When I First Met You

JFstories tarafından

2M 135K 35.1K

You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shatt... Daha Fazla

SIMULA
CROSS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXIX-2
Huling Kabanata
Epilogo
WHEN I FIRST MET YOU
BOOK
VOX

Kabanata XXX

47.9K 3.5K 849
JFstories tarafından

"DON'T YOU DARE DIE ON ME!"


Die? 


Mamamatay na ba ako ako? Ano bang nangyari? Hindi ako makakilos. Nanghihina ako at maski dumilat ay hindi ko kayang gawin. Naramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan sa malamig na semento. May matitigas na brasong kumarga sa akin para yakapin ako nang mahigpit.


"Embry, no, please!" basag ang boses na naririnig ko, parang umiiyak ang kung sino man.


Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at tumutulo sa aking braso ang mainit na luha niya. So he really was crying.


"I can never forgive myself if you die... Please, don't die... I'm begging you... Have mercy on me and don't die..."


His voice, it was so sad. 


Dama ko ang paghihirap niya. May kung anong kumirot sa loob ng dibdib ko dahil sa lungkot ng boses niya. Parang gusto kong dumilat para i-comfort siya. Hindi ko na kayang marinig ang paghihirap sa boses niya. Tumulo ang mga luha mula sa nakapikit kong mga mata. Kahit hindi ako dumilat ay alam ko na kung sino siya.


He was Cross, my real perfect love...


"This is my fault... Kung sana tiniis na lang kita mula nang una, kung sana hindi na ako bumalik-balik pa para magpakita sa 'yo, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito... Please don't forgive me... 


Don't forgive me for ruining your life..."



No... Wala siyang buhay na sinira. Hindi niya sinira ang buhay ko sa halip ay siya ang bumuo nito.





Sinikap kong dumilat. 



Sinikap kong magising. I needed to talk to him. Tama na ang pag-iyak niya, mas masakit pa sa dibdib ang basag na boses niya kaysa sa mga galos at sugat sa katawan ko. 


We needed to talk. 


Pag-uusapan namin ang—




"EMBRY, YOU'RE AWAKE!" Isang familiar na boses ng babae ang bumungad sa akin pagmulat ko.


Napabalikwas agad ako ng bangon. Anong nangyari? Nasaan na si Cross at anong nangyari sa akin? Patay na ba ako? 


Was it just a nightmare? Pero bakit parang totoo? Kinapa ko ang katawan ko, wala namang masakit sa akin na kahit ano.


"Ang galing mo, Embry. Ang lakas mo para magising ka agad!" that woman's familiar voice again.


Napalingon ako sa pinagmulan nito at nagulat nang makita ang maamo at nakangiting mukha ng isang kakilala. "P-Perisha?"


"Hello, Embry." Nasa gilid siya ng kama, nakaluhod sa may sahig. Ang mga kamay niya ay nakapatong sa kama.


Napalingap agad ako sa paligid. Hindi ko kilala ang malaki at makalumang kwarto na kinaroroonan ko. Hindi ko rin kama itong hinihigaan kong four-poster antique bed. "Nasaan ako—" Bigla kong natutop aking bibig nang marealized na nakakapagsalita na ako.


"Yup, nakakapagsalita ka na, Embry," Perisha happily answered my thoughts.


Gulat akong napatitig sa kanya. "P-paano nangyari iyon?"


"It's because you're a vampire now," she supplied.


Sinampal ko agad ang aking sarili. I think nananaginip pa rin ako. Humiga ulit ako at pumikit. Pagdilat ko, bumangon agad ako sa pagkakahiga. Perisha was still here beside me.


"You're not dreaming, Embry. Totoo na nakakapagsalita ka na."


"Pero paano nga nangyari, Perisha?!" naguguluhang halos sigawan ko siya.


"Dahil nga isa ka nang bampira, imortal. Walang sakit o kahit anong kapintasan ang mga katulad natin."


Natin? Sinasabi niya bang isa rin siyang bampira na katulad ni Cross? 


