"Have you ever been so wildly attracted to someone you can actually feel it driving you insane?"
✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄
"Ginawa niyang kapa 'yung kurtina, pero kanino 'yung bra?" natatawang sabi ni Henry bago tumayo para lumapit sa pintuan.
"Manyak talaga 'to oh," sabi naman ni Kris na nakatayo parin. "Pupunta pa talaga sa kabila para makita. Tsk. Kunin ko lang 'yung gitara, teka."
"Tigang 'yan e," ani Tris na nakatingin parin kay Henry. "Oh! Haha! Ayan, bawal lumabas! Hahaha kawawang gago."
Lahat sila ay tinawanan lamang si Henry na nakasimangot na naglalakad pabalik samin. Hindi siya pinayagang lumabas nung in-assign na magbantay sa pintuan. Sobrang tutok sila kay Henry at sa pang aalaska dito, hindi nila napansin na namumula na ako sa galit sa upuan ko.
Inilabas ko 'yung cellphone ko at yumuko. Galit na pinindot ko 'yung mga pindutan na burado na ang mga letra at numero sa sobrang pag gamit. Mabilis ang mga daliri ko na nag-type ng text at sigurado akong rinig na ng mga kaibigan ko ang bawat pindot ko.
"Matibay ang nokia," nag aalinlangang ani Tris. "Pero 'wag mo naman murderin."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagt-type. Bwisit na Asher 'to! Pinag-pi-pyestahan na ng mga kaibigan niya 'yung bra ko! Siya na nga 'yung pinahiram tapos ganito pa! Naku! Kapag nalapitan ko talaga siya babalatan ko 'yung pisngi niya!
ADRIANNA: PUNYETA KA ASHER 'YUNG BRA KO. BWISIT KA TALAGA! IKAW NA NGA PINAHIRAM E! SINABING 'WAG MO IPAPAHIRAM DIBA? PA-PROMISE PROMISE KA PA. SINUNGALING! MAGKA KETONG KA SANA! I HATE YOU!
ASHER: Huh?
"Sinong kaaway nyan?" rinig kong tanong ni Ethel.
Naramdam ko ang pag-lapit ni Tris para dumungaw sa cellphone ko. "Siー" inalayo ko 'yung cellphone ko at yumuko lalo para humarang 'yung buhok ko. "Hindi ko nakita e."
ADRIANNA: HUH? ANONG HUH? PUNYETA KA MAY PA HUH HUH KA PA JAN. HUHUMPASIN KITA NG TUBO KAPAG NAKITA KITA. YUNG BRA KO PINAGPIPYESTAHAN NILA!!!!
ASHER: Ano? Nasa faculty ako. Nakanino? Bakit hinubad mo?
ADRIANNA: YUNG PINAHIRAM KO SAYO, TANGA! HINDI YUNG SUOT SUOT KO. ANO BA, BOBO!
ASHER: Wtf? Paakyat na ako. Wait
ADRIANNA: BILISAN MO KUNG AYAW MO MAGING SIX-FEET-UNDER GAGO
Ibinagsak ko 'yung phone ko sa mesa at napatalon ang mga kaibigan ko sa gulat.
"Chill," sabi ni Henry bago bahagyang umusog palayo sakin.
Inirapan ko lamang siya at tinignan 'yung kamay ni Tris nung dinampot niya 'yung cellphone ko. Tumawa siya, "Tibay din neto nu?" tapos ibinaba niya 'to at inusog papalapit sakin. "Wala paring crack."
"Ano ba problema?" tanong ni Ethel.
"Wala," sagot ko habang ibinu-bulsa 'yung cellphone ko. "Ininis lang ako ni Asher."
"Speaking of.." ani Kei at nung tinignan ko siya, nakaturo 'yung daliri niya sa labas.
Sabay sabay kaming lumingon doon and nu'n ko lang napansin na nagtatakbuhan na pala pabalik 'yung kabilang section sa classroom nila. Mabilis na nagpunta si Henry sa bintana at hinila 'to pabukas. Agad naming narinig ang isang malakas at galit na boses ni Asher.
"SINONG NAGSABING PWEDE KAYONG LUMABAS HA?" sigaw niya habang naglalakad sa likuran ng mga nagtatakbuhan niyang kaklase. "IV-ELIJAH! MAGSI-PASOK KAYO!"
"President nga pala siya noh?" bulong ni Tris sakin at tumango na lamang ako.
Lumitaw na si James. Suot suot parin 'yung bra ko sa ulo niya at 'yung kapa niyang kurtina. Hindi siya nagkalagpas kay Asher dahil agad siyang hinatak nito. Nakakunot noong tinignan ni Asher 'yung bra sa ulo ng kaibigan niya bago niya 'to kinuha at tinignan ng mas malapitan. Tapos nilingon niya si James at hinampas 'yung dala dala niyang mga papel sa ulo nito.
