**********oo**********
"Tara na," yaya ni Khael sa dalawang kaibigan,"Maiwan nalang kayo," saway niya kina Aira at Trina na akmang sasama sa kanila,"Paki bantay nalang sina Nanay,"
"Sige," kuro ng dalawa
"Tara na," pagyayaya ni Kevin na nauna ng lumabas
Agad silang sumunod sa kaibigan, isinarado naman ng maigi ni Tatay Carlos ang pintuan at hinarangan
Nilagyan din ng kung anu anong pangontra laban sa mga aswang
"Saan tayo?," tanong ni Aira na nakaupo sa mahabang upuan at nakapwesto sila sa sala ng bahay
"Dito nalang tayo," tugon naman ni Nena,"Maghanda nalang tayo sa maaaring mangyari,"
Napabuga nalang sila ng hangin, hbang ang mag asawa at ang binatilyo ay nasa kusina, inaayos at inililigpit ang mga kalat
**********
Dahan dahan naman na naglalakad ang tatlo at nakikiramdam sa buong kapaligiran
"Ang dilim naman," angal ni Bryan
"Ssshhhhh," mahabang senyas at saway niya sa dalawa na sasagot pa sana si Kevin
Nagkatinginan ang dalawa sabay tingin kay Khael
Magtatanong pa sana ang dalawa ng may ituro sa unahan nila ang kaibigan nila
Napakunot noo pa sila ng hindi maaninag ang kung anong itinuturo niya sa mga iyon
Ilang sandali pa ay halos malaglag ang panga nila ang makita kung ano ang mga iyon
Gumagapang na naglalakad ang mga iyon ng pabaliktad, nauuna ang puwetan s apag abante habang ang mga ulo at mukha naman ay nasa pagitan ng kanilang mga hita
Hinila niya ang mga iyon n magtago sa isang kubo na nasa harapan nila
Sira sira na ang bubungan niyon pero maayos pa naman ang mga dingding kaya doon sila nagtago
Nakita nilang dahan dahan ang mga iyon na naglalakad o gumagapang para hindi makalikha ng mga ingay sa mga taong nasa loob ng kabahayan
Lahat ng bahay doon ay nakapatay na ang bawat ilawan, para hindi makita ng mga aswamg na may gising pa sa loob
Pero ni isa man sa mga nakatira ay walang natutulog maliban sa mga bata at matatanda na hindi kayang lumaban sa mga aswang
**********
Sitio Kulintang
"Lola," tawag ni Yuri ng magising sa kalaliman ng gabi, kaagad siyang bumangon para uminom
Napakunot noo siya ng makita sina Lola Maria at Ella na nakasilip sa siwang ng bintana at tila hind siya nadinig ng mga iyon
Kaya tumayo soya at dahan dahan na nilapitan ang dalawa
"Anong mayroon?," tanong niya, nilingon lang siya ng dalawa at suminyas na wag siya maingay
Dahil naguguluhan ay naghanap din siya ng maaaring masilipan para malaman kung ano ang sinisilip ng dalawa doon
Ganoon nalang ang panlalami ng mga mata niya mg makita ang mga aswang na nasa loob na ng bakuran nila
Nakatayo ang mga iyon at nakatingin sa kanilang bahay
Naglalangis at nangingintab abg mga katawan ng mga iyon, halos walang saplot ang buong katawan ng mga lalaking aswang
Sa bandang kaliwa nakita niya ang ilang sigbin na nakahanda ng lumusob sa kanila
Sa kanan ay nakita niya si Apollo na may kasama pang ilang asong aswang na puro itim ang kulay
Napalayo siya sa sinisilipan ang hilahin siya ng kanyang Lola at dalhin sa kusina
"Maupo kana at kumain," ani ni Lola Maria, naupo naman siya, ganoon din si Ella, matapos makapaglagay ng mga plato
"Ano ang mga iyon, Lola?," tanong niya habang nag uumpisa ng kumain ng hapunan
Pasado alas nuwebe na ng mga sandaling iyon
"Mga aswang," tugon ni Lola Maria
"Lola naman eh," angal niya,"Alam kong mga aswang iyon, pero ano ang ginagawa nila dito sa atin,"
"Baka ikaw ang sadya ni Apollo," tanging sambit nalang ni Lola Maria sa kanya
Napatingin sila sa bubungan ng kusina, na mas mbaba kaysa sa bubungan ng kanilang mga silid
May kung anong bumagsak at lumagapak doon, na hindi lang iisa kundi nasa tatlong nilalang pa
Mabilis na tinapos niya ang pagkain, inayos ang pagkakapusod ng buhok na ilang araw na wala suklay at hindi pa nasasayaran ng tubig bago hinagilap ang panlaban niya sa mga aswang
Alam na niya sa sarili na kaya niyamg lumaban, hindi na din gaano masakit ang mga sugat at galos niya na gawa ng aswang
