Melting You Softly (Student S...

By maysique

129K 6K 4.7K

Student Series 1: The MaΓ±ana Habit 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 Delaying tasks is one of the constant poor practices of... More

Melting You Softly
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 39

1.5K 73 54
By maysique

Chapter 39

"You applied for a student exchange program in... University of New Scotia?" I repeated, my voice low and dispirited.

My fingers crawled onto the dark blue, soft fabric pillowcase where my head was resting. I got no response from him, so I pushed my body up to sit on the bed instead.

Nilingon ko si Axasiel na nakaupo sa bandang paanan ko. He was slightly leaning back with his hand pinned on the bed as support, staring at me using his tired eyes.

"Iiwan mo ako rito, Axe?"

"I will not go if you don't want to," he said in a calm tone. "Sa susunod na buwan pa naman—"

"That next month you are talking about starts next week!" I snapped.

"Next week is still November, though," bulong niya at umiwas ng tingin.

After waiting in their house for many hours, iyon pa talaga ang ibubungad niya sa akin? Nag-apply siya sa ibang bansa para maging exchange student at sa susunod na buwan na agad ang lipad niya?

I'm not complaining just because I waited here for too long, but because of the news he had just announced. Sanay naman na akong siya ang madalas na hinihintay para magkasama kami dahil kaunti na lang naman ang subject namin ngayong 4th year at maaga ang uwian. Hindi tulad niya na hanggang gabi ang tapos ng karamihan sa klase.

Mariin siyang pumikit at napabuga ng hangin. Alas nuebe na pero kauuwi niya lang galing sa unibersidad na pinapasukan niya. Ni hindi pa siya nakakapagpalit ng damit pambahay.

Bigla akong nakonsensiya sa pagtaas ng boses pero hindi ko rin naman kayang hindi mag-react nang ganoon dahil sa ibinalita niya.

"You should have told me about this sooner, Axe," I said, calming myself not to raise my voice again.

"I'm sorry. Sinubukan ko lang naman dahil iyon ang gusto ng isang professor namin. Hindi ko inaasahang makakapasa ako." He sighed again.

"Paanong hindi ka makakapasa, e, puro uno na nga ang grade mo?" Humalukipkip ako at lumingon sa pintuan na sadyang hindi nakasara nang tuluyan.

He intentionally leaves it like that when we are both inside his room. He doesn't want his parents to think we're doing something kinky when left alone. For the past years that I've been visiting and staying here, his parents still show the courtesy of knocking first and waiting for Axe's approval to open it widely, so we still have privacy.

Lumubog ang kama sa gilid ko. I pouted even more when his large and warm hand encircled my wrist.

"Mahal naman po," malambing niyang tawag. "Hindi na ako tutuloy. Sorry na..."

Sinubukan niyang paghiwalayin ang pagkakakrus ng mga braso ko sa dibdib nang matalim ko siyang tiningnan.

"Bakit hindi ka tutuloy? Pinipigilan ba kita?"

He shook his head. "Kahit hindi mo ako pigilan, hindi na po ako tutuloy."

"Bakit ba kasi ngayon mo lang sinabi?"

Nanatili ang malamlam niyang mata sa akin. "Hindi pa nga po kasi sigurado iyon. Kanina ko lang din nalaman na—"

"You smell like ethyl alcohol. Magpalit ka muna ng damit at bumaba ka na. I volunteered to cook dinner for your family tonight. Kumain na sila, ikaw na lang ang hindi."

His bottom lip curled in between his teeth. "Ikaw? Kumain ka na po?"

"What do you think?"

Umusli nang kaunti ang kanyang labi.

I rolled my eyes and took my arm from his hold. I gathered myself to climb off the bed when he suddenly captured my waist and tugged me down to sit on his parted thighs.

Tuluyan niyang binuka ang mga hita at umatras nang kaunti kaya roon sa pagitan niya ako napaupo habang ang dalawang binti ko ay nakapatong sa kanyang kanang hita. Sumimangot ako nang hilahin niya ang tali ko sa buhok. Magulo na naman iyon kanina pa bago siya dumating.

