The Guy Inside Of My Bed (The...

By FreaknaPusa

1.5M 55.7K 5.2K

Even in the second time, time would be always their enemy? How can you fight for it if you already know that... More

The Guy Inside Of My Bed
Begin Again
Epic Meet
Resurrection
She's Just Misunderstood
Know Her !
Jessy Gaile Peyton Guevarra
Brix Ace Resser Asuncion
Secret's Keepers
Peter Pan's Kiss
Caught
Just Allen
Before I Fall
Break The Rules !
His In Danger
Saving Him
Carried Away
Terrified
Resser's Territory
Not To Fall Inlove Right ?
Nightmares
Hello to Goodbye
Magic Of Love
Revelations
Ford's Kingdom
Dead and Gone
The Real Me
So Close Yet So Far
Mourn
Gotta Be You
Just So You Know
Without You I'm Just A Sad Song
Tragedy
The Guy Inside Of My Bed Season 2
Deja vu
Impossible
Incomplete
Iris
The Memory
Giving Up On You
Like We Used To
Not An Update
Far Away
The Scientist
Let Love Bleed Red
What If I Die Tomorrow ?
Scared To Death
My Immortal
Time Machine 1 of 2
Time Machine 2 of 2
This Is Just An Update For The End (Deleted in 24hours)
Two Is Better Than One In Once In A Lifetime
Makabagdamdaming Kemerut Na Message Ko
TMIOMB/TGIOMB Special Chapter

Lips Of An Angel

24.9K 913 58
By FreaknaPusa

Allen's POV

Ano na nga bang nangyari? Ang alam ko lang isa iyong masamang panaginip na sa totoong buhay pala ay nangyari.

Matapos kung ihatid nun si Jessy di na ako muling bumalik sa bahay ng kaibigan ni Kristoff na si Kyle, alam kong pangit ang ginawa ko dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat o paalam pero okay na din yun dahil alam kong doon ako unang hahanapin ni Jessy.

Una kong pinuntahan ay si Isabelle at doon nagsimula ang pagpasok ko sa pamilyang Resser at ang pagkilala kay Allen Resser Ford III.

Ang alam nila ako ang nawawalang anak ng pamangkin ni Lola Isabelle at ulila na ako. At dahil matagal ng nawala ang apelyedo ng pangalan namin ako na ang huli at natitirang Ford.

Gamit ang isang golden bar na palihim kong kinuha doon sa bahay kaya ako ngayon may sariling pera dahil ayoko naman umasa sa pera ng pamilya nila, alam kong kamag-anak ko sila pero sobrang layo na. Una kong ginawa sa perang meron ako ngayon ay ang ipaayos ang bahay namin at ang pangalawa ay ang gawin ang time machine.

Sa totoo lang di parin ako sigurado, gustong-gusto ko siyang gawin at talagang maiayos na para sa susunod na gamitin ko ito wala ng kumplikasyon na mangyayari tulad noong una ko itong sinubukan. Pero iniisip ko na kapag ayos na ito baka magdalawang isip ako na gamitin ito dahil kay Jessy.

Ayokong iwan siya pero gusto kong malaman ang lahat at maiiligtas ko ang pamilya ko kung babalik ako sa panahon kung saan di pa namin naiimbento ang time machine pero dahil wala na ang time machine sa panahong iyon paniguradong hindi na ako makakabalik kay Jessy ng tuluyan.

Pero hindi kasi maatim ng konsensya ko ang nangyari sa kanila. Hindi ko man nakita ng literal kung paano sila pinatay pero narinig ko ang bawat putok ng baril na alam kong tumama sa kanila. Tuwing pipikit ako napapanaginipan kong tumulo ulit sa mukha ko ang mga dugo ni Alexander. Kaya paano ako ngayon magiging makasarili? Paano ko pipiliin si Jessy kung sa bawat pagpikit ko bumabalik ako sa araw na iyon?

Hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa ginawa ko kay Jessy noong gabing iyon.