Pinakatitigan ko ang maamong mukha ni Perisha. Kapansin-pansin ang mga pagbabago sa kanya, katulad nang sobrang kinis niya at wala na yata siya maski isang pore sa mukha. And her hair? Ang kintab at parang napaka-healthy. Wala na iyong mga split ends niya dati.


Ngumiti siya nang matamis nang mapansing tinititigan ko ang kabuuhan niya. "Hindi na rin ako sobrang payat, Embry, di ba?"


She was right. Tamang-tama na ang lahat sa katawan niya. Para ring bahagyang lumaki at tumaas ang kanyang boobs. Nagpa-retoke kaya siya?


Nagulat ako nang tumawa siya. "Hindi 'Salamat, Dok' ang ganda ko, kundi 'Salamat Vox.'"


Oh my! She can now read my thoughts too?!


"Now that you're already a vampire, pwede mo na ring isara ang isip mo sa iba, kahit kailan mo gusto."


Napailing ako. "Shut up, Perisha. Panaginip lang ito! May split ends at payat ka pa rin!" Sinampal ko nang malakas ang sarili ko. Sobrang lakas pero hindi masakit. Hindi ako nasaktan.


Mas nilakasan ko pa ang sumunod na sampal. Hindi pa rin masakit! Hindi pa rin ako nasasaktan, damn it! 


Bakit hindi ako nasasaktan? Manhid na ba ang mukha ko? May itinurok ba sa aking gamot ang doktor. Hinimas ko ang aking pisngi pero nararamdaman ko naman ang palad ko. Pero bakit kapag sinasampal ko ang sarili ko ay hindi ako makaramdam ng sakit?


"Alam mo bang tulog ka ng dalawang araw?" sabi ni Perisha na ngayon ay nakaluhod pa rin sa sahig, nakapatong ang mga siko sa gilid ng kama at nakapangalumbabang nakatitig sa akin. "As in dalawang araw lang, ibig sabihin malakas ka. Ako kasi, ilang buwan bago nagising."


"Dalawang araw?" naguguluhang ulit ko sa sinabi niya.


Tumango siya. "Oo, dalawang araw kang nakatulog. Naaalala mo ba iyong nangyari sa 'yo bago ka nawalan ng malay tao? Malay-tao ang tawag kasi tao ka pa noon, pero ngayong bampira ka na, kapag nawalan ka ulit ng malay ay ang tawag na roon ay malay-bampira."


Oh my, corny pa rin siya. Akala ko ba kapag naging bampira na, perfect na? Anyare kay Perisha?


Tumawa lang siya na mukhang nabasa ang naiisip ko.


Lumabi ako. Isang nakakatuwa sa kanya ay hindi siya pikon. Mabait talaga siya kaya nga kahit paano ay naging kaibigan ko siya sa St. Louise University. Bukod kasi kay Trudis ay siya lang ang nakapag-tiyaga sa pagiging maldita at isnabera ko. Ang pinagkaiba niya lang kay Trudis, hindi siya plastic. She was genuine.


Sayang lang at hindi ko siya kaklase sa maraming subjects dahil iba ang course niya sa akin. Hindi ko na rin siya nakita pa ulit dahil nawala na siya after graduation. Nauna kasi siyang grumaduate. Hindi ko na rin siya hinanap kasi hindi rin naman kami gaanong close at isa pa, aaminin ko na medyo napagselosan ko siya kay Cross.


Anyway, isipin ko na lang iyong sagot sa tanong niya. Ano nga ba ang naaalala ko bago ako nawalan ng malay tao? Nang unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga nangyari, mula sa pagsunod ko kay Cross sa mansiyon, sa pagbaba sa basement at sa...


"Embry..." Hinaplos ni Perisha ang nanlalamig kong mga palad.


Bigla na lang akong nanlamig at nakaramdaman ng matinding takot nang maalala kung bakit ako nawalan ng malay tao. Hindi iyon kagaya nang mga nakaraan na naging marahas si Cross, the last time was far too different. Ibang-iba na parang hindi siya ang kasama ko. He was ruthless, merciless...


Napaigtad ako nang parang may naramdaman akong sumipa sa loob ng aking tiyan.