"Mauna ka na pong kumain sa akin kapag nandito ka at gabi na ako makakauwi," aniya habang sinisikop sa kamay ang hanggang siko ko na lang na buhok.

"Eh. Wala kang kasabay kapag nauna ako. Saka hindi naman ako masyadong gutom!"

Hinayaan ko siyang talian ako kaya medyo itinalikod ko pa ang ulo sa kanya para hindi siya mahirapan.

"Uhuh. It's because you sneak out some chips from my stocks again." He chuckled.

Hinarap ko siya nang natapos sa pagtali ng buhok. Nasa tuhod ko na ang isa niyang kamay at nakatukod naman sa kama ang isa habang nakatingin siya sa akin.

"I didn't!"

He jutted his chin out. "Do you know Sherlock Holmes?"

I frowned and nodded, albeit confused. Pakialam ko naman diyan kay Sherlock Holmes at anong connect niya sa pinag-uusapan namin?

"How about Dr. Edmond Locard?"

"I only had a classmate named Edmond."

"Dr. Edmond Locard is the Sherlock Holmes of France—he's a forensic scientist," he supplied. "He's known for his significant contribution to forensic science, which is the basic principle of forensic science: Every contact leaves a trace. It is commonly called Locard's Principle Exchange now."

Tumango-tango ako sa kanya. Yari na naman ako nito. Madalas kapag may ipinapaliwanag siya sa akin tungkol sa forensic science, puwedeng share niya lang, puwedeng kapag nagtatanong ako kapag nanonood kami na may kinalaman dito, at ang panghuli ay kapag may ipakikita na siyang 'ebidensiya' para hulihin ako.

"I think you have mentioned it before, Axe."

"What is it, then?" Ngumiti siya, hindi ko malaman kung proud ba na naalala ko o dahil mukhang alam niya nang alam ko kung ano ang ginagawa niya.

"Hmm..." Nagkunwari akong nag-iisip at humawak sa kamay niyang nasa tuhod ko.

"Hmm?"

I blinked and cleared my throat. "I think it goes like this..."

"Like how?"

"Huwag mo 'kong i-pressure! Quiz ba 'to? Hindi nga ako kumuha ng chips mo!"

Humalakhak siya at bahagyang yumuko para halikan ang pisngi ko.

"I quote and unquote: Toute action de l'homme, et a fortiori, l'action violente qu'est un crime, ne peut pas se dérouler sans laisser quelque marque. It directly translates to 'Any action of an individual, and obviously, the violent action constituting the crime, cannot take place without leaving a trace,'" he bestowed me the explanation with each French word enunciated as if it was his native language.

Ngumuso ako nang hawiin niya bigla ang duvet sa likuran niya. It revealed the empty bag of his Doritos. Nang humarap siya sa akin ay ngumiti siya ulit.

"O-oh? You have no proof that I was the one who ate that!"

"According to Locard's Exchange Principle, when a person comes into contact with an object or another individual, there's always an exchange of physical evidence. You bring a trace of you at the scene while, and at the same time, you leave with something from it."

Kinuha niya ang kanang kamay ko at binuka ang mga daliri. Saglit niyang pinagmasdan iyon bago itinupi muli ang tatlong daliri ko, iniwan ang hintuturo at hinlalaking daliri na namumula.

Napapikit ako. Binawi ko ang kamay sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Nasa tiyan mo na ang kinuha mo kaya itong daliri na lang po ang pruweba," aniya sabay kagat sa labing ngumingiti.

"Ewan ko sa 'yo! Ang tagal mo kasi kaya ako nagutom! E 'di papalitan ko na lang!"

Padabog akong tumayo at hindi pa man nakakalayo ay hinawakan niya na ang aking kamay bago tumayo.

