Wife Of A Ruthless Mafia Boss...

By bitchymee06

16M 522K 244K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA UNDER PSICOM PUBLISHING INC. #COMPLETED How much can you put up for your rut... More

WOARMB
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
FINAL CHAPTER
ANNOUNCEMENT!
AUTHOR'S POV

CHAPTER 29

257K 9.5K 5.3K
By bitchymee06

The sunlight was hitting my face when I woke up from my deep sleep. Agad kong kinapa si Erom sa 'king tabi para yakapin pero gano'n na lang ang mabilis kong pagbalikwas nang hindi ko siya nahawakan.

"Erom?" nagpa-panic kong sambit habang iginagala ang paningin ko.

Tumayo ako palayo sa kama at saka nilibot ang buong silid. Nang hindi ko siya nakita ay doon pa lang ako lumabas.

"Erom?" muli kong pagtawag habang lakad-takbong bumababa ng hagdanan.

Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa iba't ibang sitwasyon na pumapasok sa isip ko. Mas lalo pang dumoble ang kaba ko nang hindi ako nakakita ng kahit isang bantay sa paligid ng bahay ni Valjerome.

Did he abduct my son?

Did he hurt him?

Did he... kill him?

"Ero—" Natigil ang pagtawag ko nang nakita ko ang anak ko na nakaupo sa high chair, nakangiti habang nakatanaw sa naglulutong si Valjerome.

"Oh, hija. Gising ka na pala. Tamang-tama nagluluto na si Senyor," ani Manang na kalalabas lang mula kung saan.

Doon ay nilingon ni Valjerome ang direksyon ko.

"Good morning. Gutom na si Erom kaya—"

Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa anak ko. I quickly carried him and sharply glared at Valjerome.

"Don't ever come near my son, Mr. Montevardo," I said coldly with my warning tone.

Namumungay siyang umiwas ng tingin. Hindi nakaligtas sa akin ang dalawang beses niyang paglunok saka muling tumingin sa akin.

"Pinagluto ko lang siya," mahinang wika niya.

I gritted my teeth and tried to control my anger. "Hindi mo siya kailangang ipagluto. Hindi ka niya kaano-ano," mariin kong saad.

Ang kanina niyang pantay na balikat ay unti-unting bumagsak kasabay nang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata.

Imbes na makipag-usap pa sa kanya ay sinimulan ko siyang talikuran habang bitbit ang anak ko.

"Mom, I'm hungry," Erom murmured.

Bumagal ang paglalakad ko at pasimpleng tumingin sa 'king relos. I shut my eyes when I saw the time, it's 10am in the morning. Hindi kataka-taka na gutom na ang anak ko dahil masyado siyang nasanay na maaga kaming kumakain.

"You seem mad, Mom," he continued.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at tuluyan nang napatigil sa paglalakad nang nasa bungad na kami ng hagdanan. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko saka tumingin sa anak ko.

"Why did you leave the room?" I asked, trying to calm.

He pouted and averted his eyes. "I've been waiting for you to wake up, but you seem to be lacking in sleep, Mom."

Natigilan ako at naalala kung bakit tinanghali ako ng gising. Mariin akong napapikit nang naalala ang mga linyang binitiwan ni Valjerome kagabi bago siya lumabas ng kwarto.

'I miss you...'

Dahil sa linya niyang iyon ay hindi agad ako nakatulog. Pilit kong inisip kung para saan iyon. Alam ba niya na nagpapanggap lang ako na tulog kaya sinusubukan niya akong pikutin para sa anak ko?

Anuman ang totoo ay ipinagsawalang bahala ko na lang sa huli. Hindi ako pupwedeng magtiwala sa kanya. Minsan na niyang hiniling na mawala ang anak ko kaya naman mahirap sa akin na pagkatiwalaan siyang muli sa kabila ng mga ipinapakita niya.

"Hija," ani Manang na nakasunod na pala sa amin.

May bitbit siyang tray na naglalaman ng mga pancakes. Mayroon ding baso sa gilid na naglalaman naman ng gatas na tingin ko ay para sa anak ko. Sa likuran ni Manang ay may isa pang katulong, tulad niya ay may dala rin itong pagkain. Ang kaibahan lang ay light meal ang laman niyon.

"Pinadadala ni Senyor sa inyong silid ang mga niluto niyang pagkain. Halika na bago pa lumamig ang mga ito," nakangiti niyang pagkausap sa 'kin, tila sa gano'ng paraan sinasabi sa akin na intindihin muna namin ang pagkain bago ang lahat.

Wala na akong nagawa pa kundi ang tumango at umuna sa paglalakad. Nagugutom na ang anak ko, kung makikipagpataasan pa ako ay walang mangyayari.

