HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 94

CHAPTER 93

5.5M 111K 181K
By maxinejiji

DEIB'S POV

Ilang minuto pa ang lumipas at inihatid may lumapit sakin para ihatid ang in-order ko.

"A bottle of Remy Martin Louis XIII Black Pearl and a bottle of Russo-Baltique Vodka Sir---"

Nagulat ako ng makita yung baklang nakasagutan ni Noona kanina nung pumasok kami sa coffee shop. Siya ang nagserve ng order ko.

"A-Ahh--H-Here's your order Sir." parang nagtataka ring tanong niya.

"T-Thank you." taka ring sagot ko.

"J-Just press the buzzer if you need me Sir." pilit ang ngiting sabi niya habang itinatago ang pagkagulat rin niya pagkakita sa akin.

"Y-Yes thank you." pilit rin ang ngiting sabi ko.

'Tch! Malamang! The Barb rin yun Coffee Shop! The Barb rin ang Bar na 'to! Baka iisa lang ang may ari!'

"Please enjoy your stay Sir---"

"A-Ahh wait." pigil ko sa kanya. "I-I'm Deib Lohr Enrile." tumayo ako at iniabot ang kamay ko sa kanya.

"I-I'm Barb. I'm the owner of The Barb."

"I see." napapahiyang sabi ko. "A-Anyway. I'm sorry about what happened earlier, my sister---"

"I-It's okay Sir. We understand." nakangiting sabi niya kaya gumaan naman ang pakiramdam ko.

"I'm really sorry about what happened, maraming naabalang customers. Hindi namin sinasadya. Something happened kaya ganon ang actions namin. Again I'm sorry." sincere na sabi ko.

"It's fine Sir. No harm done so you don't have to worry."

"Thank you." pilit pa rin ang ngiting sabi ko sa kanya. Tinanguan niya ako at saka siya umalis na sa harapan ko, sakto namang paglayo niya ay syang natanaw ko ang pagpasok ni Tob at Lee.

"Welcome to The Barb Bar, please enjoy your stay Sir. Sir."

"Thank you."

Ang totoo ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pinsan ni Lee si Kim at bestfriend ko siya. Siya ang unang nakaalam tungkol sa nararamdaman ko kay Kim, siya rin ang tumulong sa akin para masabi ko kay Kim ang nararamdaman ko. At ngayon, sa kanya ko rin ilalabas ang sama ng loob ko.

Agad silang lumapit sa akin at nagulat agad sila ng makita ang drinks na nasa table ko.

"What the eff?" si Tob.

"Ano yan Deib?" si Lee.

Hindi ko naman sila sinagot at sinensyasan lang na umupo na lang. Bumalik ulit si Barb at naglagay ng dalawang drinking glass at foods.

"Enjoy your stay Sir." nakangiting sabi ni Barb sa kanilang dalawa at saka ulit umalis.

Nagtataka pa ring umupo sina Lee at Tob habang nakatingin sa akin. Kinuha pa ni Tob ang isang bote at tinignan.

""Isang bote'ng Remy Martin Louis XIII Black Pearl? What the hell? Are you suicidal?"gulat na tanong niya. "Anong trip yan?"

Hindi siya nang-aasar pero naaasar ako.

'Hindi ba nila naiisip na may dahilan kung bakit ko ginagawa 'to? Tch!'

"May problema ba Deib?" si Lee.

Sa wakas. Nakahalata rin.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at saka uminom

"Deib, what's wrong? Is there a problem?" tanong ulit ni Lee. Ibinaba ko ang drinking glass ko at sinalinan ang sa kanilang dalawa.

"Let's toast for a drink." seryosong sabi ko sa kanila. Kinuha naman nila ang mga glass nila at nakipagtoast sa akin.

"What's this for?" si Tob.

"For me." sabi ko.

"For you? Why?" si Tob ulit.

"For me." ininom ko ang laman ng glass ko, inangat ko pa yun ng maubos ko at saka ko inilapag sa table. "and for Kim." nangingilid na naman ang luhang sabi ko.

"Deib." si Lee.

"Sinagot ka na ni Kim dre?" masayang tanong ni Tob, tinignan ko siya sa mata at saka pilit na ngumiti.

"Hindi ako." nakangiting sabi ko.

"H-Ha? Anong ibig mong sabihin? Ano bang nangyayari? Sabihin mo na kasi dre! Ano ba? Anong nangyayari sa iyo?" si Tob.

Nagsalin na naman ako sa mga baso at saka sumandal sa kinauupuan ko, ang sarap sa pakiramdam ang sumandal doon malambot at maginhawa sa likod.

Pakiramdam ko kasi ay sobrang pagod ko, kahit wala naman akong ginawa halos magdamag.

"Brokenhearted yata ang tawag dito dre. Hehehe." pilit tumatawang sabi ko."I don't know why they call it heartbreak. It feels like every other part of my body is broken too."

Tumingin ako sa kanilang dalawa at saka nagbuntong-hininga. Pareho silang nakatingin sa akin at ang mga tingin nilang yun ay parang nagtatanong.

"K-Kim's in a relationship."

"H-Ha?"silang dalawa.

"Yes, with Randall." gumagaralgal ang boses ko.

"Hell no." bulong ni Tob. "Hell no. You gotta be kidding me?" hindi makapaniwalang sabi niya.

Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at nakatingin na lang ako sa baso ko habang nilalaro ang alak sa yelo.

"Kanina lang namin nalaman ni Noona---how I wish h-hindi ko na lang nalaman." nangilid ang luha sa mga mata ko. "Sana hindi ko na lang sinamahan si Noona, dahil pakiramdam ko mas gugustuhin ko pang malaman sa iba yung totoo -esa makita ko." sabi ko at saka ibinaba ang baso.

"Deib." nag-aalalang bigkas ni Tob sa pangalan ko. Hindi ko pa rin siya tinignan at inikot ko ang daliri ko sa bibig ng baso.

"I w-was speechless. I didn't know what to say. Hindi ko inaasahan ang nakita ko pero hindi ko inakalang mas hindi ko inaasahan ang mga narinig ko." pilit kong pinipigil ang emosyong gustong kumawala sa katawan ko pero kahit na anong pigil ko. Kilala nila ako at alam kong alam nila ang nararamdaman ko. "Sobrang gulo." mahinang sabi ko. "Sobrang gulo, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Yung makita ko lang si Kim kasama si Randall sa iisang bahay masakit na e. Nung malaman ko ng may relasyon sila mas masakit." pinipigil ko parin ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. "pero yung sabihin sa akin ni Kim na si Randall ang mahal niya at hindi niya ako pinaasa dahil ako ang umasa, yun ang pinakamasakit. Hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob para manatiling nakatayo sa harap nila kanina."

"Shit." rinig kong bulong pa ni Tob, halatang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.

"Pucha hindi ko alam kung anong gagawin ko dun kanina e! Kaya pala ganon na lang ang takot at kabang nararamdaman ko habang nasa harap ng bahay ni Randall. Hahaha! Kaya pala ganon na lang ako kabahan. Tsk tsk, dahil hindi ko inaasahang si Kim ang makikita kong kasama niya! Hay tadhana nga naman kung maglaro. Daig ko pa pinagtripan ng adik na sabog na sabog!" natatawa pang sabi ko daig ko pa ang nababaliw. "Si Kim at si Randall laban sa aming dalawa ng kapatid ko. King ina dre talong talo, luging lugi, lalo na ako, lalo na ako." ulit ko habang nakaturo sa ulo ko.. "Gusto kong magalit pero hindi pwede hindi ko pwedeng sabayan yung galit ni Noona dahil mas importante yung mga sasabihin at nararamdaman niya kesa sa sasabihin at nararamdaman ko. Hindi ko magawang magalit kay Kim kasi, anong karapatan ko? E pucha kahit magwalk-out don sa mismong pangyayaring yun kanina hindi ko magawa dahil hindi ko pwedeng iwanang mag-isa ang kapatid ko! Peste'ng buhay 'to." sabi ko at napahilamos sa mukha ko.

Kinuha ko ulit ang drinking glass ko at saka tinungga ang laman non, nung ibaba ko ay saka ako tumingin sa kanila. Don ko lang napansing hindi na ulit nagsalita si Lee. Sa nakikita ko sa kanya ay mukhang naiilang sya dahil sa nangyari.

Pilit akong ngumiti at saka tumingin sa kanya ng deretso.

"D-Deib." usal ni Lee sa pangalan ko.. "I-I'm s-sorry to hear that."

"You don't have to be Sorry." nakangiting sabi ko sa kanya. "Pinsan ka lang ni Kim, bestfriend kita." nangingilid na naman ang luhang sabi ko.

Tuwing mararamdaman kong papatak ang luha ko ay humihinga ako ng malalim para hindi yun matuloy, tumitingin rin ako sa taas para umurong ang mga luha. Pinipikit-dilat ko rin ang mga mata ko para mawala ang mga nangilid na luha.

"Okay lang naman kasi sana ang lahat, tatanggapin kong hindi ako mahal ni Kim at may boyfriend na siya. Hindi ko man masasabing kaya kong tanggapin lahat pero maipapangako kong gagawin ko ang lahat para matanggap ko. Kaso kasi si Randall yun e, si Randall. Si Randall na boyfriend ng kapatid ko."

Saglit na katahimikan ang nangibabaw, patuloy pa rin ang pag-inom ko kahit napapansin kong hindi sila umiinom.

Tumayo si Lee at tumabi sa akin.

"D-Deib.. I-I'm sorry." mahinang sabi ni Lee habang nakahawak sa balikat ko. Tumingin naman ako sa kanya at saka ngumiti.

"Hindi mo kasalanan ang kasalanan ng pinsan mo Lee." nakangiting sabi ko. "Kaya hindi mo kailangang magsorry."

"Pero kasi." sabi niya at kitang kita ko ang paglunok niya, nagsalubong naman ang kilay ko at pilit na tumingin sa mga mata niya. Bakas ang takot sa mukha niya at hindi na rin siya makatingin sa mga mata ko.

Taka akong tumingin sa kanya ng deretsoo, medyo kinabahan ako pero hindi ko naman pinansin.

"P-Pero ano?" mahinang tanong ko, naramdaman ko naman ang pagtayo ni Tob at naglakad siya papunta sa harap namin ni Lee.

"A few days ago I w-was trying to check out what's been going on with Kim." nauutal na sabi ni Lee.

"I don't get it. What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"I told Tob that I've noticed her na parating may kausap sa cellphone at akala ko ikaw yun. Pero sinabi mo pala kay Tob na hindi ikaw yun." malumanay na sabi ni Lee at napatingin naman ako kay Tob, tumungo siya matapos magtama ng mga paningin namin. "That was when I started s-suspecting her."

"Suspecting her na?" tanong ko.

"T-That she's seeing someone else." pahina nang pahinang sabi ni Lee. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niyang yun at naiwan akong nakanganga pa talaga habang nakatingin sa kanya. Nung makarecover ako ay tumingin pa ako sa gilid ko at pilit na inabsorb ang sinabi niya, at saka tumingin ulit sa kanya.

"Don't tell me, may idea ka na tungkol dito?" naiinis na tanong ko.

"Yes." nakatungong sabi ni Lee at parang binambo naman ang ulo ko nung marinig yun. Naiwan akong nakatingin sa kanya at mas hindi ako makapaniwala. "I'm also p-planning to tell you pero kasi hindi rin ako sigurado. Gusto ko sanang kapag nagsabi ako sa iyo ay sigurado na ako. Dahil ayoko namang magsabi sa iyo tapos hindi naman totoo, baka mabawasan kasi yung trust mo kay Kim, baka may magbago sa inyo. Oo pinaghihinalaan ko si Randall pero wala akong sapat na ebidensya. Lalo na at bukod sa kanya ay pinaghinalaan ko rin si Maxwell. Minsan kong nakita si Kim sa labas ng bahay nila at may kausap na nakasakay sa kotse, hindi ko nakita ang hitsura nung kausap niya dahil nga hindi bumaba. Bukod don ay kinausap ko yung security guard nung subdivision namin at n-nalaman kong may naghahatid at sumusundo kay K-Kim parati, nakatitanium gray na kotse."

'Damn it!'

