"The best feeling is when you look at him, and he's already staring."
✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄
ASHER: Pahiram ng bra
Pls
I need
Hindi ako bakla
Pramis
Uy
Pst
Ba't sineseen mo lang ako?
ADRIANNA: ???
ASHER: Anong ????
ADRIANNA: question mark
ASHER: Ay hinde
ADRIANNA: k
ASHER: Peram bra
ADRIANNA: tangina mu
ASHER: Seryoso nga! >:(
ADRIANNA: katol pa
anong plano mo gawin sa bra ko?
manyak
ASHER: Kingina mo din nu?
Kailangan ko nga
ADRIANNA: san ang rampa
ASHER: Para bukas
ADRIANNA: ms. gay universe
ano meron bukas?
ASHER: Kotong
Play
ADRIANNA: ah e walang bra kapag may kotong
ASHER: Hindi ka magb-bra? Hahaha
Ok lang
ADRIANNA: ./.
ASHER: Ano 'yan tite
ADRIANNA: HAHAHAHA KINGINA KA EWAN KO SA'YO DUGYOT
JAN KA NA NGA
out na 'ko bye
ASHER: Oy 'yung bra pucha
Pahiram lang e
Damot neto
Pakain ko pa sa'yo 'yan e
Kailangan ko nga bukas
Huy
Sagot
Puta
ADRIANNA: text mo ako
out na ko
kakain na kami
ASHER: Mabulunan ka sana
ADRIANNA: ge
ASHER: Joke lang uy
Peram ah?
Kunin ko jan mamaya
Wala akong load
Punta ako mga 8
ADRIANNA: papakawalan ko si whitey
ASHER: Sipain ko pa 'yun e
ADRIANNA: ows?
ASHER: Magdadala akong itak
ADRIANNA: k
bye na
ASHER: Babye
Paalam ka na kay whitey
Huling araw na niya ngayon
ADRIANNA: pakyu times two
ASHER: Labyu too
In-ex ko na 'yung chat at nag log-out na sa facebook dahil kanina pa ako binubungangaan ng kapatid ko at naririndi na ako. Pinatay ko na 'yung computer at padabog na nagpunta sa lamesa bago umupo at magsalumbaba.
"Alisin mo 'yan," sabi ni Tita bago itulak 'yung siko ko paalis ng lamesa. "Umayos ka ng upo." dagdag niya pa bago ilapag 'yung bowl ng kanin sa harapan ko.
"Anong ulam?" tanong ko habang inuusog 'yung bowl papunta sa gitna ng lamesa. "Hindi pa ako gutom e."
"Nagluto akong pinakbet," aniya at inilukot ko lamang 'yung ilong ko. Nakita ni Tita 'yung ekspresyon ko at umismid, "Mag gulay ka para hindi ka nagkaka tigyawat. Ayan oh, may namumula nanaman jan sa noo mo."
"Tss," umirap ako at hinawakan 'yung tigyawat sa noo ko. "Wag mong batiin 'Ta, baka lalong lumaki."
"Ayan kase, hindi naghihilamos." Pagsesermon niya, "Tapos hindi pa kumakain ng gulay. Kaya ang dry dry ng balat mo e."
"Lagi kaya akong naglo-lotion! Ang lambot lambot nga ng balat ko e." Pag depensa ko sa sarili bago hawakan 'yung braso ko. Pinakiramdaman ko 'yung balahibo ko at ngumuso. Hindi naman dry ang balat ko.
"Ows?" parang bata niyang sabi. Isang mapang asar na ngiti ang naglalaro sa kanyang labi. 'Di ko napigilan ang sarili ko na ngumisi. Ang kwela din talaga ni Tita minsan e. Akala mo bagets. Magkasundo sila ni Asher, minsan iisipin mo siya ang pamangkin at hindi ako.
Si Tita Linda ang nag aasikaso saamin dito sa bahay minsan. Kapatid siya ng Papa ko na nasa Saudi. 'Yung mama ko naman ay nagt-trabaho sa Manila. Pwede sanang doon nalang kami ni Ate nag aral at tumira kasama siya pero ayaw ni Papa na manirahan kami sa Maynila. Mas maganda na daw dito sa Olongapo, hindi gaano ka-crowded at polluted. Umuuwi minsan si Tita sa pamilya niya. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay niya dito samin kaya okay lang din ang arrangement. Pero kahit ganoon, si Ate Sky parin ang legal guardian ko.
Dahil sa pag banggit ni Tita sa tigyawat ko, naparami akong kain sa gulay kahit ayoko. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang galit na kahol ni Whitey at ang sigaw ng isang nagulat na bakla.
"Si Asher ba 'yun?" tanong ni Tita habang naka dungaw sa bintana. "Labasin mo nga Adrian."
"Gabi na ah? Tatambay pa ba siya dito?" tanong ni Ate Sky na nagliligpit ng pinagkainan.
