TCGM: The CEO's Glamorous Mai...

By Summer_Alli

748K 18.7K 1K

#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at b... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
ANNOUNCEMENT!
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Last Chapter
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT!
PROMOTE!
PROMOTE!
Author's Note
ANNOUNCEMENT!

Chapter 05

21.2K 609 50
By Summer_Alli

LUMABAS ako sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Naabutan ko pa sa labas si sir Tristan na nakatalikod at mukang hinihintay talaga ang paglabas ko. Nakaramdam ako bigla ng pagkailang dito. Hindi ako makapaniwala na halos makita na nito ang lahat sa akin. Ang bastos pala talaga ni sir!

"S-sir?" Agaw pansin ko kay sir na nakatalikod sa akin. Agad naman itong lumingon sa akin at halatang handa na ang mga sasabihin nito pero natigilan ito no'ng mapatingin sa katawan ko na nakabalot lang ng tuwalya.

Napatingin din ako sa katawan ko na ngayon ay basa pa lalo na sa may dibdib ko na may dumadaloy pang tubig dahil sa buhok ko. Napakunot-noo ako no'ng mapansin ko na doon nakatingin si sir habang nakakunot-noo at parang pinagpapawisan.

"May problema ka ba sa dibdib ko, sir?" Tanong ko dito no'ng hindi na ako makatiis. Umiwas naman agad do'n ng tingin si sir at tumingin sa mga mata ko ng seryoso.

"Are you seducing me?" Tanong nito na ikinamaang ko dito.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi ko rin maintindihan ang tanong nito. Gusto ko na rin maging alien! Magpapaturo na talaga ako dito kay sir. Narinig ko ang pag-asik ni sir kaya naman bumalik ako bigla sa aking katinuan.

"Hays! Ang sabi ko, kung inaakit mo ba ako?" Tanong ulit ni sir na ikinakunot-noo ko. Napaisip ako bigla ng malalim.

"Inaakit? Saan sir? May dapat po ba tayong puntahan?" inosente kong tanong dito dahilan para mapabuga ito ng hangin. Halata sa itsura nito ngayon na nawawalan na ito ng pasensya sa akin.

Napasimangot nalang din ako, hindi ko naman kasi talaga alam kung saan kami pupunta para akitin ito. Ang gulo din pala ni sir kausap!

"Tsk never mind! By the way, bakit sa bathtub ka naglalaba?"

"Bathtub sir? Ano po 'yun?"

"Bathtub ang tawag do'n sa ginagamit mo kanina sa paglalaba sa banyo. Ginagamit lang 'yun kapag naliligo. Tsk idiot!" wika ni sir na ikinatawa ko naman bigla.

"Hahaha bathtub? Haha akala ko po kasi malaking planggana sir kaya-----"

"What? Planggana? Pffftt ang tanga mo talaga!" Natatawang reaksiyon naman ni sir.

Nawala naman bigla ang ngiti ko dahil sa huli nitong sinabi. Tanga? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Naalala ko bigla si inay na kinukurot ang singit ko sa tuwing nagbibitaw ako ng masasamang salita kaya naman iniwasan ko na ang magmura. Ngayon ko lang din nalaman na masakit pala ang masabihan ng tanga. Sinamaan ko ng tingin si sir Tristan.

"Anong sabi mo, sir?" masama ang tingin na tanong ko kay sir habang lumalapit dito. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa mga taong nagmumura? Gusto mong malaman, sir?" Dagdag ko pa na may panghahamon sa tinig habang patuloy na lumalapit dito at nakatitig sa mga mata nito.

"What the hell are you doing woman?" Tanong nito habang umaatras at napapalunok-laway.

Napangiti ako bigla dahil sa itsura nito ngayon na para bang takot na takot sa ginagawa ko. Pawis na pawis na rin ito kaya naman napahagalpak na ako ng tawa at napatigil na sa ginagawa kong paglapit dito.