Hindi ko na naman maintindihan ang mararamdaman ko. Nalilito ako masyado at pakiramdam ko ay bumabalik yung inis at galit na naramdaman ko kanina nung sila Kim at Randall ang kaharap ko. Pakiramdam ko pati kaibigan ko pinaglihiman ako. Nakakabadtrip!

"Si Maxwell. Bakit pati siya pinaghinalaan mo?" seryosong tanong ko sa kanya na pilit pa ring pinipigilan ang emosyon ko.

"There was this one time na kausap ko si Max. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang siya tinanong kung anong kulay ng kotse ni Maxwell, nung sinabi niya sa aking gray ay dun ko lang siya pinaghinalaan. It's just that wala akong nakikitang kotse ni Randall na gray." paliwanag ni Lee at hindi na ulit ako sumagot sa kanya.

Yumuko ako sa table at inihilamos na naman ang mga kamay ko sa mukha ko.

"D-Deib, sorry." dagdag pa ni Lee pero hindi ko siya pinansin. "Alam kong may kasalanan rin ako dito dahil hindi ko agad sinabi sa iyo."

"This is not the right time to blame each other. Mas kailangan tayo ni Deib ngayon." sabat naman ni Tob.

Pinakiramdaman ko ang sarili habang patuloy na nilalabanan ang emosyon ko.

Ang gulo gulo ng isip ko at nagkabuhol buhol na ang nararamdaman ko.

Nung maging okay ako ay iniangat ko ang mukha ko at derechong tumingin sa malayo.

"D-Deib. Sorry, maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin." dagdag pa ni Lee, tinignan ko lang siya at saka ako tumingin kay Tob.

"Ikaw?!Baka gusto mong magkwento?" inis na sabi ko sa kanya.

"Ang totoo naghihinala na rin ako kay Kim nung naospital siya napansin kong may iba sa kanila ni Randall. Hindi ba natanong ko naman sa iyo na hindi ko alam na ganon na pala kaclose si Randall at Kim? Kasi kahit na sino naman yata ang tumingin sa kanila nung time na yun mag-iisip ng kakaiba, daig pa nila magsyota e!" malakas na sabi ni Tob na nanlalaki pa ang butas ng ilong habang nagkukwento.

Tinignan ko naman siya ng masama kaya bigla siyang nagseryoso.

"Sorry dre. " sabi niya. "Yun lang ang napansin ko dre, bukod dun wala na. Hindi ko naman kasi siya nakakasama hindi tulad niyo ni Lee."

"Nakakainis!" malakas na sigaw ko kaya napatungo silang pareho! "May mga ganyan pala kayong napapansin hindi nyo man lang sinabi sa akin!" nakangusong sabi ko.

"S-Sorry na." si Tob. "Tulad nga kasi ng sabi ni Lee, mahirap magsabi sa iyo ng wala naman kaming sapat na evidence baka nga naman magalit ka kay Kim bigla tapos mali naman pala yung naiisip namin."

"E kaso, tama! Tama ang naiisip niyo! Kung sinabi niyo ng mas maaga edi sana mas maaga ko ring nalaman! Siguro kung nalaman ko ng mas maaga, may chance na mailabas ko yung nararamdaman ko! Yung ako lang! Yung ako mismo! Siguro nasabi ko yung gusto kong sabihin sa kanya! At sana naiparamdam ko yung inis ko sa kanya! Kaso hindi niyo sinabi e! Tsk! Nakakainis!"

"S-Sorry na nga, hindi naman kasi namin alam na malalaman mo agad agad."si Tob.

"Tch! Sabagay, e ano naman kung nadelay? Nampucha! Masakit pa rin yun! Napaaga man o nadelay! Pareho lang panigurado ang sakit! At kung mas nalaman ko ng maaga at nagkataong sumugod ako sa kanilang dalawa ng mag-isa! Baka pagkakita ko pa lang sa kanila, inatake na ako sa puso." nakangusong sabi ko sa kanila.

"S-Sorry talaga dre." si Tob.

"Sorry Deib. Sorry talaga." si Lee.

"Tch! Okay lang! Nandyan na e!" inis na sabi ko.

"H-Hindi ka galit?" si Tob.

"Hindi! E may magagawa pa ba naman ako kung magagalit ako? Tch!"

"E saakin? Hindi ka ba galit? Kasi, ako naman talaga yung unang naghinala e shinare ko lang kay Tob." nahihiyang sabi ni Lee, hindi ko agad siya sinagot.

Naghalu-halo na naman ang emosyong nararamdaman ko at hindi ko na matukoy kung alin sa mga nararamdaman ko ang nangingibabaw, nasasaktan ako, nagugulat, hindi makapaniwala, nagtatanong, napapaisip, naiinis, nagagalit, at iba pa. Pero lahat hindi ko magawan ng paraan, hindi ko magawan ng paraan para mawala.

"Naiinis ako pero, naiintindihan kita." inis pa ring sabi ko kay Lee, guminhawa naman ang mukha niya, nawala ang takot at kaba na nakita ko don kanina.

"H-Hindi ka talaga galit sa akin?" tanong pa ni Lee.

"Hindi nga! Tch! Bakit naman ako magagalit?" pilit ang ngiting sabi ko at saka tinunggang muli ang alak na isinalin ko. "Ang totoo alam kong nahihirapan ka rin ngayon dahil naiipit ka sa amin ng pinsan mo. Maaaring makatulong sa nararamdaman ko kung sinabi mo sa akin ang hinala mo. Pero wala namang magbabago di ba?" nakangising tanong ko. "Walang magbabago dahil tulad nga ng sinabi ya kanina, hindi nya ako pinaasa at ako ang kusang umasa." sabi ko at saka muling uminom.

"Anong sagot mo nung sinabi niya yun?" biglang tanong ni Tob, nakangiti naman akong tumingin sa kisame at nag-isip. Pilit kong inalala ang nangyari kanina pero natawa ako.. Para akong baliw na tumatawa sa naisip ko at nung muli kong ibalik sa kanila ang paningin ko ay bakas na ang pag-aalala sa mukha nila at pagtataka.

"Nakakatawa lang isiping nung marinig kong sabihin niya yu, si Taguro pa ang binanggit ko." natatawang sabi ko habang kumakain ng pulutan.

"Ha? Bakit?" silang dalawa. Nagkibit-balikat naman muna ako bago magsalita.

"Sabi niya kasi, hindi niya ako pinaasa at ako ang kusang umasa. Kaya tinanong ko siya kung para saan yung ginawa niya kay Taguro? Para saan yung galit niya kay Taguro? Yung selos na naramdaman niya daw nung malaman niyang nagyakap kami ni Taguro? Tinanong ko siya kung para saan lahat yun, dahil kung kusa akong umasa sa kanya hindi niya na dapat pa ginawa at pinakita sa akin ang mga yun, dahil yung mga ganong paraan ang nagbibigay sa akin ng pag-asa ng pag-asang king ina akala ko magiging akin siya." nasasaktang sabi ko tuwing mararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko ay pinipilit ko namang tumawa. "Ayokong isipin pero kung wala siyang intensyong gaguhin ako, bakit niya pa ipinakita saaking nagseselos siya? Bakit niya pa ipinaramdam sa aking importante rin ako sa kanya? Bakit kailangan niya pang sagutin ang mga salitang kahit hirap na hirap akong sabihin sa kanya e pilit kong nilalakasan ang loob ko dahil gusto kong malaman niya ang tunay na nararamdaman ko?" malapit ng maiyak na sabi ko."Kung intensyon niya mang gawin sa akin 'to, wala akong makitang dahilan para gawin niya 'to sa akin, hindi naman ako naging masama sa kanya. Wala akong ginagawa sa kanya para ganituhin niya ako."

"What the hell? I cannot believe this." bulong ni Tob. "I don't know what to say dre. I'm damn speechles."

"Ganyan rin ako kanina, ganyang ganyan.." nakangiting sabi ko. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya sa huli? I became speechless. Sooo fvcking damn speechless!"

~BLAG!~

"Deib." lumapit sa akin si Lee nung hampasin ko ng malakas ang table sa biglang galit na naramdaman ko.

"Naknampucha naman oh. Anong laban ko dun dre? Sila may relasyon, kami wala! Ni ang magselos sa kanya ay wala akong karapatan! Magalit at manumbat pa kaya? Yun yung masakit sa akin e, yung andami daming tanong sa isip ko pero hindi ko maitanong! Yung ang dami dami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi! Yung gustong gusto kong magwala pero hindi ko magawa! Lahat dahil sa hindi ko siya syota!" malakas na sigaw ko. "Hindi siya akin, hindi kami, walang kami! Pati yung nararamdaman ko parang sa huli kasalanan ko pa rin! Peste! Peste talaga!"

"Deib." nag-aalalang usal ni Tob sa pangalan ko. Alam kong hindi nila alam kung anong gagawin nila at naiintindihan ko yun. Pakinggan lang nila ang sinasabi ko okay na ako.

"Alam niya ba kung gaano kasakit para sa akin na isumbat niya sa mismong mukha ko na hindi niya ako pinaasa at ako ang kusang umasa? Hindi naman ako aasa kung hindi siya nagpakita ng motibong nagpapalakas ng pag-asa ko sa kanya. Sana hindi niya sinakyan yung mga linya kong akala ko nagpapakilig sa kanya." kinuha ko ulit ang baso ko at tinungga ang laman non.. "Ang dadaya niyo! Samahan niyo naman akong uminom!" sigaw ko sa kanila.

"O-Oo." si Tob, hindi naman sumagot si Lee at nagsalin ng sarili niyang iinumin sa baso niya. Natawa naman ako sa iniasta nilang dalawa.

Pinahid ko ang dalawang mata ko at saka muling tumingin sa kanila.

"Nakakatawa lang na sa gitna nung gulo namin kanina. Nalaman ko pa ring hindi mahal ni Randall si Kim. Na kapatid lang daw turing niya sa kanya. Hindi niya daw itinatanggi ang kasalanang nagawa niya pero hindi daw niya minahal si Kim." galit pero pilit akong ngumingiti habang sinasabi yun. "Gago. Isa kang malaking gago Randall."

"Anong sabi ni Dein?" tanong ni Lee.

"Ayun nagwala! Nagalit! Nagmura! Kung anu-ano pa! Sino nga ba namang matutuwa? Ang kapatid ng bestfriend niya na nililigawan ng kapatid niya at ang boyfriend niya na kaibigan rin ng kapatid niya, ay lihim na may relasyon! Dadalawang tao sila pero ang gulo! Anggulo dahil lahat kami involved sa isa't isa! Lahat kami konektado! Lahat kami magkakakilala! Nampucha! Ang sakit sa tenga pakinggan! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko e. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin."

"Hindi mo siya girlfriend pero may karapatan kang masaktan." si Tob. "Manliligaw ka lang niya pero hindi sapat na dahilan yun para saktan ka niya dre lalo na kung pwedeng sabihin niya naman sa iyo ng deretso na may boyfriend na siya."

"Alam ko naiintindihan ko. Naisip ko rin yan, pero kasi ang hirap Tob. Ang hirap sabihin ng nararamdaman ko dahil sa oras na yun, hindi ko magawang isipin ang sarili ko. Ang atensyon ko nakafocus kay Noona. Dahil silang dalawa ni Randall ang may relasyon, matagal na relasyon. At isa pa mas mahina siya kesa sa akin."

"Pero mas mahirap ang sitwasyon mo Deib, mahirap masaktan habang umaalalay at nagpapalakas ng loob ng iba ng sabay."

"Pero ano ngang gagawin ko? Anong sasabihin ko? Hindi naman pwedeng itulak ko si Kim at tanongin kung bakit nya ginawa 'to? Alangan namang sipain ko siya at saka tanungin kung bakit niya ako niloko? Hindi ko siya pwedeng sapakin at saka tanongin kung bakit niya ako sinaktan? Hindi pwede yun dre e.. kasi alam kong ang sagot na ibabato niya sa akin ay wala akong karapatang gawin yun at sabihin yun dahil wala namang kami! Ni hindi ko nga alam kung may karapatan akong maramdaman yung nararamdaman ko ngayon e! Hindi ko siya girlfriend---hindi niya ako boyfriend! Manliligaw niya lang ako at nanliligaw lang ako sa kanya! Wala kaming relasyon. Ang hirap kasi dre e, madali para sa inyong sabihin yan dahil hindi kayo yung nandoon." malumanay na sabi ko.

