POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin

By CeCeLib

58.8M 1M 294K

Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan ni... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
EPILOGUE

CHAPTER 9

2.1M 42.6K 9.5K
By CeCeLib

CHAPTER 9

TRAIN'S mother invited three thousand guests for his wedding. Hindi alam ni Train kung paano niya haharapin ang three thousand guests na iyon sa isang gabi lang. Kahit sa mga charity ball na siya ang host, hindi pa umabot sa ganoong bilang ang guest niya. Isang pagkakamali na ito ang pinahawak niya sa wedding invitation.

And of course, his mother being a religious and traditional woman, itinago nito si Krisz sa lugar na hindi raw niya matatagpuan. At sabi pa nito sa kanya na makikita lang niya ang bride niya kapag nasa simbahan na sila.

What the hell!? He hadn't seen Krisz for five days now! Fuck it! Kaya naman masamang-masama ang mood niya habang naglalakad sa loob ng bahay at hinahanap ang ina para kausapin ito.

Ang mabagal niyang mga hakbang habang naglalakad ay napatigil ng makarinig siya ng isang malakas na tili. Kilalang-kilala niya ang tiling 'yon.

Mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay. "Mother! What happened? Bakit ka sumigaw?" Nag-aalalang tanong niya ng makalabas ng bahay at kaagad na hinagilap ng mata niya ang ina.

Halos liparin niya ang daan palabas ng bahay sa sobrang pag-aalala. Akala niya kung ano na ang nangyari sa kaniyang mahal na ina pero tumili lang pala ito dahil sa magagandang bulaklak na inorder nito para sa kasal niya sa makalawa.

"Oh, son," anang ina niya na nakangiti. "Tingnan mo ang mga bulaklak. Aren't they beautiful, Train? Magugustuhan ito ng bride mo."

Umasim ang mukha niya ng marinig ang salitang bride. "Mother, leave the flowers alone. At malay ko ba kung magugustuhan 'yan ng mapapangasawa ko. Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yon, e."

"Kasi naman hindi mo binigyan ng pagkakataon ang sarili na kilalanin siya. You have eluded your destiny to marry her, Train," anang ina niya. "Bakit hindi mo kilalaning mabuti si Krisz? Mabuti siyang babae, Train. Magiging mabuti rin siyang asawa sa'yo."

Umingos siya. "Paano ko naman po siya kikilalanin gayong magpapakasal na kami sa makalawa?" Humalukipkip siya. "And I don't want to get to know her. Pakakasalan ko lang siya kasi nakaratay ngayon si papa sa hospital at ang tanging magagawa ko lang para mapabuti ang kalagayan niya ay ang pakasalanan ang babaeng 'yon."

But Train knew deep inside, he was marrying Krisz for a completely different reason.

"Excuse me po," wika ng isang babaeng boses. "Ilalabas ko na po ba ang mga bulaklak at saan ko po ilagagay?"

Gulat na gulat na napatingin siya sa delivery girl. "You speak tagalog?"

Tumango ito at magiliw na ngumiti. "Oo. My mother is a Filipina," imporma nito sa kanila.

Bigla na namang tumili ang ina niya. "Oh my God! Ang saya naman ng araw na ito. A Filipina! Matagal-tagal na rin mula ng makauwi ako sa Pilipinas. Since my parent's death, hindi na ako umuwi!" She exclaimed. "Amazing!" Kapagkuwan ay natigilan ito na parang may pumasok na ideya sa isip nito. Alam na alam niya ang ibig sabihin ng kislap ng mga mata nito. "Wait here. May kukunin ako."

Nagmamadaling umalis ang ina niya at parang alam na niya kung ano ang kukunin nito. Napailing-iling nalang siya.

Ibinaling ni Train ang atensiyon sa babae at matamang tinitigan ang babae na nasa harapan niya at sinuring mabuti ang mukha nito. Pamilyar ang mukha sa kaniya ng babaeng 'to. Parang nakita na niya ito pero hindi lang niya matukoy kung saan.

Kaya naman hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong na sinagot naman ng babae. Akmang sasagot sana siya sa isa sa mga tanong nito ng biglang dumating ang ina niya.

"I'm back." Napakalapad ng ngiti ng ina niya habang ini-aabot sa babae ang imbitasyon para sa kasal nila ni Krisz. "Para ito sayo, hija."

Train groaned in irritation. "Mom, you already invited three thousand guests to my wedding. At ngayon dadagdag ka pa?"

Inirapan siya ng kaniyang ina. "Silly boy. Normal lang na marami ang bisita kasi nga kilala ang pamilya natin. Marami ang magtatampo sa atin kapag hindi natin sila inimbitahan." Totoo naman ang sinabi nito. Tumingin ulit ito sa babae. "Here, hija, an invitation to Train and Krisz's wedding."

