Melting You Softly (Student S...

By maysique

135K 6.2K 4.8K

Student Series 1: The MaΓ±ana Habit 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 Delaying tasks is one of the constant poor practices of... More

Melting You Softly
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 27

1.7K 85 99
By maysique

Chapter 27

The main library wasn't open yet when we arrived at the university. Pumunta tuloy muna kami ni Axe sa tagpuan namin sa Dagohoy para doon tumambay. Mag-aalas sais na rin kaya maliwanag naman na sa puwesto namin.

"What time did you sleep last night?" he asked after we sat abreast on the cement bench.

The whiff of his Johnson's cologne never left my nostrils. Nilapag ko ang maliit na bag sa ibabaw ng mesa habang ang kanya naman ay nasa tabi niya.

"Secret," I said and stuck out my tongue, chuckling.

Kinagat niya ang kanyang labi at tumango. Ngumisi ako at kumuha na ng coupon bond at ballpen sa bag.

"Last day ng exam niyo ngayon, 'di ba? Ilang subject na lang 'yon?" Sabay lingon ko sa kanya.

Tumagilid ang kanyang ulo at mataman akong tiningnan. "Secret."

Bumulanghit ako ng tawa at tinampal-tampal ang braso niya. Umiling siya at bumaling sa sariling bag. Umusog ako palapit pa sa kanya bago ikinawit ang braso sa kanya.

I sniffed on his grey hoodie. Hindi pa nakuntento at idinikit na mismo ang ilong sa malambot na tela.

"Pahiram," bulong ko at kinalabit siya nang sunod-sunod.

"Nilalamig ka pa?" bulong niya pabalik nang bumaling sa akin para pasadahan ang aking uniform.

I giggled. Nasa bag ang vest ko at hindi naman ako nilalamig nang sobra sa katawan dahil naka-long sleeves.

I looked down at my crossed legs. Dahil nakaupo ay mas tumaas pa iyon kaya hanggang kalahati ng hita ang exposed. Tinapik ko iyon bago muling tumingin sa kanya at ngumiti.

He avoided my gaze and slightly pulled his arm from my hook. His poking adam's apple bobbled as I freed up his arm so he could remove his hoodie. Ngumisi ako habang pinapanood siyang inayos iyon sa ibabaw ng hita ko.

I leaned near his ear and whispered sweetly, "Thanks, baby Axe."

His thin, pinkish lips clamped, thrusting his chin up faintly. Tumingin siya sa bond paper na inilabas ko.

"M-mag-aral na..." Mariin siyang pumikit nang nautal. "Izzy, nandito tayo para mag-aral."

Suminghap ako nang humilig siya patalikod at hinawakan ako sa magkabilang balikat para maitulak nang bahagya palayo sa kanya. Hindi pa nakuntento at umusog pa sa kaliwa bago inilagay ang bag niya sa pagitan naming dalawa.

"Hmp!" Umirap ako at sinimangutan siya.

He pointed at my things before he took a brief look at his black wrist watch. Tamad kong ipinatong ang magkabilang braso sa mesa at nagsimula nang magsulat.

Occasionally, I would move my left elbow to nudge his hand whilst he was writing. Matagal niya iyong tititigan kaya inilalayo ko rin sa kanya.

"What's your favorite subject, Axe?" I inquired out of nowhere. "Sa mga subject niyo ngayon?"

"General Biology," he replied fast.

"Least favorite?"

"Physical Education."

Napahawak ako sa braso niyang mas makinis at malambot pa yata sa akin. Pinisil-pisil at kinapa ko pa paitaas ang braso niya. Tumigil siya sa pagsusulat at bumaba ang tingin sa braso niyang hawak ko.

"Wala ka pong makakapa diyan," aniya.

Humalakhak ako. "Meron, ah! Balat, siyempre."

Kumunot ang noo niya at sinubukang hawiin ang kamay ko.

"Let go..." mahinang saway niya, namumula ang pisngi at tainga. "I don't h-have..."

"Gusto mo?" hamon ko habang nakataas ang kilay. "Gusto mo talagang bitiwan kita, Axe?"

My lips curved when he stared at me as though he was so done with his own girlfriend. Bumuntong hininga siya at napailing, tuluyan nang hinayaan ang kamay ko sa kanyang braso.

Inilapit pa niya iyon sa akin para hindi ako mahirapan kaya mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ko. I want him to know that he doesn't have to be shy about his physique. May muscles man sa braso o wala, may abs man o taba, wala naman siyang dapat ikahiya lalo na sa akin.