"Kapag sinabi namang relasyon, iba't ibang uri yun Deib." sabat ni Lee. "Ang salitang relasyon hindi lang para sa magboyfriend at maggirlfriend. Kung ako ang tatanongin kung anong relasyon ko sa inyo? Ang isasagot ko bestfriends ko kayo. Kasi ang salitang relasyon ay kung ano ang koneksyon niyo sa isa't isa." mahinahong sabi ni Lee. "Hindi naman porke hindi kayo mag-on e wala na kayong relasyon. Yung pagiging manliligaw mo sa kanya ay relasyon mo na yun sa kanya. At hindi porket yun ka lang sa kanya, e pwede ka na nyang lokohin. Ang panloloko ay hindi base sa relasyon Deib. Lahat ng naloloko ay nagagalit, lahat ng naloloko ay nasasaktan. Kaya hindi mo na kailangan pang magkaron ng karapatan para maramdaman mo yan."

Hindi ko sila pinakinggan at nagtuloy lang ako sa pag-inom.

Laking pasasalamat ko lang at meron akong mga kaibigang dumadating sa oras na kailangan ko sila. Isang tawag lang nandyan na.

"Dalawang taon dre. Dalawang taon akong nanligaw, dalawang taon akong nagmukhang tanga pero okay lang! It was my choice, my choice." nakangusong sabi ko at pilit na pinipigilan na naman ang luha ko. "My choice kasi, wala sa isip kong magagawa niya sa akin 'to. Ang tanga tanga ko lang talaga dahil masyado akong naging confident na gusto niya rin ako, na may feelings rin siya sa akin. Sabi ko pa nga sarili ko. Oo na lang ang kulang dahil parang kami na rin naman. Siraulo lang talaga ako dahil masyado akong naging confident sa sarili ko, hindi ko inisip na pwedeng mali yung iniisip ko. Ang tanga ko lang na mas umasa akong pareho kami ng nararamdaman, kesa asahan kong pwedeng bigla niya na lang akong iwan." maluha luhang sabi ko.

"Wag mo isisi lahat sa iyo Deib, dahil may kasalanan rin siya dito." si Lee.

"Alam ko." naisagot ko na lang at saka nagtuloy tuloy sa pag-inom.

'You flew off with the wings of my heart and left me flightless.'

Lumipas ang oras at nagtuloy tuloy lang ang pag-inom namin.

Maya maya pa ay naramdaman kong kailangan ko ng mag-CR.

"C.R. lang ako." sabi ko sa kanila..

"Sasamahan na kita." si Tob. Umasta siyang tatayo na pero pinigilan ko siya.

"Kaya kong mag-isa." nakangiti pang sabi ko sa kanya. "Wag kang aalis dyan dahil baka takasan mo kami! Wag kang mag-alala dahil ako magbabayad nyan haha." tumatawang biro ko at saka ako bumaling kay Lee na nakaalalay na agad sa akin "Bantayan mo yan." turo ko kay Tob. "Kapag nawala yan dyan, yari ka sa akin! Hehehehehe! C.R. lang ako."

"Kaya mo ba?" nag-aalalang tanong ni Lee.

"Tch! Yun ngang ginawa ni Kim, kinakaya ko e! Eto pa kayang iihi lang! Wag ka ngang O.A.! Hahaha! Dyan lang kayo ang mawala PANOT!" pang-aasar ko sa kanila at saka naglakad.

Lilinga linga ako at hindi ko alam kung nasaan ang C.R. Nahihilo ako pero pinipilit kong ayusin ang paglalakad ko..Pilit kong hinanap ang C.R. kahit na medyo mahirap.

'Peste! Wag ka ng magpahanap! Magpakita ka na!'

Sa sobrang dami ng tao ay mas lalo akong nahilo. Ang lilikot ng mga sumasayaw at ang ingay ingay ng mga kumakanta. Bawat tunog ng drum ay parang binabayo ang dibdib ko sa lakas.

'Damn it magpakita ka na!'

Nung makasalubong ko ang isang waiter ay tinapik ko siya sa balikat.

"Brad." nakangiting sabi ko.

"Sir?" lingon nya sa akin, pilit ko siyang iniharap sa akin at binasa ko ang nakasulat sa name plate niya.

'Manyur.'

'WTF?'

"Hahahahaha! Manyur ang pangalan mo?" tumatawang tanong ko sa waiter.

"Y-Yes Sir." pilit ang ngiting sagot niya.

"E pucha tae yun e! Tae! Alam mo bang tae ang ibig sabihin nyan? Haha!"

"H-Haha! Syempre naman Sir. Tae talaga ang tawag sakin dahil mukha daw akong tae hahaha! Nickname ko lang yan Sir."

"I see, what a very nice nickname brad hehehe! Anyway, nasaan ba ang C.R. niyo? Hindi ko makita nahihilo na ako kahahanap! Hahahaha!"

"Derecho kayo Sir. Kapag nakita niyo yung exit, nasa left side nun." sabi niya at tinignan ko naman ang tinuturo niya.

"Thanks! You're the best! Man--yur.. Haha!" sabi ko sa kanya at iniwan ko na siyang iiling iling.

Naglakad naman ako papalapit don sa tinuro niya, at habang naglalakad.

"Oh my God, look at this cutie."

"He's handsome."

"He looks rich!"

"I think kilala ko siya."

"Really? Who's he?"

"He's Enrile. I forgot his name but I believe he's Enrile."

"Wow, he must be really rich!"

"Yeah for sure."

"He looks so damn hot!"

"Yeah. I want him."

'Tch! Ano bang tawag ni Noona sa mga tulad nila? Malilikot na higad? Hahahaha! Mga peste kayo!'

Nagtuloy ako sa paglalakad at nung sundin ko ang itinuro nung waiter ay nakita ko nga ang sign board ng comfort room agad ko namang pinasok yun at.

~BLAG!~

"What the hell?"malakas na sigaw ko!"Anooo ba!!!"

"Anak ng... Gago ka ah! Ikaw 'tong nakabangga ikaw pa galit!" sigaw sa akin ng isang lalaki. Malaki ang boses niya at mukhang malaki rin ang katawan niya. Nakaharang siya sa pinto kaya pagbukas ko ng pinto ay tinamaan siya at natapon sa akin ang kung ano mang alak na hawak niya.

"Gago ka rin kasi ang laki laki mong tao dyan ka pa pumwesto! At bakit ba kasi magbabanyo ka lang kailangan mo pang magdala ng inumin dito? Gago ka? Gago?" sigaw ko sa kanya! "Tabi!"

"Aba'y gagong 'to! Ikaw pa matapang?"

"Ha! Hindi porket malaki ka masisindak mo na ako!"

"Talagang!"

*HUK!*

Dinakot nya ang kwelyo ko at saka ako hinila palabas, Humina ang tugtog at nabawasan ang amoy ng alak at sigarilyo. Nung imulat ko ng bahagya ang mga mata ko ay puro kotse na ang nakita ko.

Nasa labas kami ng bar.

Pabato nya akong inihagis sa semento.

"Hindi ka pala masisindak ah? Sino ka ba sa akala mo? Ha?" mayabang na sigaw niya sa akin at saka ako pinagsisisipa.

"A-Aray!" sigaw ko. Masakit ang sipa niya dahil makapag ang swelas ng sapatos na gamit niya. "Aray! Masakit--aray! Tigilan mo ako!" pinilit kong tumayo pero tinulak niya na naman ako at saka muling sinipa ng sinipa. "Tigilan mo sabi e!"

"Gago ka ah? Matapang ka pala e! Ano! Tumayo ka habang sinisipa kita gago!" sigaw niya at nagtuloy siya sa pagsipa sa akin.

Narinig kong may nagdatingan na mga tao dahil dinig ko ang boses nila.

"Hawakan niyo!"

'Anak ng.'

Buong akala ko ay may makakatulong sa akin sa mga dumating. Pero hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at pinagsususuntok nama ako ng malaking tao sa tiyan ko.

"Aray!" malakas na sigaw ko. "Tama na---ugh!!!"

"Ano? Matapang ka ah? Ngayon ko lang nakita yang mukha mo dito pero kung makaasta ka akala mo luma ka na dito!"

~BLAG!~

Sinapak niya ako ng pagkalakas lakas na halos mamanhid ang mukha ko. Parang pumintig ang pulso ko don at may kusang tumunog sa tenga ko.

"Lasing na 'to Boss! Wala na 'to." dinig kong bulong ng isa habang ako naman ay halos mahalikan na ang semento sa sobrang panghihina. Hindi ko magawang itayo ang sarili ko.

'Damn it not this time. Tumayo ka Deib!'

"Wala akong pakialam! Bugbugin niyo!"

"Sige boss!" sigaw nung iba at pinagtatatadyakan na naman nila ako.

Lumipas ang ilang segundo at halos mamanhid na sa sakit ang buong katawan ko may mga nararamdaman na akong hapdi pero hindi ko matukoy kung saan.

'Sana matakpan ng mga sakit na nararamdaman ko ngayon ang sakit na ipinaramdam mo sa akin Kim. At sana kasabay ng pagkawala ng mga sakit na 'to ay ang pagkawala rin ng sakit na idinulot mo.' sabi ko sa isip ko habang hindi ko mapigilan ang luha kong pumatak sa mga mata kong hindi ko na maimulat.

Nararamdaman ko ang mga suntok at tadyak, pero ang sakit.

HINDI NA. PARANG WALA NA.

Nasa ganoon akong lagay ng biglang.

"Woi!"isang napakalakas na sigaw dahilan para huminto ang pagsipa nila sa akin. Hindi ko na kaya pang imulat ang mga mata ko, pero alam ko na kung sino yun.. "Sinong gago ang nagbigay sa iyo ng karapatang manggulo dito?" sigaw nya pa sa kanila.

Wala na akong maramdamang sakit dahil buong katawan ko namanhid na.

Pero wala na rin akong maramdamang takot at pag-aalala, dahil dumating na siya.

MAX'S POV

Nagpa-assign agad ako sa dirty kitchen ng ibalita sa akin ni Barb na nandito si Sensui.

~FLASHBACK~

"You're not gonna believe me." maarteng sabi sa akin ni Barb habang nagpreprepare ako ng mga orders. Hindi ko naman siya tinignan. "And you're not gonna believe who's here!" malakas na sabi niya at don ko naman sya nilingon, nakangiti siya at ang laki laki ng mga mata.

"Who the hell?" pang-aasar kong tanong at tinuloy ang ginagawa ko.

"Si Deib!"

Ibinaba ko ang tray na hawak ko at napatingin ako sa kanya.

"What?" gulat na tanong ko!=.

"Yes! He's here! He ordered Remy Martin Louis XIII Black Pearl and a bottle of Russo-Baltique Vodka, my God bakla! That guy's really rich! Ilalagay ko nga siya sa VVIP bottles natin e!"

"I see." walang interes na sabi ko. "Oh." at inabot ko sa kanya ang tray.

"A-Ano yan?" inis na tanong niya habang nakatingin ng masama sakin at nakataas ang isang kilay.

"Ikaw ang magserve nyan, doon muna ako sa dirty kitchen." seryosong sabi ko at umastang tatalikuran na siya pero hinila nya ang t-shirt ko.

"At bakit ako?" mataray na tanong niya. "Ako ang boss mo pero mas may gana ka pang utusan ako?"

"E ayokong makita nila ako, kaya pagbigyan mo na ako." kunwaring nagmamakaawang sabi ko.

"Max! Nandyan yung dalawa sa F3! Sila Lee at Tob!" biglang sumulpot si Naih mula sa likuran naming.

'Anak ng.'

Agad kong hinila si Naih papalapit sa akin.

"Dito lang tayo, hindi tayo lalabas dyan dahil hindi nila tayo pwedeng makita!" sabi ko kay Naih na tumitingin tingin pa sa mga naglalakad.

"Bakit?" takang tanong ni Naih. At tinignan ko naman sya ng masama.

