Impression on the Heart

By _Isabelle_

261K 8.6K 1.9K

There would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Special Chapter
Chapter 40
Epilogue

Chapter 20

5.1K 205 35
By _Isabelle_

Sa bahay ang party ni Gracie at ang mga bisita nito ay ang mga kaklase niya sa school at ang mga guardians o magulang nito. Nagtransform ang garden nila Sac sa para bang fairy tale land kung saan may mga fairies, wizards at mga unicorns. Ang mga bata rin ay nakabihis ng pang fairy tale. Buti na lang na walang attire ang matatanda pero binigyan kami ng headband na tenga ng iba't ibang hayop.

Ngiting-ngiti si  Gracie at ang ganda-ganda niya habang nakikipaghalubilo sa bisita niya. Suot na niya ang mint green na gown na napili niya at bagay na bagay talaga ang kulay nito sa kanya maging sa theme ng birthday niya. Inayusan ko siya ng buhok gaya ng pinangako ko pero hindi ko alam na may kinuha pang taga-makeup si Estelle. Nagawa ko naman ng maayos ang buhok buti na lang at tinulungan din ako ng makeup artist. Kasama naman ni Gracie si Jireh na equally kasing ganda niya rin. Nakasuot ito ng costume na Tinker Bell.  May ibang kasamang guardian si Jireh at hindi ang Mama at Papa niya. Nabalitaan ko na naglalabor na pala si  Niel kaya hindi ito sumama. Nakasuot ng pang-witch si Estelle pero ang ganda-ganda niyang witch samantalang si Sac ay nakasuot ng pangprince charming sa palagay ko. Nakakatuwa na napapayag ni Estelle magsuot ito ng ganoon.

Maraming activities ang birthday ni Gracie. May nagmagic kasama si Gracie pati na rin si Estelle at Sac at meroon din parang nagcircus, face painting at meroon pang story telling.  Ang ganda rin ng ng design ng garden  at ang sarap ng pagkain. Kanina pa nga pabalik-balik sa buffet si ate at iniwan kami ni Andrei sa table. Mabuti na lang at hindi nagtatantrums si Andrei ngayon at good boy lang ito sa stroller niya.

Nakita ko rin ang ang teacher ni Gracie na si Ms. Mikay. Bumalik ulit ito sa pagtuturo at nagulat na lang daw siya na umalis ako ng school. Hindi ko na lang sinabi ang rason pero sa palagay ko naman ay alam niya na rin dahil balitang-balita sa school ang ginawa ko.

"Ang sarap talaga ng pagkain." Tumingin ako kay ate na kumuha na naman ng dessert.

"Ate konting pigil lang. Nagiging dambuhala ka na." Inirapan ako nito.

"Maganda naman." Nagkibit-balikat na lang ako. "Si Estelle na ba ang susunod na Mommy ni Gracie?" Sumulyap naman ako sa kinaroroonan ni Estelle at Sac at pareho silang nakikipag-usap sa iisang tao na di ko kilala. Nakasukbit ang kamay ni Estelle kay Sac.

"Siguro ate." Sana nga kung ganoon.

"Ganda ni Estelle ano?" Tumango ako sa sinabi niya. "Gwapo rin si Sac, no?" Tumango ulit ako. "Bagay sila." Tatango-tango ako habang nakatingin sa kanila. Ang ganda ng pamilya nila pagnagkataon. Magiging maganda rin at gwapo ang mga kapatid ni Gracie. "Eh si Rachel at Sac bagay rin 'no?" Tumango ako. Natigilan ako at sinulyapan ko si ate. Ngiting-ngiti si ate sa akin.

"Tumigil ka nga ate."

"Bakit naman? I am just stating observation." Mapang-asar pang wika nito. "At masasabi ko lang gusto ka ng anak, pwedeng-pwede na magustuhan ka rin ng tatay. Konting landi Rachel. Iyan ang kailangan mo."

