Sitio Series 3: Scheming List...

بواسطة oootksm

3.9K 422 85

[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for... المزيد

Sitio Series 3
Synopsis
Prologue
Mayor
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Mayor
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Mayor
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 17

40 7 1
بواسطة oootksm

Stupid Chase


Yung bumbunan ko nag-iinit, hindi pa rin ako maka move on sa pangyayaring iyon! Lalo na sa Rafiya na feeling santa-sanita! Kainis lang, simula ng araw na ‘yon pansin kong laging kinukuha ni Rafiya ang pansin ni Gremory kapag nababaling iyon sa akin. Para siyang nasa kompetisyon!

Tuwing sinusubukan kong kausapin at lapitan si Gremory ay nakaharang ito lagi. Tulad nalamang ngayon.

Tumikhim ako upang makuha ang pansin nito. “Gremory––”

Bigla nalamang sumabat si Rafiya na may inosenteng ngiti. “Gremory tawag ka ni ma'am!”

Nadagdagan ang pagka-irita ko. Naramdaman ko rin ang pagsipol ni Feitan animo'y sinasabing ‘wag akong papatalo. Ito ang friendship.

Gremory's brows were knitted. “Huh?” Mukhang pati ito'y naguguluhan sa nangyayari. Hindi ko inaasahang lingunin niya ako, madalas ay dedma ito lagi. Pero habol ako ng habol.. “What is it Dorothy?” Aniya.

Lumunok ako, hindi isang beses kundi limang beses. Mabuti nalamang ay hindi ako nasamid sa sariling laway dahil katangahan na ang tawag doon. “M-May ipinabibigay kasi si Deiry sayo..” Kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nito.

Ang totoo'y wala talagang balak na ibigay ni Deiry ang reviewers na ito, gusto nga nitong humanap si Gremory at mahirapan pero dahil malakas ako sakanya ay pinilit ko ito. Daan para makalapit at may dahilan para makausap siya.

“Well, what is it?” Tipid siyang ngumiti. Sapat na ang maliit na galaw sa gilid ng labi nito para kiligin ako. “Dorothy?” Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag sinasambit niya lalo kapag may halong lambing at hindi laging nakasigaw.

Dahan-dahan kong inabot ang folder sakanya saglit na nagdampi ang aming mga balat. “A-Ayan na..” Nag-iwas ng tingin dahil kinikilig.

Ang sunod na pangyayari'y hindi ko inaasahan dahil ang lalaking may lahing sama ng loob at yelo ay ngumiti! Ngumiti ng hindi pilit! “Thanks.”

Nagdadabog na lumabas si Rafiya marahil ay hindi nagustuhang naungusan ko siya ngayon. Pero wala akong pake, ang ayaw ko sa lahat ay ang mga nagbabait-baitan lang at may tagong ugali. Akala ko pa man din..

Dalawang araw mula ngayon ay prom na namin, excited na akong isukat iyong gown. Ngumisi ako, gugulatin ko sila sa prom. Napawi ang aking ngiti kahit ata gaano kaganda ang araw ko'y marami talagang sumusubok na sirain ito.

Magkahawak kamay.. Natulala ako habang pinagmamasdan sila, para bang may kung anong bagay ang pumipigil sa normal kong paghinga, ang puso ko'y naninikip sa tanawing iyon.

Huminga ako ng malalim at itinabi nalamang ang box kung saan nilalaman nito ang salaming pinaayos ko dati. Iyong salaming nabasag noon, na alam kong mahalaga para kay Gremory. Mas lalong nanlamig ang aking buong sistema ng biglang maglapit ang mga mukha nila, maghahalikan ba sila?

Natulos ako sa kinatatayuan ng biglang mandilim ang aking paningin, may tumakip ng aking mata dahilan upang hindi ko makita ang pangyayari. Ramdam ko ang bigat ng hininga nito, nagpipigil. “Tss.” Ang planong pagprotesta ay hindi ko na nagawa, nagpaubaya nalamang.

“Ang tanga mo Dorothy. Nakakairita ka na, martyr ka ba? ” Rinig ko rin ang tinig ni Deiry. “Shit, kahit ilang beses kong sampalin si Gremory ay walang mangyayari dahil ikaw naman talaga ang may problema.” Mukhang naubos na ang natitirang pasensya nito. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mong ipagpilitan ang sarili sa bagay na pilit kang pinagtatabuyan?! Pinagbibigyan kita lagi dahil alam kong doon ka masaya! Pero sadista ka ba?! Wake up Dorothy, he's not worthy! He is a damn flag pole! A walking flag pole that is full of red flags!” Kumibot-kibot ang aking mga labi kahit na nakatakip ang aking mga mata.