"Embry, 'you okay?" tanong agad ni Perisha sa akin.


Nalilitong tiningnan ko siya. "What happened to me, Peri?"


"We found you in the Dark Room." Isang matangkad at guwapong lalaki ang pumasok sa pinto. Mukha siyang banyaga sa kahit saang anggulo. Taglay niya rin ang kulay berdeng mga mata na noong nasinagan ng araw ay tila naging kulay abo.


Bumulong sa akin si Perisha. "He's Cross's father."


Nanlaki ang mga mata ko. Paano nangyari iyon samantalang ang bata pa ng lalaking ito? Parang isang taon lang ang tanda kay Cross. Saka ko naisip na bampira nga pala sila. Na lahat sila ay huminto na sa pag-edad.


"You're here in the Vox Mansion. Welcome." Inilahad niya ang malaking palad sa harapan ko. "I am Helios."


Tinanggap ko ang palad niya at napakalamig nito.


"I will explain everything to you, Embry." Namulsa siya sa suot na jeans. "I and my sons are no ordinary vampires. We are cursed in a different way."


Nakatingin ako sa kanya habang hinihintay ang mga sasabihin niya.


"Once upon a time, a demon fell in love with me. Hindi ko maibalik ang pagmamahal niya kaya isinumpa niya ako. Sumpa ng walang hanggang buhay sa mundo. I became a vampire but a different kind of vampire." Ngumiti siya. 


At nakaka-believe ang pananagalog niya dahil hindi mo aakalaing kaya niyang mag-Tagalog sa itsura niyang purong foreigner. 


"I don't feed on humans or animals. Hindi ako nakakaramdaman ng gutom o pagkauhaw. Pero kaya kong kumain ng normal na pagkain ng mga tao kung gugustuhin ko. Kung meron man akong ipinagkatulad sa ibang bampira ay iyon ay ang aking pangil at ang buhay na walang katapusan."


"Hindi rin kami takot sa araw pero bawal nga lang masyadong magbabad," sabat ni Perisha na proud na proud.


"Paano mo naging anak si Cross?" I asked Helios.


"Pumunta ako rito sa Pilipinas daang taon na ang lumipas. Isang gabi nang unang kabilugan ng buwan sa bansang ito, nakilala at minahal ko si Euletta Maria. Iyon ang una at huling beses na gumaan ang sumpa sa akin at kailangan kong samantalahin ang pagkakataon para gawin siyang ina ng mga anak ko."


Siya ba si Euria? Ang painting sa isa sa mga kwarto sa basement?


"Yes, she is," he answered the question in my mind. "She is my queen, the mother of my sons. Nabuo ang mga anak namin at nagsilakihan sa probinsiyang ito, dito mismo sa mansiyong ito. Hindi naging madali ang buhay ng mga anak ko lalo nang magbinata sila at huminto sa pagtanda, dahil doon lumabas ang minana nila sa aking sumpa ng kabilugan ng buwan."


"A-anong ibig sabihin niyon?" kinakabahang tanong ko dahil nagkakaroon na ako ng idea.


"During our respective full moon of the year, I and my sons will suffer the pain of lust. We will start from losing our strength and sanity. And in twelve midnight, we will be in heat."


Nakatulala ako habang ipinapaliwanag ni Helios sa akin kung anong klaseng sumpa ang kabilugan ng buwan sa kanilang mag-aama. Ang unang kabilugan ng buwan ay ang sumpa kay Helios bilang siya ang ama, ang second full moon of the year ay para sa nauna sa triplets na si Kaden, ang third full moon of the year sa pangalawa sa triplets na si Cross at ang fourth full moon naman ay sa huli sa triplets na si Lourd. 


Tuwing kabilugan ng buwan ng kanilang sumpa ay nagiging halimaw sila sa tawag ng laman.


"During our respective full moon of the year, umuuwi kami rito sa probinsiya, dito sa private land kung saan naririto ang mansiyon. Nasa ilalim nito ang basement kung saan naroroon ang Dark Room na gawa sa bakal. Ikinukulong namin doon ang aming sarili hanggang sa sumapit ang sumunod na araw at tumigil na ang sumpa. Ginawa namin iyon para hindi kami makapanakit."


