Melting You Softly (Student S...

By maysique

131K 6.1K 4.7K

Student Series 1: The MaΓ±ana Habit 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 Delaying tasks is one of the constant poor practices of... More

Melting You Softly
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 25

1.8K 98 67
By maysique

Chapter 25

"Anong sagot niyo sa biggest cruise ship in the world? Harmony of the Seas?" tanong ni Aaron nang natapos na ang exam.

Isa't kalahating oras ang exam namin sa Macro Perspective of Tourism and Hospitality. Pinakamadugo ang laban sa major subject na ito tuwing exam. Sa 100 items na exam, 80 percent ay identification at ang natitira ay enumeration.

Ang mahirap pa roon, may kaunting pagbabago sa term na ginamit na definition sa exam kaysa roon sa itinuro sa amin. Pati keyword sana na mas magpapadali sa pag-identify ng item, naiiba pa.

"Symphony of the Seas ang biggest. Pangalawa yata ang Harmony," sagot ni Mason sa tanong ng kaibigan namin.

"Iyon din ang sagot ko!" tuwang-tuwa kong sinabi dahil sure na ang 1 point ko basta sinabi ni Mason.

"Shuta, Titanic nga lang ang naalala ko na tungkol sa cruise ship. E 'di iyon ang sinagot ko!" ungot ni Seth at niyugyog ang braso ni Steffy.

Our laughs echoed in the hallway. We're on our way down to Dagohoy to buy our lunch. Mahigit dalawang oras pa ang free cut namin dahil hindi naman na-consume ang buong 3 hours kanina sa first subject.

"Oy, may dadaan. Gumilid muna tayo," I told them when I noticed some students in their chef's uniform climbing up on the stairs.

May mga dala silang plastic ng Puregold at Savemore. May dala pang isang kaldero at malalaking tupperware ang iba. Nakilala ko ang dalawa sa mga dumaan doon bilang kaklase ni Harley.

"Bakit may dala pa kayong kaldero, Ate?" tanong ni Aaron sa isang dumaan.

"Ah, nagluto kami kanina sa labas. Bawal kasi 'di ba na gamitin ang kitchen lab kapag hindi niyo pa time sa subject kung kailan kailangan iyon."

"Huy, ano ba naman 'tong si Aaron. Ang bigat ng dala ni Ate, dito mo pa talaga tinanong. Tumigil pa tuloy," si Seth.

Tumawa 'yong sumagot kanina. "Ayos lang. Sige, akyat na kami..."

"Ano bang meron?" tanong pa rin ni Aaron.

"Function yata nila. Nasabi ni Harley sa akin noong nakaraan," singit ko.

"Yup." Ngumiti 'yong kakilala ko at nagpatuloy na sila.

Bahagya ko nang tinulak ang magkabilang balikat ni Aaron para maglakad na. Natagpuan ng paningin ko si Harley na nasa lobby at nakasuot ng normal uniform. Her butt was sticking out while standing since she was bending forward and rummaging her bag.

Nilagpasan ko ang mga kaibigan at ngumingising lumapit sa likuran ni Harley. She hadn't noticed me yet so I slapped her butt cheek and even fondled it lightly.

"Pahingi naman pong laman ng puwet," tatawa-tawa kong sinabi.

Napatalon siya at agad na tumalikod, nakaangat na ang kamay sa ere.

"What the fuck, Eria? I was so ready to slap you!" she exclaimed in vex with glaring eyes.

Tumatawa pa rin ako nang niyakap siya saglit. Tinulak niya ako at matalim pa rin ang tingin sa akin. Nilingon ko ang mga kaibigan na naghihintay sa likuran namin.

"Una na kayo sa Dagohoy. Sunod na lang ako," I told them and held my chin up.

"Sabay ka na namin bili ng food?" si Steffy.

I shook my head. "Ako na lang mamaya. Chat na lang kayo sa gc kung saan kayo banda."

Tumango naman sila at nagpatuloy nang lumabas ng building namin. Inipit ko sa likod ng tainga ang maiikling takas na buhok bago nilingon muli si Harley.

"Tapos na ang exam niyo sa first subject?" she asked and returned to her search operation in her bag.