"Hahaha mukha kang dinilaan ng sawa sir sa itsura mo ngayon" Napapahawak sa tiyan dahil sa sobrang tawa na sabi ko kay sir.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni sir. Nakakunot-noo ito at parang naiinis na talaga sa akin. Nagpatuloy naman ako sa katatawa.

Mga ilang segundo ang lumipas no'ng mapansin ko na biglang ngumiti si sir na para bang may bigla itong naisip na kalokohan. Nagsimula na rin itong maglakad palapit sa akin. Napatigil naman ako sa aking pagtawa.

"Are you teasing me, woman?" May pilyong ngiti na tanong nito sa akin.

Umiling-iling ako kahit hindi ko naman naiintindihan ang tanong nito. Pakiramdam ko ay may hindi ito magandang plano. Nagsimula akong umatras tulad ng ginagawa nito kanina. Napalunok-laway na rin ako at nagsimulang sumikbo ang dibdib ko. Naguluhan ako bigla sa naramdaman ko. Bwiset na lalaking ito!

"A-anong g-ginagawa mo, s-sir?" Kinakabahan na tanong ko kay sir no'ng maikulong ako nito sa mga bisig nito at sa pader na nasa likod ko. Hindi ako makatingin sa mga mata ni sir dahil palagay ko ay maling gawin iyon.

"Like what you did to me earlier" mahinang sagot ni sir sa may tainga ko. Naramdaman ko ang paninindig ng balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa nito.

"Huh?" Tanong ko kay sir na biglang nag-angat ng tingin dahilan para muntikan ng magkadikit ang mga mukha namin ni sir. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napalunok-laway ako gano'n din si sir. Nagkatitigan din ang mga mata namin.

Nagulat ako no'ng biglang lumayo sa akin si sir at tumalikod sa akin. Nakita ko na huminga pa ito ng malalim bago nagsimulang maglakad para iwan ako sa aking pwesto habang natitigilan.

"Tsk! Magbihis kana at pakiusap, trabaho ang atupagin mo dito sa bahay" Narinig ko pang bilin ni sir bago ito tuluyang nawala sa aking paningin. Napakibit-balikat nalang ako dahil sa sinabi nito.

––

Tristan

Ilang araw na ang lumipas simula no'ng makilala at maging katulong ko si Ica. Iniiwasan ko na rin na masyadong mapalapit dito dahil alam ko na hindi maganda ang idudulot nito sa akin. Tsk! Bakit kasi ito pa ang nakuhang katulong ni mom para sa akin?

"Ano pong ipag-uutos niyo sa akin kamahalan?" Nakangiting tanong sa akin ni Ica no'ng tawagin ko ito para lumapit sa akin. May iuutos kasi ako dito.

Pasimple kong pinasadahan ang kasuotan nito ngayon. Lihim akong napangiti no'ng makita ko na nakasuot ito ng maid uniform. Mabuti nalang at sinunod nito ang gusto ko dahil ayoko na ulit makita itong maiksi ang suot. "Hindi ba ito nag-aalala na lalaki ang kasama nito tapos gano'n ito manamit? Tsk! Hindi talaga nag-iisip ang babaeng ito!" Tanong ko sa aking sarili. Although minsan, naaabutan ko pa rin itong nakaporma lalo na kapag tapos na ito sa gawaing bahay. I find her weird.

"Dalhan mo ako dito ng kape, Ica" Utos ko dito. Napatigil ako sa ginagawa kong pagtatype sa laptop ko no'ng mapansin ko na hindi pa rin ito kumikilos. "What? Ayaw mo bang sundin ang utos ko?" Tanong ko dito habang nakakunot-noo. Ngumiti naman ito sa akin ng ubod ng tamis na lalong nagpainis sa akin.

