The Playing Coach's Manager (...

By LousyLoserRuri

14.3K 1.1K 343

[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hin... More

The Playing Coach's Manager
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Extra Part (Character Trivia and some sketches)
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy One
Chapter Seventy Two
Chapter Seventy Three
Chapter Seventy Four
Chapter Seventy Five
Chapter Seventy Six
Chapter Seventy Seven
Chapter Seventy Eight
Chapter Seventy Nine
Chapter Eighty
Chapter Eighty One
Chapter Eighty Two
Chapter Eighty Three
Chapter Eighty Four
Epilogue

Chapter Fourteen

210 15 14
By LousyLoserRuri

[Tyrone]

"Tyrone, p'wede ka ba mamaya?" Tanong Kenji sa akin bago kami magsimula ng practice.

"Aayain mo ba akong magpares?" Pagbibiro ko.

Napapikit ito. "Hindi. Basta, importante."

Duon ako nakakuha ng signal na seryoso gusto niyang sabihin. "Okay, ako bahala. Basta bilisan mo lang kasi laban na natin bukas ng umaga." Sabi ko.

Bumuntong hininga to. "Sige, salamat."

Sa totoo lang, medyo napansin ko ngang parang hindi komportable si Kenji netong mga nakaraang araw. Pota, sana hindi sakit ng ulo na tungkol kay Gaby na naman ito. Nauumay na ako sa babaeng 'yon. Pero mukhang nababagabag talaga si Kenji eh. Dapat nasa kondisyon siya kase laban na namin bukas. Potangina kinakabahan ako tuloy.

Maaga kaming nagtapos ng practice. Ang dati'y alas otso na tapos na practice, ginawa naming alas sais. Alas onse kasi ang laban namin bukas eh.


Nasa park kami ngayon ni Kenji. Iniwan ko siya saglit dahil bumili lang ako ng tubig para inumin namin at nakita ko na siyang nakalugmok sa bench habang nakalagay 'yung dalawang kamay niya sa buong mukha niya. Malaki laki nga problema neto.

"Oh eto, tubig." Binigay ko sa kanya. 

"Salamat." Kinuha lang niya 'yon tapos nilagay sa tabi niya at nagtakip ulit ng mukha.

Tangina parang mabigat 'to ah. 

"Anong problema?" Tanong ko at saka ako uminom ako ng tubig. "Si Gaby?"

Umiling ito pero nakatakip pa rin mukha.

"Eh ano?" Tapos uminom ako ulit ng tubig.

"Gusto ko si Marie." Ani nito at saka natakip pa rin ang mukha.

Ah.. si Marie.


TEKA POTANGINA ANO?!

EH NAKAKITA YATA AKO NG BAHAGHARI NANG MAIBUGA KO YUNG TUBIG SA HARAP KO.

"SI MARIE?!" Inuubo ko pang sabi.

Tumango ito pero nakatakip pa rin ang mukha.

"GUSTO MO?!" 

Tumango ulit.

"Kenji... ano bang-? Anak ng-"

"Alam ko-"

"Hindi eh- ano kasi-"

Huminga ito ng malalim at saka hinilamos niya sa mukha nya yung dalawang palad niya. "Ano ba 'tong ginagawa ko?"

"OO BUTI ALAM MO!" Sermon ko.

"Wala sa plano ko talaga 'to dahil ang dami kong responsibilidad- pero... hindi ko namalayan kasi eh."

"Eto talaga nagagawa ng pares 3 times a week." Sabi ko. "Ginawa n'yo ng maintenance eh."

Napahimas siya sa sentido niya habang nakayuko. "Pero alam mo kasi, Tyrone? Ibang iba 'yung nararamdaman ko kay Marie kung ikukumpara mo sa naramdaman ko kay Gab."

"Hm?"

"Nuong niligawan ko si Gab noon, excitement ang naramdaman ko. Ang iniisip ko kasi nuon, parati akong makakakuha ng ganoong energy sa buhay ko kaya niligawan ko siya. Pero 'yung nararadaman ko para kay Marie, kakaiba. Napakagaan ng pakiramdam ko pag kasama ko siya, comfort zone kumabaga. Nakakaramdam din ako ng excitement pag nakikita ko siya, pero hindi excitement lang, may halong... 'di ko mapaliwanag. Basta ang alam ko, basta kasama ko siya, alam kong magagawan ko ng paraan lahat ng problema. She always got my back kaya mas lalo akong ginaganahan sa lahat." Sabi niya.