Umupo ako sa tabi ng kanyang malaking bag at ipinatong ang sariling bag sa ibabaw ng hita. Kinuyakoy ko ang aking mga binti.

"Oo. May two hours pa kaming break for next subject. We just met a few of your classmates on the stairs." Ngumuso ako. "Ano bang hinahanap mo?"

"My long wallet," she answered and sighed exasperatedly, straightening her back before glancing at me. "May extra money ka ba diyan? Kanina ko pa hinahanap ang wallet ko diyan sa bag at sa kotse, wala talaga."

"Meron naman. Magkano ba ang kailangan mo?"

Binuksan ko na ang sariling bag. Maliit na backpack lang iyon dahil exam lang naman ang gagawin ngayon.

"Kahit one hundred lang."

"Would that be enough? Kumain ka na ba?" I asked while opening my own wallet.

"Hindi pa nga, e. I'm not that hungry naman. Pero aayusin lang muna namin sa kitchen 'yong ibang niluto namin kanina tapos kakain na rin siguro."

I pulled out a crispy yellow bill instead of violet and handed it out to her. Pinaypay pa niya iyon sa kanyang mukha habang ang isang kamay ay nasa balakang.

"Bayaran ko na lang 'to mamaya. Kainis kasi. Botcha pala 'yong biniling karne ng baboy ng mga kasama ko kahapon. Kanina lang napansin kaya bibili ulit. Abonohan lang muna namin since wala pa 'yong iba naming kaklase."

My brows met. "They bought botcha?"

"Oo. Someone volunteered to buy in the public market since the price there is cheaper than in the supermarket. Nga lang, hindi naman pala marunong tumingin kung fresh pa ba 'yong karne. Kaya pala nagulat ako noong sobrang mura dahil natawaran daw nila. Gosh! Ako na lang pala sana ang bumili kung alam ko lang!"

Annoyance was evident on her voice and the way she rolled her eyes. Bakit may nagbebenta pa rin ng botcha, e, bawal na 'yon?

Sa palengke rin naman kami bumibili minsan ni Mama ng mga karne o isda kapag para sa amin lang dahil totoong mas mura doon at nakakatawad pa. You just really need to know the basic knowledge and have keen eyes to know if the meat or fish is still fresh.

The consumption of double-dead meat or botcha could cause diarrhea and food poisoning, so buyers should always be cautious when they buy in the public market. Kung wala namang alam tungkol sa ganoong bagay, mas safe na bumili na lang sa mga supermarket o meat shop mismo.

"Saan kayo bibili niyan ngayon?"

"Sa supermaket na malapit dito. 'Yong kitchen manager na lang daw namin ang bibili para sigurado na."

Tumayo ako bitbit ang bag at hinila pababa ang palda na umangat.

"Okay. Kitchen lab lang naman kayo, 'di ba? Sa third o fourth?"

"Third lang. Sige na, sumunod ka na sa mga kaibigan mo," aniya at tumango.

"I'll buy your lunch na lang. Ano bang gusto mo?"

"Ako na lang, Eria—"

"Ako na nga ang bibili, e. Babalik din naman kami rito. Basta 'yang limang daan, utang mo pa rin."

Humalakhak siya. "Fine! Chicken wings na lang. Garlic parmesan. Tapos samahan mo na rin ng coffee jelly for drinks. Inaantok ako, e."

"Okay. Iakyat ko na lang doon," I said and waved a hand.

My pace was rapid as I went to Dagohoy and searched for my friends. Mabuti na lang at naroon lang sila malapit sa entrance kaya hindi na ako nahirapang maghanap. Iniwan ko lang muna roon sa table namin ang bag ko bago pumunta sa stall kung saan nagbebenta ng chicken wings.

I bought my cheesy bacon chicken wings and for Harley. I even added extra rice for her 'cause one serving of rice would probably not enough for her. Bumili muna ako ng fruit shake ko bago bumalik sa puwesto namin.

Tiningnan ko ang mga pinagkainan nila. Mukhang kasisimula pa lang naman nila.

"Parang gusto ko ng fries," Seth said. "Bili ba ako?"

