sa loob

May ilaw naman doon pero iyong tama lang para makita namin ang bawat isa at ang kabuuan ng silid

Nakita ko ang apat na Madre at iyong dalawang Pari na nakasakay namin noong nakaraang araw

Patay na ang mga iyon ay wakwak ang tiyan, may butas din ang mga leeg nila

Inilibot ko pa ang paningin sa buong silid, maraming buto ng tao ang nakatambak sa isang gilid

Sa nakikita ko baka ito ang mga buto ng mga Paring pinapadala dito kasama ng mga Madre

Kung tama ako, malamang si Father Joseph ang may pakana ng lahat ng ito at kung di ako nagkakamali may mga aswang sa baryong iyo lalong lalo na mga bampira

Sana magawan nila ng paraan para mahanap kami dito, dahil kung hindi baka katapusan na namin

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 105K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
9.8K 426 25
A story about the adventure of a mermaid in the world of humans.😉💖
66.7K 1.2K 40
Ang pinangarap kong isang fairy tale na love story ay napunta sa isang horror story.. Ako si joyce Valdez,dinarayo sa aming lugar upang kumausap sa...
695K 48.3K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...