"Lakas ng tama mo, pre." Sabi ko. Malala na si Kenji. 

"At pag ngingiti na siya sa'kin, ewan ko. Tumitigil na mundo ko."

Bumuntong hininga ako. Eto na nga ba sinasabi ko.

"Kenji, 'di ako against o kahit ano sa nararamdaman mo, pero gusto kong alalahanin mo lahat ng responsibilidad mo ngayon. At saka sinabi mo sa akin na 'di ka maggigirlfriend hanggat 'di ka nakakagraduate."

"Oo, isa pa nga ang mga 'yon."

"At si Gaby."

"'Wag mo na siyang ipaalala, please."

"Kung ako sayo, dahan-dahanin mo lang. 'Wag mong biglain nararamdam mo kay Marie. Alam kong kakaiba siya, aminado nga ako do'n eh, pero dahan-dahanin mo muna, Kenji. Isa-isa lang. Maraming nakapila na dapat mong asikasuhin, katulad ng laban ng team bukas."

Natigilan siya ng ilang segundo at matapos noon ay sa wakas at kinuha na niya yung tubig na binili ko at ininom niya. "Oo, tama ka." 

"Nahimasmasan ka na?" Tanong ko.

Bumuntong hininga ito. "Oo, dadahan-dahanin ko muna nga. Pero sana... kapag pwede na, pwede pa."

Malungkot ako para kay Kenji sa totoo lang. Sa sobrang daming responsibilidad na inako niya, ni hindi niya magawang ligawan 'yung babaeng gusto niya. Pero nandito na eh. Pero sana nga, pag pwede na siya, pwede pa si Marie. Hindi ako magsisinungaling, bagay nga sila.

"Salamat, Ty."

"Kita kits na lang bukas, coach."

----

[Kenji]

Humiga ako sa kama ko at saka nagmuni-muni.

Tama. Tama lahat ng sinabi ni Tyrone. Hindi ito ang tamang oras para isabay ko ito sa lahat ng responsibilidad na meron ako ngayon. Kailangan magfocus ako laro namin bukas.

Pero... si Marie.

Hindi ko alam kung mararamdaman ko pa ba sa iba yung nararamdaman ko sa kaniya, pero siya lang ang gusto ko. Sa totoo lang, natatakot ako at naeexcite din sa nararamdaman kong ito kasi... ewan ko ba. 'Di ko mapaliwanag, pero si Marie lang nakapagparamdam sakin nito. Gusto ko siya, gustong gusto. Siya lang ang may kayang magpagaan ng loob ko at magparamdam sakin ng ganito. Ayaw kong pakawalan ang nararamdaman kong 'to, pero kailangan ko munang isang tabi sa ngayon.  

Sana kapag puwede na, puwede pa.

Kinuha ko ang phone ko at tingnan yung pictures naming team sa gallery. Zinoom ko yung screen sa nakatawang Marie at saka ko hinalikan ang phone ko.

Kailangan ko munang unahin ang dapat unahin... pero matatapos din ito at ako naman ang lalakad papunta sayo... Marie.


---

Alas nuwebe ang usapan pero medyo nalate ako ng pagpunta sa train station para magkita-kita kaming team. 'Di naman sobra, mga 10 mins lang.

Nakita ko silang nagkukumpulan habang suot na ang varisity jacket nila. 

"Ayan na si Captain!" Sabi nila.

"Sorry na-late ako. Napahaba tulog ko." Sabi ko.

"Captain!" Sabi agad ni Marie. "Eto jacket mo." Inabot niya sakin ang varsity jacket ko. 

"Salamat. Bagay sayo yang jacket mo." Sabi ko. May sariling varsity jacket kasi si Marie at may tatak na 'MANAGER' sa likod.

"Hanep 'no? Haha." Ngisi nya.

"Yeah." Sabi ko sabay suot ng varsity jacket ko. "Tara na!"

"Opo!"


Kaya kong pigilin, alam kong kaya ko. Kailangan ko munang unahin ang responsibilidad ko sa team bago itong nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi naman mawawala si Marie eh, alam kong lagi ko siyang kasama, dahil kasama siya ng team.


---

[Marie]

Nasa bench na ako ng gym na paglalaruan namin against Sunset Eagles. Kasama ko si Cara magset up ngayon. Yung buong team naman, nasa room nila at nagkokondisyon na.

"Ang dami agad nanonood, ate Marie." Sabi ni Cara.

"Papahangain natin lahat yan."

"Tama!"