"Ubos 'yan agad," ani Steffy at saglit na humalakhak bago muling sumubo ng pagkain.

"Mamaya ka na bumili, bakla. Snack natin," si Aaron.

Tumawa ako habang naglalagay ng plastic gloves sa kamay.

"Huwag na lang pala. Baka hindi rin ako makakain!" irap ni Seth.

"Makakatikim ka naman," si Mason at ngumisi. "Kami lang ang uubos."

Tutok kaming lahat sa pagkain habang nag-uusap sila. Abala ako sa paghimay ng manok ko nang may nangalabit sa balikat ko kasabay ng marahang pagbagsak ng isang parisukat na kahon sa tabi ng aking kanang braso.

Nakangiti pa ang labi ko habang nakaipit ang manok sa mga ngipin nang nag-angat ng tingin kay Ral. Umalon ang lalamunan niya at supladong nag-iwas ng tingin.

"I heard their pizza's quite good so I tried it. May promo kasi na buy 1 take 1. Hindi naman namin kayang ubusin ang isang box kaya sa 'yo na lang 'yang isa pa. Don't think of anything."

Ibinalik ko ang tingin sa dilaw na pizza box. Naningkit ang mata ko at umangat ang sulok ng labi bago ibinalik ang tingin sa kapatid. I noticed that he was alone.

Inirapan niya agad ako nang makita ang tingin ko. I chuckled. I'm not thinking anything, though.

"Tapos na ang exams niyo?"

He nodded weakly and inserted his hand in his pants' pocket. "Pauwi na rin..."

"Okay. Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na."

The corners of his lips turned down. Mas lalo akong humalakhak at humilig patalikod para lang masiko siya sa tagiliran.

"Salamat na nga sa pizza. Love you." I pouted my lips and popped it open noisily.

His eyes widened.

"Aish!" Ngumiwi siya at tinalikuran na ako agad.

I watched him jog toward the entrance gate. Umiling na lang ako at bumalik na sa pagkain. My friends expressed their gratitude and joy by eating the pizza after our meal.

"Tig-isang slice lang, ah? Bibigyan ko rin si Harley tapos puwede pang hati-hatiin 'yan para sa ibang kaklase natin," sabi ko sa kanila bago sumimsim sa fruit shake.

"Opo, master." Sumaludo pa si Seth.

Aaron sneered. "Alipin ng pagkain."

"At least, hindi ng lalaki."

My mouth formed a big circle and elbowed Aaron who was throwing a sharp gaze to Seth.

"Hindi ko na maubos. Sa 'yo na lang," si Steffy kaya napalingon ako sa kanya.

Iniabot niya iyon kay Mason na katabi niya.

"Busog ka na?" he asked her softly.

"Oo. Mabigat na sa tiyan 'yong rice, e..." Sabay lapit pa ni Steffy ng pizza niya kay Mason na tinanggap naman na.

I squinted my eyes at them. Para akong nanonood ng rally sa badminton sa bilis ng pagpapalit-palit ng tingin ko sa dalawa.

Inaya ko na silang bumalik ng building pagkatapos kumain. Mabagal nga lang ang lakad nila kaya ako ang nauuna dala ang pagkain at inumin na kabibili lang para kay Harley.

Pumunta agad ako sa third floor at hinayaan na ang apat na pumunta sa kung saan. Ilang metro pa ang layo ko sa kitchen lab nang namataan na ang mga kaklase ni Harley na labas-masok roon. Sumilip ako mula sa pintuan at nakita ang mga naka-chef's uniform sa loob.

My eyes located Harley in front of the sink. Naka-chef's uniform na rin at naka-apron pa.

"Papasok po!" sigaw ko at ngumisi.

Dumiretso ako sa isa sa mga kitchen island sink. Iilan lang ang upuan na nasa loob at ang iba ay nakatayo pa kaya hindi na rin ako naghanap ng mauupuan. I'm already used to it, too, since chairs are really unnecessary in the kitchen. Dagdag pampasikip at abala lang iyon, e.

"Ral brought this pizza to me," tukoy ko sa box na dala. "Kuha ka lang."