Nilipat niya ang hawak sa kanyang pen sa kaliwang kamay at muling nagsulat. Natigilan ako at biglang may naalala.

"Axe," tawag ko ulit.

Hindi siya nag-angat ng tingin. "Hmm?"

"'Yong... nawawala kong output noong Grade 12 ako. Talaga bang ikaw ang kumuha no'n?"

He shook his head and I smiled.

"E 'di sino? Bakit mo inangkin ang kasalanang hindi naman sa 'yo?"

"Do you really still want to know?" Nilingon niya ako at taimtim na tiningnan.

I caged the bottom side of my lip and slowly shook my head. Matagal naman na iyon pero gusto ko lang klaruhin na wala talaga siyang kasalanan sa pagkawala ng mga gawa ko noon. Bigla ko lang din naalala.

Tipid siyang ngumiti. Napaiwas ako ng tingin nang maisip naman ang nangyari kahapon. Mukhang wala pa siyang kaalam-alam tungkol doon at hindi ko alam kung may planong sabihin si Tito Miko kay Axe ang tungkol sa mga s-in-end ko sa kanya.

Nagulat ako nang hulihin niya ang kamay kong kumakalas sa kanyang braso at ibinalik muli roon. His earnest gaze swayed my feet off the ground.

"Kahit isang kamay lang... kumapit ka lang sa akin."

Heat crept on my cheeks. Ngumiti ako at hinawakan siyang muli sa braso gamit ang isang kamay.

"I will notice if you get tired of holding onto me. I will understand if you eventually let me go." His fingerpads stroked the back of my palm. "That's the time I will utilize all my energy to carry you on my back... and walk until we both reach our own destination."

Even though his words were benign and passionate, they still wreaked havoc in my inner core that its solidity broke into pieces until it was completely liquefied. His gentle touch and reassuring words are the only warmth I would always hold on to.

"Izzy," he called softly, eyes never leaving mine.

My lips went ajar when I noticed his head dipping forward. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi nang pumasada ang dila niya roon na agad niya namang kinagat.

I swallowed hard and closed my eyes. Nahigit ko ang sariling hininga at halos bumaon ang maiikli kong kuko sa kanyang braso habang nag-aabang.

Ngumuso na ako. Narinig ko ang mahinang tawa niya bago ako napadilat dahil itinulak niya ang noo ko gamit ang isang daliri.

"Mag-aral na tayo," nakangiting sambit niya at lumayo na nang tuluyan sa akin.

I gawked at him with mouth agape and burning cheeks. Nagpipigil na talaga akong kurutin o ibaon na nang tuluyan ang kuko sa balat niya dahil sa hiya.

Sa gigil ko, ako na mismo ang lumapit sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Pumitlag siya at napahawak sa pisngi bago ako nilingon.

Inirapan ko siya pero nakangisi nang bumaling sa ginagawa ko. Nang alas siete na ay umalis na kami roon sa Dagohoy at nagpunta na sa main library. Pasikat na ang araw pero sinuot ko pa rin ang hoodie niya dahil malamig din sa library.

Sa mahigit isa't kalahating oras namin sa library, kalahating oras na lang yata ako nag-aral at isang oras na akong nangungulit sa kanya. Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ng online chess sa phone ni Axe nang humikab ako.

Salo ng palad niya ang kaliwang pisngi habang nakapatong ang siko sa mesa nang nakatitig sa akin. He was slightly facing me since we were sitting beside each other.

"Gusto mo pong magkape muna?"

Umiling ako sa kanya. Umayos siya ng pagkakaupo at inilapit ang silya sa tabi ko. Lumabi ako nang patayin niya na ang phone at itinago na sa bulsa ng pantalon.

"Hindi pa kita natatalo, e," reklamo ko.

Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa mesa at ipinatong sa kandungan niya. The space in between his right pinky and ring finger filled in the gap of my thumb and forefinger. Ginawa niya rin iyon sa kabilang espasyo ng mga daliri ko gamit ang isa niyang kamay bago bahagyang inunat.

His thumbs began stroking from heel of my hand to the center of my palm. Bumuntong hininga ako at napahilig sa upuan habang dinadama ang bawat dantay ng daliri niya sa balat ko.

"I wasn't able to do this to you last time," he muttered, and a small smile arose on his lips.

