The Vicant's Crest (Wattys 20...

By marcshelby

149K 8.9K 1.8K

Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and pr... More

Promote
Webtoon Version!
The Vicant's Crest
Prologue (unedited)
Chapter 1: Convince
Chapter 2: The Thief
Chapter 3: Vicant's Crest
Chapter 4: Vicants
Chapter 5: Palace
Chapter 6: The Deal
Chapter 7: The Questionable Rule
Chapter 8: Ten New Recruits
Chapter 9: Truth About The Game
Chapter 10: Facing The Archery
Chapter 11: White Summoner
Chapter 12: The Lightning Ability
Chapter 13: Players
Chapter 14: Enchantress' Chant
Chapter 15: Her Being Frustrated
Chapter 16: The Deleterious Vines
Chapter 17: Froze
Chapter 18: Tenebrific
Chapter 19: Savior
Chapter 20: Cantis' Explination
Chapter 21: Talking To Zach
Chapter 22: Excuse
Chapter 23: Acception
Chapter 24: Caught
Chapter 25: Finding Her Own Home
Chapter 26: Klon
Chapter 27: She Hide Them
Chapter 28: Fight
Chapter 29: Emotions
Chapter 30: The Feeling Of Being Invisible
Chapter 31: Jill?
Chapter 32: The New Protector
Chapter 33: How To Choose Youself?
Chapter 34: Burden
Chapter 35: Burden 2
Chapter 36: Guilty
Chapter 37: Battle Field
Chapter 38: Tournament
Chapter 39: The Ring Of Fire
Chapter 40: The Greatest Downfall
Chapter 41: Cursed?
Chapter 42: Her Promise
Chapter 43: The Plan
Chapter 44: Truth Behind The Black Shadow
Chapter 46: The Confrontation
Chapter 47: Feelings
Chapter 48: Black Light
Chapter 49: Reena's Ability
Chapter 50: Final Chapter
Epilogue

Chapter 45: Her Goodbye

1.3K 109 31
By marcshelby

"Paanong nabawi niyo si Leo nang wala man lang kapalit kay Enchantress?"

Mula sa mesa na kinauupuan naming magugrupo ngayon sa kitchen hall ay nagtanong si Sev habang patuloy niyang kinakain ang pagkaing nakalagay sa kanyang plato.

Maging sina Jill, Lara, Kairus at Harmon ay hindi makapaniwala habang sila'y nakatingin kay Leo na ngayon ay kumakain na ng pagkain. Mukha nga itong vegetarian ngayon dahil masiba siya sa pagkain ng mga gulay na nakahain sa hapag.

Naririto kami ngayon sa kitchen hall, sa gilid. Napagpasyahan kasi ni Jill na magsama-sama na lamang kami rito mula kanina pa. Actually, kaming dalawa ni Sev ang nauna rito. Ngunit nakita kami ng grupo ni Jill pati na sina Zach at si Leo kaya't pinasabay ko na silang lahat dito sa iisang mesa. Sabay kaming kumakaing lahat.

Mabuti na nga lang at nakilala pa nila si Leo noong makapasok kami sa loob ng palasyo. Isa pa, nakasuot pa naman siya ng Vicant's suit kaya't medyo mayroon pa siyang swerte upang makilala ng ibang mga kasama namin dito sa loob. Pinayagan na rin siya nina Cantis at ni Mrs. Crow na dumito si Leo. Hindi na siya binigyan pa ng kwarto dahil ukupado na ang lahat at mayroon na iyong nagmamay-ari. Kaya pansamantala na muna siyang nasa kwarto ni Zach ng ilang mga araw.

Ang sabi ko sa kanya'y pagkaalis ko ay puwede na niyang tulugan ang ibinigay na kwarto sa 'kin, na siya namang pinayagan ni Zach at hindi na rin nakatanggi pa si Leo.

Sa totoo lang, ipinagbabawal ang pagsasama ng dalawang Vicants sa iisang kwarto upang matulog. Dahil baka magwala pa ng kanilang mga kapangyarihan lalo na't ang iba ay hindi pa nila kilala ang isa't isa. Sadyang napakaswerte lamang ni Leo na pinayagan siyang manirahan dito sa loob ng palasyo. And lucky to say, kapatid din naman siya ni Zach kaya't pinayagan na rin siyang makihati sa kwarto ni Zach.

Ang yapak ng mga sapatos ang siyang naririnig ng aking mga tainga habang namumutawi ang katahimikan sa loob ng kitchen hall. Wala man lang akong naririnig na kahit na anong kwento man lang na lumalabas mula sa bibig ng ibang mga Vicants.