"Hindi mo naman po kailangan palitan. Lahat naman ng pagkain dito ay sa 'yo na rin. Pero sana ay kumain ka na lang po muna ng hapunan..."

Humalukipkip ako at tiningala siya. Nakakainis. Sa tatlong taong nakalipas, bakit pa siya tumangkad? Samantalang ako, stuck na sa 5'2. Average height naman iyon pero kapag itinatabi ako sa kanya o kay Ral, literal na nanliliit ako lalo.

"Nagsalita ang kumakain ng chichirya bago maghapunan sa bahay namin dati!"

His eyes turned innocently guilty as quick as lightning. Yumuko siya at itinago ang bibig sa likod ng mga daliri.

"That was in the past."

His shoulders jolted when I pointed a finger at him. Tumuwid siya ng tayo at tinitigan ang daliri ko kaya ibinaba ko rin.

"Magbihis ka na," utos ko bago siya tinalikuran.

"Opo, mahal kong nagsusungit."

"Tseh!"

He chuckled. Inirapan ko siya bago sumampa sa kama para kunin ang plastic ng kinain ko at itinapon iyon sa basurahan. Axasiel's room is as palatial as our house's living room while his full bathroom is probably more spacious than my own bedroom. May sarili pa nga siyang walk-in closet at mini sala.

All his trophies, plaques, certificates, medals, and other awards from curricular and non-curricular activities are displayed on one side of his room. Nakaka-proud kapag tinitingnan 'yon pero madalas ayoko na lang makita. Kainggit kaya minsan.

May library din sila pero itong si Axe, may mga bookshelf pa rin dito sa kuwarto niya, nakapuwesto malapit sa kanyang study table. May ilang tungkol sa business, economics, self-help books, pero karamihan ay tungkol sa iba't ibang branch ng science, forensic science, at criminal justice and law na siyang related sa program na kinuha niya.

"Izzy," tawag ni Axe habang inaayos ko ang malaki niyang kama.

"Nilinis ko na 'yang kama mo, ah? Don't worry, hindi ka lalanggamin. I'm sneaky but I'm also a cleaner!"

Soft chuckles broke free from his mouth. Ngumisi ako at lumapit sa kanya bago kami lumabas ng kuwarto niya.

"Abangan mo 'ko sa ibaba, Axe," sabi ko nang nasa hagdanan nila kami.

Mataas, pakurba, at malapad ang kanilang hagdan. Humawak ako sa railings at aamba nang iaangat ang isang binti para magpadulas nang hinila niya ang baywang ko para makalayo roon.

"KJ!" I pouted.

He only tapped my lips twice using his two fingers. Hawak niya lang ako sa baywang habang pababa ng hagdan. Nang nakarating sa kanilang kusina ay may isang mahinang boses na kumakanta ang narinig namin.

Ngumisi ako at kumawala kay Axasiel na wala namang sinabi. Leaning his back against the long island counter while his phone was pressed on his left ear was none other than Aji. Nakatalikod siya kaya wala siyang kamalay-malay na nakikinig na kami ni Axe sa kanya. May nakabukas pang dalawang laptop sa likuran niya. Sa tabi nito ay isang bowl ng hiniwang pakwan.

Tumabi sa akin si Axe at yumuko sa tapat ng tainga ko para bumulong.

"Ano pong ulam?"

I held back my giggle and glared at him. Nginuso ko ang kapatid niya at inilagay ang hintuturo sa tapat ng labi. Inosenteng nilingon niya ang kapatid bago ibinalik ang tingin sa akin.

"Kuya," he spoke out loud while staring at me.

"Shit!" si Ajasiel at mabilis na lumingon sa amin.

Axasiel straightened his back as he watched how his older brother fidgeted with his phone until he placed it on the counter.

"Kanina pa kayo diyan? 'Di man lang kayo kumatok!"

"Kusina 'to, hindi mo kuwarto."

"At hindi mo bahay 'to." He sneered at me.

I tipped down the corners of my lips and shot him a death stare. Payuko na sana siya sa kanyang laptop nang mapasulyap sa katabi ko.