His long and slender fingers were ridiculously skilled for a hand massage. Pagkatapos niya sa kaliwang kamay ko ay ang kanan naman ang minasahe niya. My mood brightened up more than the sun rays when he was done.

Gusto ko sanang gawin din iyon sa kanya pero malapit nang magsimula ang exam nila kaya kinailangan niya nang maunang umalis. Meanwhile, I stayed in the library to resume my reviewing session.

Minutes passed, and I didn't notice I had fallen asleep on the table. Beads of sweat formed on my forehead, and my heart pounded harshly when I checked the time on my wristwatch.

Holy shit! I'm already 40 minutes late for my exam. Isang oras lang ang exam namin!

Ilang beses akong nadulas palabas ng library dahil sa pagtakbo. Inipon ko ang buhok at inangat gamit ang dalawang kamay habang tumatakbo patungo sa building namin.

Ilang metro pa bago makarating doon nang madapa ako. I cursed inwardly when my knees and the heel of my hand got scraped. Mariin akong pumikit at tumayo agad dahil sa kahihiyan nang namataan ang ilang estudyanteng nakakita sa akin.

I was already limping when I entered our building. Hindi ko na pinansin ang tingin ng ilang naroon sa lobby at dumiretso na sa floor namin. I saw some of my blockmates loitering in the hallway. Nakita ko rin doon sina Steffy, Aaron, at Seth na nag-uusap.

"Uy, si Izzy..."

"Huy, 'te! Kanina ka pa namin china-chat at tinatawagan!" bulalas ni Steffy nang nakalapit ako. "Shuta ka. Pumasok ka na!"

"Bakla ka, may sugat ka pa!" si Aaron at hinawakan ako sa braso. "Ilan nahuling isda?"

"'Yong blue notebook mo? Dala mo ba?"

Hindi ko na sila pinansin at kumatok na sa pinto bago inikot ang seradura. Ang lamig at kulob na amoy ng aircon ang sumalubong sa akin kasama na ang sabay-sabay na pag-angat ng ulo ng mga kaklase ko.

"Good morning, Ma'am. Sorry, I'm late."

Istriktong tingin ang ibinigay niya sa akin bago tinapik ang test paper na nasa ibabaw ng mesa.

"Bring out your pen and blue notebook, then get your test paper here. Put your bag here in front."

Mabilis ang kilos na ginawa ko. Ang kirot at pangangati ng sugat sa mga tuhod ay mas naramdaman ko nang nakaupo na. Saglit akong natulala sa kamay kong namumula at medyo nagdurugo.

I wasn't able to beat the clock and a failing grade for this major subject's final exam is waving at me. Naiiyak pa ako habang nagsasagot dahil alam kong masasagot ko sana ang mga tanong hanggang sa case study kung mabibigyan pa ako ng sapat na oras.

"Miss Asturias, go to the clinic," sambit ng prof namin habang palabas na ako ng room.

Wala akong pinansin sa mga kaklase ko habang pababa ng building kahit pa nag-offer ang iba na samahan ako sa clinic sa ibaba. Kanina ko pa pinupunasan ng panyo ang mata pero sigurado akong halatang-halata na ang pamumugto nito.

I internally recollected our previous exams and practical activities to assure myself I won't fail this subject. That's my only solace to stop myself from looking this pathetic and pitiful now for being grade conscious.

"Izzy?"

Kalalabas ko lang galing clinic para magamot ang sugat sa mga tuhod at kamay nang tawagin ako ni Dwight. Kasama niya ang dalawang kaklaseng pamilyar sa akin at dala nila ang kanilang bag.

I smiled weakly and looked away from them. Nilagpasan ko sila para magtungo sa upuang nasa lobby nang may humawak sa braso ko.

"Sandali, may ibibigay pala ako sa 'yo," aniya at tinanggal ang isang strap ng bag sa balikat para buksan iyon.

"Galing kang clinic?" tanong ni Quincy, nakatingin sa tuhod ko. "Anong nangyari?"

"Ah, nadapa lang," tawa ko.

"Nadapa ka?" tila namamanghang tanong ni Dwight.

Napatingin na rin sa tuhod ko si Fern kaya nakaramdam ako ng pagkailang. HIndi ko naman maitago ang mga binti ko lalo na at nakapalda lang.

"Ano 'yong ibibigay mo, Dwight?" baling ko sa kanya.

"Ah!" He held out a small transparent drawstring pouch to me. "Galing sa Tita ko 'yan na kauuwi lang galing sa Canada."