Kung dati ay gustong-gusto nila akong mawala sa mga mata nila dahil ang tingin nila sa akin noon ay magnanakaw ng crest, ngayon ay pinapansin na ako ng mga ito. Dahil na rin siguro sa pagiging protector ko ng crest kaya't nagbago ang pananaw nila sa akin.

Tumigil sa pagkain ng lutong gulay si Leo saka siya tumingin kay Sev. "Dahil sa kapangyarihan ni Rhia," sagot nito mula sa katanungan niyang iyon saka niya ako tinungo ng tingin. Binigyan niya ako ng masiglang ngiti bago nito siniko ang kuya niyang busy sa pagkain ng noodles.

Nag-react naman ito't napaupo nang tuwid dahil sa ginawa ng lanyang kapatid. Napatigil din siya sa pagkain ng noodles. "Leo!"

"Ikaw na lang ang bahalang kumausap kay Sev, bro!" Nginitian niya ang kanyang kuya. Itinuro niya ang pagkain. "Busy ako sa pagnguya, oh!"

Napatawa naman ako nang mahina.

"Sa tingin mo, hindi ako kumakain?" Tanong nito sa 'kin.

"Kayong dalawang magkapatid kayo, huwag niyo na lang sagutin ang tanong ko," singit ni Sev sa kanilang dalawang magkapatid bago ako nito tinungo ng tingin. "Si Rhia na lang kakausapin ko. Ayoko kayong dalawang kausap."

Ipinagpatuloy ni Leo ang kanyang kinakaing gulay. Maging si Zach ay sumubo na rin ng noodles ngunit hindi niya inaalis ang tingin sa 'kin.

Bumuntonghininga ako. "Gaya ng sinabi ni Leo, ginamit ko ang kapangyarihan upang mabawi namin ang kapatid niya." Tukoy ko kay Zach na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin na para bang mayroon itong nais sabihin.

At mukhang nalaman ko rin ang bagay na iyon dahil naalala ko ang itim na liwanag na kumalat na sa buong magkabilang paa ko at nakita niya ang bagay na 'yon.

Iniwas ko ang tingin sa kanya.

Itinuon ko ang aking atensyon kay Sev na sumusubo ng pagkain.

"Phero pahano?" Tanong nito sa 'kin. Mayroong lamang pagkain ang bunganga nito at punong-puno iyon. Napapatingala na nga ito habang nginunguya niya 'yon. Matapos niyang lunukin ang kanyang kinakain ay agad niyang kinuha ang tubig saka niya agarang ininom 'yon. "Salamat, buhay pa 'ko. Muntik na 'kong mabulunan, binabantayan niyo lang ako?"

Napatawa na lamang ang mga kasama ko dahil sa sinabi ni Sev.

"I used my power to manipulate Enchantress. Oh well, you know who I am, Sev. At gaya ng ginawa ko kay Enchantress, puwede rin kitang saktan," sabi ko sa kanya. Pinalabas ko ang isang black shadow sa kinauupuan niya't ipinahawak dito ang mga paa niya. Sa pagkabigla'y napatayo ito nang wala sa oras. Binawi ko naman kaagad ang kapangyarihan ko. "Joke lang 'yang ginawa ko. Pasensya," pilosopong sabi ko sa kanya saka ako tumawa.

He snorted. "Nagtatanong lang nang maayos, eh!" Napakamot siya ng ulo.

Tumahimik na ito sa kanyang kinauupuan at ipinagpatuloy na niya ang kanyang kinakain.

Sinabi ko naman ang lahat ng mga nangyari kung paano namin nabawi si Leo mula sa pagiging creature ni Enchantress sa kagubatan nito.

Doon na rin naliwanagan ang grupo ni Jill nang sabihin ko ang bagay na 'yon.

After naming kumain sa kitchen hall ay napagpasyahan naming magtungo na lamang muna sa field upang makalanghap ng sariwang hangin.

Walang hanggang kasiyahan ang lumalabas mula sa mukha ni Sev habang siya'y nakikipaglaro kay Leo na naging red leopard at pilit niyang sinusungganan si Sev. Ngunit kahit ano'ng gawin ni Leo rito ay hindi pa rin niya talagang magawang saktan si Sev dahil tumatagos lamang ang buong katawan niya sa katawan ni Sev habang ginagawa niya ang bagay na 'yon.

Sina Jill, Lara, Kairus at Harmon naman ay naglalakad-lakad lamang sa kung saan-saan at mukhang mayroon silang mahinang pag-uusap.