"Me saltek ka ba? Nakita mo ng nasa Bar tayo! Hindi nga natin pwedeng ipaalam na nagtratrabaho tayo sa Bar di ba? Dahil kahit pa nasa legal age tayo, bilang high school students ay hindi tayo dapat na nagtratrabaho dito!" inis na sabi ko sa kanya.

"Ay shet! Oo nga pala!" napahawak pa sa bibig na sabi ni Naih.

Tumingin naman kami kay Barb na mas tumaas ang kilay.

"Oo na punyeta! Ending wala na naman akong magagawa! Akina! Mga leche!" nakangusong sabi niya samin at saka kinuha ang tray.

Pumasok naman kami ni Naih sa dirty kitchen.

"Boy. Beka, don muna kayo sa tables kami muna ni Naih dito." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Hala bakit?" tanong ni Boy.

"May dumating kasing mga schoolmates namin. Hindi kami pwedeng makitang nagtratrabaho sa bar." paliwanag ni Naih.

"Ganon ba? Keri lang ba sa boss natin te?" tanong naman ni Beka.

"Oo naman, sinabi na namin at alam naman nila."

"O sige sige."

Nagpalitan kami ng mga apron at saka lumabas yung dalawang bakla at naiwan naman kami ni Naih don.

~END OF FLASHBACK~

Si Naih ang nagluluto ng mga pulutan habang ako naman ay naghuhugas ng mga plato at nagdadala sa window ng mga beers.

Nagtuloy tuloy ang pagtratrabaho namin at halos hindi rin kami makapag-usap ni Naih dahil medyo malayo siya sa akin, anim na dipa kasi ang layo ng lababo sa lutuan bukod don ay magkatalikod kami.

Nung lumipas ang mga oras.

"Teka. C.R. muna ako." sabi ni Naih na nagtatanggal ng gloves at apron.

"Bilisan mo ah? Mag-ingat ka wag kang magpapahuli." sabi ko sa kanya.

"Oo naman anu ka ba? Action film?" nang-asar na sabi niya at saka tumalikod sa akin.

Pero wala pa siyang dalawang minutong nakakaalis ay humihingal siyang tumakbo pabalik sa akin.

"Max!" malakas na tawag niya sa pangalan ko.

'Anong nangyari dito?'

"Ano?" inis na tanong ko. Nakatuon siya sa dalawang tuhod nya at hinihingal.

"Si Deib!" sabi niya habang nakaturo sa labas.

"Ano na naman si Deib?"

"Si Deib! Binubugbog nila Ronnie sa labas!"

"Ano?" gulat na tanong ko habang inaalis na ang gloves ko.

"Si Deib binubugbog ng mga bata ni Ronnie sa labas! Bugbog na bugbog na si Deib! Tulungan natin!" sigaw niya sa akin.

"Anak ng.. bakit hindi mo pa tinulungan! Sana pinatawag mo na lang ako!" inis na sabi ko habang mabilis na hinubad ang apron ko at pabatong inilagay yun sa kung saan.

"Hindi ko naman kaya yung mga yun tuleg!" sigaw niya at saka kami sabay na tumakbo palabas.

"Max! Maxpein! Si pogi binubugbog sa labas!" malakas na sigaw ni Barb pero hindi ko na siya pinansin.

Mabilis akong tumakbo palabas at nakita ko nga sila Ronnie at ang mga bata niyang pinagtatatadyakan si Sensui.

'WTF?'

Namamaga na ang mukha ni Sensui at nagkalat na rin ang dugo sa damit niya at sa semento. Putok na ang labi niya at pupungay pungay na ang mga mata niya.

"Woi!" malakas na sigaw ko sa kanila dahilan para magsipaghintuan silang lahat.

"Si Pein." dinig kong sabi ni Bertis habang papalapit na ako sa kanila.

Mabilis kong hinila si Ronnie sa damit nya at inilapit sa mukha ko.

"Sinong gago ang nagbigay sa iyo ng karapatang manggulo dito?" galit na sigaw ko sa mukha niya.

"E gago yan e! Ako na nga ang nabangga niya siya pa may ganang magalit---"

"E bobo ka pala nag-iisa yan tapos nagtawag ka pa? Ang laki laki ng katawan mo nagpatulong ka pa! Gago!"

~PAK!~

Sinapak ko siya ng malakas. Malakas na malakas. Na sa sobrang lakas ay kailangan kong itago ang kamay ko dahil malamang namula yun sa sobrang sakit.

'Pesteng mukha yan!'

At saka ko siya hinala ulit papalapit sa akin.

"Kung sasabihin ko bang ibalik mo sa normal ang mukha nyan magagawa mo?" galit na tanong ko. Nakita ko namang lumapit si Naih kay Sensui at inaalalayan siyang tumayo pero mukhang hindi makatayo si Sensui.

'Kahit kelan! Mahina!'

"Max!" tawag sa akin ni Naih at halatang nag-aalala na siya kay Sensui.

Binitiwan ko si Ronnie at saka ako lumapit kay Sensui. Inilagay ko ang isang daliri ko sa pagitan ng ilong at bibig niya para maramdaman ko ang paghinga niya, nung maramdaman kong humihinga naman ay saka ako tumayo at tumingin kay Ronnie.

"Buhatin mo." utos ko sa kay Ronnie.

"A-Ano?"

"Buhatin mo!" sigaw ko.

"O-Oo!" takot siyang tumakbo papalapit kay Sensui at binuhat niya nga 'to.

"Susi." sigaw ko kay Barb at ibinato niya sa akin ang susi ng kotse ng niya. Mabilis namang isinakay ni Ronnie si Sensui sa likod ng kotse ni Barb. Lumapit na agad ako at inayos si Sensui sa pagkakahiga sa likod pero.

"S-San mo siya dadalhin?" tanong ni Ronnie na nakapagpainit naman sa ulo ko.

"Gunggong!" malakas na sigaw ko sa kanya at napaiwas naman siya at bahagya pang napaatras. "Kapag may nangyaring masama sa kanya, ayoko ng makita ka pang humihinga naiintindihan mo?"

"Naiintindihan mo!" ulit na tanong ko.

"Oo! Oo!"

"Sauluhin mo ang mukha niya." sabi ko pa kay Ronnie habang nakaturo kay Sensui.

"Bakit?"

"Kailangang pagbalik ko, ganyang ganyan ang pagmumukha mo. Walang labis. walang kulang! Ganyang ganyan!"

"P-Pero Pein, paano ko gagawin yan!"

"Wag kang tanga! Mag-isip ka! Kung anong ginawa niyo sa kanya! Yun ang ipagawa mo sa iyo!"

"Pero Pein naman----"

"Kapag hindi kita naabutang naghihingalo, ako mismo bubugbog saiyo naiintindihan mo?"

"P-Pein---"

"Naintindihan mo?"

"O-Oo! Oo!"

Yun lang at mabilis kong isinara ang pinto at sumakay sa kotse. Mabilis kong pinaandar yun at dinala sa SIS Medical Hospital.

Yun ang pinakamalapit na ospital dito. Malapit lang rin ang BISH pero mas malapit ang SISH dito.

Pagkahinto ko sa E.R. ay dumating agad ang apat na nurse na may dalang stretcher.

"What happened to the patient?" salubong sa akin ng doktor.

"Matinding pagkabugbog dok." sabi ko habang nakay Sensui ang paningin ko.

"Nakainom ba siya?"

"Yes Doc."

"Please pakifill-up ang form na ibibigay ng nurse sa iyo don then dumeretso ka sa cashier." sabi ng doktor habang nakaturo sa nurses station.

Inis kong inalis kay Sensui ang paningin ko at tumingin ng masama sa doktor

"Ha! Bakit hindi ikaw ang kumuha ng form at magsulat habang idinidikta ko sa iyo ang dapat mong isulat?" inis na sigaw ko sa kanya. Hindi naman siya nakapagsalita at halatang nagulat siya sa iniasta ko. "Ni wala pa nga kayong ginagawa dyan sa pasyente at pinagpi-fill up mo na ako ng form? Ginagago mo ba ako?"

"I'm sorry Ma'am but please calm down, pero yun po ang policy ng hospital namin. Kailangan niyo po munang magfill-up ng form at m-magbayad sa----"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil hinila ko agad siya sa kwelyo.

Takot siyang nakipagtitigan sa akin.

"Enrile ang pasyente mo at del Valle 'tong kausap mo. Kapag hindi mo sinunod ang sinasabi ko, ora mismo mawawalan ka ng trabaho!"nanggigigil na sabi ko.

"Yes Ma'am! Yes Ma'am! Nurse! Check the Vital S-Signs! LOC!" sigaw niya sa mga nurse habang hindi na makatingin sa akin.

Agad namang nagsipagkilusan ang mga nurse at inasikaso ng mabilis si Deib. Tinignan ko sila ng masama at nakaramdam talaga ako ng matinding pagkadismaya. Hindi ko akalaing sa SIS pa ako makakatagpo ng ganitong kawalang kwenta'ng uri ng doctor.

Badtrip!

Hindi ko pa naranasang maospital dito at masyado akong bumilib sa SIS, kaya hindi ko inaasahang may ganyang mga doktor dito. Nadismaya ako masyado kaya lalong nadagdagan ang galit ko.

Mabilis na lumipas ang minuto at oras. Malinis ng tignan si Deib kumpara kanina pero ngayon ay mas bakas na ang mga sugat, pasa at bukol na tinamo niya sa ginawa sa kanya nila Ronnie, Bertis at ng mga bata nila.

Nakaramdam ako ng awa dahil sa hitsura niya ngayon.

Kakakaunti ang sugat niya sa mukha pero namamaga ang kaliwang pisngi niya. May bukol siya sa noo at may ilang mga pasa. Ang katawan niya ang tadtad ng sugat at mga pasa. Napahilamos ako sa mukha ko at saka lumapit sa ulunan niya.

"Ano ba kasing ginawa mo na naman?" inis na bulong ko sa kanya. "Parati ka na lang pumapasok sa gulong hindi mo naman kayang labasan!" umupo ako at tumitig sa kanya habang mukhang tulog na tulog siya. "Tuwing may mangyayari sa iyo pakiramdam ko obligasyon kong tulungan ka e! Nakakainis pero hindi naman kita pwedeng pabayaan! Naiisip ko pa lang na hindi kita tutulungan naguiguilty na ako! E tutal konting yabang lang e nasisindak na sa akin yung mga taong yun. Bakit hindi pa kita tutulungan di ba?" sabi ko na parang kausap lang siya. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin at sabihing baliw ako pero hindi importante sa akin ngayon yun dahil naiinis ako at kailangan kong sabihin ang nararamdaman ko. "Pero sana wag mo namang ugaliing magpabugbog Sensui, mas makatarungang magkaron ng pasa, sugat at bukol kung alam mong nakaganti ka! Wag mo hahayaang ikaw lang ang papanget! Kailangang kapag pumanget ka ay mas panget sila! Kapag sinapak ka, sapakin mo rin! Kasi lugi ka e, gwapo ka at panget sila! Sa iyo mawawala sa kanila, wala! Eengot engot, konting tekniks hindi alam." inis pa ring sabi ko. "Kalalaki mong tao ang lampa mo! Bakit ba kasi."tinignan ko ang kabuuan ng katawan niya."hindi ba uso ang kanin sa inyo? Bakit ganyan kapayat yang katawan mo? Tss."

Nasa ganoon akong sitwasyon ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Deib Enrile po. Deib Lohr Enrile." dinig kong sabi ni Tob. Agad akong tumayo at hinawi ang E.R. curtain na nakaharang sa bed ni Deib.

"Tob! Lee!" tawag ko sa kanilang dalawa at liningon naman nila ako.

"Max!" malakas na tawag sa akin ni Lee at saka tumakbo papalapit sa akin. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.

"Where's Deib---Holysh---A-Ano yan!" si Tob. "Anong nangyari sa kanya?" salubong na salubong ang kilay na tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam, ang alam ko lang ay nabugbog siya ng sobra. Hindi ko lahat nakita dahil dinala ko rin siya agad dito sa ospital. Nasan ba kayo bakit hindi niyo siya sinamahan?" inis na anong ko. "Hindi ba't magkakasama kayo? "

"Ang paalam niya sa amin ay sa C.R. ang punta niya! Ilang minuto pa kaming naghintay at after 10 minutes pa nung mapansin naming ang tagal na at wala pa siya! Hanggang sa pumunta kami ni Tob sa C.R. at hindi siya makita don! Bigla na lang lumapit sa amin si Barb at sinabing nabugbog si Deib at dinala mo dito sa ospital!" si Lee.

