Fell Inlove With My Bestfrien...

By itschellieee_

54 4 1

Hindi lahat ng story ay masaya. Minsan kailangan nyo lang magmahalan para sa isang bagay kahit na iisa lang s... More

Fell Inlove With My Bestfriend♥︎
C H A P T E R 1 (First Meet)
C H A P T E R 2
C H A P T E R 4
C H A P T E R 5
F R O N T M A T T E R♥︎

C H A P T E R 3

3 1 0
By itschellieee_

ACE'S POV

Simula nung makilala ko at makausap ko yung babaeng server sa café ay nag-iba na ang pakiramdam ko, naging magaan na yung pakiramdam ko at unti-unti ko ng natatanggap na wala na nga kami ni Celine.

Hindi ko alam kung anong dahilan ang meron si Celine kung bakit nya ko hiniwalayan, pero kahit ganon ang nangyari talagang nagpapasalamat ako kay Ellie ng dahil sa mga sinabi nya sakin ay nagising ako sa katotohanan na maraming babaeng dyan sa paligid.

Makakahanap din ako ng babaeng mas deserve yung pagmamahal ko, simulan nung araw na yon ay hiniling kong sana magkita kami ulit ni Ellie.

Araw-araw pagkatapos ng klase ay lagi akong dumederetso sa café kung saan ko sya unang nakita. Katatapos lang ng klase namin kaya naman agad akong sumakay sa kotse ko, pinaandar ko iyong papuntang HK.

Habitual Kingdom inshort HK

Papalapit pa lang ako sa pinto ng café ay agad kong tinignan kung saan ako nakaupo nakaraan napangiti pa ko ng bigla kong makita don na nakaupo kaming dalawa ni Ellie, pero agad din iyong napalitan ng lungkot nang maalalang don din kami palaging nakaupo ni Celine noon.

dT___Tbv

Huhu kelan ba kita makakalimutan?

Umiling ako at pilit na inalis si Celine sa sistema ko, naglakad ako papasok sa loob ng café saka ako nag order ng coffee.

"Hey! Good afternoon bro." Bati ko kay James sya ang server.

Matagal na kong tambay dito kaya naman halos lahat ng server dito ay close ko na maliban nga lang sa mga bagong server nila dito.

"Oy! Aga natin ah."

"Ah haha hindi naman."

"Anong atin?

"Espresso na lang."

"Okay, one espresso coming up."

"Don na lang ako sa table ko dati."

"Sige hatid ko na lang don."

Naglakad na ko papunta sa table kung saan ako laging nakaupo, nang makaupo ako ay lumingon lingon pa ko sa ibang costumers, nahagip ng mata ko si.....

Si...... Ellie!

Bahagya pa kong kumurap kurap pero nung tumingin ulit ako sa kanya ay hindi nga ako nagkamali si Ellie nga.

Nang lumingon sya sa gawi ko ay agad kong iniiwas ang tingin ko ng maramdaman kong hindi na sya nakatingin sa gawi ko saka ko sya tinignan.

Simple lang sya, maputi, matangos ang ilong, mahaba yung pilik-mata, mahaba yung buhok, hindi sabog yung kilay, singkit ang mata, at mapula ang labi.

What the hell, bakit ko ba sya tinititigan?

Nasa ganon akong sitwasyon panay lang ang sulyap ko sa kanya, may lumapit sa kanyang maganda ring babae lumingon pa ito sa gawi ko kaya naman umiwas ako ng tingin. Mula rito sa upuan ko ay rinig ko sila, pero yung babaeng kausap nya ay hindi tanging boses lang ni Ellie ang naririnig ko.

"Hoy! Bakit ka nandito magtrabaho ka na don." Ani Ellie don sa babae.

Hindi ko naman narinig yong sagot sa kanya nung babae.

"Ano pa, nakikita mo na ngang may mga libro diba? Edi nag-aaral."

"Tsk! Dito ko trip eh bakit ba!?"

"Lalaki? Sinong lalaki?!"

"Ulol! Bahala ka sa buhay mo."

"Oo na lumayas ka na sa harap ko." Masungit na ani Ellie.

Gusto kong matawa sa kanila, pero dahil hindi akma yung lugar ay pinigilan ko na lang, hindi nagtagal ay lumapit si James sa kanya at sinerve ang order nito.

"Hay! Sa wakas dumating din yung kape ko."

"Haha sorry daming tao eh."

"Tss. Konti pa nga lang yan eh."