"Hindi ko alam kung bakit tayo nagkaroon ng ganitong conversation. "

"Dapat nga nagkakaroon tayo ng ganitong conversation kasi magkapatid tayo. Anong score niyo ng boss mo?"

"Ate wala. Magkaibigan lang kami."

"Baka ikaw kaibigan ka lang sa kanya at ikaw naman inlove na."

"Ate ikain mo na nga lang iyan frustration mo sa love. Magbabanyo lang ako." Iniwan ko na si ate sa mesa at sa kung anu-anong iniisip niya. May score-score pa itong nalalaman. Baliw na talaga si ate.

Nakita ko si Nanay Magda sa loob ng bahay at kinawayan ko siya. Sinabi ko na magtotoilet ako at pinagtotoilet niya ako sa second floor kasi raw ay may nakapila na sa baba. Ayoko pa noon una pero pinilit na niya ako. Pang-pamilya lang kasi nila ang toilet sa second floor pero sumunod na lang ako rito.

Natapos na akong magbanyo ng mapadaan ako sa kwarto ni Gracie. Nakaawang ang pintuan at may naririnig akong boses sa loob. Boses na parang matanda.

"I need to go back to my party, Lola." Boses iyon ni Gracie. Mukhang kasama niya ang lola niya.

"Kapag may narinig akong balita na hindi mo pinapakisamahan ang Tita Estelle mo malalagot ka sa akin. Siya na ang papalit sa Mommy mo." Maglalakad na sana ako ng marinig ko ulit ang boses ng matanda at mukhang galit ito.

"I only want my Mommy and not the ugly lady!" Narinig ko ang pagsigaw ni Gracie.

"Your Mommy is dead Gracie. Isn't it better that you have another Mommy that is better than your low-life mother. Your mother is dead and you cannot do anything about it. And if you really cannot get along with Estelle you better go to your other Lola and leave your Dad. Estelle and your Dad will have another baby and they will forget about you." I heard Gracie cried. Kaagad kong binuksan ang awang sa pinto at kaagad pinuntahan si Gracie na umiiyak. Nagpakarga ito sa akin at umiyak ng umiyak.

"Excuse me po. Hindi niyo po ba naisip na masasakit na salita ang sinasabi niyo sa bata?" Pinagtaasan ako ng kilay nito. Mukha itong matapobreng middle-ager na kahawig ni Sac.

"And who are you and what you are doing in my son's house?"

"Ka-kaibigan niya ako--"

"Ah kaibigan." Punung-puno ng sarcasm ang boses niya  "Baka gusto mong idemanda kita sa ginagawa mo?"

"Wala akong ginagawang masama, kayo ang meroon. Sinasabihan niyo ng masasamang salita ang apo niyo. Anong klaseng lola kayo?"

"She is not my granddaughter. Her mother is a whore, in Filipino, puta. Wala akong apo na galing sa puta. Ikaw, isa ka rin ba sa mga puta ng anak ko?" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ng nanay ni Sac. Mukhang mas may titindi pa pala sa pananalita ni Sac. Mukhang alam ko na kung saan niya namana.

"Madam pinalaki po akong mabuti ng ate ko at isa sa mga turo niya ay huwag sumagot ng pabalang sa matanda. Kaya sasagutin ko po kayo ng ayos. Una, hindi po ako babae ng anak niyo. Palagay ko po ang girlfriend niya ay kasama niya sa baba. Pangalawa, wala kayong karapatan tawagin ng kung anumang masasakit na salita ang Mommy ni Gracie. Patay na po siya. Pay respect to the dead. At pangatlo, kung hindi niyo matanggap na apo si Gracie kawalan niyo iyan at hindi ng bata. Huwag niyo siyang bisitahin kung takot at sama ng loob lang ang bibigay niyo sa bata. Hindi niyo ba alam na traumatic ang experience na ito para--"

"Wa--"

"Hindi pa ako tapos magsalita, Madam." Kaagad na singit ko. "Let's observe proper decorum. When someone is speaking the other one should listen. Di ba po tinuro iyan sa school? Proper etiquette? Mabalik tayo, huwag na huwag niyo ng gagawin ito kay Gracie. Sinasabi ko sa inyo ngayon, hindi ko man anak si Gracie pero kapag nalaman ko pa sa bata na ginawa niyo ulit ito ikocomplain ko na kayo sa bantay-bata ng child abuse." Matapang na bulalas ko. Iyak pa rin ng iyak si Gracie at kahit ako ay naiiyak sa naranasan ng bata pero pinipigilan ko at mas napipigilan ko dahil galit ako.