Tinanaw ko lamang silang lahat habang busy sila sa kanilang ginagawa, habang ako ay nakatayo rito sa gilid ng upuang gawa sa bato. Kakatayo ko lang din dahil nangalay na ako sa pag-upo.

"Rhia," narinig kong sambit ni Zach sa gilid ko. Hindi ko siya namalayan na naririto na pala siya sa tabi ko. Ang sabi niya kasi sa akin ay magtutungo lamang siya sa punong paborito niyang puntahan. At mukhang nabagot na siya roon kaya't naririto na siya sa tabi ko. "Salamat," sabi pa nito.

Nilingon ko siya. Nakatingin din siya sa 'kin habang seryosong ang kanyang mga mata ay nakatitig sa mga mata ko.

"Salamat saan?" Takang tanong ko rito.

Wala naman akong nagawang kahit na anong bagay sa kanya ngayong araw bukod sa tinulungan ko siya nitong nakaraang mga araw upang bawiin niya ang kapatid niya kay Enchantress.

"Sa pagtulong sa 'kin," sagot naman nito. Bumuntonghininga siya saka siya umupo sa upuan. "Alam mo, you changed me."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Sinenyasan niya akong umupo sa upuan. Wala naman akong choice kundi ang sundin na lamang siya dahil napansin kong nagpalabas siya ng lightning power niya sa kanyang hintuturo. Napatawa ito nang wala sa oras dahil sa naging reaksyon ko.

"Kung 'yong pagtulong ko sa 'yo, wala 'yon, Zach. 'Di ba nga, sabi ko sa 'yo, sasamahan kita?" Ngumiti ako sa kanya. "Saka huwag mong sabihing binago kita. Ikaw mismo ang gumawa niyan para sa sarili mo dahil iyon ang sa tingin mo ay tama. Don't replace yourself to others just to change your own attitude. Nagmumula 'yan sa sarili mo at hindi sa iba."

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Tinanaw ko sina Sev at Leo na hindi pa rin tumitigil sa kanilang ginagawa. Patuloy lamang na inaasar ni Sev si Leo at si Leo naman, ayun, nagpapaasar naman sa kanya.

"Tingnan mo 'yong kapatid mo, ang saya-saya niya," sabi ko sa kanya. "Kaya kung magsusungit ka pa sa mundong ginagalawan mo, hindi mo makikita ang ganyang kalawak na ngiti sa mukha ng kapatid mo. Alam kong alam mong hindi niya gugustuhing maging masungit ka dahil lamang sa nahiwalay siya sa 'yo. You fixed yourself by the help of yourself. Ikaw at ikaw lang din ang nagpabago sa sarili mo, hindi ako. Sabi ko nga sa 'yo, hindi matutuwa ang kapatid mo kapag hindi mo binitiwan ang sakit na nararamdaman mo after you lost him."

Tiningnan ko siya. Nakatingin pala siya kina Sev at Leo. Ngunit saglit lamang din iyon bago nito tuluyang tumingin sa 'kin.

"Iyong itim na bagay pala sa paa mo?"

"Iyong patungkol nga pala sa nanay niyo ni Leo?"

Sabay naming tanong sa isa't isa.

Napatigil kami sa pagbuka ng aming mga bibig dahil sa nangyaring iyon.

Tumingin lamang sa akin Zach nang malalim. Tinitigan ko lang din siya. Sa huli, iniwas niya ang tingin sa 'kin bago ito tuluyang tinanaw ang kinaroroonan ng kanyang kapatid, kay Sev at sa grupo ni Jill na naglalakad-lakad.

Muli niya akong binigyan ng atensyon. "Maaari kong sabihin ang totoo sa 'yo, Rhia. But please, just keep it a secret. I don't want to lose my brother again." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Mainit-init ang kanyang mga kamay at napatingin ako roon bago ko muling binalingan siya. Ngumiti naman ako sa kanya saka dahan-dahang tumango. Binawi naman niya ang kanyang mga kamay. "Tama ka ng narinig noong binanggit ni Leo ang aming ina. Si Lunaress ang aming ina at siya ang pumaslang sa aming ama't nanguha ng kapangyarihan ng kapatid ko at nagsumpa sa kanya."

Ewan ko ba, pero ang seryoso masyado ni Zach nang sabihin niya ang bagay na 'yon.

Kaya pala hindi inaalia ni Lunaress ang tingin nito sa kanya noong nasa Tournament kami para sa laro. At sinabi pa ni Zach na binabantayan siya nito. At si Lunaress ang kanyang tinutukoy, ang kanilang ina.

Narinig ko ang mahinang pagbuntonghininga ni Zach. "Eh, ikaw, kailan mo balak sabihin ang itim na liwanag na nasa paa mo?" Tanong sa akin ni Zach mula sa katahimikang bumabalot sa pagitan naming dalawa.