"Ah, siyempre, kahit hindi mo bahay 'to, welcome ka lagi! Ikaw pa? Sus! Ikaw talaga ang paborito kong future sister-in-law, Miss!" Ngumisi siya.

"As you should. Ako lang naman ang magiging sister-in-law mo."

He barked out a laugh. Hinawakan ni Axe ang braso ko at hinila palayo sa harap ng kapatid niya. Ako na ang naghanda ng pagkain naming dalawa habang ang kapatid niya ay abala pa rin sa puwesto nito kanina.

"You have an assignment to be passed tomorrow. Are you done with it?" ungkat niya habang kumakain.

I chewed the food in my mouth slowly before swallowing it. "Ginawa ko na habang naghihintay ako sa 'yo."

A pleased smile appeared on his face. Inabot ko ang baso ng tubig na nilagyan niya at uminom.

"How about the revision of your research paper?"

"Next week pa naman 'yon, e." I groaned and placed back the glass on the table. "Nga pala, alam na ba nina Tita Dias at Tito Miko ang tungkol sa pagiging exchange student mo?"

Umiling siya. "Hindi na ako tutuloy kaya hindi ko na kailangang sabihin."

"Why not?"

"Why not 'not'?" he returned the question.

I rubbed the tip of my nose. "Ilang buwan ba 'yon?"

"Five to six, but still, I won't go," he firmly said.

Natigilan ako. Buong second sem ng academic year niya ngayon? E 'di... mga April o May pa siya uuwi rito? Puwede naman siguro siyang umuwi sa Pasko at Bagong Taon? Pero... ang tagal pa rin yata no'n.

My gaze dropped down on my plate. Sanay na akong madalas makita at makasama si Axasiel. Kung gusto naming puntahan ang isa't isa, madali lang para sa amin. I have more flexible schedule than him now that I'm on my last year in college but I still consider his schedule. We don't insist if our free time doesn't meet.

Well, sometimes. If we're really busy. Pareho kasi kaming hindi matiis ang isa't isa na hindi magkita ng higit pa sa isang araw. Kahit saglit lang, sapat na iyon sa amin.

"Izzy," Axe uttered worriedly, extending his arm to hold my hand with his.

For every next 24 hours, my feelings for him grow fonder and profound that I'm afraid when the time comes we have to separate for a long time and at a long distance, I'd have to let go of the string I'm holding on to. Ang mahirap pa naman sa akin ay madali akong masanay na nandiyan ang isang tao kaya kapag kinailangan nang lumayo o maghiwalay, parang hihilahin ang puso ko palabas sa katawan ko.

I was quiet the whole time we were eating. Aji was still seriously busy on his laptops that I bet he didn't even notice that we had left the kitchen to go upstairs. Hindi pa man naisasara nang tuluyan ni Axe ang pinto ng kanyang kuwarto ay naisabit ko na ang mga braso sa kanyang leeg.

"I miss your baby scent," I whispered to him. "Madalas ka nang amoy ethyl alcohol pag-uwi."

He sighed and chuckled a bit. Magaan ang hawak niya sa aking baywang at likod habang naglalakad siya nang mabagal kaya paatras naman ang hakbang ko.

"I'm still using that cologne whenever I go to school, Izzy. My blockmates are using ethyl alcohol almost every time, so..."

He sat on his single couch with me in his lap sitting astride. Inilayo ko ang mukha sa kanya para tingnan siya.

"So?" I protruded my lips.

"So, I don't bother spraying cologne again. Aside from that, it isn't advisable for us to use any perfume... you are not even there." His cheeks were pale pink as he evaded my eyes.

Tumulis lalo ang nguso ko. I inclined my head to the left and searched for his brown eyes.

"Tama... sa akin ka lang dapat nagpapabango..." bulong ko at ngumiti.

He nibbled his bottom lip. Nakayuko siya nang kaunti nang sumulyap sa akin.