Hinila ko siya at hinalikan matapos ay mahigpit ko siyang niyakap. Pinilit kong kontrolin ang nararamdaman kong plinano ko pa naman na walang reaksyon lang ako na makikipag hiwalay sa kanya pero ngayong kaharap ko siya hindi ko nagawa, hindi ko kaya dahil umiyak ako ng tuluyan sa kanya.

She is my weakness.

Matapos noon ay kumalas ako sa pagkakayap sa kanya.

"Allen maghihintay ako, hayaan mong maghintay ako sayo hanggang sa ako na mismo ang mapagod at sumuko" sabi niya habang umiiyak sa akin.

"Di ko kaya Jessy" sagot ko.

"Allen please, please, please Allen" mas lalo siyang umiyak.

"Shh!" ngumiti ako at pinunasan ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko.

"Pumapayag na ako" sabi ko tapos ngumiti siya.

Matapos noon ay magkahiwalay kaming pumasok sa loob para walang makahalata.

"Allen!" nagising ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Brix. Lumapit siya sa akin at itinaas ang kanyang nakatiklop na kanang kamay.

"Allen fist bump tayo" nakangiting sabi niya pero di ko naman alam ang mga sinasabi niya.

Ilang saglit kinuha niya ang kanang kamay ko at iniuntog sa kanang kamay niya.

"Ganyan ang fist bump, di mo ba alam? Batian yun" tanong niya kaya umiling ako.

"Ganun? Oh yan ngayon alam mo na" nakangiting sabi niya. Nginitian ko siya.

"Anyway Allen, lumipat ka na ba dito kaya nandito ka?" tanong ni Brix.

"Oo kanina lang" sagot ko.

"Oh e saan banda ang kwarto mo?"

"Doon sa may third floor pangalawang pintuan"

"Ayus! Katabi lang nun yung kwarto ko"

"Oo nga e"

"Gusto mo mag basketball o di naman kaya sama ka sa akin sa race track" aya niya.

"Di ako marunong nun e" sagot ko.

"Talaga? Sayang naman, hayaan mo dito ka naman nakatira kaya matuturuan kita"

"Sige"

"Oo nga pala saan ka nag-aaral?"

"A-eh mageenroll pa lang ako. Ang mama mo na daw ang bahala"

"Ah ganun ba. Sige bukas na lang pasok na ako ng kwarto ko pagod na kasi ako e. Sige pre" sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

"Sige" sabi ko.

Sinundan ko siya ng tingin, nakita kong nagdial siya sa phone niya.

"Hi Jes! Good evening" sabi niya bago pumasok sa loob ng kwarto niya ng tuluyan.

Sumakit bigla yung dibdib ko. Ilang sandali pumasok na din ako sa kwarto ko dito sa bahay na ito. Pagsara ko ng pinto natigilan ako. Nakita ko kung paano siya tumingin kay Jessy nung gabing iyon, nakita ko kung gaano kalapad ang mga ngiti niya nung kausap niya si Jessy sa phone at kahit hindi ko tanungin yun alam kong may gusto siya kay Jessy. Pero bakit di ko siya nakilala, hindi man lang siya naikwento sa akin ni Jessy noon. Ang mahirap gusto din siya ng matatawag kong pinsan ko ngayon.

Humiga ako ng kama pipikit na sana ako ng biglang nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa side table pagtingin ko si Jessy.

"805 calls" bulong ko sa sarili ko.

Tinitigan ko lang ang screen, nagdadalawang isip ako.

Jessy's Calling ...

Sasagutin ko ba o hindi? Pero gusto kong marinig ang boses niya.

Pinindot ko ang answer button at tinapat ito sa tenga ko. Nanghina ako ang marinig ko ang boses niya.

"Hello?"

♬♪Honey why you calling me so late? It's kinda hard to talk right now♪♬

Narinig ko na lang bigla siyang umiyak. Halatang pinipigilan niya pero naririnig ko pa din ang bawat pag hikbi niya.

♬♪Honey why are you crying? It's everything okay?♪♬

"Jessy.." bulong ko. Sana narinig niya.

♬♪I gotta whisper 'cause I can't be too loud ♪♬

Ilang sandali naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng mga luha ko sa pisngi ko.

♬♪Well, my girl is in the next room, sometimes I wish she was you♪♬

Well, my cousin is in the next room and I know that he likes you.