Tumingin ako sa wallclock at nakitang lagpas alas otso na pala kaya naman agad akong tumayo, "Hindi 'te, may pinapaabot lang siya. Naiwan niya kasi 'yung extra t-shirt niya sa bag ko kanina." Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko at dumiretso sa drawer ko kung saan dumampot ako ng isang beige na bra. Sinumulan kong kalkalin 'yung damitan ko, naghahanap ng isa sa mga lumang t-shirt na ibinigay ni Asher.
Ibinalot ko 'yung t-shirt sa bra hanggang sa hindi na 'to nakikita at nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Bilisan mo Adrian ha! Malamok na!" Pahabol ni Tita.
Hinila ko pabukas 'yung gate ng terrace at naglakad sa harap ng bahay hanggang sa marating ko 'yung gate kung saan tahol parin ng tahol si Whitey. Medyo itinulak ko palayo 'yung aso gamit 'yung binti ko bago buksan 'yung gate at lumabas.
Nakita ko si Asher na naka upo sa isang malaking bato kaya naman lumapit ako doon at inihagis sakanya 'yung dala ko.
"Nasa loob," sabi ko nung makita ko 'yung nagtataka niyang ekspresyon. Tumayo siya hanggang sa magkaharap na kami bago niya binuksan 'yung t-shirt. Agad akong nakaramdam ng hiya at uminit 'yung tenga ko nung nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Asher.
Itinaas niya 'yung kamay niya na para bang hahawakan niya ang dibdib ko kaya naman agad ko 'tong hinampas palayo sa'kin. "Ano ba!" sigaw ko sakanya.
Tumawa siya at inilayo 'yung kamay niya bago kamutin 'yung gilid ng ulo niya. "Sorry," aniya bago tumawa ulit. "Ba't kasi ano.. sigurado ka bang sa'yo 'to? O nanghiram ka kay Tita Linda?"
Kumunot ang noo ko, "Akin 'yan." sabi ko sakanya bago hawakan 'yung t-shirt ko at iusog 'to ng kaunti para makita niya 'yung strap nung suot suot ko. "Ayan oh, pareho."
"Bakit ang laki?"
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at nanginig 'yung katawan ko. At bago ko pa napigilan ang sarili ko, lumipad na 'yung kamao ko at sinapak siya sa braso. Tumatawa siya habang sinasangga 'yung mga suntok ko.
"Biro lang naman!" aniya. "Ito kamo 'di na maloko. Why so serious, babe?"
"Tigilan mo nga ako Asher," inirapan ko siya. "Bwisit ka."
"Ginoo-good time lang naman kita," aniya bago hawakan 'yung baba ko. "Salamat dito."
"Ano bang gagawin mo dyan?" tanong ko, 'yung galit ko inis ko pakonti konti nang nawawala dahil distracted na ako.
"May play nga kami bukas," paliwanag niya. "E puro lalaki kami. Si James sana gaganap na babae pero alam mo naman 'yun isa't kalahating tanga."
Ngumuso ako at tumango tango habang nskahalukipkip, "Basta walang ibang gagamit ha? Tsaka hindi nila malalaman na sakin 'yan."
"Yes ma'am," nagsalute siya bago hawakan 'yung tuktok ng ulo ko. "Promise 'yan." Pinat niya 'to bago ako halikan sa noo, malapit sa galit na tigyawat ko. "Uwi na 'ko, salamat ulit. Soli ko 'to bukas. Babye."
Lumapit na ako sa gate at hinawakan ang handle para buksan 'to. "Ingat, goodnight."
"Labyu," aniya bago mag flying kiss.
Natawa ako at napailing, "Pakyu."
••••••••••
"Gala tayo sa sabado," sabi ni Henry kina-umagahan. "Puntang remy."
"Gagu," naka ngusong sabi ni Kris. "Tag-ulan ngayon."
"Malay niyo hindi umulan."
"At kapag umulan?" taas kilay na tanong ko.
"Oh edi hindi tuloy."
"Oy wala daw teachers ngayon buong isang oras!" masayang sabi ni Tris bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. 'Yung seatmate kong si Jared nandoon sa may cabinet, hinahanap lamang 'yung portfolio niya sa Physics. Wawa naman pagbalik wala ng upuan.
"Oh?" masayang tanong ni Henry'ng tamad. "Bakit daw?"
"May seminar chuchu daw sila sabi nung sa kabilang section," nakangiting sagot ni Beatrice. "Free time!"
"Jamming pala tayo ah," sabi ni Kei. "Kris, labas mo gitara mo."
"Sige, teka kunin ko." ani Kris bago tumayo. Napatigil siya nung may narinig kaming sigawan mula sa labas kaya naman lahat kami ay napatingin sa clear glass window.
Nahulog ang panga ko at nanlaki ang mata sa nakita ko. Mabilis lang siya, tumakbo lamang habang sinusundan ng mga kaklase niya.
"Si James ba 'yun?" tanong ni Ethel. "May kapa tsaka bra sa ulo?"
MAPAPATAY TALAGA KITA ASHER MARTINEZ!