"Napagtripan siguro o napaaway! Hindi ko talaga alam! Tinawag lang rin ako ni Naih at sinabi niya sa aking binubugbog si Deib sa labas! Kaya ayun, pumunta na ako at nakita ko nga siya!"

"Sino naman yung mga bumugbog sa kanya?" tanong ni Lee.

"Mga taga-SIS yung mga yun. Mga siga kasi member ng fraternity. Si Ronnie at si Bertis ay leader ng frat kaya malamang, ganyan talaga aabutin niya kung yung dalawang yun ang nakabangga niya! Nung dumating ako, tinigilan nila siya."

"Tsk, buti na lang dumating k.."

"Shk. Salamat talaga dahil merong Taguro na nagliligtas sa bestfriend namin Max. Walang halong biro. Seryoso. Salamat." singit naman ni Tob.

"Nice. Walang halong biro pero may halong insulto no? Ayos brad, ayos yan." sarkastikong sabi ko.

"E kumusta naman daw siya? Sinong doktor niya?" nag-aalalang tanong ni Lee na lumapit na sa ulunan ni Deib at tinignan ang mga sugat at pasa niya sa katawan. "Damn it! Look at him Tob!"

"What the hell? Magang maga naman ang panga ni Deib! Ano ba yan? Anong klaseng kamay ba ang meron yung mga bumugbog sa kanya?" galit na sabi ni Tob.

"Bakit wala siyang malay Max?" nag-aalala pa ring tanong ni Lee. Lumapit naman ako sa kabilang side ni Sensui.

"Tulad nung dati, malamang ay naubusan siya ng lakas bukod don, sa amoy pa lang niya ay mukhang nakainom na siya at may tama pa. Talagang black-out yan." sagot ko sa kanila. "Pero ang sabi ng doktor ay okay na siya, tulad rin ng dati, kailangan niya lang magpahinga."

"Tsk! Badtrip! Paano natin 'to sasabihin kila Dein?" si Tob.

"Tss! Nasaan ba ang balat nyan? Nakakainis! Paskilan niyo ng signboard yan sa katawan! Masyadong accident prone!" inis na sabi ko na ikinagulat naman nung dalawa at mukhang pareho nilang gustong matawa.

"Mabuti na lang at kahit nagkanda pasa pasa na siya ay walang nabugbog ng todo sa katawan at muka niya kaya safe pa rin siya!" inis na namang sabi ko at saka napatingin sa doktor na umasikaso sa kanya na papunta sa isang magandang pasyenteng babae na turok lang naman yata ang kailangan.

Inis akong humarap sa doktor na yun at nung umasta siyang ii-inject na ang gamot don sa magandang babae ay saka ko siya tinawag.

"Doc Pastorfide!" tawag ko sa kanya. Mabilis niyang inihinto ang pag-iinject at bumaling sa akin.

"Y-Yes Miss del Valle?" nangangarag na tanong niya sa akin.

"Nasaan na ang room na sinasabi ko? Ilang minuto na ang nakakalipas at nandito pa rin kami sa E.R!" malakas na sigaw ko dahilan para bigla siyang maging aligaga. Agad nyang ipinasa ang injection sa nurse at tumakbo sa station.

"Max calm down." sabi sakin ni Lee.

"Hindi ko maintindihan kung paano naging ganyan ang mga doktor at nurses dito! Hindi sila mga ganyan noon!" inis na sabi ko.

"Stable naman na si Deib kaya okay lang, for sure madadala rin natin siya sa room kaya kumalma ka muna." si Tob.

"Wag kang mag-alala ha? Tinatakot ko lang sila." sarkastikong sabi ko sa kanya. "Kasi kung hindi mo sila tatakutin, pepetiks petiks sila. Move!"malakas na sigaw ko na naman sa doktor at mga nurses.

"Ma'am. Dadalhin na po natin siya sa Executive Room." sabi ng male nurse na lumapit sa akin may kasama pang dalawang male nurses at isang orderly. Agad nilang inasikaso si Sensui at ilang minuto lang ay nasa room na kami, tulong tulong nilang inilipat si Sensui mula sa stetcher papunta sa kama niya..

"Be careful please." nakaalalay na sabi ni Tob sa nurse.

"Yes Sir." sagot naman nung male nurse at saka bumaling sa mga kasama niya. "One. Two. Three."

Nung mailipat na nila si Deib sa kama niya ay saka sila nagkumilos para ayusin ang swero niya at ang iba pa, nung matapos lahat yun ay saka sila nagpaalam at lumabas na.

Agad namang lumapit sila Lee at Tob kay Deib at pinagmasdan na naman ang mukha niya.

"Tawagan nyio na ang Ate niya." mahinang sabi ko sa kanila. "Kailangan niyang malaman ang nangyari kay Deib."

Hindi sila agad nakasagot sa akin at nagtinginan pa sila.

d

"Alam ko yung pinagdadaanan ng Ate niya pero paniguradong mas importante ang kapatid niya sa kanya kaya tawagan niyo na." dagdag ko pa.

"Ako na ang tatawag." mahinang sabi ni Tob at saka lumabas ng kwarto. Naiwan naman kaming dalawa ni Lee. Lumapit rin ako sa kabilang side ni Sensui at tinignan ang mukha niya, para lang siyang natutulog pero dahil sa mga sugat, pasa at bukol niya halatang nabugbog siya.

"Masyado siyang nasaktan don sa nangyari kaya siya uminom." malungkot na sabi ni Lee, napatingin naman ako sa kanya at nakatingin lang siya kay Sensui. Hindi ko siya sinagot. "Tinawagan nya kami para samahan siya, para may mapagsabihan siya ng nararamdaman niya. Pero ganito pa rin ang inabot niya? Napakawala kong kwentang kaibigan."

"Hindi mo naman alam na mangyayari sa kanya yan." sagot ko na nakatingin lang rin sa pagtaas at pagbaba ng dibdib ni Sensui, patunay na humihinga pa naman kahit papaano.

"Naiipit ako sa nangyari sa kanila ni Kim pero wala akong magawa para sa kanya. Pinsan ko si Kim at bestfriend ko siya. Alam kong mali ang ginawa ni Kim pero wala akong magagawa kung di ang pagalitan lang siya. Sinaktan niya ang kaibigan ko." dagdag niya pang kay Deib pa rin nakatingin. "Hindi niya alam kung gaano niya nasaktan si Deib sa ginawa niya at lalo na sa mga sinabi niya. Kinwento sa amin ni Deib kanina lahat at habang nagkukwento ay kitang kita ko sa hitsura niya kung paano niyang nilalabanan ang emosyong nararamdaman at gustong kumawala sa kanya. Pilit niyang pinalalabas na matapang siya kahit na alam kong sa loob niya ay nanghihina na siya. Kahit na sinong nasa sitwasyon niya ay masasaktan sa nangyari. Ako nga lang na kaibigan niya, hindi sa akin nangyari yun pero nasasaktan ako para sa kanya."

"Dahil masakit talaga yung ginawa sa kanya, kahit balibaliktarin mo ang mundo. Masakit yun." mahinang sabi ko na tumingin pa sa kanya. Nilingon niya naman ako at saka syia ngumiti ng bahagya saka muling tumingin kay Sensui.

"Naiintindihan ko yung pakiramdam na nasasaktan ka pero wala kang magawa, nasasaktan ka pero wala kang choice kung di namnamin ang sakit na nararamdaman mo." pilit ang ngiting sabi niya habang nakatingin pa rin kay Sensui. "Aminado naman siyang nasasaktan siya e. Nasasaktan siya pero ano nga naman ba ang karapatan niyang masaktan? E manliligaw lang siya?" pilit ang ngiting tanong niya na tumingin pa sa akin, tumingin rin ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya para sa kaibigan niya ngumiti rin ako sa kanya.

"Wala namang batas ang nagsasabing bawal ang masaktan." mahinahong sabi ko habang nakatingin kay Sensui.. "Hindi mo kailangan ng pahintulot ng iba para masaktan ka. Walang makakapgsabi sa iyo kung kelan ka dapat at hindi dapat masaktan kasi kusa yung nararamdaman. Lahat ng may puso ay marunong masaktan." at saka ako tumingin kay Lee. "Hearts are breakable, nothing and no one can protect a heart from breaking. And even if you no longer feel the pain in it, you'll never what you were before you were never quite the same as you'd been before the fall." seryosong sabi ko.

Parang namamangha namang tumitig sa akin si Lee na animong narerealize ang mga sinabi ko, agad niyang iniiwas ang paningin niya sa akin at saka muling tumingin kay Sensui.

"Nasabi niya lang naman yun kasi, wala silang relasyon ni Kim." mahinang sabi ni Lee habang nakatingin pa rin kay Sensui.

"Wala silang relasyon ni Kim pero may nararamdaman siya para kay Kim." seryoso pa ring sabi ko. "Ang totoo, yun pa nga ang mas masakit e. Kasi wala silang relasyon pero nagawa niya pa ring manloko. Ang magpaasa. Hindi aasa ang isa kung hindi magpapaasa ang isa pa." ngumiti ako at saka tumingin kay Lee tumingin rin siya sa akin.. "Alam kong naiipit ka sa sitwasyong 'to, pero itatak mo sa isip mong wala kang kasalanan. Dahil hindi mo rin 'to ginusto."

"Oo nga pero kasi pinsan ko at bestfriend ko. Hindi ko alam kung kaninong side ang papanigan ko Max. Kahit ako naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung pano nangyari lahat 'to."

"Hindi mo naman kailangang pumanig kahit na kanino. Isang taong nanakit at isang taong nasaktan at patuloy na nasasaktan, wala kang dapat na panigan kahit kanino sa kanilang dalawa. Dahil pwede ka namang pumagitna sa kanilang dalawa. Wala kang dapat kampihan."

"Pero mali si Kim, hindi tama'ng sinaktan niya si Deib. Hindi tamang paasahin niya si Deib kahit pa sabihin niyang hindi niya pinaasa si Deib at si Deib ang kusang umasa. Maling mali e. Maling mali!" halatang inis na sabi nya habang nakatingin sa akin. "Alam naman niyang siya lang ang minahal ni Deib! Siya lang ang kauna-unahang babaeng ginusto at minahal ni Deib!"

"Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit niya 'to ginawa sa kanya pero alam kong hindi niya rin intensyong manakit. Hindi niya plinanong gawin 'to sa kanya pero ang mali niya lang ay pinatagal niya pa kung pwede namang hindi na. Paniguradong hindi niya ginustong manakit ng tao. Nagkataon lang talagang nagmahal siya nang iba. At hindi kailanman magiging mali ang magmahal. Dahil kapag nagmahal ka, tama man o mali, hindi mo na yun makikita. Dahil kung paanong naging kusang nararadaman ang masaktan, kusa ring nararamdaman ang pagmamahal. There are certain people who are not meant to fit in your life, no matter how much you want them to be Lee. It's just that sometimes the hardest things to let go of are the things you never really had."

Hindi agad siya sumagot kaya naman napatingin ako sa kanya, bahagya pa akong nagulat ng makita kong nakangiti na siya sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko.

"I didn't expect you to be this awesome. Hindi ko akalaing ganyan kalawang ang pag-iisip mo." nakangiting sabi ya.

Hindi naman agad ako nakasagot.

"Sinasabi ko lang kung anong nasa isip ko." nasabi ko na lang.

"I know at bilib ako sa isip mo. Now I know for sure that you're not really weird, and you're just unique hahaha! Just like what you said way back then."

'Talas ng memorya ah?'

Nagngitian lang kami at hindi na ulit ako nagsalita.

"I know for sure that no matter how painful he's feeling right now, time will heal it. Not now and not too soon, but for sure it will." nakangiting sagot niya na tumingin ulit kay Sensui..

"Someday he's gonna look back on this moment of his life as such a sweet time of grieving. He'll see that he were in mourning and his heart was broken, but his life was changing." nakangiti ring sabi ko habang nakatingin kay Sensui.