"Mom! We already have three thousand guests—"

"It's okay," anang babae na halatang ayaw namang dumalo sa kasal niya. "I don't want to attend—"

Pinutol ng ina niya ang iba pa nitong sasabihin. "Then we'll make it three thousand and one and oh, shut up, please." Pinandilatan siya nito at nakangiting bumaling ulit sa babae. "You will attend, yeah? Magtatampo ako kapag hindi."

Naiinis na tinalikuran niya ang dalawa at pumasok sa loob ng bahay nila.

Naiirita pa ring umakyat siya sa third floor kung saan naroon ang mga kaibigan niya na kararating lang kahapon para sa kasal niya. Hindi na nagulat si Lander sa balita, pero ang iba niyang kaibigan, kung puwede lang itali siya at i-interrogate ay gagawin ng mga ito.

"Bud, what's with the irritated face?" Tanong ni Iuhence ng makarating siya sa sala kung saan naka-upo ang mga ito at nagpapahinga. "Dumating na ba ang asawa mo?"

Mas excited pa yata si Vergara kaysa sa kanya.

"Hindi ko siya asawa," naiinis na sagot niya. "I'm just so annoyed!" Pasalampak na naupo siya sa sahig. "Argh! My mom was being a pain in my ass! She already invited three thousand guests and now she's adding one! Can't this get any worse?" He sighed in defeat.

Tinawanan lang siya ni Iuhence. "You could leave," he offered nonchalantly. "But then your father will die."

Train glared at him. "My father will not die!" ... ang ibinigay niyang rason sa mga ito ay magpapakasal siya kay Krisz dahil sa kagustuhan ng ama niya.

Itinaas ni Iuhence ang dalawang kamay na parang suko na ito. "Okay, okay, mabubuhay siya. Pero huwag masyadong umasa. Medyo matanda na rin ang ama mo e. Mamatay din 'yon—" Hindi natapos ang sasabihin nito dahil tinakpan ni Lander ang bibig nito.

"Shut up, Iuhence," ani Lander.

Umiling-iling si Calyx. "Damn, man. I am blunt but I am not like you. Your mouth doesn't have a filter. Kailangan sayo busalan ang bibig. You are so insensitive. Alam mo naman kung gaano nag-aalala si Train sa father niya."

Itinulak ni Iuhence ang kamay ni Lander na nakatakip sa bibig nito.

"Totoo naman ang sinasabi ko," ani Vergara at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa pagkatapos ay naglakad patungo sa teresa.

Huminga siya ng malalim at sinapo ang ulo na gulong-gulo. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. He didn't know what he was feeling at the moment. Hindi niya alam kung magpapakasal ba siya kay Krisz dahil sa kagustuhan ng ama o dahil gusto niyang isakatuparan ang sariling plano niya?

May punto si Iuhence. He could leave. Pero kapalit 'non ang buhay ng ama niya. At hindi niya kayang gawin 'yon. Hindi niya kayang abandonahin ang pamilya niya.

"Women are the worst problem a man could ever have," wika ni Lander.

Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. "Hindi babae ang problema ko," pagkakaila niya.

"Ows?" Ngumisi si Calyx. "Kahit pa mamatay ang ama mo, hindi talaga babae ang problema mo?"

"Oo nga, Wolkzbin," segunda ni Lander. "Promise? Mamatay man ang ama mo?"

Pinukol niya ang dalawa ng masamang tingin. "Kayo nalang kaya ang mamatay. Bibigyan ko pa kayo sa kadena para magbigti kayong dalawa."

Tumawa si Lander. "Mababawasan ang gwapo sa mundo kapag namatay ako."

"Oo nga," sang-ayon ni Calyx. "Mababawasan din ang macho." Calyx flexed his arm muscle. "Marami ang babaeng magluluksa kapag namatay ako."

Umingo si Lander. "Yeah, marami ang iiyak, pero si Etheyl Vallega, hindi iiyak para sa'yo. Baka nga ipa-misa pa ang kamatayan mo."

Dumilim ang mukha ni Calyx. "Papasaan ba at magkakagusto rin ang babaeng 'yon sa'kin."

Nagsalubong ang kilay ni Train at tumingin sa gawi ni Calyx. "Who's Etheyl Vallega? Your woman?"

"He wished." Nang-uuyam na nakangising sabi ni Lander. "That woman abhor—no, that's not the right word, Etheyl Vallega loathe Calyx Vargaz to the core."

"Bakit?" Puno ng kuryusidad na tanong niya kay Lander. Ito ang first runner up sa pagiging tsismoso. Si Iuhence ang Champion. "In love ka na ba, Vargaz?" Tanong niya kay Calyx.

Tumalim ang mga mata ni Calyx. "Never! Wala akong gusto sa babaeng 'yon!"

"Denial king." Tumawa si Lander. "So 'yong sinabi mo sa akin noon ay puro kasinungalingan? 'Yong sa penthouse mo—"

"Shut up, Storm! Or I'll tell them about Vienna."

Biglang natigilan si Lander at tumalim ang mga mata.