"Para sayo dahil batikan ka sa ganitong trabaho."

"Hahaha loko ka James."

"Sige na marami pa kong pagsisilbihan."

"Geh salamat."

Batikan? Ibig sabihin dati na syang nagtatrabaho dito?

Bakit hindi ko sya nakikita dito kapag tumatambay ako dito?

Nang makabalik si James sa pwesto nya at mag-isa na ulit si Ellie sa table nya ay lumipat ako don at nakiupo.

"Hi Elliena!" Nakangiting aniko.

"Uy! Ace? Tama ba?" tanong pa nito na animong nakalimutan ang pangalan ko.

"Kahapon mo lang akong nakilala, nakalimutan mo na agad yung magandang pangalan ko?"

"Haha, hindi kasi ako matandain sa mga pangalan."

"Hindi mo ba ko pauupuin?

"Ahh haha geh lang upo ka na."

"Thanks!"

"Di ba dito ka nagtatrabaho?"

"Yeah, pero alternate yung pasok ko dito bukas pa ang duty ko dito."

"I see, by the way I just want to say Thank you." sinserong aniko.

"Thank you? Para saan?"

"Thank you don sa advice mo."

"Sus! Wala yon."

"Hehe gusto ko lang talagang magpasalamat, kung hindi kasi dahil don sa sinabi mo hindi gagaan yung pakiramdam ko."

"Ahh, wala yon hehe, actually hindi ko din naman alam kung bakit ko sinabi yon sayo."

"Pero thank you talaga."

"Welcome."

Naging tahimik kaming dalawa halatang naiilang sya sakin pero syempre para mawala yung pagkailang nya ay nagkwento na lang ako tungkol sa nangyari samin ni Celine.

"Actually kaya ako pumunta dito dahil ito yung lugar kung san kami palaging nakatambay, noon kinaiinggitan pa ko ng mga costumers dito dahil daw ang ganda ng girlfriend ko. Ang taas-taas pa ng tingin ko nun sa sarili ko dahil may ganon akong kagandang girlfriend, Celine is pretty lalo na kapag naka make-up, mabait din, matalino, madalas syang moody pero kaya ko namang ihandle kahit ganon." Napabuntong-hininga pa ko bago ako nagsalita ulit. "Lagi kaming nagkikita dito kasi isa ito sa mga paborito naming lugar, lahat ng lugar na napuntahan naming dalawa binabalikan ko." Nangilid ang mga luha ko, kaya naman tumingala ako at bumuntong-hininga. "Hanggang ngayon hindi ko maisip kung bakit kailangan naming umabot sa ganito, okay naman kami noon eh pero bigla na lang nagkaganon."

"Baka naman may iba syang dahilan kung bakit nya ginawa yon? Try mong kausapin sya."

"Sinubukan ko na yan, wala naman akong narinig na sagot."

"Baka naman narinig mo na hindi mo lang talaga inintindi?" nakangiwing aniya.

Tama sya narinig ko na sadyang ayaw ko lang pakinggan at intindihin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Tinignan ko lang sya habang inaayos nya yung mga gamit nya.

"Siguro tama ka, siguro narinig ko na nga kaso ayaw ko lang intindihin."

"Alam mo pahihirapan mo lang yung sarili mo kung hindi mo iintindihin lahat ng dahilan nya."

"Bakit naman?"

"Dahil hangga't pilit mong pinaniniwala yung sarili mong hindi totoo yung mga sinasabi nya sayo eh lalo mo lang pinapaasa yung sarili mo sa wala."

Nagulat ako sa sinabi nya, tama sya pero mas gusto kong umasa pero tama din sya wala na nga naman akong aasahan kay Celine.

"Naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko, laging pumapasok sa isip ko kung nagkulang ba ko?"

"Ano bang sinabi nyang dahilan sayo sir?"

"Hindi na daw sya masaya." napapabuntong-hiningang aniko.

"Hindi ka nagkulang sir, sadyang sya yung may problema hindi ikaw, hindi naman porket hindi na sya masaya eh ibig sabihin eh nagkulang ka na."

"Ah! Sige wag na lang nating pag-usapan."

"Geh lang sir."

Tch! Kanina ka pa sir ng sir!

"Pwede bang wag mo na kong tawaging sir?" deretsong tanong ko bahagya pa syang nagitla.

"Ahh hehe, okay sir ay este Ace pala." nagpeace sign pa sya kaya naman natawa ako sa iniasta nya.