~DOOR OPENS.~

Eksakto namang pumasok si Tob kaya naputol ang usapan naming, sabay naman kaming napalingon sa kanya.

"Nasabi mo na?" nag-aalala na namang tanong ni Lee.

"Oo." parang kabadong sagot ni Tob.

"Anong sabi ni Dein?"

"Nakapatay ang cellphone ni Dein kaya si Tito Lohrton ang tinawagan ko." halatang kabadong sagot ni Tob. "Nagalit siya syempre, nag-aalala rin. Sinabi ko ang buong nangyari kaya natagalan pa ako. Tsk! Pucha yari tayong lahat neto!"

"Papunta na sila?"

"Oo, kasama si Dean."

"Tsk."

"Galing sila kila Randall e, bukas na pala ang libing ng Daddy ni Randall?" biglang takang tanong ni Tob.

"Ha? Ang bilis naman?"

"Oo nga e. Hindi ko na naitanong kung bakit ganon kabilis kasi natakot ako kay Tito Lohrton!"

"Tsk, hintayin na lang natin sila dito."

"Oo ano pa nga ba? Tsk, malalaman nila Lolo at Lola 'to. yari na naman ako." nakangusong sabi ni Tob.

Tinignan ko naman ang oras at 4:00am na.

'Damn it hindi ko napansin ang oras!'

Agad kong kinapa ang susi sa bulsa ko at saka bumaling sa kanilang dalawa.

"Kailangan ko ng umalis." mahinang sabi ko.

"Ha? Bakit?" tanong ni Tob.

"Hiniram ko lang kasi yung sasakyang ginamit ko papunta dito. Hindi makakauwi yung may ari kung hindi ko ibabalik. Wag kayong mag-alala, babalik ako dito para matulungan ko kayong magpaliwanag sa kanila. Kilala ko naman yung mga bumugbog sa kanya. Sa ngayon ay kailangan ko talaga munang ibalik yung kotse ni Barb." mahabang paliwanag ko.

"Barb? Yung may ari nung The Barb?" parang gulat na gulat na tanong ni Lee.

"O-Oo." takang sagot ko at mas nagulat naman sila,

"T-Teka nga teka nga. Ano nga palang ginagawa mo don? Hindi ko naitanong kung anong ginagawa mo dun at bakit nandon ka para iligtas na naman si Deib?" takang tanong ni Tob.

'Damn it I'm busted!'

"Oo nga Max, nawala rin sa isip ko kung bakit nandon ka? Anong ginagawa mo sa The Barb? At bakit ganyan ang suot mo?"

Agad akong napatingin sa suot ko at naka-TB uniform ako.

'Waaa! Stupid!'

"Mamaya na ako magpapaliwanag, kailangan ko na talagang ibalik yung kotse kasi 4:00am ang sara nung TB. Hehehe. bye bye!" sabi ko at saka naglakad papalapit sa pintuan.

"Tek----!!" narinig ko pang sabi ni Tob pero hindi ko na siya pinansin at agad kong isinara ang pintuan.

Tumingin na muna ako sa hallway kung may mga tao at saka ako naglakad palabas at sumakay sa kotse ni Barb at mabilis na pinaandar yun.

TB.

Naabutan ko pa silang naglilinis at nagsasara habang si Barb naman ay nagbibilang pa ng pera na kinita.

"Max!" tawag sa akin ni Naih. Inabot ko na muna ang susi kay Barb.

"Thank you." nakangiting sabi ko kay Barb at saka bumaling kay Naih. "Oh?"

"Ano? Kumusta na si Sensui?" halatang nag-aalalang tanong niya.

"Okay naman na tulad na naman nung dati, naubusan isya ng lakas." sabi ko at nakinig naman silang lahat sa akin pati ang mga kasama naming waiter.

"E bakit nandito ka na?" tanong naman ni Barb.

"Kasi nandon naman sila Lee at Tob, nung makita ko yung oras ay alam kong magsasara na tayo at kailangan ni Barb yun kotse nya kaya binalik ko na muna. Isa pa, napansin nila ang uniform ko. Nagtanong na nga kung ano daw nga palang ginagawa ko dito? Bakit daw nandito ako? Tss."

"E anong sabi mo?" si Jep, tumingin muna ako sa kanya bago nagsalita.

"Hindi ako sumagot, nagmadali akong lumabas ng room at dumeretso dito." nakangusong sabi ko.

"Grabe may nangyayari palang ganyan dito?" sabat ni Beka. "Nakakatakot naman. "

"Loko lang talaga yung sila Ronnie at Bertis, mga warfreak yun." sagot ni Naih.

"Ano nga palang ginagawa nung mga yun dito? Bakit pinapapasok niyo pa dito yung mga yun?" inis na tanong ko.

"E wala ka kaya nung mga nakaraan kaya nagpupunta na naman yung mga yun dito! Hindi mo naman matanggihan dahil bubungangaan ka agad na customers are always right! Leche!" sigaw ni Barb. "Oh e kumusta naman si pogi? My God! Pano na lang ang gwapo niyang mukha?"

"Pahinga lang at magiging okay rin yun. Malayo sa bituka ang tama nun. " sagot ko. "Ano? Hindi pa ba kayo tapos dyan? Ako na sa kusina."

"Tapos na lahat, si Barb na lang ang hinihintay." sabi naman ni Boy.

Ilang minuto pa ang lumipas at sabay sabay na kaming umalis at umuwi. Angkas naman ni Naih sila Boy at Beka sa motor niya.

Pagdating sa bahay ay parepareho muna kaming umupo sa sala at nagpahinga.

"Babalik ka pa don?" tanong ni Naih.

"Oo nasabi kong babalik ako e. Sabi ko kila Lee at Tob ay tutulungan ko silang magpaliwanag dahil nagalit daw yung Daddy ni Sensui nung malaman yung nangyari sa kanya."

"Oh? Tsk tsk, yari sila Ronnie at Bertis nyan!" sabi pa ni Naih. "Oh e ano namang sabi ni Dein? Malamang uusok na naman ang ilong nun! Lalo na at kasali ka na naman sa eksena!"

"Nakapatay daw ang cellphone nya nung tawagan siya ni Tob kaya malamang hindi niya pa alam."

"Grabe takaw bugbog si Sensui ah." sabi pa niya.

"Sino bang Sensui mga bakla?" takang tanong ni Boy.

"Si Sensui yung nabugbog kanina---"

"Yung gwapo?" sabat naman ni Beka.

"Oo! Yung payat na payat pero gwapo. Sensui ang tawag namin don." sagot naman ni Naih sa kanila.

"Bakit Sensui?" tanong ulit ni Boy.

"Kasi siya si Taguro." turo sa akin ni Naih. "At yun naman si Sensui. Sila ang mortal na magkaaway sa school hehehe."

"Magkaaway? Pero tinulungan mo kanina? Uy ah! Hahaha! May itinatagong landi!" pang-aasar ni Beka.

"Tss."

"Sige bakla ganyanin mo ang Taguro, baka irequest rin nyang lumayas ka dito!" sigaw sa kanya ni Boy.

"Charing lang bakla ah hahaha! Baka ipagawa mo sa akin ang pinagawa mo don sa malaking mama kanina! Kabrokot yung mama'ng yun!" si Beka.

*Translation : Katakot yung mama'ng yun!*

"Ano na nga palang ginawa ni Ronnie?" tanong ko na unti-unting kinukuha ang mga gamit ko.

"Ayun, nagpabugbog rin siya hahaha! Mukha ngang tanga e! Kasi kapag nasasaktan siya, sinasapak rin niya yun mga bata niya! Mga muka silang engot dun kanina! Live show amp!" tumatawang sabi ni Naih at natawa rin ako sa kwento.

"Haha, kailangang kapag nakita ko siya ay tadtad ng pasa at sugat ang mukha niya tulad ng ginawa niya kay Sensui. Dahil kapag hindi, pagmumukhain kong siyang pasa na tinubuan ng mukha hehehe." natatawang sabi ko at saka ko kinuwa ang mga gamit ko at tumayo. "Mauna na ako inaantok na ako. Pakigising ako ng 7:00am. dederetso pa ako sa ospit---"

Nagtaka naman ako dahil mga nakatingin sila sakin na parang nanunukso.

"Ano?" inis na tanong ko sa kanila habang sinasalubong ang kilay ko. "Anong tingin yan?"

"Hmm." silang tatlo.

"Anong hmm?" inis na namang tanong ko.

"Kunwari pang mortal na kaaway, hoy bakla aminin mo! Bet mo si pogi no?" si Beka.

"Hahahaha! My God! Ang taray ng taste! Ang dinig ko'y mataba ang bulsa ni pogi at talaga namang sobrang yummy! Panalo ka bakla!" si Boy.

Hindi ko sila sinagot at bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanila dahilan para mapaatras sila.

"E kung paghaluin ko yang mga mukha niyo?" maangas na tanong ko sa kanila.

"Wala na nga kaming sinabi di ba? Sige push ka na maorlog bakla. Maaga kapa gogors." si Beka. At natawa naman si Naih sa kanila. Tumayo na rin siya at sumabay na sa akin.

"Matutulog na rin ako! Matulog na rin kayo! Lutuan niyo ng agahan si Taguro bukas, kung ayaw maghalo ang mukha ha? Hahaha!" sabi pa ni Naih. Hindi ko naman na siya pinansin at naglakad na ako papunta sa hagdanan. "Ang babaeng may trenta'y singkong bewang ang lakas lang ng loob magtaray di ba?" dagdag pa na ni Naih at nagtawanan naman sila ng malakas.

"Bwahahhahahahahaha!"

"Namimiss mo na ba ang Cebu Zarnaih?" inis na sabi ko habang umaakyat.

"Mas namiss kita Taguro! Tara na matulog!" nagmamadaling umakyat na sabi niya, inismiran ko naman siya bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Nagshower lang ako at saka natulog.

TENENENENENT! TENENENENENT! TENENENENENT!

Alarm clock yan, wag kang ano.

Nakasimangot akong bumangon dahil bitin na bitin talaga ang tulog ko pero kailangan ko ng kumilos dahil alam kong inaasahan nila Lee at Tob na babalik ako don.

Nagstretching ako at saka naligo agad, nung matapos akong maligo ay sinalubong na agad ako nga amoy ng nilulutong pagkain kaya paniguradong gising na yung dalawang bakla at talagang nagpreprepare na ng breakfast. Simula rin kasi nung dito na sila tumuloy sa amin ay sila na talaga ang naging taga-luto namin ni Naih, tagalinis at tagalaba na rin. Maliban sa mga personal things namin ni Naih syempre, kami na naglalaba nun. Pero halos wala na kaming ginagawa ni Naih dito sa bahay kung hindi ang kumain at matulog, pero pagdating sa trabaho ay parepareho kaming trabahador syempre. Mas mataas nga lang ang posisyon namin kila Beka at Boy, pero permanente na sila at kami ni Naih naman ay sideline pero, malaki ang salary. PLUS!

Kami ang gumagawa ng schedule namin hehehe. Ang totoo ay malaki rin ang naitulong ko kay Barb at Jep para marating nila ang narating nila ngayon, kaya naman tuwing humihingi ako ng tulong sa kanila hindi nila ako tinatanggihan. Isa pa, hindi naman ako yung tipong umaabuso. Tulad niyan, pinagtratrabahuhan ko ang kinikita ko at tulad lang ng iba, wala akong sahod kapag absent ako. No special powers but with special treatments haha!

Mabilis akong nagbihis at saka ako bumaba. Nakita ko na rin si Naih na nagbabasa sa sala habang umiinom ng coffee.

'Ako na naman ang pinakalate nagising tss.'

"Good morning madam!" bati sa akin Beka, nginitian ko naman siya. "Ay kahit bitin, maganda ang gising! Uy ang mga ngiti may meaning!"

Hindi ko siya pinansin at saka ako dumerecho kay Naih.

"Anong binabasa mo?" tanong ko sa kanya habang isinusuot ang sapatos ko.

"History. Back to school na tayo next week."

"Oo nga pala no? Tss, candidate pa pala ako for expulsion. Pagdedesisyunan pa kung magstay ako sa BIS o hindi." inis na sabi ko habang nagsisintas.