Harley removed her apron and hairnet. Pinampunas niya sa mukha at leeg ang face towel na nasa bulsa ng kanyang apron.

"Really? Anong flavor?" tanong niya habang binubuksan ang binili ko.

"Basta something cheesy. Anyway, pahiram naman ng kutsilyo niyo."

"Sinong sasaksakin mo?"

"Gaga. I-slice ko pa 'yang pizza. I'll give some to my classmates."

Ngumuso siya at luminga-linga sa kitchen.

"May nahugasan yatang kutsilyo diyan. Hanapin mo na lang."

Mainit pa rin talaga rito kahit pa may wall fan dahil walang exhaust fan. Wala pa silang niluluto niyan. Paano na lang kapag nakabukas na ang mga stove? This kitchen would turn into a mini hell.

Habang kumakain, ipinatikim niya rin sa akin ang niluto nilang entrées para sa kanilang function mamaya. Mabagal ang pagnguya ko sa maliit na hiwa ng karne para malasahan kung ayos lang habang nakaabang siya sa sasabihin ko.

"Hindi ba masyadong maalat?"

Umiling ako at nag-thumbs up. "Sakto lang. Masarap na siya."

I stayed there for few minutes before I went to student lounge on the same floor where most of my classmates gathered.

"Uy, pizza. Penge, Izzy," ang isa sa mga kaklase kong humarang sa dinaraanan ko.

Iniabot ko sa kanila iyon. "Bigyan niyo na lang ang iba diyan."

Ngumisi nang malawak si Atienza. "Yown! Salamat, Chef Izzy!"

Hindi naman ako makapag-review nang matino roon sa lounge dahil sa ingay ng mga kaklase kaya lumipat kami sa library. Confident pa ako niyan dahil lumabas sa Filipinolohiya ang mga ni-review ko.

Sa Mathematics in the Modern World, inaasahan kong walang computation dahil sa syllabus namin. But boy I was wrong. Puro computation pala! Open notes pa, e, wala naman kaming notes tungkol doon! What freaking sorcery does our prof want us to show him?

Sa huli, binalewala ko na lang. Bahala na nga. Hindi lang naman ako ang namomroblema kaya ayos lang.

"SM Sta. Mesa muna tayo," anyaya ni Steffy.

"Anong oras ba ang exam bukas?" si Aaron.

"Two batch 'yon, 'di ba? Tapos alphabetical order," ani Mason sabay tingin sa akin. "Alas dies pa naman ang unang batch."

My lips twitched. Ayaw ko talaga sa tuwing nahahati sa dalawang batch ang exam namin sa Kitchen Essentials at Risk Management na subject tapos alphabetical order pa lagi. Bakit ba kasi iisa lang ang prof namin doon?

Binangga ni Steffy ang balikat ko habang nag-aangat-baba ang kilay. "Izzy, alam mo na bukas, ha..."

I snorted. Tinapik-tapik pa ako sa balikat ni Seth na animo'y may inaasahan din sa akin.

"Ang daya naman. Bakit kasi ako lang ang mauuna sa atin?"

"Ayaw mo no'n? Ikaw kasi nangunguna sa kagandahan sa ating lima!" pang-uuto pa ni Seth. "Basta bukas, ha? Hint lang!"

"Mag-review kasi kayo," si Mason at umirap.

"Ay, kasama pala natin si Mason. Katabi ko naman 'yan!" Steffy blurted. "Bukas, Mason, ha? Kapag lang sobrang hirap talaga ng exam."

"Tamang-tama. Nasa likod lang naman ako ni Mason." Seth laughed. "Si Aaron, kaya niya naman 'yan habang nasa likod."

Napailing ako sa kanila. Wala pa akong nare-review sa e-exam-in namin bukas pero heto at sumama pa rin ako sa kanila sa SM. Nasa loob kami ng tren nang tumawag si Ral.

"Pauwi ka na, Ate?" bungad niya.

"Hmm? Mayamaya pa. Punta lang kami saglit sa mall. Bakit?"

"Maagang umuwi sina Mama. Ano raw po ang gusto mong hapunan?"

"Ikaw? Ano bang gusto mo?"

