Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

53.3K 4.6K 516

Halina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po... More

Disclaimer
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chpater 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 11

675 51 2
By Akiralei28


**********oo**********

Kevin's POV

Habang papasok kami sa Sitio Banawag ay mas kinikilabutan ako sa mga nakikita ko

Mga titig nila sa amin na nagpapahiwatig na anumang oras ay lalapain na nila kami

Kahit na marami na kaming nakasagupa at nakalabang mga aswang ay hindi pa din ako sanay sa ganitong pakiramdam

Na tila ba mas nanganganib kami habang tumatagal

Pansin ko ang malilikot at pasimpleng pag gala ng mga paningin ni Khael sa buong kapaligiran

Alam ko pinag aaralan niya ang lugar at mga daan na maaari naming daanan at lusutan sa oras ng kagipitan

Ang inaalala ko ay yung binatilyo na kasama namin, baka mapahamak lang ito kapag nag kagulo, pero alam ko hindi namin siya pababayaan dahil sinamahan niya kami dito

"Parang kinikilabutan ako," bulong ni Aira sa akin habang hinihimas pa ang magkabilaang braso

"Iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito," ani pa ni Trina,"Wala na yata ibang katulad natin na bisita eh,"

"Kahit ako iba ang pakiramdam sa lugar na ito," sagot ko,"Napakabigat sa pakiramdam at hindi maganda kahit na kapistahan, hindi mo mararamdaman ang saya,"

Hindi na nakakibo pa ang dalawa dahil huminto kami sa isang may kalakihang bahay, mas doble ang laki niyon kaysa sa mga kubong nadaanan namin

Sa pagkakatanda ko, nasa beinte mahigit ang mga bahay na nadaanan namin, hindi ko lang maalala kung ilan dahil sa pakikipag usap ko sa dalawa

"Tumuloy na kayo," paanyaya ng mga kalalakihan na nakasalubong namin sa daan kanina

Tumango lang kami at agad pumasok sa loob ng bahay, ang isa pa sa napansin ko ay wala silang silong at higit sa lahat at walang hagdan ang kanilang mga bahay

Agad kami pumuwesto sa balkonahe at naupo sa mahabang upuang yari sa kawayan,

Bale apat iyon na mahahabang upuan na nakadikit sa dingding na kahalintulad sa mga kubo, may mahaba ding lamesa na nasa pinakagitna ng mga upuan na nakadikit sa sahig na yari sa lupang matigas

Nakita kong napatakip ng ilong ang mga kasama ko, kaya napasinghot ako sa paligid

At ganoon nalang ang naamoy ko na kulang nalang ay bumaliktad ang sikmura ko sa baho

Napakalansa ng buong paligid, tila amoy ng dugo ng isda o dugo at hasang ng nabubulok na isda

Para ding nabubulok na laman anh naaamoy ko, halos hindi kami makahinga ng maayos

"Ang baho," angal ni Archie, siniko siya ni Bryan para manahimik pero dahil sa binatilyo kaya ang ugali ay napakapilyo,"Hindi yata naglilinis ng bahay at naliligo ang mga nakatira dito eh,"

"Tumigil ka," saway ni Trina na lumalabas na naman ang katarayan lalo na kapag may ganitong kasama sa grupo

Napasimangot nalang si Archie at agad na lumabas para magpahangin, napapailing nalang kami sa inasal nito

"Hindi naman siguro siya mapapahamak," ani ni Aira,"May araw pa naman eh,"

Tumango nalang ako bilang pagsang ayon sa kanya

Tahimik lang kami habang hinihintay ang nakatira sa bahay na iyon na nasa loob pa at parang nagdarasal

Kasi may nadidinig kaming mga bulungan at ingay sa loob

**********

Halos kalahating oras silang naghintay doon sa balkonahe habang tahimik na nakikiramdaman sa paligid

Pasado na alas tres ng hapon iyon kaya pansin nila na dumarami na ang mga bisitang dumarating s amga kabahayan na kanilang nadaanan kanina lang

Nagtataka na din sila dahil.halos kalahating oras na din ang nakakalipas ay hindi pa bumabalik si Archie mula sa pag iikot nito kaya nagkatinginan silang lahat

"Ipagpaumanhin ninyo kung pinaghintay ko kayo," ani ng isang matandang babae na biglang sumulpot sa pintuan na papasok s loob ng kabahayan

"Ayos lang po," tugon ni Khael dahil hindi nakatugon ang apat niyang kaibigan dahil sa kabiglaan

"Sandali lang at ipaghahanda ko kayo ng makakain," ani nito,"Nga pala ako si Inang Banang, ang namumuno sa maliit na Sitio na ito," pagpapakilala nito bago tuluyan silang iwanan para ikuha ng makakain at maiinon

"Napakatanda na niya sa tingin ko," ani ni Kevin,"Pero kung kumilos ay mas mabilis pa kina Trina at Aira,"

"Alam naman natin kung anong uri silang nilalang?,"mahinang sambit ni Bryan na panay ang tingin sa pintuan kung paparating naba ang matandang kausap nila

"Nasaan na kaya si Archie?," nag aalalang tanong ni Aira

"Oo nga," ani ni Trina," Halos isang oras ng hindi nakakabalik,"