"Don't worry, marami ng boboto sa iyo for sure. Matapos yung naggagandahang eksena mo? Psh! Ewan ko lang!" pang-aasar niya. Hindi ko naman siya pinansin.

"Ngayon na ang libing ng Daddy ni Randall, sumama ka."

"Ha? Ang bilis naman? Bakit ngayon agad? Parang iilang araw palang nakaburol si Tito ah?" gulat na tanong niya.

"Ewan ko, sinabi lang sa akin ni Tob. Hindi rin ya alam ang dahilan mamaya malalaman natin yan."

"Grabe. ang bilis naman."

"Ika-limang araw na ngayon e sakto lang."

"Ahh ganon ba?"

"Mmm, tara." yaya ko sa kanya at naglakad na kami papunta sa sa dining area.

Kumain ako at ilang minuto lang ay paalis na.

"Susunod ako don." sabi ni Naih.

"Sa ospital?" tanong ni Beka.

"Mmm."

"Bet ko sumama!"

"Gaga! Baka ideretso ka sa morge bakla!" biro naman ni Boy sa kanya.

"Mauna na ako, sumunod ka na lang." sabi ko kay Naih.

"Ingat bakla!" sila Beka at Boy.

"Sige. Ingat." si Naih.

Nginitian ko lang sila at saka na ako pumunta ng ospital.

South International School Medical Hospital.

Naglakad ako papunta sa elevator at sumakay.

"Huhuh YanYan! Gusto ko talagang ma-assign sa room ni Patient Deib Enrile!"

Palihim akong lumingon at nakita ko ang dalawang nurse na nag-uusap sa bandang likod ko.

"Hay naku Lin! Hindi lang ikaw no? Pwede ba? Ang gwapo gwapo niya grabe! " sabi pa nung isa.

"Grabe YanYan. Kahit ang dami niyang pasa sa mukha, ang gwapo gwapo niya pa rin waa!"

"Sinabi mo pa Lin huhu. Pati yung mga kaibigan niya nakita mo? Ang gugwapo! Waa!"

"Huhu! Ang balita ko ay mga taga-BIS ang mga yun! Mga high school pa lang daw!"

"Hindi nga Lin?"

"Oo nga!"

"E bakit nung tinignan ko ang chart niya ay 19 years old lang siya?"

"Ha? Hindi ko napansin yun?"

"Psh! He's 19 no!"

"Hay naku! Kaya naman pala ang sabi ni Pamjae ay mas bagay sila dahil isang taon lang ang tanda niya sa kanya kumpara sa atin!"

Hindi ko na sila ulit pinakinggan pa at tinignan ko na lang ang floor ko.

"Tsk! Hindi naman kasi ako makapasok don kasi ang sungit nung Ate niya! Doktora pala yun!"

'Nandon na si Dein.'

Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na ako.

Wala pa ako sa harap ng room ni Sensui ay nakita ko na si Dein, kalalabas niya lang ng kwarto.

Huminto naman ako sa kinatatayuan ko at hinintay siyang tumingin sa akin at tulad ng inaasahan ko ay nagulat siyang makita ako. Bahagya pa siyang napahinto sa paglalakad at saka dahan dahang nagsalubong ang kita at nagtuloy sa paglalakad.

Masama ang tingin niya habang naglalakad papalapit sa akin.

Pagkalapit sa akin ay saglit kaming nagtitigan.

"Do I have to thank you for bringing my brother here?" sarkastikong tanong niya at hindi naman ako sumagot. "Or do I have to slap you for bringing him again here?"

Bahagya naman akong ngumisi.

"Ibang ospital 'to Dein. " sagot ko.

"Ha! So lalahatin mo ang ospital para sa kapatid ko? Bakit ba hindi ka lumalayo kay Deib? Bakit hindi mo nalang siya layuan? Hindi mo ba napapansing ikaw ang malas niya? Kung nasaan siya at nandon ka, kung anu-anong nangyayari sa kanya!"

"Tss, takaw-gulo lang talaga yang kapatid mo."

"Psh! At ikaw ang gulo! Ikaw mismo ang nagdadala ng gulo! Panigurado akong ikaw na naman ang may kagagawan nito!"

"What the hell? Alam mo ba kung anong nangyari sa kanya?" biglang nainis na tanong ko.

"Oo! Alam ko! Pero ni isa sa kanila ay walang makapagpaliwanag kung anong ginagawa mo don! Kung bakit ka nandon! Ano nga bang ginagawa mo don!\? Ha?!\"

"Hindi mo na kailangang malaman pa."

"Psh! I knew it. I knew you're not gonna say it! For sure you planned everything!"

"What the hell are you saying? Hindi ko lang sinabi kung anong ginagawa ko don, pinagbibintangan mo na ako? Woi. Hindi ko pag-aaksayahan ng panahong pagtripan ang kapatid mo okay?"

"Really?" sarkastikong tanong niya. "After everything you've done to him? Wala kang panahon pagtripan siya---"

"Wow!" pigil ko sa kanya. "Magkapatid nga kayo. Wala na kayong ibang ginawa kundi ang idiin ako sa kasalanang hindi ko naman ginagawa!"

"Oh really? Wala ka ba talagang kasalanan? Malay ko ba kung ipinabugbog mo lang talaga si Deib!"

"Kung gagawin ko man yun, sisiguraduhin kong hindi lang yan ang aabutin niya---!"

Natigil ako sa sasabihin ko ng umasta siyang sasampalin ako pero sinalag ko ang kamay niya.

"Wag na wag mong gagawin sa akin yan dahil ang huling babaeng sumubok na sampalin ako ay nawalan rin ng malay." nakangising sabi ko.

"See? Yan! Yan ang kasamaan ng ugali mo!"

"Pero ang tulad mo ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to."

"Ang kapal ng muka mong ipangalandakan sa mimsong muka ko ang kasamaan ng ugali mo"

"Tss. Ako pa? Ako pa masama ang ugali?"

"Why? Do you think I'm stupid? Do you really think I am that stupid para hindi maisip na gumaganti ka lang sa akin kaya mo ginagawa 'to?"

'Ano bang sinasabi neto? Nasobrahan sa talino, mali mali na tuloy ang konklusyon!'

"Ano bang sinasabi mo?" inis na tanong ko.

"Eto ba? Eto ba ang ganti mo sa akin? Sa ganitong paraan mo ba gustong gumanti sa akin?" nanggagalaiting tanong niya.

"You're paranoid Dein." nakangising sabi ko.

"Of course I'm not!"

"Then maybe you're crazy." sarkastikong sabi ko.

"What? Not me! Ikaw! Ikaw ang baliw! Kung anu-anong ginagawa mo sa kapatid ko at wala kang pakialam kung hanggang saan umabot ang paghihiganting ginagawa mo!! Ikaw ang baliw! Baliw!"

"For sure, iisipin rin ng mga taong nakakakita at nakakarinig sa iyo ngayong baliw ka." seryosong sabi ko. "Paranoid ka dahil kung anu-anong naiisip mo kaya kung anu-anong konklusyon ang pumapasok dyan sa utak mo!" inis na sabi ko sa kanya. Pilit kong hinihinaan ang boses ko pero sinisiguro kong madidiin ang dating ng mga iyon. "Pwede ba? Hanggang kelan mo ba ako pag-iisipan ng ganyan? Ha? Talaga bang tuwing tutulungan ko ang kapatid mo e iisipin mong kasalanan ko kung bakit siya nagkaganyan? Ha! Woi, nakikipagrambol ako pero hindi pa ako nakakapatay. Nambubugbog ako pero hindi para mangtrip. Nananakit ako hindi dahil gusto ko lang! Lahat yun ginagawa ko ng may dahilan!! Wag ka ngang tanga! Wag mong bulagin ang sarili mo sa galit at inggit na nararamdaman mo!"

"Ang kapal ng mukha mo! Sinong may sabi sa iyong naiinggit ako sa iyo?"

"Bakit? Hindi ba?" sarkastikong tanong ko. "Kung ganon ay wala akong makitang dahilan para magkaganyan ka sa akin Dein, maliban sa nag-iisang dahilan at alam kong alam mo kung ano yun." bahagya naman siyang nagulat pero nakarecover rin agad.

"Ang kapal talaga ng muka mong pag-isipan ako ng ganyan---"

"Hindi ba't ang kapal rin ng mukha mong pag-isipan ako ng kung anu-ano? Edi wag ka ng magrekalmo dahil kwits lang tayo!"

"Psh! Shut up!" malakas na sabi niya dahilan para lingunin na naman kami ng mga malalapit sa amin at nakakarinig. "Wag mo ng paikut-ikutin pa ang usapan dahil alam ko naman nung umpisa palang na ang puno't dulo kung bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to ay dahil para makaganti sa akin! At wag ka ng magkaila Maxpein! Wala kang ibang dahilan para dumikit sa pamilya ko kung hindi ang makaganti! Bukod don ay wala ng iba!" madiin ring sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Well then I am sorry to disappoint you but your conclusions are all wrong." nang-aasar na sabi ko sa kanya. "You are just damn paranoid kaya ganyan ang mga pinag-iiisip mo Dein. Aside from being paranoid, masyado kang in denial sa mga tunay na nangyayari sa paligid mo. Accept the reality Dein. We're destined to meet each other again. Nakatakda ako makabangga ang kapatid mo, at hindi mo na mababago yun." sabi ko at saka ko siya tinalikuran.

Mabilis akong naglakad papunta sa harap ng kwarto ni Sensui at saka kumatok, habang hinihintay may magbukas ng pinto ay muli kong sinulyapan si Dein.

Nakatayo pa rin siya sa kinatatayuan niya at nakatalikod sa akin, nung lingunin niya ako ay saka eksaktong bumukas ang pinto kaya naman tumingin na ako sa nagbukas niyon at saka pumasok sa loob.

"Maxy iha." malungkot na salubong sa akin ng Mommy ni Deib.

Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang pisngi at saka dahan dahang yakapin.

Dahan dahan ko namang naiyakap rin ang mga kamay ko sa kanya.

'Damn this is awkward!'

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Sina Lee, Tob, Dean at ganon na rin ang Daddy ni Sensui.

Ilang segundo pa ay Mommy ni Sensui ang kusang bumitiw sa pagkakayakap sa akin at saka tumingin ng deretso sa mga mata ko habang hawak hawak niya ang magkabilang braso ko.

Mangilid ngilid ang mga mata niya.

'Waaaa!'

"I don't to thank you for saving my baby, Maxy."

Hindi ako nakapagsalita.

"Kung hindi ka dumating para tulungan siya, baka kung ano nang nangyari sa kanya huhuhu." umiiyak ng sabi niya.

"A-Ahh Mrs. Enrile. Wala naman ho kong ginagawa."

"Meron, marami, napakarami iha. Alam kong ikaw ang nagdala dito kay Deib. Alam ko ring ikaw ang tumakot don sa mga students na bumugbog sa kanya para tigilan siya. Alam namin lahat dahil nakausap na namin ang magulang nung nangbugbog. Sinabi niya ang lahat kaya nagpapasalamat talaga ako sa iyo." umiiyak na sabi na naman ni Tita Lacey.

"You're welcome ho.. nasabi ko na lang dahil ayoko namang magpumilit pa. Napatingin naman ako kay Dean na katabi ng Daddy ni Sensui. Nagbow ako sa kanila at saka ko sila binati. "Good morning Dean. Good morning Mr. Enrile."

"Good morning." bati nilang pareho.

"I admire you for your braveness iha." nakangiting sabi ni Mr. Enrile. "Thank you for your kindness."

"Y-You're welcome Mr. Enrile." nahihiyang sabi ko.

'Kung nandito si Dein ay paniguradong uusok ngang talaga ang ilong nun!'

Tumingin naman muna ako kila Lee at Tob at nginitian naman nila ako at gumanti ako ng ngiti sa kanila, saka ako muling bumaling sa parents at Lolo ni Sensui.

"D-Dumaan ho ko para kumustahin sana siya." seryosong sabi ko at saka tumingin kay Sensui. "Pero mukhang hndi pa rin ho siya gumising."

"Hindi pa siya gumising mula nung dalhin mo siya dito iha. Naubos ng todo ang lakas niya at babalik lang yun kapag nakabawi na siya ng lakas." si Mr. Enrile.