Kita ko nang imported chocolates iyon kahit hindi na buksan. Tipid kong nginitian si Dwight at nagpasalamat.

"Wala pa si Harley? Meron din sana akong ibibigay sa kanya."

"Uh, hindi ko pa siya nakausap o nakita ngayon. Mayamaya pa ang klase niya."

He eyed me warily. Biglang may sumagi sa isip ko kaya napahakbang ako palapit sa kanya ng isang beses. Mukhang nabigla siya roon.

"Busy ka ba ngayong oras, Dwight? May gusto lang sana akong pag-usapan."

His eyes widened a bit, and he eagerly shook his head.

"Hindi naman. Katatapos lang ng exam namin at kakain lang sana kami." Nilingon niya ang dalawang kaibigan. "Fern, Quincy..."

Nagkatinginan ang dalawa bago tumango kay Dwight na para bang nagkakaintindihan na sila. They both nodded at me, too, before they walked away from us.

"Where do you want us to talk, Izzy?" kalmadong tanong ni Dwight nang naiwan kami.

"Sa... rooftop."

Students are prohibited to go up there yet some were able to sneak out. Hindi ko pa nasusubukang umakyat doon pero alam ko naman ang daan patungo roon.

Dwight shadowed me as we stealthily climbed up the stairs from the back of the building. We were both quiet until we reached the rusty door that led us to the rooftop.

Tirik ang araw pero mahangin naman. Dumiretso ako sa pader kung saan may aninong puwedeng panangga sa sikat ng araw. Wala naman akong nakitang ibang estudyante maliban sa amin kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Ngayon lang ako nakapunta rito."

Sumandal si Dwight sa pader na sinasandalan ko at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Patagilid niya akong sinulyapan at bahagyang ngumiti.

"Come on, Izzy. Tell me what you want us to talk about."

I looked up at the blue, clear sky. "She's still alive, Dwight."

"I'm sorry?"

Hinarap ko siya at mariing tinitigan sa mga mata. "I said... she's alive. Si Fatima, Dwight."

Natulala siya sa akin, salubong ang kilay at tila iniintindi pa ang simple kong pahayag. Ilang sandali pa nang bumaling siya sa kaliwa at pinasadahan ang buhok gamit ang kamay.

"Anong sinasabi mong buhay si Fatima, Izzy? We all know that—"

"She's dead? That's what we all thought because that's what they told us!" Kumuyom ang kamao ko at nag-init ang tainga. "But we didn't see her in the casket. Pati kung saan siya inilibing, walang nakakaalam sa atin, hindi ba?"

He blew out a long sigh. My eyes got clouded with tears.

"Nagti-text siya sa akin at pinagbabantaan ako."

"Pinagbabantaan?"

I licked my lips and lowered my gaze. "I don't know what she's really up to, but I'm sure she's stalking me and my family, Dwight. Including Harley and Axe."

Umawang ang labi niya at humakbang palapit sa akin. He held my arms and slouched a bit to level his face to mine.

"Sigurado ka bang si Fatima iyon?"

Tumango ako habang lumuluha. Napamura siya nang mahina bago ako hinila sa kanyang dibdib para yakapin.

"N-natatakot ako, Dwight." I sobbed at his chest. "Tayong dalawa lang ang nakakaalam ng nangyari talaga sa kanya at... baka binabalikan niya ako dahil doon. May k-kasalanan ako sa kanya, Dwight."

"Izzy..." Hinaplos niya ang aking likod. "Wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya noon. Alam natin pareho na siya ang muntik nang magpahamak sa 'yo noon. It just happened that..." he trailed off.

"That I pushed her off the bridge..." I cried.

"It was an accident!" giit niya sa galit na boses. "Kung hindi ko kayo naabutan doon, baka wala ka rito sa harapan ko ngayon!"

Sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin pero hinigpitan niya lang ang pagkakakulong ko sa kanyang bisig. Bumagsak ang magkabilang braso ko sa gilid sa panghihina.

"Ayos lang kung ako ang balikan niya, e. Pero bakit kailangan pa niyang idamay ang pamilya at mga kaibigan ko?" bulong ko.

Naramdaman ko ang mabagal na pag-angat baba ng kanyang dibdib.

"Hindi ko p-pa nasasabi sa magulang ko ang nangyari noon. Gusto kong... gusto kong makausap si Fatima nang hindi nila nalalaman. I want to... apologize and settle everything."