Isinukbit sa likuran niya ang sandata na lalong pinatalas at pinatalim ni Ella habang wala siyang malay
Nakababad iyon sa katas ng kalamansi, asin at bawang
Kaya napapangisi nalang siya mg maamoy iyon
Nakapwesto siya sa sala ng bahay, habang sina Lola Maria at Ella ay pinapasok niya sa silong ng kanilng silid para doon magtago
Hindi iyon basta basta masisira mula sa labas ng bahay, dahil sa napaka kapal ng tablang ginamit ng kanyang Lola bilang pantakip
May mga pangontra din na nakalagay doon na hindi malalapitan ng mga aswang
Sa silong naman ay nagsanib pwersa ang dalawa para sa mga orasyon at dasal na maaring magamit nila para proteksiyon sa kanilang kinalalagyan at sa kanilang buong bahay
Nakaabang naman siya sa sala ng kanilang bahay, pinag mamasdan niya ang mga bintana at pintuan na kinakalampag ng mga aswang na nasa labas
Ang bubungan naman nila ay nayuyupi dahil sa mga pagtapak ng mga aswang sa doon
Pilit na binubutas ang mga iyon kaya naghanda na siya sa mga aswang na maaaring makapasok sa loob ng bahay nila
Ang mahalaga ay ligtas ang kanyang Lola at si Ella
Pinapakiramdaman niya ang mga nasa bubungan at maging sa labas ng bintana at pintuan
Nakahanda na siya para lumaban sa mga iyon lalo pa at nadali siya ng isa sa mga iyon
**********
Kalat na ang mga aswang sa ibat ibang Sitio at Baryo na naghahasik ng lagim at takot sa mga tao
Ang ilan ay lumalaban para sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay
Kahit na takot sila ay nilalabanan nila para hindi sila maging hapunan at lamang tiyan
Halos ibat ibang uri ng mga aswang ang siyang lumulusob sa mga karatig Baryo at Sitio
Tuwang tuwa naman si Apollo s amga nakikita nito
Ang mga tiktik na lumusob sa Sitio Albana ay sa Sitio Pulang Lupa naman naghahasik ng lagim
Pero ang mga nakatira doon ay nakahanda dahil sa nabalitaan nila ang nangyari sa Sitio Albana
Pinaghandaan nila kaya halos kakaunti lang ang nadale sa kanilang mga kababaryo
Pero mas marami ang namatay sa mga tiktik na hindi gaya sa Sitio Albana na walang lumaban
Lahat halos ng kalalakihan sa Sitio Pulang Lupa ay lumaban sa abot ng kanilang makakaya para walang mamatay ng marami sa kanila
Pinaikutan nila ng mga panlaban sa tiktik at aswang ang bawat bahay nila at naghanda ng mga sandata na maaaring makapatay sa mga aswang
Kabilang na doon ang Sitio Balon na nakapaghanda din sa mga aswang
Kabilang ang pamilya nila Art at Jane, na siyang tinulungan nila Lola Maria sa panganganak at pagbawi sa sanggol nito mula sa pagkuha ng isang aswang
Lumaban ang mga iyon kasama ang mga magulang at panganay na anak ni Art para protektahan ang mag ina nila
Halos nagkalat ang mga bangkay ng tiktik sa labas ng bahay, sa kalsada at kung saan saan pa
Naningkit ang mga mata ni Apollo ng halos maubos ang mga alaga niyang tiktik na sumugod sa Sitio Pulang Lupa at Sitio Balon
Nakaumuusok ang mga ilong niya na pinaalis ang mga iyon doon
Binalingan niya ang bahay nila Yuri bago umalos ng mabilis kasama ang mga aswang na nanggugulo din doon sa Sitio Kulintang
**********
Samantala,
Halos pagod na din ang tatlo sa pakikipaglaban at pakikipagbakbakan sa mga aswang na nasa kanilang harapan
Dahil ang mga balat ng mga iyon ay parang sa goma, tumatalbog lang ang kanilang mga sandata kapag inihahampas nila doon
Kaya itinaga muna nila sa lupa bago inihataw sa mga iyon
At laking tuwa nila ng masugatan na nila ang mga iyon at mapatay
Pero laking pagtataka nila ng makitang umaatras ang mga iyon
"May nag uutos sa kanila na umatras na," ani ni Khael ng mapansin na umaatras ang mga iyon at hindi na sila pinapansin
"Mabuti naman," ani nalang ni Kevin na napalupasay sa lupa
Nang matiyak nila na wala na ang mga aswang ay saka lang sila bumalik sa kanilang bahay ng sabay sabay
**********oo**********
Read.Vote.Comment
Maraming Salamat Po!