**********oo**********
Galit na galit si Apollo ng dahil sa nakita niyang tagpo
Magkalapat ang mga labi nina Khael at Yuri, nagbaga ang kanyang mga mata ng hindi niya namamalayan
Tinubuan siya ng mahahabang kuko, lumaki ang kanyang katawan kaysa sa dati,
Nahintatakutan naman ang mga alagad nito ng makita ang totoong kaanyuan ni Apollo
Kahit sino ay wala pang nakakakita sa tunay nitong kaanyuan lalo na kapag nagagalit ng sobra
Sumigaw iyon ng napakalas kaya nabasag ang salamin na nakapaikot sa kanilang bahay
Nagtaguan ang mga alagad nitong aswang dahil sa takot na baka sila ang pagbalingan nito ng galit
Kilala nila si Apollo bilang malupet na Prinsipe at walang puso pagdating sa kanila, lalo na kapag sila ay nagkakamali kahit kaunti
Umiwas na sila na baka mapansin sila at gawing giniling o inihaw kapag napagdiskitahan sila nito
Alam nila kung ano ang ikinagagalit nito kaya kahit sila ay walang magawa para tulungan ito
Lumabas iyon ng malaking bahay kaya nakahinga sila ng maluwag dahil alam nila na maghahasik iyon ng lagim sa isang Baryo na nasa di kalayuan sa kanilang tinitirahang malaking bahay
Napaupo sila matapos makita ang mga kalat at sira sirang gamit sa sahig, maging ang semento na kanilang kinauupuan ay nagkaroon ng lamat ng sumigaw iyon
Ngayon alam na nila kung gaano ito kalakas at kapanganib
Kahit sila ay gusto ng magbagong buhay at bumalik sa dating buhay, pero wala silang magawa dahil ang ama na nito ang bagong Hari
Lagi nila iniisip na sana ay buhay pa ang dating Hari at Reyna maging ang anak ng mga iyon
Hindi pa kasi nila nakikita si Khael na nag anyong aswang kaya hindi nila iyon kilala, maliban sa mga napaslang ni Khael na mga aswang
**********
Matapos makapag hapunan ay niligpit na nila ang mga pinagkainan at nilinis ang mga kalat na kanilang ginawa
Nasa harapan naman ng isang may kalakihang kaldero si Yuri at hinahalo ang ginawang lana ni Lola Maria habang nasa ibabaw niyon ang kanilang sandata
Nakapikit siya at umuusal ng kung anong orasyon para sa lana na ang kanyang Lola din ang nagturo
Napansin niya ang tahi sa kanyang braso, alam niya na kagat iyon ng aswang na nakalaban nila noon
Pero may kakaiba siyang nararamdaman matapos iyong matahi, pakiramdam niya ay may kung ano ang nasa loob na nakabaon o ibinaon
"Magro ronda lang po kami,"paalam ni Kevin sa kanilang lahat habang naghahanda
"Pwede sumama?," tanong ni Aira sa mga iyon
Napatingin sila kay Khael na umiling lang bago lumapit kay Yuri
"Lalabas muna kami," paalam nito kaya kinantiyawan na naman silang dalawa ng mga kasama nila
Napapangiti lang si Yuri dahil matutuwa siya kay Khael, namumula ang magkabilaang pisngi nito
"Sige, mag iingat kayo," bilin nalang niya sa kausap
"Walang bang kiss?," tanong na pang aasar nina Aira at Nena,
Napapakamot nalang sa ulo si Khael na napapangiti dahil sa hiya
Mabilis niyang hinalikan sa labi ang binata na umani ng hiyawan at tilian ng mga kaibigan nila
Natatawa nalang ang mag asawa pati si Lola Maria sa kanila
"Mga kabataan nga naman," biro ni Tatay Carlos na napapailing pero nakangiti sa kanila
"Inggit ka lang," biro naman ni Nanay Alfie kaya nagtawanan na naman silang lahat
"Babalik din kami kapag walang aswang," ani ni Khael
"Maraming aswang," ani ni Bryan,"Kaya bukas na kami uuwi," sabay ngisi sa mga iyon
"Panira ka alam mo yun?," sita ni Trina sa kaibigan
"Aalis na po kami," paalam nila matapos makuha ang lahat ng sandata nila, maliban sa mga nakasalang sa usok ay may iba pa silang gamit
Inilalaan nila ang mga pinapausukan para sa pagpunta nila sa lugar ng mga Manggar at sa mga madadaanan nilang bayan
**********
( Pasintabi po sa mga kumakain at sa mahihina ang sikmura pagdating sa mga ganito✌✌✌
Baka po mandiri kayo sa inyong mababasa,👍👍
Kaya pangunahan ko na po kayo🤗🤗🤗 )
Dahil sa nararamdamang inis at galit ni Apollo ay umuwi nalang siya sa kanilang kaharian
At doon ibinuhos ang galit na nararamdamab
Halos maraming bihag ang naabutan niya lalo na ang mga paslit at mga bata
May buntis pa siyang nakita at iyon ang napagdiskitahan niyang lantakan at kainin
Hindi niya pinatay ang kawawang babae, pinaranas niya dito ang sakit at ang hapdi na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon
Sigaw ng sigaw ang kawawang babaing buntis, napapatakip naman sa tainga ang mga nakakarinig na ibang aswang lalo na iyong mga hindi kumakain ng tao kahit na parusahan sila ay hindi nila ginagawa iyon
Unang winakwak ni Apollo ay ang malaking tiyan ng babae, dinukot mula sa loob ang sanggol na wala ng buhay dahil sa pagkakabutas ng tiyan nito
Sumisigaw at nagmamakaawa ang babae na patayin nalang siya pero napangisi pang lalo ang mala demonyong pagmumukha ni Apollo lalo na at nakikita niya ang mukha ng dalawa na magkalapat ang mga labi
Lalo niyang pinahirapan ang kawawang babae
Kahit ang ilang aswang ay naaawa pero wala silang magawa, kahit sila ay hindi makaalis sa kanilang kinasadlakang impyerno
Matapos makain ang sanggol ay isa isa naman niyang hinugot mula sa tiyan nito ang mga bituka, lamang loob na kanyang nakikita sa wakwak nitong tiyan
Iyak pa din ng iyak ang babae, hindi pa siya mamamatay hanggang tumitibok pa ang puso niya at may hininga pa siya
"Maawa na po kayo," mahina niyang sambit at pagmamakaawa sa mga naandoon
Lalo lang narindi si Apollo kaya lalo niya iyong pahihirapan, imbes na isunod ay ang puso,
Binalingan niya ang mga paa ng babae at kinagat ang mga iyon ng may pwersa kaya naputol ang kaliwang paa nito
Umalingawngaw ang boses ng babae sa loob ng palasyo nila
Napapayuko nalang ang mga utusan, nagkakayakapan ang mga bihag dahil sa nakikita
May ilan na sumuka na dahil sa pandidiri at sa pag kaawa sa kanilang nakikita
"Patayin niyo na ako!!," malakas na sigaw ng babae
Sinunod naman ni Apollo ang dalawang braso ng babae, kinagat at hinila niya iyon kaya sabay na naalis sa katawan ng babae ang dalawang braso nito
Napahiyaw ng ubod lakas ang babae dahil sa sakit na nararamdaman nito
Umaagos ang masaganang dugo mula sa mga pinaghugutan ng mga braso niya kasama pa ang nasa mga hita niya at sa wakwak na tiyan kaya halos nagpi piyesta ang mga aswang na nakasahod sa ilalim ng lamesa ang mga bibig sa dugong tumutulo
Tawa ng tawa si Apollo, nag aapoy ang dating abuhing mga mata dahil sa tindi ng galit at pagkamuhi sa kanyang pinsan
Nilapitan niya ang babaing hinang hina na dahil sa dami ng dugong nawala mula sa katawan nito
Wala na ding boses na lumalabas mula sa bibig nito dahil namaos na kakasigaw at kakaiyak
Tahimik nalang iyong umiiyak at umiiling, namumutla na din ang mukha nito na anuman oras ay maaari na itong mamatay
Iginuhit ni Apollo ang matutulis na kuko sa dibdib ng babae ng dahan dahan habang nakangisi
Nakita niyang bumuka na iyon sabay biglang pinuwersa para mabuksan ng tuluyan
Kahit gustuhin man na sumigaw ng babae ay wala na siyang boses
Mula sa loob ng dibdib ng babae ay nakita nito ang mapula at sariwang puso na tumitibok tibok pa ng malakas
Kaya lalong napangisi si Apollo sa nakita niyang iyon
"Sana ito nalang ang puso mo, Yuri," bulong ni Apollo,"Ang puso mo na sana ay ako ang tinitibok at sinisigaw at hindi ang Khael na iyon!," sumigaw na sabi niya bago dinakot ang tumitibok tibok pang puso ng babae
Pagkatapos dakmain ay sabay hugot niyon mula sa wakwak na dibdib ng kawawang babae
Sa pagkakahila ng puso nito ay iyon ang ikinatuwa ng babae dahil nalagutam na din siya ng hininga
Napayuko nalang ang mga aswang na nakakita sa ginawang iyon ni Apoloo, marami sa kanila ang nagnanais na hindi ito makoronahan dahil lahat sila ay nanganganib dito
Isinubo iyon ni Apollo ng buong buo at nginuya habang tumutulo pa dugo na galing sa loob ng bibig nito sa kanyang mga labi
"Kainin niyo na iyan," utos nito sa mga nakaabang na aswang
Pagkasabi naman na iyon ni Apollo ay nilantakan na ng mga hayok at gutom na aswang ang katawan ng babaing pinahirapan nito
Tinalikuran na niya ang mga iyon at dumiretso sa kanyang silid para makapagbihis at makapagpahinga na din
Mag iisip pa siya ng paraan kung paano paghihiwalayin ang dalawa at para mapunta sa kanya ng tuluyan si Yuri
**********oo**********
Read.Vote.Comment
Maraming Salamat Po!
Sorry po kung medyo brutal ang Chapter na ito✌✌✌
Sana po ay hindi kayo nainis kay Apollo, kagaya ko dahil masaya ako sa pag uugali niya😤😤😤😡😡😡✌✌✌✌
Pero alam ko galit kayo at pinapatay na ninyo siya sa isipan niyo😂😂😂😂👍👍👍