The Vicant's Crest (Wattys 20...

By marcshelby

149K 8.9K 1.8K

Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and pr... More

Promote
Webtoon Version!
The Vicant's Crest
Prologue (unedited)
Chapter 1: Convince
Chapter 2: The Thief
Chapter 3: Vicant's Crest
Chapter 4: Vicants
Chapter 5: Palace
Chapter 6: The Deal
Chapter 7: The Questionable Rule
Chapter 8: Ten New Recruits
Chapter 9: Truth About The Game
Chapter 10: Facing The Archery
Chapter 11: White Summoner
Chapter 12: The Lightning Ability
Chapter 13: Players
Chapter 15: Her Being Frustrated
Chapter 16: The Deleterious Vines
Chapter 17: Froze
Chapter 18: Tenebrific
Chapter 19: Savior
Chapter 20: Cantis' Explination
Chapter 21: Talking To Zach
Chapter 22: Excuse
Chapter 23: Acception
Chapter 24: Caught
Chapter 25: Finding Her Own Home
Chapter 26: Klon
Chapter 27: She Hide Them
Chapter 28: Fight
Chapter 29: Emotions
Chapter 30: The Feeling Of Being Invisible
Chapter 31: Jill?
Chapter 32: The New Protector
Chapter 33: How To Choose Youself?
Chapter 34: Burden
Chapter 35: Burden 2
Chapter 36: Guilty
Chapter 37: Battle Field
Chapter 38: Tournament
Chapter 39: The Ring Of Fire
Chapter 40: The Greatest Downfall
Chapter 41: Cursed?
Chapter 42: Her Promise
Chapter 43: The Plan
Chapter 44: Truth Behind The Black Shadow
Chapter 45: Her Goodbye
Chapter 46: The Confrontation
Chapter 47: Feelings
Chapter 48: Black Light
Chapter 49: Reena's Ability
Chapter 50: Final Chapter
Epilogue

Chapter 14: Enchantress' Chant

2.5K 186 89
By marcshelby

"Sasama ako sa laro." Ulit kong muli dahil mukhang hindi iyon narinig ni Cantis nang makaharap siya sa akin nang diretso.

Napansin ko si Sev na bigla na lamang lumitaw mula sa gilid ko saka niya hinawakan ang aking braso't iniharap sa kanya.

"Hindi mo pa kayang makipagsabayan sa kanila," sabi nito sa akin at mahina lamang iyon. Nilingon niya si Cantis pagkatapos ay muling tumingin sa akin. "Naalala mo 'yong sinabi ko sa 'yo?" Bulong nito sa akin.

Hindi ko siya pinakinggan, bagkus ay muli kong hinarap si Cantis.

"Makikipaglaro ako sa kanila," taas-noong sabi ko rito.

Umismid naman si Cantis mula sa aking sinabi at halatang napatawa ito. Hindi ko man nakita ng buo ang kanyang reaksyon, ramdam kong nais ako nitong tawanan nang malakas dahil na rin sa kanyang inaasta ngayon.

Hindi rin panatag ang loob ko habang natingin ang ibang mga Vicants mula sa aming kinaroroonan at naririnig ko nang muli ang kanilang mga mahinang pag-uusap.

"Rhia, baka hindi mo kayanin-"

"Sigurado ka ba?"

Hindi naituloy ni Sev ang kanyang sinasabi nang magtanong si Cantis sa akin.

Mula sa kanyang gilid ay napansin ko ang paglapit ng isang babaeng mayroong apat na paa at hugis kabayo iyon. Half-human at half-horse. Malalaki ang kanyang taingang natatakpan ng kulay puti at mahaba nitong buhok na siyang bumagay sa kanyang hugis pusong mukha. Ang kanyang kulay berdeng mga mata ay tila nang-aakit habang siya'y nakatingin sa akin. Ang kanyang maliit at pulang labi ang nagbigay ng signal kay Cantis upang hindi ito makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan.

Hawak nito ang isang kulay gintong tridon na mayroong kulay berdeng mga vines at dahon. Puting-puti ang kanyang katawan. Ang kanyang dibdib ay natatakpan lamang ng kulay gintong dahon. May mga umaligid-aligid din sa kanya na mga alitaptap at nagliliwanag ang mga iyon.

"Sino siya?" Mayumi ang kanyang boses habang siya'y nagtatanong kay Cantis. Napatingin siya roon at takang tiningnan niya naman ito.

"Siya si Rhia. And she's the stealer of the crest," sagot ni Cantis dito.

Inaanalisa ko pa kung sino siya. Hindi ko siya nakikita rito sa loob ng palasyo. O 'di kaya'y masyado lang akong nagkukulong sa kwarto ko kaya't hindi ko siya nakikita?

Pero kahit naman nandito ako sa field sa tuwing mayroong ensayo ay hindi ko siya nakikita.

Naramdaman ko ang paglapit ng labi ni Sev mula sa gilid ko.