Ganadong kinain ni Erom ang pancakes na niluto ni Valjerome habang ako naman ay palipat-lipat lamang ang paningin sa kanya at sa pagkain ko. The food seems good, but my pride telling me not to eat it. Mas gugustuhin ko pang magtiis sa gutom kaysa kainin ang inihanda niya.

Why is he doing this anyway?

I get it. Gutom na ang anak ko at naghahanap ng pagkain. Pero bakit kailangang siya pa ang magluto? Ang dami niyang katulong na pwedeng utusan. May parte sa akin na nagsasabi na gusto niyang makuha ang loob ng anak ko, pero ayaw kong paniwalaan iyon. Ayaw kong magtiwala, lalo na at anak ko ang pinag-uusapan.

I was out of my reverie when I heard a knock. Napabaling ako ng tingin sa may pintuan at nakita ang marahan na pagsulyap ng kanang kamay ni Valjerome, si Jaime.

"Señior is asking you in his office," pormal niyang saad.

Wala sa sarili akong umirap at tinusok-tusok ang pagkain na dala ng katulong. "I'm still eating. Maghintay siya kamo," tugon ko.

"You're not eating it, you're destroying the food," a familiar voice spoke.

Natigilan ako at marahan na bumaling muli ng tingin.

Nakita ko si Valjerome na nakapamulsa habang nakatayo sa likuran ni Jaime. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin at saka inilipat ang kanyang atensyon sa pagkain na... yeah, dinurog ko.

'Pakialam mo? Ganito ako kumain, eh. Bakit ba? Kanya-kanyang trip lang 'yan.' Gusto kong sambitin ngunit pinanatili ko na lang sa isip ko dahil sa anak ko na ngayo'y nakamasid sa amin.

"Come to my office later," he said and started walking away.

Napahinga na lang ako nang malalim saka ngumiti sa anak ko na inosenteng nakatingin sa 'kin. Tila naghihintay na magkwento ako o anuman.

"Go on, continue eating. Pupuntahan lang ni Mommy 'yong boss, okay?" pagkausap ko rito.

Tumango lang si Erom saka muling pumilas sa pancake na nasa plato niya.

Napangiti na lang ako at hinaplos ang kanyang buhok.

I'll do everything to protect you.




"WHAT do you want?" seryosong bungad ko sandaling pumasok ako ng opisina ni Valjerome.

Tulad kahapon ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang swivel chair. He stared at me for a second then stood up from his seat.

"Huwag kang lalapit sa akin," agad kong sambit sa malamig na paraan.

Tumigil naman siya sa asta niyang paglalakad at nagpakawala ng buntonghininga.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to spend time with my child, Jazzie. Please, huwag mo naman siyang ilayo sa akin," nangungusap na wika niya.

Sarkastiko akong tumawa. "Dapat pala sa ulo ka nadaplisan, ano? Baka sakaling matauhan ka kahit papaano."

"Alam ko, nagkamali ako sa naging desisyon ko noon sa anak natin. Pero pakiusap, hayaan mo akong bumawi ngayon. Kahit... makasama lang siya ayos na sa akin. Kahit hindi niya na ako kilalaning ama. Just please, hayaan mo akong makalapit sa kanya," namamaos niyang saad saka muling naglakad.

"HUWAG KANG LALAPIT SABI!" I yelled, but he didn't bother to stop.

The next thing he did, stunned me.

"Please... kahit hawak lang, kahit saglit lang. Hayaan mo ako, pakiusap," nanghihina niyang sambit habang nakaluhod sa harapan ko.

He glanced at me with his teary eyes. "Let me be with our child, Jazzie. I-I promise, I won't do anything bad. Hindi mo siya kailangang protektahan sa akin dahil ako mismo ang papatay sa sarili ko kapag sinaktan ko siya. Please... let me hold him, take care of him, love him." A lone tear escaped from his eyes. "Hindi na ako hihiling pa ng sobra, if you don't want our child to know that I'm his father, o-okay. Just, please... hayaan mo akong makasama at makabawi sa kanya sa paraang kaya ko," patuloy niya sa garalgal na boses.

Walang lakas niyang isinubsob ang kanyang ulo sa tuhod ko at yumakap doon. "Nagmamakaawa ako, Jazzie. Pakiusap."

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
6.5M 145K 77
Silvanus "Silas" Alvarez is fantasizing over a girl who is unfortunately his niece-Athena Aine Alvarez-to his horror. For him, Athena is like an ench...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4K 1.1K 21
FOREVER LONEY... Teka forever naba talaga oh may mga makikilala pa sya? Sino ba ang babaeng to na niniwala na hanggang magtanda ay mag isa na lang sy...