Tumulo na ang mga luha ko. It was my fault na sinundan ko si Cross... it was my fault kaya nasaktan niya ako... it was my fault... Napahagulhol na ako sa aking mga palad.


"Cross raped you..." It was Helios who was talking. "You became his victim and he almost killed you."


Nanlaki ang luhaan kong mga mata sa sinabi niya.


Hinaplos ni Perisha ang likod ko. "You're about to die, Embry. And the only way to save you... is to make you one of us."


"Who turned me?" luhaang tanong ko sa kanya.


"It's me." Maliit siyang ngumiti. "Mabuti umuwi kami ng mag-aama ko rito. Nalaman ko agad na may kasama si Cross sa Dark Room kaya nagmadali agad ako na pumunta. Thank God, naabutan pa kitang may buhay."


Hindi ko na gaanong pinansin na may asawa at anak na pala si Perisha. Mas natuon ang pansin ko sa isiping kung hindi siya dumating, baka wala na ako. Baka patay na ako. 


Kung sakaling ganoon ang nangyari, mamamatay ako sa kamay ni Cross. Siguradong kapag bumalik ang katinuan niya ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. Siguradong masasaktan siya nang sobra.


"You are now a vampire like us, Embry." Kinuha ni Perisha ang kamay ko at marahang pinisil. "Don't worry because you are a higher kind of vampire dahil direktang sa mga Vox ang dugo na dumadaloy sa 'yo. You will not be a blood-sucking vampire like the other vampires na basta na lang nai-turn. Kung may nabago man sa 'yo, iyon ay nagkaroon ka lang ng kakaibang lakas, kakayahan at ng buhay na walang hanggan."


"I am a vampire now..." anas ko. "That's why I'm no longer mute..."


"Oo."


Tiningala ko si Helios. Siya ang gusto kong sumagot sa itatanong ko. "Where is Cross?"


Napayuko ang lalaki. "You might never see him again."


"What?"


May lungkot din sa mga mata ni Perisha.


"W-why?" Gumaralgal na ang boses ko.


"He's blaming himself on what happened to you. Nang magising siya at matauhan, halos patayin niya ang sarili niya nang malaman niya ang nangyari sa 'yo."


"Pero hindi naman ako namatay! Buhay pa rin ako! Nasaan siya?" Muli na naman akong napahagulhol sa isiping iniwan niya na talaga ako. Naiisip ko nang mangyayari ito pero hindi ko pa rin matanggap.


"I'm so sorry, Embry." Hinimas ni Perisha ang likod ko.


"By the way, I came here to erase your memory," sabi ni Helios na nagpatigil ng aking paghinga.


Napatingala ako sa kanya. "W-what?"


"Ibinilin ito ni Cross bago siya umalis. Gusto niya na burahin ko ang alaala mo."


"N-no..." Napaatras ako patungo sa headboard ng kama. "A-ayoko..."


"It's for you. Para hindi ka na masaktan ang mahirapan."


"Tell your son to go to hell!" mabangis na sigaw ko sa kanya.


"Embry..." Niyakap na ako ni Perisha dahil nanginginig ako.


"How dare him do this to me?" iyak ko. "Iniwan niya na nga ako, gusto niya pang burahin ang alaala ko? Ito na lang ang matitira sa akin, kukunin niya pa! Pati ang karapatang maalala siya, ipagkakait niya pa! He's so evil!"


Humigpit ang yakap ni Perisha sa akin. "I'm so sorry, Embry..."


"Why are you apologizing to me? Siya dapat iyon! Siya iyong dahilan kung bakit nasasaktan ako! Siya dapat ang nasa tabi ko, Peri! Siya dapat iyon!"


"You have to be strong, Embry... Be strong... Not only for you but also for your baby."


Nanlalaki ang mga mata na humiwalay ako kay Perisha. "B-baby?"


Ngumiti siya. "You are pregnant, Embry."


"T-this is ridiculous..."


