Wife Of A Ruthless Mafia Boss...

By bitchymee06

17.1M 535K 248K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA UNDER PSICOM PUBLISHING INC. #COMPLETED How much can you put up for your rut... More

WOARMB
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
FINAL CHAPTER
ANNOUNCEMENT!
AUTHOR'S POV

CHAPTER 32

263K 8.9K 5.7K
By bitchymee06

I was pacing back and forth, restlessly thinking about my ex-husband. Alas dyis na ng gabi ngunit hindi ko pa rin naririnig ang pag-uwi niya. Hindi ko maiwasan na mag-alala at makunsensya. Kung binitiwan ko lang sana agad 'yong bag ko ay hindi mangyayari ang lahat.

I bit my lower lip and I glanced at my son who's currently in his deep sleep. Slowly, realization hit me—the missing guards, everything. Valjerome did that for my son's sake.

Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ko at saka naglakad patungo sa kama na pinaghihigaan ni Erom. Maingat akong tumabi sa kanya at yumakap nang mahigpit.

"Masama ba akong tao kung gusto kitang ipagkait sa kanya?" bulong na anas ko.

I admit, I can feel his sincerity towards my son. But I am afraid. Takot ako na makalimutan ko lahat nang ginawa niya sa akin dahil lang sa pagbawing ginagawa niya sa anak ko.

Natuon ang atensyon ko sa pintuan nang nakarinig ako ng tatlong mahihinang katok. Mabagal akong humiwalay kay Erom saka umalis sa higaan. I walked towards the door and opened it. Agad na tumambad sa akin si Manang na may tipid na ngiti sa labi.

"Nariyan na ang asawa mo, hija," aniya.

"Dating asawa po, Manang," pagtatama ko.

Napakamot naman sa batok ang matanda. "Pasensya ka na. Masyado lang akong nasanay noon," naiiling na paumanhin niya.

Tipid na lang akong ngumiti at saka tumango. "Puntahan ko lang po muna siya. Matulog na rin po kayo."

She just nodded again and let me have my way. "Nandoon siya sa kanyang silid," imporma niya bago pa man ako tuluyang makalayo.

Hindi ko alam pero bawat hakbang ko ay ang siyang paglakas ng bawat tambol ng aking dibdib.

Ano'ng sasabihin ko?

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil wala akong nakahanda na anumang salita sa pagpunta sa kanya. Sandali pa akong natigilan at napaisip.

Bakit kailangang may sabihin ako?

Dahil doon ay nagkaroon muli ako ng lakas ng loob. Hindi ko dapat isipin ang mga bagay na hindi naman kailangan. I will go to him because I wanted to check if he's okay. Iyon lang.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko nang narating ko ang harapan ng pintuan ni Valjerome. Sandali pa akong tumitig doon at marahan na inangat ang kamay ko para kumatok.

"Come in," mahinang dating ng boses niya mula sa loob.

Nangangatal ko namang pinihit ang segundura ng pinto at saka iyon itinulak. Natulos pa ako sa 'king pagkakatayo nang naabutan ko siyang naghuhubad ng kanyang pang-itaas na damit.

"S-Sorry," nauutal kong sambit at mabilis na tumalikod.

"It's okay, I'm not naked anyway," he said.

Hindi pa siya naked niyon? Sabagay literal na naked nga pala ibig niyang sabihin.

I cleared my throat and slowly faced him again. Ayaw ko sana pero baka isipin niyang apektado talaga ako sa katawan niya. Tss! Hindi ako marupok sa abs.

I was about to ask if he's already okay, but my eyes squinted when I saw something.

Ngayon ko lang nakita ang peklat niya sa dibdib. Para bang... isa iyong tama ng baril.

"Why are you here?"

Natuon muli ang atensyon ko sa kanya nang nagsalita siya. He's intently looking at me as if it was a miracle that I went to him.

I cleared my throat and secretly glanced at his bandage waist. "I-I just want to check if you are okay," I uttered.

"Hindi mo ako gustong mamatay?"

Shocked. My mouth parted at his question. Ilang beses pa akong napakurap at pinaulit-ulit iyon sa isip ko.

His eyes became soft as he stared at me. "I thought... you'll be happy seeing me hurt," he whispered.

Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. Yeah, galit ako sa kanya. Minsan hindi ko na rin alam kung saan ba nanggagaling ang galit ko pero hindi ako umabot sa punto na hihilingin kong mamatay siya.

"Ano bang sinasabi mo?" iyon na lang ang nasabi ko sa lahat ng mga narinig ko mula sa kanya.

Mas lalo pang pumungay ang kanyang mga mata. "Nothing. I'm just thinking too much. I thought you'll be happy seeing me hurt because of what I did in the past."

Napatiim bagang ako at umiwas ng tingin. "Hindi ko kailanman naging kasiyahan ang kalungkutan o negatibong pangyayari sa iba, Valjerome," paglilinaw ko.