Kinakabahan sila dahil hindi pa iyon nakakabalik ng mga sandaling iyon

Maya maya pa ay nakita nilang dumarating ang mga kalalakihan na nakasalubong at naghatid sa kanila sa bahay na iyon

"Mga kuya," ani ni Aira sa mga kalalakihan,"Nakita niyo po ba ang isa naming kasama na binatilyo?,"

Nagkatinginan ang mga iyon sa kanila bago tumingin sa kanila

"Alin iyong mas bata pa sa inyo?," tanong naman noong isa

"Opo, nakita niyo po ba?," tanong naman ni Kevin

"Ah oo," sagot ng isa pa,"Nakasalubong namain kanina mga isang oras na ang nakalilipas,"

"Eh nasaan po.ba?," tanong naman ni Bryan, pero si Khael ay tahimik lang at nakikinig

"Nagpatulong sa amin para makahanap ng masasakyan," sagot ng pinaka lider,"Taga ibang Baryo pala siya at sinamahan lang pala kayo para makipista dito. Kaya sinamahan namin siya sa paradahan ng masasakyan, bigla daw sumakit ang tiyan niya,"

Napatango nalang sila sa mahabang paliwanag ng kausap nila, pero hindi naman sila nagduda maliban nalang kay Khael na nakatitig sa mga damit ng mga ito na may tilamsik ng dugo

Hindi na sila nakakibo ng dumating ang matanda na may dala ng ibat ibang uri ng pagkain at inumin nila

Matapos mailapag sa mahabang lamesa na nasa harapan nila ang mga pagkain

Kasabay ng mga kalalakihan na pumasok sa loob ang matanda kaya sila nalang ang naiwan

"Hmmm ang babango," langhap ni Kevin sa mga nakahain sa kanilang harapan

"Mukhang masasarap pa ang mga nakahain," natatakam na sabi naman ni Bryan

"Sandali lang," awat naman ni Khael sa mga kaibigan niya

Mula sa maliit na bag na nakakabot sa bewang nito na hindi naman halata dahil sa natatakpan naman iyon ng damit nito

Mula doon ay inilabas nito ang mga kalamansi na laging dala dala kapag may lakad sila

Bawat isang putahe ay pinatakan niya, napapangiti lang ang apat dahil sa ginawa niya

Ilang sandali pa silang naghintay kung magbabago ba ang kanilang mga pagkain at inumin

Pero ng makita nilang walang nagbago ay agad silang kumain ng sabay sabay

"Sino nagturo sayo niyan?," tanong ni Kevin sa kanya

"Si Leigh," tanging sagot niya kaya lalo siyang tinukso ng mga iyon

Napapailing nalang siya habang napapangiti, pero sa kaloob looban niya ay namimiss na niya ang dalaga

Lalo pa ngayon at wala ito sa grupo nila, na kundi dahil sa aswang na nakadale sa dalaga ay wala sila ngayon dito

At malamang ay nagpapahinga sila at nagku kwentuhan lang

Matapos silang makakain ay saka sila binalikan ng matanda at ipinagligpit ang mga pinagkainan nila sa mga dalagitang kasama nitong dumating

"Tara na at ipahahatid ko na kayo sa inyong matutulugan," yaya sa kanila sa loob ng bahay na ikinangiti naman ng lihim ni Khael

Agad silamg tumayo at sumunod sa mga iyon papasok sa loob ng bahay

Halos masuka sila amoy na sumalubong sa kanila, buti nalang may dalang viks si Trina at binigyan sila para hindi nila maamoy ang napaka sangsang at napaka lansang amoy

Tiniis nalang nila iyo hanggang sa makarating sila sa isang may kalakihang silid

"Ayos lang ba kung sama sama na kayo sa loob?," tanong ng matandang si Inang Banang sa kanilang lima,"Hetong nasa kaliwa ang silid ko at ang nasa kanan ay ang silid nilang tatlo," turo sa tatlong dalagita na naglilinis

"Ayos lang po," ani ni Khael,"Pagpasensiyahan niyo na po ang pang aabala namin,"

"Ayos lang iyon," tugon ng matanda,"Kapistahan kaya ang mga bisita ay maaaring makitulog at makituloy sa amin,"

"Salamat po," sagot ni Khael bago sila tuluyang pumasok sa loob

Iniwanan naman sila ng matanda ng makapasok na sila sa loob

Agad nilang isinara ang pintuan at naupo sa isang papag na kasya ang dalawang katao

"Kayo na sa papag," ani ni Kevin,"Kaming na dito sa sahig,"

"Salamat," nakangiting sagot ng dalawa sabay higa sa papag at inayos na ang mga dala nila

Naupo naman ang tatlo sa isang upuan na nandoon, nakatingin sila sa bintana na nakasarado

At dinig nila ang ingay na nagmumula sa plasa na nasa di kalayuan ng bahay

Ang mga nagsasayawan, mga nag iinuman at kung ano ano pang mga pinagkakaabalahan ng mga taong nasa labas

"Matulog na tayo," yaya ni Khael,"Baka mapalaban tayo mamayang hating gabi, kailangan natin ng lakas,"

"Para makauwi na din tayo," ani ni Bryan,"Baka mapaano na si Yuri,"

Tahimik lang silang nagsipagtanguan, naglatag ng banig bago isa isang nahiga doon

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 88.2K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
1.9M 106K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
17.7K 428 38
a true identity of park and Damian is now revealed