"Siya si Enchantress." Bulong sa akin ni Sev nang makalapit nang tuluyan ang kanyang labi sa tainga ko.

Siya pala iyong ikinukwento niya sa akin noon. Naikwento na niya rin ito sa akin last time. Mas maganda pa pala ito sa inaakala mo mula sa pagkukwento sa akin ni Sev. She's so gorgeous, no sugar-coating.

"The stealer..." Sambit ni Enchantress at tiningnan ako nitong muli. Marahan itong naglakad patungo sa aking kinatatayuan. Humakbang patungo sa pinakalikod si Sev nang malapit si Enchantress at tila tinitingnan at inaanalisa niya ang buong katawan ko. Saglit lamang ay hinawakan niya ang aking braso't tiningnan ang natatakpang sugat mula sa kulay puting telang nabahiran na ng kaunting dugo.

Naramdaman ko ang mainit nitong mga kamay nang hawakan niya ang aking sugat. Ngunit hindi naman iyon masyadong mainit. Tama lamang ang init na iyon mula sa aking balat. Nagliwanag ang sugat na aking natamo mula kay Archy habang natatakpan pa rin iyon ng tela. Saglit lamang ay hinawakan nito ang nakataling tela at dahan-dahang tinanggal iyon mula sa pagkakapulupot.

Mula sa punit na bahagi ng aking kasuotan, napansin kong nawala ang sugat na iyon sa aking braso.

Takang tiningnan ko si Enchantress na wala pa ring reaksyon habang siya'y nakatingin sa aking kamay na kanyang pinagaling.

"Pasalihin mo siya," sabi ni Enchantress sa akin at kampanteng-kampante siyang nakatingin sa akin.

"Let's get started." Narinig ko iyon mula sa labi ni Cantis. "You are all 21 players," sabi pa nito.

"Maghanda ka na," mahinang sabi sa akin ni Enchantress.

Tumango naman ako kaagad at saka dali-daling naglakad patungo sa kinaroroonan ng mga players, sa tabi ni Zach.

Nang lingunin ko ito, ganoon na lamang ang kanyang reaksyon nang makita ako nito nang tuluyan. Magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Loser," narinig kong sabi nito bago nito tuluyang ituon ang kanyang atensyon kay Enchantress na ngayon ay nasa amin ng harapan.

"Bastardo."

"Ang dalawampu't isang manlalaro ay magtutungo sa loob ng kagubatan. Ngunit lima lamang ang maaaring makakuha ng crest's symbol." Enchantress walks back and forth as she looks at all the players. "The first thing you need to do while you're inside the forest is to protect yourself from danger. And of course, dangers is yourself. Paunahan kayo mula sa pagkuha ng crest's symbol to win the game."

Mula sa kanyang palad ay lumabas ang limang crest's symbols at lumutang iyon sa hangin. Sumasabay mula sa aliw ng hangin ang mga symbol na iyon. Saglit lamang iyon at nagpaikot-ikot 'yon sa kanyang kinaroroonan.

"Here's the five crests," sambit nito bago siya tuluyang tumalikod sa amin at humarap sa napakalawak na field.

"Nasa'n ang tinutukoy niyang gubat?" Tanong ko sa aking sarili.

Wala talaga akong makitang kahit na isang punong nakatayo sa harap ng field.

"Ambobo. Maghintay ka," narinig kong sambit ni Zach mula sa tabi ko.

Tiningnan ko iyon at binigyan ng nakakasindak na titig bago ko unti-unting pinalabas mula sa tapat ng kanyang kinatatayuan ang isang maliit na kamay at hinawakan niyon ng black shadow.

Marahan niyang itinapat sa akin ang kanyang hintuturo. Mabilis na lumabas mula roon ang kuryente at nagtungo iyon sa aking kamay kaya't mabilis ko iyong nabawi't nawala ang black shadow mula sa kanyang paa. Napaatras pa ako dahil sa kanyang ginawa. Ngunit nakapuwesto naman ako kaagad mula sa kanyang ginawa sa 'kin.

"Mas bobo ka. Hindi ikaw ang kausap ko," mahinang sabi ko sa kanya.

"Tanga ka ba?"

I just simply rolled my eyes on him. Magsasalita pa sana ako nang bigla na lamang gumalaw ang lupa at nayanig ang buong paligid.

Nilingon ko si Enchantress nang marinig ko itong magsalita.

"Goddess of tree,
I summon you by thee.
Full the field with too many trees,
So mote it be."

Tatlong beses niyang inulit ang katagang iyon habang yumayanig ang buong paligid. Ni hindi ko nakita ang ibang reaksyon ng mga player bukod sa sampung bagong recruit na nasa laro. Hindi mapakali ang mga ito habang nakatingin din sila kay Enchantress.

Ilang saglit lamang iyon nang unti-unting lumitaw mula sa kalawakan ng field ang mga puno. Ilang minuto rin ang itinagal niyon bago tuluyang nabuo ang napakadilim na kagubatan.