Maya maya pa, lumabas na ang Sunset Eagles sa kabilang banda ng gym. Totoo nga sinasabi ni Shane, nagretain mga graduating players nila. Ang tatangkad! Though matatangkad din naman mga seniors namin, lahat ng nasa kalaban, lagpas 190cm.

"Ang lalaki nila, ate Marie." Sabi ni Jam na nakaupo kasama ni Cara.

"Hindi lang sa tangkad nababase ang galing sa laro. Alam kong kaya ng team natin 'yan." Sabi ko.

Ilang minuto pa, lumabas na sa room ang team namin. Nakajersey na silang lahat, pero may suot pang tshirt ang mga freshmen dahil hindi pa sila maglalaro ngayon. Emerald Green ang kulay ng team namin. 

Focused ang lahat. Binigyan lahat ng 5 minutes para magwarm up at magpractice sa court nila. 'Yung kanila, siyempre, nagpapasikat na sila, pero yung team namin, sinabihan ni Captain na magbasic drill lang.

Ilang minuto pa, nagtipon tipon na kami.

"Malakas ang kalaban natin ngayon, kaya gusto kong ibigay ninyo na lahat ng natutunan niyo sa mga practice natin. 'Wag kayong magalala, kapag naibigay niyo na lahat, alam kong may matututunan ulit kayo sa mga susunod na practice, kaya dapat manalo tayo. Tinalo natin sila last year at uulitin ulit natin 'yon."

"Opo!!"

"Man to man muna tayo. Walang magpapabaya. Kapag nahirapan kayo, nandito lang ako."

"Opo!"

"Emerald Wyverns, FIGHT!"

"FIGHT!"

Ngayon ko lang nakitang ganyan kaseryoso ang mga senior players ng team namin. Unlike kapag nakikipag practice match sila sa freshmen na medyo paeasy easy lang sila, ngayon... talagang seryoso sila. Walang nagbibiro o nagtatawanan sa kanila at halata sa mga mata nilang gusto nilang manalo.

Sa totoo lang, sobrang focused ko sa mga bata ko, hindi ko alam masiyado kung ano anong mga pinagagagawa ng mga senior players namin sa practice. Nakikita ko sila minsan magpractice ng combination, pero 'yung iba.. 'di ko na alam.

"Ate Marie, ang seryoso ni Kuya Kenji ngayon. Parang nakaglue mata niya sa court." Bulong ni Cara.

"Ganiyan talaga si Captain kapag may laban, nagbabagong anyo." Sabi ko.

"So... normal lang yan?"

"Yeah,"  sabi ko sabay tingin kay Captain.

Kakaibang tao talaga siya.

Mas matangkad kay Ty ang sentro ng kalaban ng 2 inches... I think. Partida ha? 6'2 na si Tryone. Ampota, pinaglihi yata sa mga kapre 'tong mga 'to. Pero alam kong kaya nila 'yan.

Nagjumpball and whoa! PANALO SI TYRONE! ANG TAAS NG TALON NIYA!

The first quarter started with a blast. Yung unang-unang point ay sa amin and it's Jolo making the layup shot. Ang bilis na kumilos ni Jolo, mas mabilis pa sa siya kaysa sa practice match namin last week.

Pero hindi rin naman magpapatalo ang kalaban namin, in fact... masasabi kong magagaling talaga sila and well practiced. Ayon sa past records na nabasa ko, ang pointguard nila ang star player nila. Hindi nga makakaila dahil napakagaling ng pointguard nila magpasa at humanap ng kakampi na magshoshoot ng bola. 

2 minutes na lang ang natitira sa 1st quarter, 16-12 ang score, favor sa amin.

"Ate, ang galing ng team natin!" Tuwang tuwang sabi ni Cara.

"May inaaalala lang ako, though." Sabi ni Jam. "Nuong practice game namin sa kanila, hindi sila ganiyan kabilis kumilos. Pero alam kong seryoso na sila nuon. Ang inaalala ko, baka niliteral talaga nila yung sinabi ni Captain na ibigay lahat."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Cara.

"First quarter pa lang, binibigay na nga talaga nila lahat." Sabi ko. "Inaalala ko, baka mapagod sila ng sobra dahil sa ginagawa nila."

"Fourth years na mga kalaban nila ngayon at wala ni isa sa first five natin ang fourth year, kaya siguradong nasa isip nila na mas mabuting makipagsabayan at ibigay ang lahat sa umpisa kaysa sa maghabol sa mga susunod na quarters."  Dagdag ni Jam.