"Sa 'yo lang naman t-talaga," he stuttered.

"Hmm. Bakit ka na naman nauutal, Axe? Ako lang 'to."

My pout turned into a smirk. I brought my right hand to his head and raked his hair from the forehead to its back. Upfront, I could notice the visible dark circles under his chinky eyes.

Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya at hinarap sa akin. His eyelids were falling heavily, indicating that he was already sleepy and tired but forcing himself to stay awake because I was still here.

Ngumiti ako at pinisil ang ilong niya. "You should take a rest now, Axe. May pasok ka pa bukas."

I withdrew myself from him. He caught my hand as he looked up at me.

"Hindi ko nakita ang sasakyan mo sa labas. Susunduin ka ba ni Ral? Kung hindi, ihahatid na po muna kita."

I shot my brow up. "Anong ihahatid? Dito na lang daw muna ako matulog sabi ni Tita Dias. Siya na raw ang magsasabi kay Mama pero siyempre, sasabihin ko rin mismo sa kanila."

Binawi ko ang kamay sa kanya at lumayo nang kaunti.

"Besides, I don't have classes for the next two days. Alam naman na iyon ni Tita." I smirked. "You don't do overnight, so... ako na lang."

I'm already their regular visitor and future daughter-in-law so they allowed me to use one of their guest rooms. In fact, Tita Dias even allowed me to bring some of my things there and let me decorate the room however I want. Si Tito Miko, gustong-gusto pa nga ako rito dahil inaasar si Papa. Kaya naman naging kuwarto ko na talaga nang tuluyan iyon dito sa bahay nila.

Siyempre, ayaw noong una ni Papa dahil baka raw kung anong gawin ko. Ako pa talaga? Behave nga ako rito, e. Kinumbinsi ko na lang muna si Mama na payagan ako at nang napapayag, siya na ang kumausap kay Papa. Si Axe... kung ano namang desisyon ng magulang ko ay iyon lagi ang susundin niya.

Dalawa o tatlong beses lang naman sa isang buwan kung matulog ako rito, pero madalas ding dumalaw rito. Kung hindi ako ang dadalaw rito, si Axe ang pupunta sa amin.

Hinatid ako ni Axe sa kuwarto ko rito sa bahay nila. Nakasabit ang braso ko sa kanya nang nakasalubong namin si Tito Miko na nakapantulog na.

"Oh, Izzy. Hahanapin pa lang sana kita kung nandito ka pa. Tumawag sa akin ang Papa mo, hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya?"

"Ay, hala. Naiwan po yata sa kuwarto ang phone ko dahil kanina ko pa hindi hawak. Tatawagan ko rin po siya agad pabalik." Ngumisi ako kay Tito.

He nodded. "Sabihan mo agad 'yang tatay mo kung dito ka matutulog. Parang hindi pa sanay ang isang 'yon. Akala mo lagi kang nawawala."

Humalakhak ako.

"She's his only daughter. Of course, he must be worried, Papa," Axasiel intervened silently.

Tito Miko's forefinger aimed at his son. "Tama. Kaya huwag niyong subukan talaga na gumawa ng kung ano-ano rito at baka ako ang unang mapatay ng tatay niyan! Ang nanay mo lang ang puwedeng pumatay sa akin... sa sarap." He laughed.

Lumapit ako kay Tito Miko habang natatawa at ibinaba ang kamay niya na nakaturo sa anak. Humilig ako kay Tito para bumulong.

"Don't you worry, Tito. Hanggang first base lang—"

"Izzy." Axe's voice rose a bit behind me.

I rolled my eyes, laughing. "Sige na po, Tito. Matutulog na rin po kami. Tatawagan ko rin si Papa agad."

His brow cocked. "Sigurado kang first base lang?"

"Opo—"

"Papa, ano pong sinasabi niyo sa girlfriend ko?" si Axasiel sa mababang tono at hinawakan na ang braso ko.

"Sabi ko, hanggang first base lang naman tayo," I told him.