♬♪I guess we never really move on♪♬

"Allen" bigkas niya ng pangalan ko. Napangiti ako at di ko napigilan ang mas lalong pagdaloy ng mga luha ko.

♬♪It's really good to hear your voice saying my name it sounds so sweet♪♬

"Allen.. masaya ako kasi kahit di ka nagsasalita at least sa wakas sinagot mo yung tawag ko"

"Allen maghihintay ako ah"

"Allen miss na miss na kita"

Sandaling natigil siya sa pagsasalita habang ako naman hinihintay ang susunod sa sasabihin niya.

Daloy lang ng daloy yung mga luha ko.

♬♪Coming from the lips of an angel, hearing those words it makes me week♪♬

".. goodbye" nagulat ako sa sinabi niya hanggang sa di ko na napigilang magsalita.

"Goodnight!" medyo napalakas na sabi ko.

♬♪And I never wanna say goodbye but girl you make it hard to be faithful with the lips of an angel♪♬

"Allen?" narinig kung umiyak siya pero dahil sa saya.

"Don't say goodbye it's goodnight" sabi ko.

♬♪It's funny that you're calling me tonight and yes I've dreamt of you too♪♬

"Goodnight, Allen alam mo lagi kang nasa panaginip ko"

Kung alam mo lang Jessy pati ikaw laging nasa panaginip ko.

♬♪And does he know you're talking to me will start a fight. No I don't think he has a clue♪♬

"Sana ngayong gabi ulit, hanggang sa maging totoo na"

Teka kanina di ba kausap lang siya ni Brix? Iniisip ko pa lang na pag nalaman ni Brix to pasisimulan na ito ng gulo sa pagitan naming dalawa.

♬♪Well, my girl is in the next room, sometimes I wish she was you♪♬

♬♪I guess we never really move on♪♬

"Allen?"

"Hm?" sagot ko para di niya mahalatang umiiyak ako.

♬♪It's really good to hear your voice saying my name it sounds so sweet♪♬

"I love you"

"I love you Allen"

♬♪Coming from the lips of an angel, hearing those words it makes me week♪♬

Gusto kong sagutin din siya na mahal ko siya pero hindi pwede. Mas mahihirapan kaming dalawa, mas mahihirapan siya pag wala na ako.

♬♪And I never wanna say goodbye but girl you make it hard to be faithful with the lips of an angel♪♬

♬♪It's really good to hear your voice saying my name it sounds so sweet♪♬

"Goodnight Jessy"

"Goodnight Allen"

♬♪Coming from the lips of an angel, hearing those words it makes me week♪♬

♬♪And I never wanna say goodbye but girl you make it hard to be faithful with the lips of an angel♪♬

Ilang sandali narinig ko ng naputol yung linya. Pinatong ko sa mga mata ko kung kaliwang kamay ko, ramdam kong basang-basa yung mga mata ko.

♬♪And I never wanna say goodbye but girl you make it hard to be faithful with the lips of an angel♪♬

"I love you more Jessy" umiiyak at nasasaktan na sabi ko.

♬♪Honey why you calling me so late ?♪♬

Kinabuksan kumakain na kami ng almusal. Magkatapat kami ni Brix habang sa dulo sa may gilid doon nakaupo yung mommy niya.

"Mom aalis ako ah" sabi ni Brix.

"Where are you going?" tanong ni Tita Tanya.

Si Tita Tanya, siya yung babaeng gustong bilhin yung kama doon sa may divisoria. At siya rin yung babaeng nagbayad nun para maibalik sa amin ni Jessy. Nung magkita kami at pinakilala akong apo ni Lola Isabelle, nakilala niya ako kaagad.

Kaya pala daw magaan ang loob niya sa akin at binalak niya palang bilhin yung kama dahil may logo sa head board nito na simbolo ng Resser at Ford.

"Pupuntahan ko si Jes mom" sagot ni Brix kaya bigla akong napatingin sa kanya.

"Really? E bakit hindi mo na lang siya dito iinvite?" alok ni Tita Tanya.