Tiningnan ko naman ang aking mga paa dahil itinuro niya iyon. Muli na namang naging visible ang itim na liwanag na iyon at mas lalong kitang-kita iyon dahil naka-tsinelas lamang ako. Patuloy pa rin iyong umaakyat patungo sa tuhod ko.

Napakagat naman ako ng labi nang wala sa oras dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mabilis namang nawala sa aking mga paa ang itim na liwanag.

Tiningnan ko si Zach. "Nagmamakaawa ako sa 'yo, Zach, ayokong may makaalam nito na kahit na sino bukod sa inyong dalawa ng kapatid mo. Hayaan mong harapin ko ang bagay na 'to dahil ako lamang din ang gumawa ng itim na liwanag sa katawan ko."

Tanging tango lamang ang ibinigay ni Zach sa 'kin bilang sagot bago siya tumayo at nagpaalam na tutunguhin niya ang kanyang kapatid upang patigilin na ito sa pagsugod kay Sev.

Tumango lamang din ako sa kanya bago siya tuluyang lumayo sa 'kin.

***

Dumating ang araw na itinakda upang magpaalam na sa kanilang lahat. Naririto kami ngayon sa bulwagan habang si Cantis ay nakatayo lamang sa harap ng kanyang trono na nakain na ang buong katawan ng itim na liwanag. Napansin ko si Zach na panay ang tingin kay Cantis at sa akin ngunit hindi ko na siya binigyan pa ng atensyon upang hindi niya mapansin ang pagiging awkward ko sa kanyang ginagawa.

Nasa harap ako ng tatlong hadgan patungo sa trono. Maingay ang buong paligid at nag-uusap-usap ang mga Vicants about sa pag-alis ko.

Dumating ang grupo ni Jill na kinabibilangan nina Lara, Sev, Kairus at Harmon at nagtungo sila sa gilid ng kinaroroonan ni Mrs. Crow na nasa gilid ng hagdan at tumingin sa 'kin. Hawak ni Jill ang nagliliwanag na crest nang tunguhin ko ito ng tingin habang siya'y nakatingin sa 'kin.

Napansin ko rin si Archy na nagtungo sa gilid ni Zach. Marahan kong tinungo ang kinatatayuan ng magkapatid at si Archy. Nakangiti ang mga ito sa 'kin. Ngunit si Zach, ibang ngiti ang ipinapakita nito sa akin na para bang mayroon itong gustong ipahiwatig.

Itinuon ko ang aking atensyon kay Cantis. "Aalis na ako dahil tapos na ang ating kasunduan," umpisang sabi ko sa kanya. "Natapos na ang Tournament, Cantis, at bilang pagsunod sa kasunduan nating dalawa ay aalis na 'ko sa grupo niyo, ng mga Vicants at puputulin ko na ang ugnayan natin."

Pumasok sa isip ko ang masayang mukha nina Reena at nanay.

Mas magiging masaya ako kapag nakita na nila akong nakalaya na mula sa grupo ng mga Vicants.

There are too many butterflies on my tummy dahil sa kasiyahang nararamdaman ko.

"Naprotektahan ko na rin ang inyong crest at nabawi niyo na si Jill mula sa kamay ng mga Porquess kaya't wala na akong posisyon pa upang protektahan ang crest," sabi ko pa.

Napansin ko ang pagliliwanag ng palapulsuhan ko kaya't tiningnan ko iyon. Nakita kong nagliliwanag ang simbolo ng crest na naroroon.

Ilang saglit lang din iyon nang mawala na iyon ng tuluyan.

"At bilang kasunduan nating dalawa ay malaya ka nang makakaalis dito sa Vicant's Palace," sabi ni Cantis sa akin na labis na nagpalukso sa aking puso. "Tinatanggal ko na ang karapatan mo bilang protector ng crest at malaya ka na rito." Dagdag pa niya.

Ngumiti ako sa kanyang sinabi. Nilingon ko ang buong paligid ko.

Isa-isang nagsilapitan sina Leo, Zach at maging si Archy ay lumapit din.

"Thank you for saving me," sabi ni Leo sa 'kin.

Tumango lamang ako sa kanya.

"Rhia," tawag sa akin ni Archy. Nilingon ko naman siya. Tinanggal nito ang nakasuot na mask sa mukha niya saka ito ngumiti sa 'kin. "I know that you have a strong power when we're in field. At hindi ako nagkamali sa bagay na 'yon. I saluted you for being a member of Vicants and for being a protector of the crest!" Sumaludo siya sa 'kin.