"Maaaring dahilan rin ang alak kung bakit hanggang ngayon ay tulog pa siya." dagdag naman ni Dean.

'May idea na kaya sila kung bakit nagpapakalasing ang anak at apo nila?'

"Ano hong sabi ng doktor?"

"Kailangan niya lang daw magpahinga. Kapag nagising siya ay magsstay lang syia ng mga ilang oras at pwede na siyang umuwi." si Mrs. Enrile.

"Nice to hear that." nakangiting sabi ko.

"Tignan mo muna siya." nakangiting sabi ni Mrs. Enrile habang inaalalayan ako papunta kay Sensui.

Dahan dahan naman akong lumapit sa kama nya at pinagmasdan ang mukha niya, mukhang tulog na tulog pa rin siya walang pinagbago mula nung iniwan ko siya hanggang ngayon. Tinignan ko naman siya pababa sa kamay niya at nung mapatingin ako sa sahig ay nakita kong natanggal ang sintas ko kaya naman umupo ako para ibuhol yun.

DEIB'S POV

"Ano ba kasing ginawa mo na naman? Parati ka na lang pumapasok sa gulong hindi mo naman kayang labasan! Tuwing may mangyayari sa iyo pakiramdam ko obligasyon kong tulungan ka e! Nakakainis pero hindi naman kita pwedeng pabayaan! Naiisip ko pa lang na hindi kita tutulungan naguiguilty na ako! E tutal konting yabang lang e nasisindak na sa akin yung mga taong yun. Bakit hindi pa kita tutulungan di ba? Pero sana wag mo namang ugaliing magpabugbog Sensui, mas makatarungang magkaron ng pasa, sugat at bukol kung alam mong nakaganti ka! Wag mo hahayaang ikaw lang ang papanget! Kailangang kapag pumanget ka ay mas panget sila! Kapag sinapak ka, sapakin mo rin! Kasi lugi ka e, gwapo ka at panget sila! Sayo mawawala sa kanila, wala! Eengot engot, konting tekniks hindi alam. Kalalaki mong tao ang lampa mo! Bakit ba kasi hindi ba uso ang kanin sa inyo? Bakit ganyan kapayat yang katawan mo? Tss."

"Wala namang batas ang nagsasabing bawal ang masaktan. Hindi mo kailangan ng pahintulot ng iba para masaktan ka. Walang makakapgsabi sa iyo kung kelan ka dapat at hindi dapat masaktan kasi kusa yung nararamdaman. Lahat ng may puso ay marunong masaktan. Hearts are breakable, nothing and no one can protect a heart from breaking. And even if you no longer feel the pain in it, you'll never what you were before, you were never quite the same as you'd been before the fall."

"Wala silang relasyon ni Kim pero may nararamdaman siya para kay Kim. Ang totoo yun pa nga ang mas masakit e. Kasi wala silang relasyon pero nagawa niya pa ring manloko. Ang magpaasa. Hindi aasa ang isa kung hindi magpapaasa ang isa pa. Alam kong naiipit ka sa sitwasyong 'to, pero itatak mo sa isip mong wala kang kasalanan. Dahil hindi mo rin 'to ginusto."

"Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit niya 'to ginawa sa kanya pero alam kong hindi niya rin intensyong manakit. Hindi niya plinanong gawin 'to sa kanya pero ang mali niya lang ay pinatagal niya pa kung pwede namang hindi na. Paniguradong hindi niya ginustong manakit ng tao. Nagkataon lang talagang nagmahal siya nang iba. At hindi kailanman magiging mali ang magmahal. Dahil kapag nagmahal ka, tama man o mali, hindi mo na yun makikita. Dahil kung paanong naging kusang nararadaman ang masaktan, kusa ring nararamdaman ang pagmamahal. There are certain people who are not meant to fit in your life, no matter how much you want them to be Lee. It's just that sometimes the hardest things to let go of are the things you never really had."

"Someday he's gonna look back on this moment of his life as such a sweet time of grieving. He'll see that he were in mourning and his heart was broken, but his life was changing."

Tulog ang katawan ko pero gising ang diwa ko.

KAYA LAHAT YAN AY NARINIG KO. DINIG NA DINIG KO. AT LAHAT.

'Tumatak sa puso ko.'

Nagising ang diwa ko ng maamoy ko ang isang pamilyar na pabango.

Ang pabangong minsang kinainisan ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nanumbalik ang lakas ko at gusto ko ng imulat ang mga mata ko.

Dahan dahan kong iginalaw ang kamay ko kung mararamdaman ko na 'to at nung maramdaman ko ay dahan dahan ko na ring iminulat ang mga mata ko

"D-Deib!"

'Mommy?'

Hindi ko pa yata kayang magsalita, pakiramdam ko ay naubos ng todo ang lakas ko.

"Gising na siya?" narinig kong tanong ni Noona.

Isa isa silang lumapit at tumayo sa paanan ng kama ko at ngumiti sa akin, bakas ang matinding tuwa sa mga mata nila.

'Lolo. Mommy. Daddy. Noona. Tob. Lee.'

Pinilit ko ring ngumiti sa kanila dahilan para lalo silang mapangiti.

"Deib! Anak!!" humahagulgol na sigaw ni Mommy. "Thank God nagising ka na huhuhu."

"Thank you God." naiusal naman ni Daddy at sina Lolo at Noona gayun na rin sina Lee at Tob ay mukhang tuwang tuwa ring makita akong gising na at nakangiti sa kanila.

Pero hindi sila ang inaasahan kong una akong makikita.

Nagising ako dahil naamoy ko ang pabangong yun ni Taguro at alam kong malapit siya sa akin. At hindi ako magkakamaling pabango nya yun.

'Pero bakit wala siya dito? Nung maamoy ko yung perfume nya pakiramdam ko katabi ko lang siya! Bakit wala siya dito? Nananaginip lang ba ako kanina?'

Inilinga linga ko ang mga mata ko at pilit kong inalis ang oxygen mask sa mukha ko pinilit kong tumayo pero pinigilan ako ni Noona.

"Mahiga ka na muna Deib--wag mong biglain baka mahilo ka." halata sa tono ni Noona ang pag-aalala pero hindi ko siya pinansin. Iginala ko ang mga mata ko pero hindi ko makita si Taguro.

Hinawi ko sila Mommy at Daddy, Lee at Tob. At gayon na rin si Noona para makita ko ang likuran nila pero wala akong nakitang Taguro.

Dismayado kong ibinagsak ang katawan ko pabalik sa pagkakahiga at inis na pumikit saglit.

'Pano nangyari yun? Naamoy ko siya dito pero bakit wala siya dito! Nakakainis!'

"Deib? Ano bang nangyayari sa iyo? May kailangan ka anak? Anong kailangan mo? May masakit pa ba Deib ha? Sabihin mo please." si Mommy.

"Deib, may hinahanap ka ba?" si Daddy..

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at.

Nagtama ang paningin namin ni TAGURO.

Agad kong iniwas ang paningin ko ng makita ko ang wala na namang kakwenta kwentang reaksyon ng mukha niya. Ang mukha niyang walang pinagbago ang reaksyon dahil hanggang ngayon ay blangko pa rin at hindi mo kakikitaan ng ano mang emosyon.

Derecho siyang nakatingin sa akin at hindi naman ako makatingin sa mga mata niya.

Saglit na nagpapalit palit ang paningin ni Mommy sa kanya at sa akin na parang nagtataka kung ano bang nangyayari.

"Here, drink it first." sabi ni Noona na may pinainom na gamot sa akin. "Now try to speak say ahh."

"A-Ahh." sabi ko.

"A-Ahh."

'WTF!? Paos ako!'

"Maaaring naubusan ka ng boses kasisigaw mo." sabi ni Noona na inabutan na naman ako ng tubig at mouthwash saka ako nagmumog twice.

"Iwan niyo muna kami." mahinang sabi ko at talagang namamaos..\

"Kayo nino anak?" si Mommy, hindi ko siya sinagot, tumingin lang ako kay Taguro at hindi ko na inalis ang paningin ko sa kanya.

"Bakit Deib?" si Noona.

"Just leave us first." mahinang sabi ko.

"O-Okay."

"Sa labas muna kami Maxy." ngiting ngiting sabi ni Mommy kay Taguro. Siya naman ay tumingin muna kila Mommy't Daddy pati na rin kay Lolo na parang nagpapaalam.

Nung makalabas sila ay ilang segundo pang nakatingin si Taguro sa pinto saka tumingin sa akin, saglit pa kaming nagtitigan at saka ko siya sinensyasan.

Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin, pinagpag ko ang gilid ng kama ko at sinenyas sa kanyang umupo don pero hindi siya sumunod sa akin.

"I said c-come here." inis na sabi ko dahil pasok na nga ako hindi pa sya makuha sa sensyas.

'Badtrip!'

Hindi pa rin siya sumunod.

"Paos ako at hindi tayo m-magkakarinigan kung ganyan ka kalayo, c-come here!" galit na talagang sabi ko dahil ang hirap magsalita. Parang wala naman siya sa sariling sumunod at pabagsak siyang umupo sa kama ko pero nakatalikod siya sa akin at hindi nakatingin sa akin.

"Thank you." nahihirapang sabi ko.

"Okay lang." maangas na sabi niya.

"H-Hindi ko inaasahang dadating ka don."

"Tss, hindi mo naman alam na nandon ako e."

"E ano nga bang g-ginagawa mo don?"

"San?"

'Damn it! Nakita ng paos hindi pa intindihing maige ang sinasabi ko!'

"D-Don! Don mismo sa lugar kung san ako nabugbog!"

"Ahh, malamang pumunta ako don para tulungan ka. Nung sinabi sa akin na binubugbog ka don, pumunta ako para tulungan ka."

'Wala talagang kwentang kausap 'to kahit kelan! Ang ibig kong sabihin ay bakit nandon rin siya sa The Barb! Peste! Di bale na nga! Saka ko na lang ulit tatanungin! Nakakainis!'

"B-Buti walang nangyari sa iyo?" pilit kong hindi ipinapahalatang concerned ako.

"Wala namang magagawa sa akin yung mga yun, kilala ako ng lahat ng tambay sa TB at lahat sila takot sa akin."

"M-Mayabang ka talaga---"

"Honest lang." pambabara nyia sa akin.

Pareho kaming saglit na natahimik.

"U-Uminom ako dahil don sa kahapon." pagbabasag ko ng katahimikan hindi naman siya nagsalita.. "Gusto kong mailabas yung laman ng isip ko kaya niyaya ko sila Tob. Yun lang kasi ang naisip kong paraan para makalimutan ko sandali yung n-nararamdaman ko." hindi pa rin siya nagsalita ay naiinis na ako.

"Baka may gusto kang sabihin?" inis na sabi ko. Lumingon naman siya sa akin at tumingin ng deretso sa mukha ko.

"Wala naman." sabi niya at nagkibit-balikat pa.

'WTF?'

Pilit kong itinago ang inis ko at nagbuntong-hiningi bago magsalita ulit.

"L-Lahat nung sinabi mo kagabi. Narinig ko lahat yun." sabi ko.

Mabilis siyang napalingon sa akin.

Nagkatinginan kami, gulat siya samantalang ako'y parang sabik na sabik na tumitig sa mukha niya.

'Damn it, what's going on?'

"N-Narinig mo lahat?" gulat na tanong niya.

"Lahat." nakangiting sabi ko..

"Tss. Edi bilib ka na naman?" nakangiting sabi niya.

"Hambog." mahinang bulong ko.

"Sabi ng honest lang." biro niya.

"Thank you."

"Saan na naman?" tanong niya.

"D-Dahil kasi don sa mga narinig kong sinabi mo, gumaan ang pakiramdam ko at nabawasan ang sakit na nararamdaman ko." seryosong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung pano ko natagalan pa ang mga titig niyang yun pero ramdam ko ang tuwa sa puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 60 6
Outbreak Series #1 tvcn, 013024 | claudenella, 2024.
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
26.8K 3.3K 101
Sa mundong ang pagtataglay ng malakas na aura ay ang nagsasabi ng lakas, isang walang aura at walang kapangyarihang nilalang ang magiging pinakamalak...