"Are you threatening me miss..."

"Miss Rachel Castillo po. No, Madam I am not threatening you. I'm just informing you in advance what I am going to do if you hurt Gracie again."

Tumingin lang sa akin ang matanda mula ulo hanggang paa matapos ay umalis na ito ng kwarto. I stood my ground eventhough she intimidates me. Hindi ko aakalain nakakatamo ng ganitong klaseng verbal abuse si Gracie.

Iuupo ko sana si Gracie pero ayaw nitong bumaba sa pagkakarga ko. Iyak ito ng iyak.

"Baby, don't listen to Lola, okay? Forget everything bad that she say to you. Lola has problems of her own that is why she is throwing tantrums. Baby..." Lalo pa itong nagpalahaw. "Huwag ka ng umiyak baby. You should be pretty and happy today because it is your birhday. Ang dami mong friends sa baba, baby. Hinahanap ka na nila." Wala pa rin itong epekto. Alam ko ang iyak ng bata na nasasaktan pisikal pero iba ang iyak ni Gracie. She was wounded emotionally and I know it will affect her greatly growing up. Ang sakit-sakit sa dibdib ang iyak ni Gracie. Palagay ko ay hindi lang ngayon ito nangyari sa kanya. Malamang maraming pagkakataon na ginawa ito ng Lola niya sa kanya  Naiinis ako sa nanay ni Sac. May pagkakahawig talaga sila ng ugali ng nanay niya. .

"Baby, do you want Tita Rachel to do the moving stick figures?" Umiling ito sa akin. Atleast ay nagrerespond na ito. "Do you want to play with Milky?" Umiling ulit ito. "Alam ko na let's eat the cake downstairs." Umiling ulit ito sa akin at lalo naman umiyak. "Ayaw mong bumaba baby?" Tumango ito. "Paano na iyon mga friends at gifts mo sa baba? They are waiting for you."

"A-ayaw ko." Umiiyak na sabi nito. "U-uwi na sila. A-ayaw ko na. Ayaw na." Hihikbi-hikbi nitong sabi.

"Okey, baby, dito na lang tayo sa kwarto mo. Tahan na baby. Tita Rachel is here to protect you so stop crying, baby."

"S-stay here, Ti-tita. Do-don't leave me please." My heart ached dahil sa sinabi niya.

"Dito lang ako baby. Promise." Nakadantay pa rin ang ulo nito sa balikat ko habang karga-karga ko. Hinehele ko na lang ito para makatulog at sana paggising makalimutan na lang niya ang nangyari pero alam kong hindi. Naawa ako sa bata.

"Baby, are you in--" Napalingon naman ako at nakita ko si Sac sa may pintuan. "Anong nangyari?" Lumapit ito sa akin at kaagad kinukuha si Gracie.

"No! I don't want you, Daddy. I hate you! I hate you!" Nagulat ako sa sigaw ng bata at lalong hinigpitan nito ang yakap sa akin.

"Gracie!" Halata ko ang pagkainis sa boses ni Sac.

Umiling ako sa kanya at tiningnan niya lang ako at alam kong hindi niya maintindihan ang pangyayari.

"Daddy Sac, what Gracie wants to say to you and her friends at the party is that she is very tired now. Sleeping beauty wants to lie down and sleep. It's been a long day."

"What?" Sac mouthed to me.

"Mamaya." Sabi ko sa kanya at buti na lang at hindi na siya nangulit. "Gracie is tired Daddy Sac. Ikaw ng bahala sa baba."