"Maybe soon mom but not now. Pero itatry ko na iinvite siya" sabi ni Brix tapos tumayo.

"I have to go, see you later mom" tapos bumeso siya kay Tita Tanya "See later bro" sabi sa akin ni Brix sabay tapik sa braso ko.

Nagpatuloy kami ni Tita Tanya sa pagkain ng bigla niya akong tignan at tanungin.

"Anyway Allen, where's the girl? Yung sinasabi mong girlfriend mo na may ari nung bed? I want to meet her" nakangiting sabi ni Tita Tanya.

Natigilan ako ng tignan ko siya, tapos yumuko ako at hiniwa ang steak na nasa plato ko.

"We already broke up" sabi ko sabay subo ng pagkain.

Kahit hindi naman talaga ako nabulunan feeling ko parang oo narin dahil bigla na lang sumikip yung dibdib ko ng dahil sa mga sinabi ko.

"Oh! I'm so sorry Allen" paumanhin ni Tita Tanya.

Nginitian ko siya "No tita, it's okay" sabi ko.

If you just know that me and your son have the same girl that we really loved.

Matapos nun umalis na din ako at pinuntahan ang bahay namin na sa ngayon ay ginagawa na. Pumunta ako sa may underground place doon sa may bodega habang may dala-dalang mga gamit na gagamitin ko para sa time machine.

Makalipas ang limang oras, nasa underground place parin ako at patuloy na ginagawa yung time machine ng biglang nagring yung phone ko.

Isabelle Calling ..

Wondering kung bakit Isabelle lang? Kasi hindi ako sanay na tawagin siyang Lola kasi alam kong mas matanda ako ng daang-daan taon sa kanya. Actually I'm trying kaso minsan nakakalimutan ko talaga.

"Yes Isabelle?" I answered.

"How many time did I tell you to call me Lola Isabelle. Alam kong mas matanda ka pero in physical mas matanda ako sayo" sabi niya.

"Sorry I forgot, why are you calling?" I asked.

"Hindi na magtatagal si Grandma Elizabeth, she really wants to see you" malungkot na balita niya.

"Okay, I'm coming" sabi ko tapos baba ng phone.

Hindi ko pa nakikita si Elizabeth, ang sabi ni Isabelle siya ang apo ni Beatriz na pamangkin ni mama. Siya ang nagpatuloy na maghanap sa akin, kahit isang linggo na ako sa pamilya nila di ko pa siya nakikita dahil ang sabi maselan ang mga naging kalagayan niya.

Umalis ako ng bahay at pumunta sa bahay nila Isabelle. Pinark ko ang sasakyan pagkatapos ay pumasok ako sa loob sinalubong ako ni Isabelle.

"Buti't nandito ka na, nasa kwarto si Grandma hinihintay ka" sabi ni Isabelle tapos dumiretso ko at umakyat ng hagdan.

Hawak ko na ang doorknob ng kwarto niya, dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ko ang isang nanghihinang matanda na nakahiga at maraming tubo ang mga nakakabit sa kanya.

Huminto lang ako sa kinakatayuan ko at pinagmamasdan siya.

"Tanging yung makina na lang yung bumubuhay kay Grandma" sabi ni Isabelle na mula sa likod ko.

"Di nakakapagsalita si Grandma pero nakakarinig siya, kaya kausapin mo lang siya. Maiwan ko muna kayong dalawa" sabi niya kaya tumango ako.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Elizabeth, dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanya. Ilang sandali iminulat niya ang mga mata niya, tinignan ko lang siya at nagulat ako ng makita kong tumulo na lang ang mga luha niya.

"Hi Elizabeth" nakangiting bati ko pero alam kong hindi iyon buong ngiti dahil naaawa ako sa kalagayan niya ngayon.

Mas lalong umagos ang mga luha niya, binubuka niya ang bibig niya na parang may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan.

Nakita kong gumalaw ang hinliliit ng daliri niya, naisip ko na baka gusto niya akong mahawakan kaya ako na mismo ang umabot sa mga kamay niya. Pumikit siya at ngumiti, kasabay nito ang pagtulo ng mga luha niya. Pagdilat niya nginitian ko siya.