Napailing-iling nalang siya at tumayo. Mukhang may kanya-kanya silang sekreto na gusto nilang itago at niri-respeto niya iyon.

"Aalis muna ako, guys," paalam niya sa dalawa. "I-tsi-schek ko lang 'yong simbahan kong maayos na."

"Okay, bud," ani Calyx.

"Ingat," ani naman ni Lander na tango lang ang tugon niya.

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Train at nagtungo sa simbahan para ayusin ang dapat na ayusin.

PARANG kinakapos ng hininga si Krisz habang nasa loob ng sasakyang patungo sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nila ni Train. Parang sasabog sa samo't-saring emosyon ang puso niya habang mahigpit na hawak ang gilid ng wedding gown niya.

Kinakabahan siya. Nanginginig ang kamay niya at nanlalamig. Hindi niya alam ang gagawin kapag nagkita sila ng binata sa altar. Isang linggo niya itong hindi nakita. Hindi rin sila nag practice na dalawa kung ano ang gagawin sa simbahan. Tanging ang ina nito at ina niya ang nagsasabi sa kaniya ng mga dapat na gawin habang kinakasal sila.

Napalunok siya at binasa ang nanunuyong labi na nababalot ng kulay rosas na lipstick. Nalasahan pa niya sa dila niya ang flavor no'n. Cherry.

"Ayos ka lang anak?" Pukaw na tanong sa kaniya ng kaniyang ina na hinawakan siya sa braso.

Pilit siyang tumango. "Opo." Lumunok siya ulit. "Ayos lang ho ako," kinakabahan pa rin niyang tugon.

"Sigurado ka, anak?" Tanong naman ng ama niya.

Mas humigpit pa ang hawak niya sa kaniyang wedding gown. "Opo."

"Mabuti naman kasi malapit na tayo," anang ina niya.

Tumingin siya sa labas ng bintana ng limousine at parang tinambol ng malakas at mabilis ang puso niya ng makitang papalapit na sila sa simbahan.

Kinapos siya ng hininga ng tumigil ang sasakyan at inalalayan siya palabas ng sasakyan ng kanyang ama.

Humugot ng malalim na hininga si Krisz ng makarating sila sa labas ng pinto ng simbahan. Nakasara iyon at bubukas lang kapag nag-umpisa na ang kasal.

"Everything is ready inside," sabi ng matangkad na babaeng lumapit sa kaniya at iginiya ang braso niya na umangkla sa magkabilang braso ng mga magulang niya saka may kinausap sa cellphone na hawak nito. "The bride is here. When the door opens, cue the music, okay?" Napatango-tango ang babae at pinatay ang tawag saka nginitian siya. "Good luck, Mrs. Wolkzbin."

Sumikdo ang puso niya. "T-thank you."

Pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya ng bumukas ang pinto ng simbahan at nakarinig siya ng malamyos na musika.

This is it, Krisz, aniya sa sarili saka huminga ng malalim at kahit natatakot at kinakabahan, buong tapang siyang naglakad papasok ng simbahan kasama ang mga magulang niya sa kaniyang tabi.

Habang naglalakad, hindi maalis ang tingin niya kay Train na nasa tabi ng altar at hinihintay niya. Hindi siya makahinga ng maayos habang nagkakabuhol-buhol ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso niya.

Parang nanghina ang tuhod siya ng ngumiti ito at makita ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. At hindi niya maiwasang mamula ang pisngi ng mabasa niya ang pagnanasa sa kislap ng mga mata nito.

Nang makalapit siya kay Train, ibinigay ng ama niya ang kamay niya sa binata. "Alagaan mo ang anak ko, Train."

"I will, sir," puno ng senseridad nitong sagot at muntik na siyang maniwala.

Kung wala lang silang usapan, baka nga naniwala na siya na aalagaan nga siya nito ng mabuti. But she knew the truth.

"It's daddy now," nakangiti sabi ng ama niya kay Train bago ito umalis sa tabi niya kasama ang ina niya.

Nagtagpo ang mga mata nila ni Train at nakita niyang walang buhay ang mga mata nito. Wala na doon ang paghanga at pagnanasa na nakita niya kanina o baka naman namalikmata lang siya?

Mahigpit na hinawakan ni Train ang kamay niya habang iginiya siya ni Train sa harap ng altar. Kapagkuwan ay kaagad na nag-umpisa ang seremonya. When the priest announced them as husband and wife, dahan-dahan nitong inalis ang belo na nakatakip sa mukha niya at pinakatitigan siya.

Napakabalis ng tibok ng puso niya.

"Ty moy teper' moya Iyubov," Mrs. Krisz Wolkzbin," bulong nito bago siniil ng mainit na halik ang mga labi niya.


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

74.6M 1.2M 23
Tyron Zapanta was a one-woman-man kind of guy. He doesn't do cheating and flings. He believes that a man should only love one woman. The longest rela...
259K 14.4K 36
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
48.8M 969K 28
Lath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tit...
311K 9.6K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.