"Later." Sabi pa nito bago ito umalis. Halata ko ang pag-aalala sa mga mata niga.

...

Naalipungatan naman ako ng may marinig ako. Ginala ko ang paningin ko sa kwarto ni Gracie at nakita ko si Sac na nakaupo sa may silya sa study table ni Gracie na nakatingin sa akin.

"So-sorry nakatulog rin ako."  Mahina kong sabi. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Gracie sa pagkakayakap sa leeg ko. Gumalaw ito at kaagad kong tinapik-tapik ang binti nito para makatulog ng mahimbing ulit.

Tumayo na ako at tumingin ako sa orasan at nakita kong ala-una na ng umaga. Nakaidlip ako habang binabantayan ko si Gracie. Matagal bago ito tumigil sa pag-iyak at tuluyan ng natulog dahil sa pagod kakaiyak.

"Let's talk outside." Sabi nito. Naglakad palabas si Sac at sinundan ko ito pero sinigurado ko munang mahimbing na talaga ang tulog ng bata. I hope paggising niya ay maayos na siya.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko itong naghihintay sa akin. Sinundan ko lang ito sa paglalakad. Maya-maya ay narating namin ang veranda nila sa taas ng bahay at doon binuksan nito ang glass door at pinapasok ako sa veranda.

Naupo ako sa isa sa mga komportableng upuan doon at tumabi naman si Sac sa akin.

"Si Estelle?" Tanong ko.

"Umuwi na siya." Tumango ako. Baka kasi kung anong isipin niya at kasama ko si Sac ngayon.  "What happened? Bakit nag-iiyak ng ganoon si Gracie?"  Napatingin ako sa malayo sa tanong niya  Bahala na. Maniwala man siya o hindi kailangan kong sabihin ang nangyari. Para ito kay Gracie.

"Kung anu-anong sinabi ng Lola niya sa kanya. And I was there and I witnessed it. Masakit magsalita ang nanay mo Sac at kung paano niya pagsalitaan si Gracie pati na ang Mommy nito. Matotrauma talaga ang bata. Aware ka ba dito?" Nagbuntong-hininga lang ito sa akin. "Kung ayaw mong maniwala bahala ka. Pero try mo lang obserbahan ang pakikitungo ng ina mo sa anak mo at kung paano ang anak mo sa kanya.  The way she treated your daughter is not the the way a grandmother should treat her granddaughter. Naiinis ako talaga sa nanay mo, Sac, sobra!" Nakuyom ko na lang ang palad ko sa sobrang inis ko.

"Sorry." Napatingin naman ako sa sinabi ni Sac. "Nadamay ka pa tuloy." Umiling-iling pa ito. "Whay exactly did she say?"

"Do you really want to know?"

"Yes, Rachel, I need to."

"Sinabi niya na kung hindi niya makakasundo ang girlfriend mo magpunta na lang siya sa kabilang lola niya at kayo raw ni Estelle ay magkakababy ulit kapalit niya. This may sound shallow to you but it was said to a five year old girl, Sac. Tapos sinabihan pa niya na 'puta' raw ang Mommy Hannah niya at wala raw siyang apo na galing sa puta." Bumalik ang lahat ng galit ko sa nanay ni Sac dahil sa pag-alala ko ng sinabi niya kanina. "It is just sad that all those hurtful words came from her grandmother. Sorry, Sac, but from that encounter with your mother I know I don't like her."

"Mom..." Hinalamos nito ang palad niya sa mukha. "Sometimes she is just so...just so...tsk!"

"Bakit ba ganoon ang nanay mo kay Gracie at kay Hannah? Parang ang sama-sama ng loob niya sa mag-ina mo."

"Hay, Rachel, it is best that you stay away from this." Tiningnan ko ng masama si Sac.