"I know. I'm just lost earlier, I didn't mean what I've said," he explained.

I sighed and looked at him again. Sandali ko pang pinasadahan ng tingin ang benda sa katawan niya.

"Does it... hurt?" I asked, concerned.

"Not that much," he answered, still staring at me.

I slowly nodded and averted my eyes for the nth time. I can't stare at him for too long because of his naked top! Yes, I am not into abs, but still it's a bit... awkward?

"Okay, ayos ka na pala. Babalik na ako sa kwarto kung gano'n," ani ko at astang tatalikod nang bigla siyang sumigaw.

"Ah! Aray! Masakit!" sunud-sunod niyang daing.

Panicky, I quickly went to him. "What happened?! Bumuka ba ang sugat mo?!" kinakabahan kong usal nang nakalapit ako sa kanya.

Agad kong sinuri ang kanyang tagiliran, tinitingnan kung mas dumugo ba iyon.

"I think hindi ko makakayang igalaw ang kabilang braso ko. Nababanat kasi sa may bandang sugat ko," aniya.

Napatango na lang ako saka inangat ang paningin sa kanya. Natigilan pa ako saglit sa lapit ng distansya naming dalawa. Sinubukan kong iiwas ang paningin ko ngunit mariin din akong napapikit nang sa tiyan niya ako napatingin.

Halos isang dangkal lang ang kapal ng benda sa katawan niya kaya naman nakikita ko pa rin ang ilan sa pack ng abs niya ro'n. Maaaring hindi ako nabibighani sa gano'ng bagay ngunit tao pa rin ako, marunong akong tumingin ng magandang bagay at hindi.

"T-Tawagin ko lang si Manang para tulungan ka," ani ko at marahan na dumistansya.

"Is she still awake?" he asked.

Natigil ako sa 'king pagkilos nang naalala kong pinatutulog ko na siya kanina.

"I don't know," mahina kong sagot.

"Can you atleast help me to dress up?" Valjerome mumbled.

Napalunok ako at alanganing tumingin sa kanya. "O-o-okay." Palihim kong kinurot ang sarili ko sa ilang beses na pagkakautal.

Kalma, Jazzie. Bakit ka ba kinakabahan? Kanina pang mabantot ang trip mo, ha!

"Thanks," tipid na sambit ni Valjerome at umupo sa ibaba ng kama niya.

Nagsimula akong maglakad patungo sa damitan niya at pumili nang maluwag na damit para hindi maging abala kapag hinubad niya muli.

Pilit kong ikinalma ang sarili ko at pwersadong itinigil ang pangangatal ng aking kamay nang humarap akong muli kay Valjerome. Walang salita kong isinuot nang maingat ang damit sa kanya bagamat ramdam ko ang paninitig niya na hindi nawala sa 'kin.

"Inaalagaan ka ba niya nang maayos?" mahinahong usisa ni Valjerome sandaling naisuot ko na ang damit sa kanya.

Marahan akong dumistansya at saka pa lang sinalubong ang paningin niya. I gave him a small smile.

"Kung si Chaos ang tinutukoy mo, oo. Inaalagaan niya ako nang maayos, hindi lang ako pati na rin ang anak namin," tugon ko.

Kita ko ang pagtama ng sakit sa mga mata ni Valjerome na pilit kong ipinagsawalang bahala. Hindi ko alam kung bakit siya umaktong ganito. Maaaring naiintindihan ko ang parte niya sa anak ko pero sa ibang bagay ay hindi na.

"Can I... still say sorry?" he said softly.

Wala sa sarili kong naikuyom ang aking kamao. Ang kanina kong mga emosyon ay unti-unti kong itinago at pinalitan nang panlalamig.

"That won't change anything," I uttered coldly.

Hindi naman siya nakaimik at nanatili lamang na nakatingin sa 'kin.

"Tutulog na ako." Agad ko siyang tinalikuran at nagsimulang maglakad palayo.

"I'm sorry..."

Tumigil ako sa asta kong paglabas ng silid nang narinig ko siyang magsalita. Nanatili akong nakatalikod, hindi na ako nag-abala pa na harapin siya.

"I'm sorry for everything. I'm not saying this because I want you back. Hindi rin para ipakilala mo ako sa anak ko. I am apologizing because I knew... I hurt you back then."

I scoffed and laughed sarcastically. I even looked up at the ceiling to suppress my tears.

"It's too late to apologize," I stated and finally left his room.

Wala na ang anak ko.

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 1.9K 43
Bakit kaya umuulan? Dahil ba nabibigatan na ang mga ulap kaya wala na silang ibang magawa kundi bumigay? Para kay Mikay, hindi siya pwedeng bumigay...
2.9M 74K 22
Book 2 of My Professor is my Husband "She's long dead why do you keep insisting that you saw her?!" I can't help but shout at them. Kung ipagpapatulo...
1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...