Lumipad mula sa himpapawid ang mga crest symbols at nagtungo iyon sa loob ng kagubatan. Doon din ang hudyat ng ng pagtingin sa aming kinalalagyan ni Enchantress.

Naglakad din doon si Cantis at nilingon niya kaming lahat.

"Ang bawat manlalaro ay nagtataglay ng iba't ibang ability na nanggagaling sa inyong mga katawan," umpisa nito habang nakatingin siya sa aming lahat. "Gaya ng sinabi ni Enchantress sa inyo, kailangan niyo lamang protektahan ang inyong mga sarili sa loob ng kagubatan at hanapin ang mga crest symbols upang manalo sa laro."

Mas lalong umingay ang mga Vicants na nasa aming likuran habang sila ay nanonood nang banggitin ni Cantis ang mga katagang iyon.

Mula sa himpapawid ay nagsiliparan ang mga itim na ibon. At doon ko na rin napansin ang marahang paglabas ng kulay asul na buwan mula sa kaitaasan. Malaki iyon ngunit hindi pa buo ang buwan.

Tinalikuran kami ni Cantis saka siya tumingala sa kalangitan at gaya ng ginawa ko ay tiningnan niya rin ang patuloy na lumalaking buwan kahit hindi pa iyon buong-buo. Maging ang mga players ay tumingala na rin sa itaas.

"Sa sandaling mabuo nang tuluyan ang buwan sa kalangitan, maaari na kayong magtungo sa loob ng kagubatan upang hanapin ang mga simbolo."

Ilang minuto rin ang itinagal ng katahimikan. Nakabibingi ang katahimikan ng buong paligid. Ang mga Vicants na kanina lamang ay sigaw nang sigaw at nagdaldalan mula sa aming likuran ay bigla na lamang natahimik mula sa kanilang kinatatayuan habang silang nakatingin sa amin. Muli ko silang nilingon dahil walang imik ang mga ito.

Napansin ko sina Jill at ang kanyang mga kasama na nakaupo mula sa kulay pilak na upuang mayroong simbolo ng kidlat mula sa ibaba niyon at nakatingin sila sa akin. Naroroon na rin si Sev na ngayon ay naging visible na ang kanyang katawan at mukha itong nag-aalala habang nakatingin din siya sa akin.

Nakikita kong bumubuka ang kanyang bibig ngunit walang lumalabas na kahit na anong boses mula roon.

Sinesenyasan ako nito at mukhang nais niya akong mag-back out mula sa desisyong ginawa ko sa aking sarili.

Ngunit buo na ang desisyon ko. Kailangan ko kaagad na mag-move sa Tournament upang makaalis na ako rito.

Gagawin ko ito para kina nanay at Reena.

"Bakit para kang puno riyan?" Narinig kong tanong ni Zach mula sa gilid ko at binasag niyon ang nakabibinging katahimikan ng paligid. Hindi ko siya nilingon dahil alam kong hindi naman ako nito kakausapin bukod sa naaasar siya sa akin at ganoon din ako sa kanya ay walang dahilan upang harapin ko pa ang mokong na 'to. Naramdaman ko ang kuryente sa aking balat kaya napalingon ako sa kanya. "Kinakausap kita."

"Ano ba kasing problema mo sa 'kin bukod sa nagmumukha kang propeller dahil ang hangin-hangin mo?" Mahinang reklamo ko sa kanya.

He smirked. "Tss." Iniwas nito ang tingin sa akin. "Sana hindi ka mamatay."

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin pa rin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

"Ano'ng sabi mo?" Insultong tanong ko sa kanya.

"Wala," sagot nito sa akin nang hindi pa rin niya ako nililingon at nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa harap ng madilim na madilim na kagubatan. "Goodluck."

"Sana'y hindi ka rin mamatay," mahinang bulong ko sa aking sarili bago ko tuluyang itinuon ang aking atensyon sa harap ng kagubatan.

Napansin kong umalis sina Enchantress at Cantis mula sa aming harapan at nagtungo sila sa aming likuran.

Saglit na tumingala ako sa kalangitan upang tingnan ang buwan.

Doon ko napansin ang pamumuo ng asul na asul na buwan sa kalangitan.

Sa hudyat na bilog na bilog na ang buwan sa itaas ay siya namang pagsigaw ni Cantis na nasa aming likod kasabay niyon ng paunahan naming pagtakbo patungo sa loob ng kagubatan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 33K 63
University Series # 1 She's Aubrey Mae Clark, an ordinary girl in an ordinary world. She thought that magical things will never exist. She di...
1.6M 64K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
3.5M 113K 69
In the Land of Divine Continent, there's a renowned myth about the mysterious demigod who bears crystal blue eyes. It was foretold by the oracle that...
121K 4.6K 65
✔COMPLETED (New Version) | Axphain Academy: School for Divine Angels (Metanoia Series 3) Axphain is a nation of divine winged mythical creatures. Th...