That gloomy and unfortunate night is a fragment of memory from my past that I wish to be erased permanently. No one from my family knew that I got kidnapped for almost five hours by Fatima's paid men.

Just because I rejected her at the age of 14, she resorted to an unlawful way to get me. And when I had the opportunity to escape, we ended up on a high river bridge. Umuulan, nanghahapo, at wala akong armas panlaban sa kanya.

Her paid men weren't there. Kaming dalawa lang... hanggang sa dumating si Dwight sakay ng isang taxi nang saktong naitulak ko si Fatima sa tulay.

Takot na takot ako. Dwight told me that I shouldn't tell anyone about what happened, even my family and the authority, or I'll end up in jail when I turned legal. My guilt ate me up most nights after they announced that she was already dead.

I killed her and was guilty, but I chose to remain silent.

"It wasn't your fault, Izzy. Ipinagtanggol mo lang ang sarili mo," ang palaging sinasabi ni Dwight. "Forget about what happened that night. Pretend that it never even happened."

Sinubukan kong huwag nang isipin iyon dahil tingin ko, tama si Dwight. Si Fatima ang nagpadukot sa akin pero bakit bandang huli, ako pa ang may nagawang kasanalan? Ako pa ang masama?

Akala ko ay iyon ang tama kaya iyon ang pinanghawakan ko. Na wala akong kasalanan. Pero ngayon, napagtanto ko na mali ang pinaniniwalaan ko.

"Kung haharapin mo siya, sasamahan kita."

Umiling ako sa sinabi ni Dwight. Sinabi ko ito sa kanya dahil siya lang din naman ang nakakaalam ng nangyari noon. I want to settle things with Fatima not only for my peace of mind but also to protect my loved ones. And even the both of us.

Ayokong dahil sa paghihiganti ay makagagawa na naman kami ng mas matinding kasalanan kaysa sa nangyari noon. I'd beg for her forgiveness if she wants to but the moment she lays a hand on anyone close to me...

"What did she even threaten you?" usisa ni Dwight, hindi pa rin tinatanggal ang pagkakayakap sa akin.

"Break up with Axasiel or she'll hurt Harley..." sagot ko at inilagay na ang kamay sa kanyang dibdib.

Sa wakas ay nakawala na ako sa kanya. Pagod akong tumingin sa sapatos ko at bumuga ng hangin.

"Do you really like him, Izzy?" halos ibulong niya.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng hoodie ni Axe na suot ko pa rin hanggang ngayon. Medyo mahapdi pa ang mata ko sa pag-iyak.

"I don't just like him," I said, smiling as I visualized Axe's innocent face. "Mas malala pa roon ang nararamdaman ko para sa kanya."

Napawi ang ngiti sa labi ko nang halos magdikit na ang dulo ng sapatos namin sa harapan. Sa gulat ko, napahakbang ako patalikod ng isang beses pero nahuli niya agad ang baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya.

"Wala na ba talaga akong chance, Izzy?" tila nagmamakaawang sambit niya.

Namilog ang mga mata ko at hinawakan siya sa braso at dibdib para itulak.

"D-Dwight, ano ba?!"

Mabibigat ang talukap ng kanyang mata habang pinagmamasdan ako. My chest heavily rose and my ears started to burn in ire. Buong puwersa ko siyang itinulak at hinagis sa dibdib niya ang hawak kong kabibigay niya lang kanina.

"Tumigil ka, Dwight. Kaibigan kita at alam mong may boyfriend na ako kaya ano 'yang sinasabi mo?"

"Then why did you bring me up here alone with you, huh? Just to talk, Izzy? Really?" His voice was full of sarcasm.

Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. What the heck? Anong iniisip niya pang gagawin namin dito? While I was opening up my problem with him, was he thinking of other agenda why we're here?

Pinigilan kong magsalita nang hindi maganda at nilagpasan na lang siya. Just when I was about to walk past him, he seized my arm and tugged me toward him, forcibly smashing his lips against mine.

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 708 14
Jam, a sister and daughter, became a volleyball athlete solely to support her financial education through its benefits. Alam niya kasing hindi afford...
327K 5.7K 48
CELESTIAL SERIES INSTALLMENT #1 The moon is meant to be with the stars but he still chose to be with the sun, even though the love that they have is...
885 313 44
Having a wireless chip on her brain makes Sierra suffer from different problems. She is one of those AXC person, or a person living with an artificia...
649 52 50
an epistolary ; michelle & wave