"Alam mo Sac, kahit hindi ko kaano-ano si Gracie pero alam mo concerned ako sa bata. Nakita ko ang nangyari kanina at maaring hindi lang isang beses naranasan iyon ng anak mo. Gusto ko lang malaman bakit ganoon makitungo ang nanay mo sa bata tapos sasabihan mo ako na best to stay away? Nawitness ko na nga tapos pagkakaitan mo pa ako ng impormasyon?"

"Masyado ka kasing naghihimasok ng buhay ng may buhay."

"Well, pakialamera kasi ako." Inis kong tugon sa kanya.

"Halata nga." Inirapan ko na lang ito. Huminga naman ito ng malalim. "Gracie is a mistake that Hannah and I made from one night of being not ourselves." Napatingin ako sa kanya at nakatingin ito sa malayo.

"What-what do you mean?"

"C'mon Rachel I know you're not stupid." Umiling ako. Hindi ko talaga makuha. "One night stand."

"Oh!" Tumingin naman sa akin si Sac at ngumiti ito sa akin. Pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako. "Bakit not yourselves? Hindi ko makuha iyon."

"A few months left and I am about to marry Estelle. I was engaged to her. Palagay ko naman alam mo na iyon." Tumango ako. "But I met Hannah in that squalid restaurant , she was so pretty, so different and I was attracted to her. I kept on visiting her restaurant and we got to know each other. One night of alcohol and flirting we made a mistake, I got her pregnant then I needed to choose quickly. Mahal ko si Estelle alam mo ba 'yon pero iniwan ko siya ng ganun-ganun lang dahil kay Hannah. I left her because I needed to be responsible. I needed to choose Gracie because it was not fair for her to live without a father because of his selfishness. It was our mistake and I didn't want her to suffer. And because of that choice my Mom was so angry to Hannah. Hindi naman kasalanan ni Hannah lang iyon. Pareho namin kasalanan. When I married Hannah doon na nagsimulang maging ganyan si Mom. It was my fault all along. It was my fault. Hindi ko alam hanggang ngayon..."

Natahimik ako sa kwento ni Sac.  Nalulungkot ako sa maraming parte ng story niya. Nalulungkot ako para kay Estelle dahil siya ang naiwan pero nalulungkot din ako para kay Hannah dahil sa trato ng ina niya rito. At si Gracie being unwanted. Ito na naman ang awa ko sa bata.

"Did you regret having Gracie?" Tiningnan ko siyang mabuti at hinintay ko ang sagot niya.

"No, Rachel, never once that I regret having Gracie. She was a beautiful mistake that made me who I am today. She was the broken path that gave me direction in life." Ngumiti ako.

"Thank you for feeling that way."

"Why are you thanking me?" Hindi makapaniwalang tugon nito.

"Thank you kasi hindi mo sinisisi ang anak mo sa kung anong hindi magandang nangyari sa buhay mo. Walang kasalanan ang bata, Sac, sana maintindihan iyon ng Mommy mo. Sana makumbinse mo siyang intindihin ang katotohanan na iyon."

"I will talk to her again about that and I will ask her what happened today. Mukhang hindi ko na talagang napagtutuunan ng pansin ang anak ko."

"Hindi pa naman huli, Sac. Lagi naman may chance." Tumango ito. "Sac, pasensiya na talaga sa pangingialam. Pero mahal ko na kasi ang anak mo...at nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan at kapag may nanakit sa kanya. Gustuhin ko man lumayo sa bata pero naiisip ko pa lang na gawin iyon ng tuluyan--"

"Don't Rachel." Natigilan naman ako sa pagsasalita niya. "Please...continue loving Gracie." Tumitig naman ako kay Sac sa sinabi niya na para bang nagmamakaawa siya.

"I will Sac. I will continue loving and caring for your daughter."

Nabigla naman ako ng kinuha niya ang kamay ko at pinisil ito.

"I owe you a lot, Rachel.  Thank you." 

Continue Reading

You'll Also Like

172K 6.9K 51
Walang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nila...
556K 20.7K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.2M 182K 28
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
527K 9.2K 41
When we love we became stupid. When we love we give everything that we have. When we love we became another person we thought we wouldn't be. When w...