**********oo**********
Sitio Banawag
Alas dose ng Hating Gabi
Napabalikwas ng bangon si Khael ng madinig ang pag alulong ng mga aso sa buong paligid
Napaupo siya at nakiramdam sa kapaligiran, wala na siyang nadisinig na maingay na tugyog o mga taong nagkakasiyahan
Napalitan iyon ng mga pagpalahaw, pagmamakaawa at higit sa lahat mga sigaw ng yaong kinakatay at binabalatan ng buhay
Agad niyang ginising ang mga kaibigan para makapaghanda
"Humanda na kayo," ani niya habang ginising ang mga iyon,"Nag uumpisa na silang kumain,"
"Sige," tugon naman ni Kevin, inayos ang mga gamit nila at inilavas ang mga panlaban sa mga aswang na nasa labas
"Kami ng bahala dito," sabi naman ni Bryan,"Puntahanuna ang silid ng matanda para makaalis na tayo,"
Tumango nalang siya at mabilis na lumabas ng silid, palinga linga siya kung may mga kasama ba sila doon sa loob
Nang makitang sila nalang ay agad niyang pinasok ang silid ng matanda na tanging manipis na tela lang ang nagsisilbing harang sa pintuan
Agad niyang hinanap ang lana na magiging gamot sa hawa at laway ng aswang na nakadali kay Yuri
Hinanap niya iyon sa altra ng matamda at hindi siya nabigo dahil nakita niya iyon na nakapatong doon
Isang bote na kahalintulad sa bote ng tanduay, lapad iyon at halos kunti pa lang nababawas dahil sa bagong gawa iyon ng matanda
Naubos na kasi ang unang langis nito na ginamit nila noong sinugod nila ang Baryo Maliwanag
At ang bagong lana ay gagamitin nila pagkatapos ng kapistahan para lusubin ang katabing Baryo at ang susunod pang ibang Baryo
Balak na palawigin ni Inang Banang ang kanyang nasasakuoan at ang kanilang lahi na halos kakaunti na lamang dahil napatay ng isang buong Baryo ng lusubin nila iyon
Kaya lumipat sila sa Baryo Baik o sa katagalan ay tinawag na nilang Sitio Banawag, isinunod sa kanyang pangalan
Dahil kakaunti lang sila at tinawag na iyong Sitio, matapos nilang mapatay ang mga nakatira doon
Matapos mailagay sa bag na nasa bewang niya ang bote ay kaagad siyang lumabas ng silid
Pero nakasalubong niya ang tatlong dalagang alalay ng matanda, nasa anyong aswang na ang mga iyon at pinaikutan siya
"Mga panget!," biglang sulpot ni Aira, nilingon naman agad ito ng mga aswang sabay hataw ng bunyot ng pagi kaya napapalahaw ang mga iyon
Na nadinig naman ng mga aswang sa labas ng bahay
"Pasukin ang mga bisita!," utos ni Inang Banang na noon ay lumalantak ng isang buntis na babae na nakahiga sa mahabang lamesa na ginawa nila
"Tara na," ani ni Khael ng madinig nila ang mga aswang na papalapit na sa bahay ng matanda
Agad silang pumunta sa kusina, naghanap ng madadaanan
"Ayon," turo ni Kevin sa bintana na kasya ang isang tao
"Mauna kana, Bryan," utos ni Khael,"Para maalalayan mo sina Trina palabas,"
Tumango lang si Bryan at agad na umakyat at pinagkasya ang katawan sa bintana, na agad naman nakalabas at nakababa
Napatingin naman sa pintuan si Khael na binabalya ng mga aswang na galit na galit
"Sige na,"utos niya sa tatlo habang siya ay nilapitan ang pintuan, hinaramg ang lamesa at mga upuan para hindi sila mapasok kaagad ng mga iyon
Hindi pa siya makapagpalit ng anyo hanggang hindi niya nakikuta ang sinag ng buwan
Matapos iyon ay bumalik siya sa kusina, tamang tama dahil si Kevin na ang papalabas ng bintana
"Bilisan mo, Kev!," sigaw ni Aira na natataranta na dahil.nadidinig na nila ang mga aswang na papunta sa kinalalagyan nila
"Oo na," ani ni Kevin na natataranta na din ng mga sandaling iyon
"Bilisan mo!," sigaw niya ng makitang unti unti ng nawawasak ang pintuan
Eksaktong nakababa na si Kevin ng mawasak ang pintuan, papasok na ang mga aswang, pero dahil may mga harang iyon ay hindi kaagad makapasok
At iyon ang sinamantala niya, agad siyang umakyat sa bintana at mabilis na pinagkasya ang sarili kahit na masikip iyon para sa katawan niya
Umuungol na ang mga aswang at halos naialis na nila ang mga harang sa pintuan ng makalabas si Khael sa bintana