"Aray naman!" reklamo nung loko.
Itinulak lamang siya ni Asher sa direksyon ng classroom nila, "Pasok. Bago kita ihulog sa hagdan."
"Sungit mo naman, friend."
Matalim na tinignan ni Asher si James, "PASOK."
"Yes, ma'am. Understood, ma'am!" mabilis siyang umiwas nung umamba nanaman si Asher para hampasin siya. Tapos ginawa niya 'yung pose ni Superman bago tumakbo palayo.
Sa paligid ko, tawa ng tawa ang mga kaibigan ko sa napanood. Pero ako, nanatiling nakatitig lamang kay Asher. Pakonti konti bumibilis ang tibok ng puso ko. Tumingin si Asher sa classroom namin dahil nakatayo parin siya sa tapat nito. Agad agad na nagsi-iwas ng tingin ang mga kaklase ko at bumuntong hininga na lamang si Asher bago kunin 'yung cellphone niya at maglakad paalis. Naramdaman kong nag-vibrate 'yung phone ko sa bulsa kaya naman kinuha ko 'to para basahin 'yung bagong text na natanggap ko.
ASHER: I'm sorry
Tumalbog ang puso ko at hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Lahat ng galit ko ay agad na nawala dahil lang sa isang sorry niya. Pero hindi niya kailangang malaman 'yon.
ADRIANNA: neknek mo
ASHER: Hindi ko talaga alam
ADRIANNA: ok
ASHER: Wag ka na magalit pls
ADRIANNA: ok
ASHER: Galit ka pa?
ADRIANNA: oo
ASHER: Talaga?
ADRIANNA: oo nga!
ASHER: Eh bakit pala nakangiti ka? :D
Gulat na napatingin ulit ako sa bintana. At doon, nakita ko si Asher na naka silip sa may malapit sa pintuan. Napa awang ang bibig ko at naramdaman kong nag init ang pisngi ko. Shit! Nakita niyang kinikilig ako!
ADRIANNA: Pakyu!
ASHER: Love you too :")
• • • • • • • • • •
"Beatrice! Dakdak ng dakdak!" sigaw ni Ma'am Adamos. "Pa-plasteran ko na 'yang bunganga mo!"
"May tinatanong lang naman Ma'am!" sagot naman ni Tris bago ngumuso. "Wala na bang freedom? Tao din naman Ma'am. Tao. THIS IS A DEMOCRATICー"
"Beatrice"
"Po?"
"Manahimik ka."
"Opo ma'am."
Tinakpan ko 'yung bibig ko para pigilan ang pagtawa. Nakita kong ganun din ang ginawa ng katabi ko. "Kulit noh?" sabi ko sakanya at naka ngiti siyang tumango tango. "Tignan mo, maya maya dadaldal ulit 'yan."
"Ganyan ba talaga siya ka..." halatang nag iisip siya ng tamang sasabihin kaya naman ako na ang sumagot para sakanya.
"Hyper? Baliw? Kalog?" sabi ko sakanya ng may ngiti sa labi. "Yes. Mula nung nag-transfer siya nung Grade Four kami, pangalan na niya ang bukambibig ng mga teacher."
"Matagal na talaga kayong magkakakilala noh?" tanong niya at tumango ako. "I wish I had friends like that."
"Meron naman ah?" sabi ko sakanya. "Hindi mo ba kami kino-consider na kaibigan?"
Nanlaki ang mata niya sa tanong ko at nakita ko ang pisngi niyang pakonti-konting nag pink. "No, uh.." tumaas ang kilay ko. "I didn't mean it like that. I do. A-Ano lang.. I mean. Friends na.. mula pagka kid?"
"Ah.."
"Aside from my cousins..." nagkibit balikat siya. "Wala na."
Tumaas ang kilay ko, "Kaya ba sobrang mahiyain mo at anti-social?"
"Anti-social? Ako?"
Nilakihan ko ang mga mata ko, "Sobra. Gosh, para kang tuod minsan."
"Tuod?" nangunot ang noo niya.
"Ah ano ba 'to sa english..." pumikit ako at nag isip. "Tuod.. uh.. Stump! Ayun!"
"Para akong... stump?"
"Wag na nga," pag-suko ko. "Mahirap i-explain ang mga tagalog idioms. Nabobobo akー"
"Adrian, Jared, kanina ko pa kayo tinititignan hindi parin talaga kayo titigil?"
Napatalon ako sa gulat nang mapansin ko si Ma'am Adamos na nakatayo na sa tabi ni Jared at nakapameywang.
"Sorry, ma'am." Sabay naming sagot nj Jared sakanya. Umismid si Ma'am at inirapan kami bago maglakad papunta sa harap.
Habang nakatalikod siya, nagkatinginan kami ni Jared at parehas na napatakip sa bibig para hindi marinig ang aming pagtawa.