Ang sarap nyang kausap bakit ngayon lang kita nakilala? Sana noon pa nakilala na kita, para naman close na sana tayo ngayon. Simula pagkabata ko wala akong naging kaibigan na babae, lahat kasi ng babaeng nakakakita sakin ay halos himatayin na sa kagwapuhan ko kaya naman ganito na lang ako kay Ellie.

Hindi sya kagaya ng ibang babae na makakita lang ng gwapo eh crush na agad, si Ellie kung titignan mo, simple lang hindi sya katulad ng ibang babae na na-aatract sa mga lalaki, sya yung tipo ng babaeng mapili pagdating sa lalaki.

Friendly sya, kaya naman naging magaan ang loob ko sa kanya sobra kanya.

ELLIE'S POV

Naiilang ako sa mga titig nya kaya naman itinuon ko ang paningin ko sa labas ng café. Nahagip ng mata ko yung lalaking panay ang sulyap sa motorsiklo namin ni Jaime kaya naman inilabas ko yung cellphone ko saka ko tinawagan ang number ni Jaime.

"Excuse me! May tatawagan lang ako saglit." baling ko kay Ace na nakatitig lang sa kung anong ginagawa ko.

"Go, take your time." Nakangiting aniya.

Nakakailang ring na hindi nya pa rin sinasagot kaya naman tinext ko na lang sya saka ako tumayo dahilan para mapatayo din si Ace.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong nya.

"Wala naman, dito ka lang may titignan lang ako."

"Samahan na kita." alok nya pa.

"Hindi na pakibantayan na lang yang mga gamit ko."

"Sige."

Hindi na ko nag-aksaya ng panahon agad akong lumabas ng café, dahan-dahan lang ang naging paglapit ko sa motor ko, wala na don yung lalaki, hinanap ko pa sya sa kung saan pero hindi ko na sya nakita pa.

Lumapit pa ko sa motor ko at tinignan kung may nanakaw ba don mukhang wala naman, tinignan ko din yung gulong dahil baka pinagtripan nung lalaki, wala din naman akong nakita kaya naman, naglakad na ko pabalik sa loob ng café.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng biglang may kamay na humila sakin bahagya nya pang tinakpan yung bibig ko dahilan para mahirapan akong huminga at magsalita.

Ilang beses akong pumalag pero sadyang malakas sya kaya naman hindi ko sya kinaya. Dahan-dahan nyang tinanggal yung kamay nyang nakalagay sa bibig ko, saka nya ko iniharap sa kanya.

Ganon na lang akong gulat ko ng makita ko kung sino ang nanghila sakin dito sa likod ng kotse.

dO___Ob

Ethan?

"Ethan? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Hindi sya nagsalita, dahan-dahan nyang tinanggal yung hood nya at lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha nya. Hinila ko sya saka ako naglakad papasok sa café.

"Ate! Ano ba, san mo ko dadalhin." Pagpupumiglas nya pero hindi ako nagpatalo.

"Papasok tayo sa loob at sasabihin mo sakin kung anong nangyari dyan sa pagmumukha mo." Galit na sabi ko, hindi ko sya nililingon dahil naiinis ako kapag nakikita ko yung mga pasa sa mukha nya.

Nang makalapit kami sa pinto ng café ay hindi na din sya nagpumiglas pa dahil alam nyang hindi ako magpapapigil sa kanya.

Pabagsak kong binitiwan ang kamay nya tinignan ko lang sya kaya naman napapayukong umupo sya sa upuan. Nang makaupo sya ay naglakad ako papasok sa counter saka ko kinausap si James.

"James pakiabot nga yong first aid dyan sa drawer."

"Sige saglit lang, sino yan?"

"Kapatid ko."

"Oh ito na."

"Salamat."

Nang makuha ko ang first aid kay James ay agad din akong bumalik sa table kung nasan si Ethan. Naupo ako sa kabilang upuan saka ko inayos ang mga gagamitin kong pang gamot sa mga pasa nya.

"Anong nangyari dyan sa mukha mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot sakin nakayuko lang sya kaya naman inis akong hinawakan yung mukha nya saka ko dinampian ng cotton na may gamot yung mga pasa nya.

"A-aray!"

"Anong ba kasing nangyari sayo!?"

"Napaaway lang."

"Tsk! Sa susunod wag ka ng makipag-away, magpakamatay ka na lang ha!"

"Tch! Aray masakit!"