Binigyan ko siya ng malawak na ngiti. "Salamat, Archy," sambit ko sa kanya. She slowly nodded before she leave me at nagtungo na ulit sa gilid.

"Rhia," narinig kong sambit ni Zach sa pangalan ko kaya't nilingon ko ito. "I-I know that I have too many wrongs that I did on you. Ngunit pinagsisisihan ko iyon. I never expected that you're the way para makasama ko ang kapatid ko. You're the one who slapped me na hindi solusyon ang galit sa mga problema. At labis kong ipinagpapasalamat ang bagay na 'yon. I lo-"

"Tama na 'yan, ako naman,"

Naputol ang sinasabi sa akin ni Zach nang biglang sumingit si Sev sa harapan naming dalawa sabay mahinang itinulak niya si Zach palayo sa kinaroroonan nito.

Napatawa naman ako sa naging asta ni Sev at sa naging reaksyon ni Zach na hindi na nakagalaw kaya't hinila na siya ng kapatid niya patungo sa kanyang gilid.

"Rhia, ayokong mag-drama," iyon lamang 'yong sinabi niya sa 'kin bago ako nito niyakap. "Pero salamat sa pagturing mo sa akin bilang isang tunay na kaibigan. Pinaramdam mo sa 'kin na hindi ako invisible sa mundong ginagalawan ko. Salamat!"

Siya lamang din ang kumalas mula sa pagkakayakap niya sa 'kin.

"You don't need to say that you're invisible to other's eyes because they don't need to be visible for you just to see your worth. You have your own uniqueness and you're strong, Sev. Alam kong makakaya mong lampasan ang lahat ng problemang dumarating sa 'yo."

Ngumiti ako sa kanya. Napansin ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata ngunit bigla niya iyong pinunasan.

"Teka, umiiyak ka ba?"

"Hindi," agarang sagot nito. "Napuwing lang ako."

Tumango lamang ako sa kanya.

Naglakad na siya pabalik sa kanyang puwesto.

Nakita ko namang naglakad si Jill palapit sa 'kin. "Salamat sa pagbawi sa 'kin sa grupo ng mga Porquess at sa pagprotekta mo sa crest, Rhia." Hinawakan niya ang balikat ko. "You're strong indipendent woman. Thank you for all your sacrifices. We owe you a lot!"

I nodded on her.

Pagkatapos ng pag-uusap naming lahat ay saka na nagpasyang magtawag si Cantis ng aking masasakyan patungo sa bungad ng bayan.

Gaya ng sinabi ni Cantis ay inihinto ng driver ang karwahe sa nasabing lugar. Bumaba ako roon habang nakasuot na ng ordinaryong kasuotang ginawa ng mga mananahi para sa akin.

Nakita ko pa ang pag-alis ng karwahe bago ako tuluyang naglakad papasok ng bayan.

Ilang metro lamang din ang nalalakad ko mula noong bumaba ako sa karwahe ay napansin ko na ang papatakbong babae patungo sa direksyon kung saan ko naglalakad.

Napahinto ako sa paglalakad nang mapantanto kong si nanay iyon na mabilis na mabilis ang pagtakbo. Napansin ko rin ang pag-aalala nito sa kanyang mukha.

"'Nay?" Niyakap niya ako nang mahigpit nang siya'y makalapit sa 'kin. Ramdam na ramdam ko ang pagpintig ng kanyang puso at mabilis iyon. "Nasaan si Reena?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko kasi siya makita. Hindi ko rin makita sa paligid kahit na nilingon ko na iyon. Wala akong makitang Reena sa paligid. Tanging mga tao lamang na namimili ng mga pagkain ang aking nakikita bukod sa mga tindero, tindera't mga paninda.

Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si nanay. Nakita ko nang buong-buo ang reaksyon nito. Wala siya sa ayos, magulo ang kanyang buhok. Isama pa ang basang damit niya at hindi ko alam kung saan siya nanggaling.

Ilang saglit pa'y napansin ko ang paghagulgol ni nanay.

"Rhia, ang kapatid mo, kinuha ni Klon at dinala niya ito sa palasyo ng Porquess!"

Continue Reading

You'll Also Like

62.6K 2.7K 35
✯ONGOING | The Alpha Goddess (Demigod Trilogy Book 2 of 3) After Heshiena, the daughter of Poseidon and Artemis refused to accept the Olympian thron...
101K 9.5K 52
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] Reverie races against time to finish the Grand Quest and request for Hiraeth's freedom, but the mission only uncover...
56.7K 5.6K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...
11.2M 504K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #02 β—’ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...