"Psychologically speaking, mas maganda talaga sa pakiramdam kapag lamang ang team niyo at nakakabawas pagod iyon, pero 'di magtatagal, bibigay din ang katawan nila sa pagod kung pupwersahin nila ang sarili nila." Sabi ko.

"May... may solusyon ba dito?" Tanong ni Cara.

"Kapag ang first five ay hindi natatakot mapagod sa laban either sobrang tiwala sila sa stamina nila at sa mga substitute players nila para humalili." Sagot ko.

"Mga freshmen? Mga 1st year lang kami, ate. " Sabi ni Jam.

"Hindi kayo, pero nandiyan pa naman si Red. Pero iisang tao lang naman ang nakaupo sa bench na pwedeng magpabago mg sitwasyon." Sagot ko.

"Si Captain?"

Tumango ako.

"Hindi ko pa nakikitang maglaro si Captain at wala akong ideya kung paano siya maglaro, pero given the thought na todo bigay ang mga seniors natin ngayon, ibig sabihin ganon na lang ang tiwala nila na sasaluhin sila ni Captain kapag napapagod na sila." Seryosong sabi ko.

Kapag nagkagipitan, anong himala ang gagawin mo, Kenji?

Natapos ang first quarter at lamang parin kami. 23-15 at sobrang ganda nga ng pinapakita ng team namin.

"Tyrone at Harold, may isa kang foul. Si Jolo, wala. Si Shane at Kian, may tig-dalawa." Paalala ko sa kanila habang nasa break ng 1st quarter.

"Nakakabwisit yung pointguard nila, pota, ang bilis kumilos." Angil ni Jolo.

"Maganda naman ang pinapakita mo." Sabi ni Kenji.

"Nagkaka-initan lang kami sa ilalim." Sabi ni Kian "Nanunulak yung iba do'n, putangina. Bobo naman ng referee, 'di napapansin."

"Nalalamog na nga si Kian doon." Dagdag ni Harold.

"Edi lamugin din natin sila," sabi ni Jolo.

"'Wag kayong magpapadala sa init ng ulo," sabad ni Captain. "Kian, pag alam mong ikakafoul nila movements nila, 'wag kang matakot. Magpabagsak ka kung kailangan." 

"Sige, noted."

"Jolo, wag kang matakot na ibigay lahat. Pag napagod ka na, ako bahala. Ikaw rin, Kian. Nandito pa si Red na forward natin." Sabi ni Kenji.

"Kating-kati na kong maglaro eh!" Sabi ni Red.

"Okay, team. LABAN!"

"LABAN!"

Nagsimula ang second quarter at mukhang may balak na kaming bawian ng kalaban. Kaya nila 'yan, alam kong hindi magpapatalo ang seniors namin.

Panalo pa rin sa jumpball si Tyrone. 'Di ko makakailang para sa isang center, ang flexible niyang maglaro. Pakiramdam ko, malayo pa ang mararating niya.

Maganda pa rin ang pinapakita ng team namin dahil nandoon pa rin ang mga magagandang combo nila at alerto pa rin si Jolo sa mga kasama niya. Kahit na naiinis na si Kian, hinahayaan lang niyang malamig ang ulo niya para hindi siya madala ng bwisit at makafoul. Si Harold naman, maganda performace sa blocking. At si Shane, madalas pumasok ang longshots at three points niya. Ang tanong, hanggang kelan kaya? Alam kong unti-unti na silang napapagod.

"FOUL! ORANGE NUMBER 7!" 

Napatayo kami nang makita naming bumagsak si Jolo sa ilalim ng ring. Maglalayup kasi siya dapat pero pinalpal siya mula sa likod at tinamaan ng braso ng kalaban ang mukha niya.

"Jo, okay ka lang?!" Sigaw ko.

Halatang unti-unti na siyang napapagod at bumabagal na rin ang kilos niya at alam kong lalo siyang nanghina dahil sa pagkakabagsak niya na' yon. He's been doing really good but I know, his stamina won't keep up that much. Second year lang si Jolo at ngayon lang din nasabak lumaban sa first five.

Bumagon si Jolo para magfree throw at kinausap siya saglit ni Tyrone.

Captain, hindi mo ba siya balak kunin muna at pagpahingahin? 

Sumablay ang unang tira ni Jolo pero pumasok ang pangalawa. Ang score namin ngayon ay 31-28. May limang minuto pa para sa second quarter.

"Ate, bumabagal na si Jolo." Sabi ni Jam.