"Masakit!? Ha ang lakas mong makipagbasag-ulo tapos gamot lang aaray-aray ka!"

"Ate, masakit nga kasi talaga." pagmamakaaway nya pa.

Naramdaman ko naman si Ace na naglakad papalapit samin kaya naman kinalma ko yung sarili ko.

"Ano! Uulit ka pa ba?"

"Hindi na."

"Hindi na! Hindi na, kapag ikaw nagpakita ulit sakin na puro bangas ang mukha, tandaan mo ha ako mismo ang tatadtad ng bangas dyan sa pagmumukha mo, naiintindihan mo Ethan!?"

"Opo! A-aray masakit kasi, tama na."

"Oh ayan ayos na ha, magpabugbog ka ulit."

Inis na iniligpit ko ulit yung first aid kit, saka ako naglakad at ibinalik yon kay James. Nagtimpla ako ng espresso saka ko naglakad at inialok iyon kay Ethan.

"Ace, upo ka."

"Ahh salamat!" Si Ace.

"Oh Ethan inumin mo na yan at umuwi ka na, hangga't ganyan yang pagmumukha mo wag na wag kang magpapakita sakin at baka madagdagan ko pa yan."

"Hindi na ko umuuwi sa bahay." ani Ethan kaya naman gulat ako napalingon sa kanya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na ko umuuwi sa bahay."

"At bakit?! Saan ka na umuuwi kung ganon?"

"Kila Jerome ako umuuwi, don't worry ate wala yung parents nya don."

"Okay, umuwi ka na para makapagpahinga ka."

"Sige ate."

Bumaling ako kay Ace na nakaupo sa tabi ko at nakikinig sa usapan namin ni Ethan.

"Nga pala Ace si Ethan kapatid ko." pakilala ko kay Ethan kay Ace.

"Ace Rivera nice to meet you Ethan." Pakilala ni Ace sabay abot ng kamay nya sa kapatid ko.

"Ethan Jake Rufino, Nice to meet you too." pakilala din ng kapatid ko.

"Sige na, sige na umuwi ka na." singit ko sa kanila.

Sumunod naman kaagad sakin si Ethan kaya naman nung makalabas ito ay agad akong bumaling kay Ace.

"Ahmm, pasensya na ha, nakakahiya nababadtrip kasi ako eh hindi ko inaasahang makikita kong ganon yung itsura ng kapatid ko."

"No, Its okay naiintindihan kita ganyan din naman ako sa mga kapatid ko."

"Talaga? May mga kapatid ka din?"

"Oo, 4 kaming magkakapatid dalawang lalaki at dalawang babae saming apat ako ang panganay kaya naman naiintindihan kita."

"Salamat! Ahmm hindi ka pa ba uuwi?"

"Ahh, hindi pa." nakangiting aniya, kaya naman nagtaka ako.

"Ha? Bakit may hinihintay ka ba?"

"Wala, hindi pa ko uuwi kasi nandito ka pa, alangan namang iwan kita dito?"

"A-ahh haha naku, okay lang sakin sige na umuwi ka na, uuwi na din naman ako." Nakangiting aniko.

"Okay lang naman sakin, gusto mo sabay ka na sakin, ihahatid kita sa bahay nyo."

"Ahh hindi na may dala akong sasakyan."

"Ahh ganun ba? Sige ako na lang isabay mo." Birong aniya nya hindi ko naman nagets kaya naman napamaang akong tumingin sa kanya.

"H-Ha?" utal na tanong ko sa kanya.

"Hahaha sabi ko sabay na tayong lumabas."

"Ahh hehe sige sandali lang magpapaalam lang ako sa mga kasama ko."

"Sige."

Naglakad ako papunta don sa table kung san kami nakapwesto kanina ni Ace kinuha ko ang mga gamit ko at ganon din naman sya. Nung makuha namin ang mga gamit namin ay saka ako nagpaalam sa kanila.

"Woi James! Una na ko."

"Geh ingat Ellie."

"Geh salamat."

"Hoy sa mamhue hindi ka ba magpapaalam? Magtatampo na ko sayo nyan Ellie." Singit ni Mamhue.

Si mamhue at Westly ay iisa lang.

"Ay, sorry hehe wag na tampo mamhue, ito na po uuwi na ang anak mong Dyosa."

"Oh sya sige mag-ingat ka."

"Opo, ay nga pala si Ace. Ace si Westly ang manager ng HK." Pakilala ko sa kanila.