Ngayon niya lamang ako pinagtaasan ng boses..

Ano ba Deiry,” saway ni Feitan. “Huwag ngayon. ” Anito.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni Feitan paalis sa aking mga mata, mabilisan akong hinigit nito para bang ikakamatay ko kung lilingon ako sa parte ng park na iyon. “I’m sorry..”

Napapikit ako ng malakas na humugot ng hininga si Deiry. Pinipigilang mainis, alam nitong kapag galit siya'y kung ano-ano ang maari niyang masabi.. “Stop this nonsense chase Dorothy. Give up, if you're hoping that Gremory might have a change of heart. Then keep on dreaming, he is dangerous, he is ambitious, a plotting reincarnated devil with his scheme.”

Kinagat ko ang pang ibabang labi. “Huwag mo namang pagsalitaan ng masama si Gremory, Deiry. ” Matiim ko siyang tinitigan. “Alam nating mabait siya, hindi ba’t ikinuwento ko ang mga ginawa niya noon? Siguro may nagawa lamang ako kaya siya nagbago. Pero wala kang karapatang pag-initan siya lagi,” alam kong sa mga gagawin ko ngayo'y pwedeng masira ang kung anong meron sa amin ni Deiry. “Mabait siya Deiry. Bigyan mo siya ng chance.”

“Damn, fucking hundred of chances! I gave him! I fucking hoping that my best friend is right!” Puno ng pagkasiphayo ang boses nito. “But no! He's a asshole! I warned you thousand of time, are you even listening? No! Because for you everything needs chances! Hindi ganoon! One chance is good, second is enough but fucking continues chances to give him is not! ”

Pagod kaming nagkatinginan, kapwa pinipigilang may masambit pang makakasira ng kung ano ang meron kami. Tumalikod si Deiry, bakas sa mukha nito ang pagod. Pagod sa akin, kapaguran sa lahat. “Deiry..” Nag-aalalang sambit ni Feitan. “Please, don't leave settle this first..”

Deiry gave him a tight smile before giving me her attention and eventually she nodded. “I’m tired. I need to rest.” At umalis na.

Naiwan kaming dalawa ni Feitan, sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha para bang gripo na nakabukas. Ang mahihinang hikbi ay naisantinig, ito ang unang beses naming magkasagutan. Tuluyan ng humakbang paabante si Feitan, niyakap ako ng mahigpit upang bigyan ng suporta.

“Magiging ayos din ang lahat..”

________________

Dumiretso ako sa stage ng school, inimbitahan ako ni Cosmos na manood ng kanilang practice dahil isa sila sa magpe-perform sa prom. Matamlay na kung matamlay dahil wala ako sa sarili, binabagabag ng konsensya at mga negatibong ideya.

Isang pares ng panlalaking sandal ang humarang sa pagtitig ko sa lapag. “Why are you here?” Napaangat ako ng tiningin. “Did Cosmos invited you again? Aren't you supposed to be with Rodriguez? ” Nanunuya ang paraan ng pagsasalita nito. “You said you like me, even doing shits and invading my personal boundaries yet you're with that man.” Matalim niya akong tinitigan. “Pinaglalaruan mo ba ako?”

Tila nalunok ko ang aking kakayahan na magsalita, hindi makapa ang tamang sasabihin. Ako pinaglalaruan ko siya? “Hindi kita maintindihan, Gremory.” Ani ko.

Ngumisi ito, hinawakan ang magkabila kong balikat. Mabigat ang mga kamay niyang nakahawak sa parteng iyon, napa-igik ako. “You’re a pathological liar. ” Nakakatakot ang mga titig niya. “I hate you, I really hate your guts from the start. You don't leave me alone even though how many times I push you. Do you even understand what I am saying?”

“N-Nasasaktan ako..” Ungot ko. Nanginginig.