"Nilagang baka?" he mused.

"Hmm. E 'di iyon na lang. Sige na, Ral. Nasa loob kami ng tren."

"Ingat po."

Hinayaan ko na siyang ibaba ang tawag. I was scrolling down on my Twitter account when I received an MMS from an unknown number. My head tilted as my thumb pressed the notification at once.

My blood ran cold upon seeing the first picture. I resumed on sliding the pad of my finger down on my screen just to see all the pictures sent to me. Mga litrato iyon na kuha sa labas ng bahay, stolen pictures nina Harley, Axasiel, at ang pamilya ko.

I never knew that these purloined pictures could make a significant change in my heart's beat. Because I know, there was an underlying message that the sender wanted me to fathom.

I could actually sue this person for taking our pictures illegally. Ano ba ang gusto ng taong ito at ginagawa niya ito? Is he some sort of a stalker or what?

"Izzy, nandito na tayo," ani Steffy at hinawakan ako sa braso.

Lutang akong sumunod sa kanila. Now, I'm contemplating if I should still go with them or just go home. Katatawag lang naman ni Ral at wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya dahil nandoon na rin ang magulang namin. Si Harley, nasa unibersidad pa naman.

"Izzy!"

I jumped when I heard Seth's shout. Napalingon ako sa paligid bago tinakbo ang distansiya ko sa kanila.

"Huwag mo muna kasing isipin ang jowa mo, baklang 'to!" pagsusuplada ni Aaron.

How about Axe? Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw. Nakauwi na kaya siya?

Inakbayan ako ni Steffy. "CoCo tayo!"

"Eh! Ang mahal doon!" Seth immediately opposed.

"Anong Coco? Cocomelon?" nakakunot-noong tanong ni Aaron.

"Gaga, anong Cocomelon?!" Steffy laughed.

"Milk tea shop, gano'n," sagot ko "Medyo mahal nga lang ng kaunti kumpara sa mga milk tea shop sa labas pero sulit naman kasi masarap."

"Magkano ang pinakamura?"

"Hmmm... I'm not sure pero may less than 100 pesos naman yata sa pagkakaalala ko."

"Hindi na lang muna ako bibili. Kayo, gusto niyo ba?"

Tiningnan ko si Steffy na nakalabi. "Bibili ako kung bibili ka."

"I'll buy, too," Mason interfered.

"Bibili na rin pala ako," tumatawang dagdag ni Seth sabay lingon kay Aaron. "Hoy, ikaw?"

"Pass. Nag-iipon pa ako para sa bagong phone."

Inasar siya lalo ni Seth tungkol doon sa nawalang phone niya ilang buwan na ang nakalipas. Naalala ko na naman tuloy 'yong text ng nakapulot ng phone niya. Sa ngayon, ang phone daw ng Ate niya ang ginagamit niya muna pero hindi nadadala sa school.

Naawa naman ako kaya nilibre ko na rin si Aaron sa CoCo. Nag-iinarte pa noong una at ilang beses pang nanigurado kung libre.

Ayaw ko talaga 'yong may kasama ako tapos may isa sa amin na hindi kakain. Simpleng respeto at disiplina lang. Kapag kaya kong manlibre, nililibre ko na. Minsan naman ay ambagan kaming magkakaibigan. Kung walang panlibre, e 'di hindi na rin ako bibili.

"Sige na nga! Nakakahiya naman!" kunwa'y nahihiya pa niyang sinabi. "Pareho na lang ng sa 'yo 'yong sa akin, Izzy. Pa-add na rin ng pearl."

Pabiro siyang sinabunutan ni Seth. "Nahiya ka pa niyan, ha!"

Aaron laughed. "Izzy, ah. Baka habulin ako ng isang daan. Kinakabahan ako!"

Mahigit isang oras din kami sa loob pero nakatambay lang din sa food court. Tawang-tawa pa kami kay Mason na ang daldal habang tumatawa na akala mo ay nalasing sa milk tea.

Habang nasa LRT na ulit kami ni Seth ay bumalik na naman sa isipan ko ang natanggap na mga litrato. I guess this time, I should really talk straight about it with Papa.