"Ahh magkakilala na kami ni mamhue."

"Oo nga, regular costumer na yan dito, ang hindi ko lang alam eh magkakilala pala kayo." Hindi ko nilingon si mamhue dahil sa tono ng boses nya batid kong mang-aasar na naman sya.

"Psh! Sige na mamhue uuwi na ko este kami." paalam ko ulit sa kanya saka ako lumapit at bumeso sa kanya

Hindi na kami nagtagal ni Ace sa café pagkatapos naming magpaalam kay mamhue ay lumabas din kami agad at sabay na pumunta sa parking lot. Lumapit sya sa kotse nya na katabi lang din ng motor ko kaya naman nung akma na kong sasakay ay nagsalita sya dahil para lingunin ko ang gulat nyang mukha.

"Sayo yan?!" Gulat na tanong nya, natawa naman ako sa reaksyon ng mukha nya.

"Oo bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng nagmomotor?"

"Hindi naman pero hindi halata sa mukha mong marunong kang magmotor."

"Grabe!" napapamaang na tugon ko.

"Sa ganda mong yan hindi kasi halata na nagdadrive ka ng motor."

"Tss. sige na umuwi ka na."

"Sige una ka na."

Hindi ko na sya pinilit pa na mauna, sumakay na ko sa motor ko saka ko sinuot ang helmet ko saka ako nagpaalam ulit kay Ace.

"Ace, una na ko."

"Sige, ingat thanks for today!"

"Mm geh ingat."

Hindi ko na sya hinintay pang sumagot agad ko minaneho ang motor ko pauwi ng bahay.

"BAHAY"

Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong naglakad paupo sa sofa, nagpahinga lang ako saglit saka ako tumayo at umakyat sa kwarto ko.

Inayos ko lang saglit yung mga gamit ko saka ako pumasok sa cr para maligo. Nang matapos ako ay lumapit ako sa kama ko sa ko pabagsak na inihiga ang katawan ko hanggang sa nakatulog na ko.

ACE'S POV

I really can't imagine that I met a cool girl like Ellie, she's different, I want to know her more, I want her to be my friend.

Kasalukuyan kong pinapanuod si Ellie na nakasakay sa motor nya at nagmamaneho paliko sa kanto palabas ng highway.

Nang mawala sya sa paningin ko ay agad ko tinungo ang daan pauwi sa bahay at ilang minuto lang din ay nakauwi na ko. Pinark ko yung kotse ko sa garahe saka ako bumaba at pumasok sa bahay.

"Oh! Ace iho bakit ngayon ka lang?" Bungad sakin ni manang nung makapasok ako.

"Ahh may tinapos pa kasi akong assignment manang."

"Ahh ganon ba oh sya sige halika na sa kitchen at nagluto ako ng meryenda."

"Ahh sige po manang."

"Kamusta naman ang pag-aaral mo iho?"

"Okay naman po manang."

"Oo nga! Mukhang masaya ka ngayon, pero parang hindi naman yung pag-aaral yung dahilan nyang ngiti mo eh."

"Huh? Anong sinasabi mo manang?"

"Ikaw batang ka sabihin mo nga sakin? Sino ba yang dahilan nyang ngiti mo huh?"

"Wala! Manang."

"Asus! Yang pagtanggi tanggi mo na yan imposible talagang wala."

"Manang naman wala po talaga."

"Oh sya sige hindi na kita kukulitin, hihintayin ko na lang na magkwento ka sakin."

"Tch! Manang talaga."

"Oh sya sige magmeryenda ka na para makapagpahinga ka na."

"Salamat manang."

"Ayy! Sya nga pala pinapasabi ng Daddy mo na next month pa sya makakauwi dahil may problema sa kompanya nyo."

"Pakisabi manang wag na siyang umuwi."

"Loko ka talagang bata ka Daddy mo parin sya at ginagawa niya yon para sa inyong magkakapatid."

Ginagawa nya para samin o para patunayan na nagbago na talaga sya?

"Biro lang manang ikaw naman hindi ka na mabiro."

"Sya sige iwan na muna kita dyan at marami pa kong gagawin."

"Sige po manang."

Matapos kong magmeryenda ay agad din akong umakyat sa kwarto ko para magpahinga.

To be continue....

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 61.2K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
461K 6.6K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
1.3M 118K 43
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.8M 45.7K 67
When Ana confronts her new neighbour after being kept up all night by his sex noises, she's mortified to discover he's none other than Freddie-the po...