Humalakhak ng nakakaloko si Gremory. “Hindi mo pala naintindihan ang sinasabi ko dahil hindi ka naman ganoon katalinuhan.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga salitang naririnig ko sakanya. Ang bigat ng pakiramdam ko. “You know what? Go, flirt with that Rodriguez I don't fucking care. Stop pestering me, ” marahas ang pagtanggal nito ng kanyang mga kamay sa aking balikat. “Stop trying to fit on my world. You won't like it, your stupid chase disgust me Dorothy. Have atleast a teaspoon of decency, you're so fucking low.”

Lumipad ang palad ko sakanyang pisngi. Ito ang kauna-unahang beses na naubos ako, na hindi ko na nakaya ang mga salitang lumalabas mismo sa bibig niya. “Tangina mo pala eh!” Sigaw ko, nanginginig ang boses.

Walang pagsisisi sa mukha ni Gremory. Hindi ito natinag. “Is that all what you got, huh?” He is good at making me feel so worthless and at the same time a trash. I tried.. I gave it a try for the sake of my feelings.. Gremory, he the person that gave me inspiration to carry on with my life.. “Psh, look at you. Compared to Deiry your not even her level especially Rafiya. You're not her level so stop bugging her like a psycho.” Galit na galit ito.

 

Walang pag-aatubiling inihagis ko ang kahon sakanya na nasalo naman nito. “Akala ko magbabago ka. Gago ka!” Garalgal ang tinig, napansin kong papalapit na sila Cosmos at ang iba pa nitong kabanda. “Tama ka bobo ako, tama ka para akong asong buntot ng buntot sayo kasi gusto kita! Kasi kahit gaano kapangit ang ugali mo'y gusto kita!” Sigaw ko. “Pero ni minsan ba nirespeto mo ako?! ” Pagak akong natawa. “Baliw na siguro ako, bakit nga ba ako nagkagusto sayo? Pilit kitang dinedefend kay Deiry. Hindi mo ako magawang irespeto dahil sa tingin mo’y wala akong respeto sa sarili ko dahil panay ang pilit ko?” Hindi ito kumibo. Para siyang batong walang pakiramdam, ni emosyon niya’y wala akong makapa. “Hindi kita nagustuhan dahil sa mga kapuri-puri  sayo,” huminga ako ng malalim pilit pinupunasan ang luha. “N-Nagustuhan kita bilang ikaw, nagustuhan kita kahit ang gaspang ng ugali mo, kahit na para kang bato... Kahit na lagi kang sinasabihang selfish ng mga kaklase nating lalaki, kahit na wala kang ginawa para pigilan si Ivory.. ” Diretso ko siyang tinignan. “Gusto kita, Gremory. Pero tama ka rin, wala akong mapapala sayo. ” Mapait akong ngumiti. “Ito na ang huling ipagtutulakan mo ako palayo, huling beses na masasabihan mo ako ng mga insulto. ”

Nahagilap ng aking mata sila Cosmo na nakakunot noong lumalapit sa amin. “Anong.. Bakit ka umiiyak Dorothy?”

Hinayaan ko lamang si Cosmos. “Tinanggap ko lahat ng pagpapahirap mo sa akin magmula noon dahil wala akong ibang naiisip kundi ikaw. Martyr, sadista, tanga, bobo o kahit ano pang salitang ibato mo tatanggapin ko. Ngingitian pa kita,” sinubukan kong ibalik sa normal ang aking hininga. Nagpupuyos, nasasaktan. “Hindi ako sumuko kasi ikaw lang ang meron ako. ” Sa unang pagkakataon ay itinapon ko na ang maskarang pilit kong isinusuot. Itinaas ko ang gitnang daliri na nakapagpabigla sakanilang lahat.

Sino nga bang mag-aakala na ang isang inosente, tanga, bobo na walang alam sa mundo ay kaya palang gumawa ng ganito?

Lumapit sa akin si Troy. “Dorothy..”


Binigyan ko ng isang nakakalokong tingin si Gremory. “Fuck you. A
reincarnated devil.” Walang salitang lumabas sa aking labi. Pinunasan ko ang luha at naglakad na papalayo kahit pilit na sinisigaw nila Cosmos ang pangalan ko.

_____________
#Stupid chase

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

25.5M 767K 76
"You are mine!" He roars. "I will do whatever it takes to make you know that. Whether it means I lock you up in a prison and throw away the key." Foo...
1.4M 34.4K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.2M 66K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
305K 6.8K 41
Y/N has a normal life. She has a sickness. She was happy when their family was complete but little did she know that she has 7 brothers not until whe...