"Gusto sir---- pero tawagin niyo po muna akong Jess Maganda. Ayoko po kasi ng Ica e, para kasing I-CA, iika-ika" sabi pa nito na halata sa mukha ang disgusto.

Pinakatitigan ko ang mukha nito. Gusto kong tumawa sa sinabi nito pero hindi ko magawa dahil naiinis ako sa pagiging slow nito. Tsk! Kapag sa kalokohan, ang dami nitong alam.

"In your dreams! Hindi mo ba talaga susundin ang utos ko o tatanggalin kita sa trabaho?-----I don't need weird and demanding maid" Tanong ko dito na ibinulong nalang sa sarili ang mga huling salita.

"Ay hindi sir! Tawagin niyo na po akong Ica o kahit Ika-Ika, ok na po-----"

"Ok then, dalhan mo na ako ng kape, ngayon din" Utos ko dito na iniiwas na ang tingin dito at bumaling na ulit sa aking laptop para ipagpatuloy ang ginagawa.

"Ok sir, coming up sir" Narinig ko namang sagot nito na ikinatingin ko ditong muli. Naabutan ko pa itong nakatayo pa rin sa may likuran ko at nakangiti. Napakunot-noo ako. "Nagulat ka sir no? Ang galing ko na mag-english. Tinuruan kasi ako ng kaibigan ko diyan sa kabilang bahay" Proud na sabi pa nito sa akin. Yabang!

Iniiwas ko nalang ulit ang tingin ko dito at hindi na ito pinansin. Naramdaman ko nalang ang pag-alis nito sa may likuran ko para pumunta na ng kusina. Napailing-iling nalang ako. Ang isa pa sa ayaw ko dito ay ang pakikipagkaibigan nito sa kapit-bahay namin.

Hindi ko napigilang lingunin si Ica na ngayon ay malapit na sa may pinto ng kusina. Napakunot-noo ako no'ng mapansin ko na nakaheels pa rin pala ito. Napabuntong-hininga nalang ako. Bumalik nalang din ako sa aking ginagawa para hindi na isipin ang weird at sakit sa ulo kong maid.

Wala pa sigurong minuto ang lumilipas no'ng maramdaman ko ang papalapit na si Ica. Hindi ko naman ito pinagkaabalahang tingnan.

"Narito na po ang kape niyo, sir" wika nito na agad ko namang tiningnan ang inilapag nito sa aking lamesa.

"What the heck?" Gulat na reaksiyon ko no'ng ang makita ko sa ibabaw ng table ko ay isang sachet ng kape na hindi pa manlang nabubuksan.

Hindi makapaniwala at masama ang tingin na bumaling ako kay Ica. Tumingin din ito sa akin na para bang wala itong alam sa nangyayari. Lalo naman akong nainis ng dahil do'n.

"May problema ba, sir?" inosenteng tanong nito dahilan para mapasabunot ako sa sarili kong buhok.

"Why are you giving me that sachet? Bakit hindi pa timpla 'yang kape? You are really stu----damn!"

"Wala naman kayong sinabi na timplahin ko sir e. Ang sabi niyo lang sa akin, dalhan ko po kayo ng kape" Katwiran pa ni Ica na lalo kong ikinainis. Napasabunot nalang ulit ako sa aking buhok. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. "Gusto niyo po ba ng timpla nang kape, sir?" Tanong pa nito sa akin pero hindi ko ito pinansin dahil baka kung ano lang ang masabi ko.

"Sige sir, kuha lang po ako ng thermos at mug sa kusina para makapagtimpla po kayo" Dagdag pa nito bago naglakad pabalik ng kusina. Naihilamos ko nalang ang mga palad ko sa aking mukha. Damn! She's frustrating me!



🌻Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ Keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

801K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
196K 5.5K 32
Kahit sabihin ni holy na mahal na mahal pa rin niya si Peyton, ay hindi pa rin yun sapat para bumalik ang tiwala niya sa binata at hayaan na sirain s...
673K 24K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...