"Napansin ko rin. Maganda ang pinakita niya nitong first quarter dahil nasabayan niya ang ace ng kalaban, pero hahabol talaga ang pagod ng katawan." Sabi ko. 

"Ang masama niyan, consistent pa rin ang performance ng kalaban. Hindi sila bumabagal o ano, ang atin, unti-unti na." Dagdag pa ni Jam.

Napatingin ako kay Captain at hindi pa rin siya kumikibo. Tahimik pa rin siyang nanonood.

Kung siguro yung coach namin 'to nuong high school ako, binulyawan na kami dahil bumabagal na mga galaw namin. Pero si Captain, wala... tahimik pa rin. 

Kenji, anong gagawin mo?

Natapos ang 2nd quarter sa score na 36-34. Delikado na.

Pagbalik nila sa bench, hinihingal na sila at halatang unti-unti nang binabawian ng lakas. Pero pinakahalata ang pagod ni Jolo. Inabutan ko silang lahat ng energy drink. 

"Captain," ito ang unang beses na susubukan kong kausapin si Kenji habang nagcocoach siya. "Pagod na si Jolo." 

"Alam ko." Tipid nitong sagot.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Wala ba tayong gagawin?" Medyo inis kong tanong.

Tumingin si Kenji sa akin, "Konti pa. Ayaw kong bawiin ang fighting spirit ni Jolo." 

"Fighting... spirit?" I am confused as fuck. He's tired and what can we do with that fighting spirit if napapagod na siya?

"Marie, lumalaban si Jolo sa ace ng kalaban at alam kong kahit na napapagod siya, naeenjoy niya ang ginagawa niya. Gusto kong makita siyang lumaban hanggang sa pinakadulo ng makakaya niya." Sabi nito at saka umalis para magcoach ulit.

And there's me, dumbfounded. What? Pero... matatalo tayo kapag hinayaan mo pa siyang maglaro ng pagod na. No logic can support that! Isn't this the time para maging ganito!

Sa third quarter, panalo pa rin si Tyrone sa jumpball. Pero gaya ng inaasahan, hindi na kasing bilis ng dati ang team namin. Umaangat din foul count ni Kian ng tatlo. Sa first five minutes ng 3rd quarter, nag tie na sa 40-40 ang score.

Kinakabahan na ako pati kaming mga freshmen.

Pero nakita naming tinaas ni Jolo ang kamay niya. Pagod na pagod na siya pero yung mga mata niya, nagaapoy pa ren.

"Okay, guys! Last ko na to!" Sigaw nito.

Sa oras na yon, naghubad ng tshirt si Kenji at nagstretching. Sumama na rin si Red sa kaniya.

Mabagal ang galaw ni Jolo kanina pero bumilis ito ng mismong minuto na 'yon. Pinasa niya kay Shane ang bola tapos dineretso ni Shane ang bola kay Tyrone. Nagfake shot si Tyrone at pinasa niya ito sa likuran kung nasaan si Jolo. Pagkakuha ni Jolo ng bola, nilayup niya agad ito.

42-40 ang score. Lamang kami.

Per'o yung oras na 'yon, hindi na makatayo si Jolo. Inakay namin siya ni Cara papuntang bench. Kinausap naman ni Kenji yung referee na magpapalit na kami ng myembro.

"Maganda ginawa mo, Jolo." Nakangiting sabi ni Kenji. "Ako na bahala."

"Yan ah... Captain. Lamang... pa rin...tayo." Hinihingal na sinabi ni Jolo.

"Kami na ni Red bahala."

Matapos noon, naglakad ang team sa court. Sila Tyrone, Red, Shane, Harold at Kenji. Nagpalit din ng ibang players yung kabila. Para bang inaabangan talaga nila na tumapak si Kenji sa court.

Si Cara ang umasikaso kay Kian at Jolo, habang ako naman, nakatutok sa magaganap na laro. Ito ang unang beses na makikita ko si Kenji na maglaro.

Anong balak mong gawin, Kenji?!

Continue Reading

You'll Also Like

104K 2.1K 33
Ang tahimik na buhay ni Norilyn ay biglang nag bago ng dumating sya sa ika-18 taong gulang nya. Nag iba ang pangangatawan nya, naging muka na syang t...
669K 16.2K 166
Date started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 1...
1K 190 32
"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvan...
412K 8K 35
---------------------------------------- (I revenged on a Playboy BOOK 2) I have fallen inlove in this guy--- not an ordinary guy yet a PLAYBOY. We b...