Nasa bahay na ako nang mabasa ko ang ilang message ni Axasiel sa akin. I opened my desktop and immediately invited him over a video call. Tumayo ako sa likuran ng upuan at bahagyang lumayo roon bago nagsimulang tanggalin ang necktie.

"Kauuwi mo lang po?" was his first question.

"Yup. Tumambay muna kami sa mall, e. Ikaw? Sabay ba kayong umuwi ni Ral?"

I unzipped my skirt from the side and let it fall down onto the floor, revealing my cycling shorts. Sinimulan ko na ring i-unbutton ang longsleeves ko nang marinig ang tikhim niya. His face looked so grumpy and he wasn't looking on his screen.

"Tatawag na lang ako mamaya," he informed icily. "Get dressed properly first."

It caused my mouth to part. I smirked and shook my head, finishing what I started. Niligpit ko na muna iyon bago nagsuot ng malaking shirt at tinawagan siya ulit. He rejected my call for several times until I sent him a mirror selfie of my whole body.

"Mabuti naman at sinagot mo na."

Nakasimangot ako nang sagutin niya ang tawag. Ipi-flex ko pa sana na suot ko ang shirt niya pero hindi ko na ginawa. I lost the thin string of my patience and excitement of talking to him for declining my calls for multiple times.

"To answer your question earlier... opo. Sabay kaming umuwi ni Ral kanina."

Hindi tulad kanina na mukhang masama ang loob bago ako pinatayan ng tawag, naniningkit na ulit ang mga mata niya dahil sa pagngiti habang nakatingin sa akin. His elbow idled on his chair's armrest as he covered his mouth with the back of his hand.

"What's so funny, Axasiel?" mataray kong tanong.

Kitang-kita ko pa ang pag-angat ng sariling kilay doon sa screen. He shifted on his seat and removed his hand from his mouth. He licked his lips and pouted.

"Sorry po. How's your day? Hmm?" Ngumiti siya pagkatapos ng malambing na tanong.

Kainis 'to! Bakit ba siya ngumingiti nang ganiyan? He knows that I could melt so easily with just his smile! Paano pa kapag ganiyang naglalambing ang boses? Kaya hindi ko talaga magawang mainis nang tuluyan, e.

"Fine, I guess." I lifted my shoulders, trying to look and sound apathetic.

"I miss you..."

He stared at me behind his linked fingers like he was ready to consume my soul through his monitor. Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan, bago siya hinarap muli at hinampas ang lintek niyang mukha sa screen.

His precious and adorable chuckle escaped his lips. Uminit ang pisngi ko.

"If you really miss me, then come over here!"

"Okay, bye," he simply said with a smile and the call ended.

"W-wait!" pigil ko kahit pa alam kong wala naman na siya.

I tried calling him again but to no avail. I groaned and glared at my computer, slapping it multiple times because of nothing until my palm got numb.

I plonked on my bed and shut my eyes. Unwillingly, all the weight of thoughts that subsided just a moment ago resurged post-haste. Muli kong minulat ang mata at tumitig sa kisame.

Could it be... it was really that person who kept on texting me? Pero patay na siya!

Or... not?

Napabangon ako at agad na hinanap ang aking phone sa bag. I nibbled my bottom lip as I read the newest and unread message from the same unregistered number.

Unknown:

Break up with your boyfriend or else...

Nanginig ang kamay ko at lumipad ang palad sa bibig nang makita ang s-in-end niyang picture.

It was Harley... tied up on a chair and mouth concealed with black tape. My tears rolled when I received a short clip of her crying and screaming for help. Umiiling siya habang nakatingin sa camera... o sa taong nasa likod nito na mukhang sigurado ko na talaga kung sino.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
132K 3.3K 80
G3 series #1 - an epistolary 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 don't sleep on me, little girl.
521K 24K 51
For Juan Luis, it's all fun and games. No commitments. No 'love' involved. Bata pa naman daw kasi siya, he got all the time in the world to find that...
1.6K 73 14
time series #3 Reighn Siena, Arron Loren, and Jett Plane grew together being each other's shoulder to lean on. Not until Reighn's biological father...