"Tara na," yaya niya sa mga kaibigan na tumakbo na papunta sa kakahuyan
Napaduwal naman sina Aira at Trina sa mga nakita sa likurang bahagi ng bahay habang papatakbo sila palabas doon
Napaiyak pa ang dalawa ng may makita silang ulo na nakatusok sa bakod na kawayan
"Si Archie," bulalas ni Trina at Aira sabay turo sa ulo ng kawawang binata, may iba pang ulo na nakatusok sa bakod na iyon
May mga bara, matanda, babae at lalake, halos mga bago pa ang lahat ng mga iyon dahil sa tumutulo pa ang mga dugo mula sa pugot na ulo ng mga ito
Napailing nalang sa awa ang tatlo at napa krus nalang dahil sa nakita nila at sa sinapit ng kawawang binatilyo sa kamay ng mga aswang
"Ayan na sila," ani ni Kevin sabay hila sa kamay ni Trina at si Bryan naman ay sa kamay ni Aira
Tumakbo sila papasok ng kagubatan, sa daanan ay halos marami silang nalitang mga kalansay at buto ng mga tao at hayop na nagkalat at nagkahalo halo na, na nakalagay sa isang malaking hukay
Ang ilan pa doon ay mga bago pa lang din dahil may mga dugo dugo pa, nakikita nila iyon dahil sa liwanag na nagmumula sa kalahating buwan
Nadinig nila ang pag alulong ng mga naglalakihang aso na sumusunod sa kanila
Sa unang tingin pa lang ay makikita mo ng kakaiba ang mga asong itim na iyon,
May mga matang mapupula, mga bibig na inaagusan ng malapot na laway na sinamahan pa ng matutulis at matatalim na mga pangil at higit sa lahat sila ang mga asong walang balahibo
Kumbaga kalbo at napakakinis ng kanilang balat kumapara sa mga ordinaryong aso
Napatingal din sila ng makadinig ng mga pagkaluskos sa mga dahon ng puno at ang malakas na hangin na dumadampi sa kanilang mga balat at buhok
"Ang dami nila," ani ni Kevin,"Bilisan na natin at doon tayo sa malawak na palayan," sabay turo sa unahan nila, taniman iyon ng palay na natuyo at hindi na naaasikaso dahil wala ng mga tao sa Sitio Banawag na nakatira
Mas binilisan nila ang pagkatakbo dahil kapag inabutan sila sa kakahiyn ay wala silang laban dahil mapupuno ang paligid nila
At hindi sila makakilos ng maayos
Ilang sandali pa ay narating na nila ang abandonadong palayan
Pumuwesto sila sa pinakagitna na malayo sa kakahuyan, talikuran ang pwesto nilang apat habang si Khael ay tumakbo sa isang puno ng mangga na nasa di kalayuan para ikubli ang sarili niya
Nakita na ng apat ang paparating na mga aswang, halos nanlaki ang mga mata nila ng makita ang bilang ng mga iyon
Mula sa harapan nila nasa kinse ang bumungad sa kanila
Sa kanan ay nasa beinte ang bilang ng naglalakihang mga asong itim
Sa kaliwa ay mga taong naglalangis ang buong katawan na ang bilang ay nasa tatlumpo lahat
Napadasal silang apat dahip napaikutan na sila ng mga iyon, inihanda nila ang kanilang mga sandata at panlaban sa mga aswang na nag uumpisa ng maglakad papasugod sa kanila
Sa himpapawid naman ay may sampung itim at naglalakihang ibon ang bumubulusok papunta sa kanilang apat
Pero bago makarating ang mga iyon ay naharang na kaagad ni Khael na nakapagpalit na ng anyo
Pinutol nito at pinaghiwalay ang ulo sa katawan bago itinapon sa mga papalapit na mga aswang
"Ang Prinsipe," ani ni Inang Banang na nasa harapan nakapwesto,"Patayin siya, para matuwa sa atin si Prinsipe Apollo at makabalik na tayo sa kaharian,"
Utos ni Inang Banang na agad naman sinunod ng mga aswang na nasa kaliwa at kanan kasama pa ang nasa himpapawid
"Mag iingat kayo," bilin ni Khael sa mga kaibigan bago sinugod ang mga paparating na ibong itim
Tumango lang ang apat at inihanda na nila ang kanilang mga sarili para sa matinding labanan
"Ehersisyo din ito," biro pa ni Kevin sabay porma ng panlaban
"Tama ka," pagsang ayon naman ni Aira ar humanda na din ito
"Bilisan na natin at gusto ko na kumain ng sinangag na maraming bawang at tuyo," ani naman ni Bryan kaya nagtawanan pa sila habang papalapit na ang mga aswan sa kanilang pwesto
**********oo**********
Read.Vote.Comment
Maraming Salamat Po!