"Cross got you pregnant," Helios said. "Isa sa mga kabilugan ng buwan niya ay posible siyang makabuntis kung ang gagalawin niya ay isang tao. Malaki nga lang ang risk dahil pwede niyang mapatay ito. In your case, swerte ka na hindi ka agad nalagutan ng hininga. But you're good as dead when Perisha found you."


Napahawak ako sa aking tiyan. Bigla ay parang naramdaman ko na may sumipa na naman mula sa loob.


"Being a pregnant vampire, your belly will go big by only three weeks. And in two months you will give birth."


"Y-you mean, in just two months, may baby na ko?"


"Yes," sagot ni Perisha.


"N-nagawang iwan ni Cross ang anak niya?"


Bumuntong-hininga siya. "Nakasama ko nang matagal si Cross, Embry. Kilala ko siya. Alam ko na totoong minahal ka niya. Hindi siya mag-uubos ng oras at panahon sa 'yo kung hindi. Pero siya rin iyong klase na hindi mag-i-stay kahit pa gaano niya kamahal. Dahil ang totoo niyan, kung sino pa iyong mga mahal niya, iyon pa iyong mga kinatatakutan niyang makasama."


Napailing ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Perisha. Bakit iiwan niya kami kung mahal niya kami?!


"Dahil ganoon siya, Embry. Takot siyang sumugal sa mga mahal niya. Lumaki siya na wala ang mommy nila dahil iniwan sila nito. Hindi kasi matanggap ng mommy nila ang ganitong buhay. Dinala ni Cross ang sakit na iyon sa loob ng daang taon. Hirap siyang magtiwala sa mga tao o kahit sa kauri namin. At mas lalong takot siyang magmahal." 


Napahikbi ako.


"Alam mo ba noong malaman ko na palagi kayong magkasama, natuwa ako. Iyon kasi iyong unang beses na may babaeng pinagkaabalahan at pinagbuhusan ng panahon si Cross. Mostly kasi sa mga babaeng dumaan sa buhay niya ang pang good time lang, pero ikaw iyong naiiba. Ikaw iyong minahal niya..."


"But he left me..." 


"Dahil mahal ka niya."


Napahikbi ako.


"Embry, masakit sa kanya na makitang muntik ka nang mamatay nang dahil sa kanya. Sa triplets, siya ang pinakamaingat pagdating sa sumpa ng kabilugan ng buwan. Hindi pa siya nakapanakit ng kahit sino sa loob ng daang taon. Ngayon pa lang, Embry. Ngayon pa lang at sa babaeng mahal niya pa. Imagine his pain?"


Napayuko ako habang lumuluha.


"Gusto niyang mabuhay ka nang normal at masaya kaya ilang ulit ka niyang iniwasan. Alam niya kasi na kapag hinayaan niyang magkalapit kayo ay sisirain niya lang ang buhay mo. Pero hindi niya na-control ang sarili niya kaya binabalik-balikan ka niya." 


Cross...


"Sumugal siya sa 'yo pero ano ang nangyari? Dahil sa pagmamahal mo sa kanya ay napahamak ka. Sinundan mo siya rito at muntik ka na niyang mapatay. Ngayon ay isa ka nang bampira at hindi ka na pwede ulit mamuhay nang normal. At sa lahat ng iyon, sinisisi niya ang sarili niya."


"Decide now if you want your memories to be erased," walang emosyon ang mga mata ni Helios habang nakatingin sa akin. "Erasing your memories means erasing everything. You will forget about Cross and the pain he caused your heart. You can also live a normal life with your child."


"T-to forget Cross. To Live a normal life..." bulong ko. "And for my child." Napahimas ako sa aking tiyan.


Pinisil ni Perisha ang palad ko. "Go for it, Embry. Because Cross will never come back."


Napapikit na lang ako at napahagulhol. Hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos kay Cross...


Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya...


JF

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

792K 34.7K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
3.2K 118 31
Beatrix Javillo never settle for the less. Hindi siya pumapayag sa kahit na ano. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng sarili niya at kalinisan ng pan...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...