"Thank you" nakangiting sabi ko tapos gumanti siya ng ngiti at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.

Tumagal lang kami ng ganun, pero napapansin ko patagal ng patagal parang pahina siya ng pahina.

Nakaramdam ako ng lungkot, bigla kong naalala si Jessica.

This is the same way that I felt when Jessica is going to be gone.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at mabilis akong napatingin sa taong papasok.

Jessy?

Kasunod niyang pumasok at sina Brix at Isabelle.

"I called them too" sabi ni Isabelle sa akin.

"Grandma!" malungkot na saad ni Brix at madaling lumapit kay Elizabeth.

Umalis ako sa tabi ni Elizabeth at binatawan ang kamay niya pero may naramdaman akong kakaiba.

She already passed away.

"Grandma! Grandma!" tawag ni Brix kay Elizabeth pero di na ito dumilat pa.

Napatingin ako kay Jessy, kita ako ang pag-aalala at lungkot niya habang nakatingin kay Brix. Ilang sandali tumingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Excuse" sabi ko kay Brix at hinawakan ko ang wrist ni Elizabeth para ma check ang pulso niya.

Tumigil ako ng sandali nung makasigurado na ako. Pag baling ng tingin ko sa kanila hinihintay nila yung sasabihin ko.

"She's gone" malungkot na sabi ko.

At sabay-sabay na silang nag-iyakan, lumabas ako ng kwarto kahit nasa labas na ako rinig na rinig ko pa din ang pagluluksa nila.

Ewan ko pero wala na akong maiiyak.

Worst part of living is you know that the person is going to die and yet they will never be back again.

Dumikit ako sa pader sa may gilid ng pintuan at sinandal ko ang ulo ko at pumikit.

Nakita ko ang mga mukha nina Mama, Papa, Alexander, Faustine, Sebastian, Mang Ben at Manang Emily.

They all gone, they'd all died for so many years and I know the fact that I can't bring them back to life again.

So ayun na ba ang hinahanap kong sagot kung bakit hindi ko na kailangan pang bumalik sa panahon na iyon?

Napamulat ako ng marinig kong bumukas ang pinto. Pagtingin ko si Jessy, kakatapos lang niya rin sa pag-iyak.

Pumunta kami sa may veranda ng mansion.

"Alam mo matagal na siyang nanghihina pero umabot siya sa araw na ito para lang masigurong nakabalik ka na" sabi niya at saka tumingin sa akin.

"You better go to Brix now, baka hinahanap ka na niya, kailangan ka niya" sabi ko kaya biglang nalungkot ang mukha niya.

Kung alam mo lang masakit sa akin ang ginagawa ko ngayon.

Huminga siya ng malalim tapos tumingin siya sa akin at ngumiti.. ngumiti ng mapait.

"Siguro nga tama ka, sige" tapos umalis siya sa harap ko.

Nang mismong gabing iyon, napuno na ng lungkot ang buong mansion wala kang maririnig kundi ang pagluluksa at pag-iyak ng lahat. Nasa kwarto lang ako at hindi lumalabas, ewan ko pero ayokong makita ang lahat ng nangyayari sa labas.

Ayoko na ng malungkot.

Sawa na akong magluksa.

Napatingin ako sa may bintana ng marinig kong may sasakyang papaalis. Kotse ni Brix, siguro ihahatid na niya si Jessy. Lumabas ako ng kwarto ko at dumaan kung saan wala akong ibang makakasalubong, sumakay ako ng sasakyan ko at umalis din.

"For the one last goodnight Allen" bulong ko sa sarili ko.

Continue Reading

You'll Also Like

137K 1.7K 85
When Dara and Joseph finally ended their relationship for more than 3 years, Dara decided to signed contract under YG Entertainment and went back to...
285K 7.4K 27
CANDELARIA meets her match-- si ROBI. Ang "pamintang" beki na kapitbahay niya. Yes, na-inlove siya sa isang bading! Well, kahit na super imbyerna si...
11.9K 543 24
"I will protect you at all cost." - Aeron "Of course, your job is to protect me. Isn't it?" Amethyst.
218K 5.6K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...