His eyes were full of question. Oh. Wala nga pala siyang alam tungkol doon. Hanggang ngayon.

"First base, kissing lang, gano'n!"

His lips parted and pulled me again away from his father. Hindi na siya makatingin ngayon sa akin habang nakakunot ang noo.

"Let's go to your room," sabi niya na lang. "Pa, ihatid ko na po muna si Izzy sa kuwarto niya."

Ngumisi si Tito nang bumaling sa akin. Tawa ako nang tawa habang hinihila ako ni Axe sa braso papunta sa kuwarto ko. Hila na may kasamang pagmamahal 'yan?

"Stop filling him in with ideas," marahang aniya nang pagbuksan ako ng pinto. "Baka umabot sa Papa mo at hindi ka na hayaan dito."

I stuck out my tongue and smirked. "See, gusto mo rin talagang nandito ako, ha?"

His brows twitched as he looked down, trying to hide his face as if he could.

"That's not what I meant, Izzy." He breathed out, finally fixing his gentle gaze on me. "Your parents entrusted you to me... in this household. I don't want them to think we are doing something inappropriate behind their backs."

"Hindi naman nila nakikita?"

"Integrity, Izzy."

"I know. I'm just teasing you." Sumimangot ako.

He looked really exhausted so I just smiled again. Sumibol ang maliit na ngiti sa kanyang labi bago hinawakan ang likod ng aking ulo at humalik sa noo.

"Good night, Axe," I mumbled and tiptoed to kiss his cheek.

He watched me attentively while I closed the door lento. I finally locked it but after a couple of seconds, I reopened it abruptly but only revealed my forehead and eyes as I peeked out.

He was still there, standing like a soldier to guard Rizal's Monument, only it was my room's door.

"Yes, Izzy..." he said calmly, not intending to be sexy, but it sounded erotic in my ears.

Nag-init ang pisngi at tainga ko sa naisip. Kinutkot ko ang daliri sa gilid ng pinto kung saan ako nagtatago. Bumuntong hininga siya at lumapit sa pintuan para yumuko at inilebel ang mukha sa akin.

"Nakatulog ako kanina habang hinihintay ka..." I bit my lip.

He tilted his head to the side. "You want to watch a movie first in our home theater?"

"But you're sleepy, and you have a class tomorrow." I stared at him hopefully.

Bumaba ang tingin niya at tila nag-isip habang kagat ang labi. Then, he carefully pushed the door, making me moved to the side so I won't get hit. Nang bumukas iyon nang tuluyan ay hinawakan niya ako sa braso at hinila para makalabas.

I turned down my chin to not meet his eyes. "Baka may gagawin ka pa bago matulog, Axe..."

"I have," he replied, so I lifted my head only to see him smiling a bit. "My girlfriend waited for me for hours to get home, so I have to supply her my time until she falls asleep."

My lips gingerly stretched. His lips projected a tad as his eyes strayed down to watch me case his hand with mine.

"Sure ka? If you have to do something else like your schoolwork..." I trailed off. "Para bukas, ganoon. Unahin mo na."

"I have finished it ahead of time. Always," mabilis niyang sagot. "Kaya ikaw naman."

Napunit na nang tuluyan ang labi ko sa pagngiti. Subalit napawi iyon agad nang sumulpot si Ajasiel sa gilid namin dala ang kanyang mga laptop at ipinahayag ang isang balita.

"Katatawag lang ng presinto sa numero ko para ibalitang... patay na si Dwight."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 73 14
time series #3 Reighn Siena, Arron Loren, and Jett Plane grew together being each other's shoulder to lean on. Not until Reighn's biological father...
741K 28.7K 44
City Series #2 Ever since Natalia was a kid, she was always number 1. All throughout her life, she got used to this, except when it came to her lovel...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
3.9K 115 23
Love Series #4 May the Universe align me to my ultimate goals. 10/15/21 A story about the Journey of an aspiring Miss Universe who happens to be a we...