Chapter 17

5.7K 246 82
                                    

Nakadisplay sa malaking hall sa kilalang five star hotel ang lahat ng mamahalin painting namin mula sa third floor. Meroon exhibit ngayon at puro sa mga kilalang artist ang ishoshowcase. Hindi lang painting mula sa third floor namin maging ang mga painting sa ibang gallery ni Sac ay nandito rin para sa exhibit. Hindi lang ito exhibit at para makabenta kundi apart ng proceeds ay mapupunta sa mga sampung orphanage na pinili ng kumpanya namin.

Kumuha kami ng kwarto sa hotel at magkakasama kaming lahat ng babae sa room. Bumaba lang ako saglit dahil isa ako sa in-charge ng event at kung nakalatag na properly ang mga paintings. Victorian era ang theme ng event at maraming kilala at mayayamang tao ang inimbitahan.

Bumalik ako sa kwarto namin para magbihis at nakita ko naman ang mga kaofficemate ko na bihis na. Nakagown  sila na combination ng modern at Victorian era. Nakalow neckline si Becca at Mary samantalang closed neckline naman ang hr at accounts manager. Mas pinili ko na lang din ang closed neck na gown na inarkila namin.

Umikot-ikot si Becca sa amin lahat at mukha siyang prinsesa. Bumagay sa kanya ang light blue na gown.

"Palagay mo Rachel mapapansin ako ni Sir Isaac sa suot ko." Ngumiti ako kay Becca.

"Hindi lang si Sir Sac ang makakapansin sa'yo." Sagot ko. Totoo naman. Maganda talaga si Becca at hourglass ang figure niya.

"Sinabi mo yan Rach ha?"

"Naku iyan si Becca tingin niya sa'yo karibal ka niya kay Sir Isaac." Bulong pa sa akin ni Mary. Natawa na lang ako. "Close raw kasi kayo tapos nakilala mo pa iyon friend niya na si Ms. Niel at naglunch kayo. Naghihimutok iyan babae na iyan." Napailing ako.

"Ikaw talaga Becca hindi mo ako karibal kay Sir Sac. Hindi ko nakikita ang sarili ko romantically involved with him. Kaya lang napasama ako sa nun dati kasi dati kong estudyante iyon anak ni Niel at ni Sir Sac. So medyo magkakakilala na kami." Palagay ko naman ay hindi pagsisinungaling ang ginawa ko.

"Ay talaga? Nasabi mo nga na sa school ka dati." Tanong pa ni Becca.

"Yup, so Becca harmless ako mali ka ng tao na pinagseselosan." Ngiting-ngiti si Becca sa sinabi ko.

"So meaning may pag-asa sa'yo si Aaron." Napairap ako kay Becca.

"Aaron? Paano napasok si Aaron dito? Aaron is a nice guy but--"

"But what?" Napatingin naman ako sa likod at nakita ko naman ang outlandish kong immediate boss. Talagang true to the theme ang itsura niya at may kasama pang baston to complete the ensemble.

"You are a nice guy but very whimsical." Sabay ngiti ko. Totoo naman na whimsical siya. "Wow talaga, Aaron, wow! Ikaw na talaga ang best dressed sa gabi na'to." Pinagtaasan lang ako nito ng kilay.

"Well, I know that this is the night that you will finally fall into my arms." Inirapan ko siya. "Anyway, we need to take a walk downstairs to see if everything is in order. Sac made me the overall in charge so he can see me suffer while he go philandering with other ladies! That bastard!" Umiling na lang ako. "Let's go cupcake." Inabot pa nito ang kamay niya sa akin at kinuha ko ito at sinukbit niya sa elbow niya. "Ladies, we'll go ahead. See you later." Sabi pa nito sabay kindat sa kanila. Nakita ko naman namula si Mary.

"Ang landi-landi mo talaga." Sabi ko sa kanya pagkalabas na pagkalabas namin.

"If you don't want me to flirt to other girls then let's have a relationship." Natawa ako.

"Hindi kita pinipigilan makipagflirt. Sabi ko lang ang landi mo. At please lang tigilan mo na ako, Aaron. Nauuta na ako sa panlalandi mo sa akin."

"Well, gagawin ko ito until sa pumayag ka na maging tayo."

Impression on the HeartWhere stories live. Discover now