Melting You Softly (Student S...

By maysique

130K 6.1K 4.7K

Student Series 1: The MaΓ±ana Habit 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 Delaying tasks is one of the constant poor practices of... More

Melting You Softly
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 24

1.8K 95 59
By maysique

Chapter 24

"Izzy, pili ka ng number from 1 to 10."

My gaze from the whiteboard shifted to Seth who was sitting beside me. Humikab ako at bumaba ang tingin sa hawak niyang origami finger game.

"8," I said in a silent voice.

Nakahilig si Steffy sa tabi niya at nanonood. Tahimik na nagbilang si Seth habang binubukas-sara ang papel sa daliri nang pa-horizontal at vertical. Nawala tuloy ang pagkabagot ko sa klase. Bakit ba kasi inuubos pa ng subject na ito ang three hours gayong final exam na rin naman next week?

Siniko pa ako ni Seth nang tumigil. "Pili ka ulit from 1-8 na lang."

"Number 2." Binalingan ko si Steffy. "Anong nakuha mo, Steffy?"

Suminangot siya. "Maagang mabubuntis. Ang pangit ng mga nilagay ni Seth. Puro kamalasan sa buhay."

Si Seth naman ay natatawa habang binubuksan ang papel. Kukunin ko pa nga sana para makita rin ang iba kaso ay inilalayo niya at sinasamaan ako ng tingin.

"Anong sa akin?" kuryuso kong tanong.

He chuckled, eyes still on the paper. "Mamamatay nang virgin."

I snorted. "Okay na 'yon kaysa mamatay nang single."

Tinulak ako ni Seth sa braso habang nakangisi. Tinakpan naman ni Steffy ang bibig gamit ang kamay habang humahagikgik.

"Yabang naman nito. Kung ako 'yan, mas pipiliin kong mamatay nang single kaysa virgin. Makaranas man lang ng langit dito sa lupa bago pumuntang impiyerno," ani Seth.

Siya naman ngayon ang tinulak sa braso ni Steffy kaya tumama ang kabilang balikat nito sa akin. Tinulak ko rin si Seth pabalik kay Steffy kaya ang bakla, sa irita, ay pareho kaming tinulak nang malakas.

Tumatawa pa ako pero dahil sa lakas ng pagtulak niya, na-out of balance ang inuupuan ko at tumagilid. Nakadekwatro pa naman ako kaya madali akong nawala sa balanse at kung hindi pa hinawakan ni Seth ang armrest ng upuan ko ay baka nag-exhibition na ako habang may klase.

"Bwisit ka," bulong ko at kinurot siya nang maliit sa braso.

Ngumiwi siya pero natatawa pa rin. Hinimas ko naman ang dibdib kong medyo bumilis ang pintig dahil sa kaba kanina.

"Ikaw na nga ang niligtas, nananakit ka pa."

Matalim ko siyang tiningnan pero napabalik ang mga mata sa harap nang hampasin ng aming propesor ang white board. Humalukipkip ako at sumandal sa upuan habang nakapatong ang kaliwang binti sa kanan.

"Tulad noong midterms niyo, lahat ng mali-late sa klase ko ay hindi ko pag-e-exam-in ng finals. Kahit lumuha kayo ng dugo sa harapan ko, wala akong pagbibigyan kaya bago pa ako dumating ay dapat nandito na ang lahat sa room. Naiintindihan niyo ba?" istriktong pahayag ng propesor namin.

"Opo, Ma'am," sagot ng mga kaklase ko.

Wala namang hindi nakapag-exam sa amin noong midterms sa subject niya. Minor lang naman pero mas mahigpit pa kaysa sa mga major namin.

"At para sa lahat ng mga may kulay ang buhok..." Her gaze wandered until it landed on me. "Inaasahan ko na balik na ulit 'yan sa natural na kulay. Complete uniform, I.D., at naka-bun nang maayos ang buhok."

Some of my blockmates also spared me a glimpse. Kumunot ang noo ko at napahawak sa buhok, hinahanap ang isa ko pang kaklase na may kulay ang buhok. Sa klase kasi namin ay kaming dalawa lang ang halatang iba ang kulay ng buhok.

Alam ko namang darating din sa punto na ipababalik sa natural na kulay ang buhok kaya hindi na rin ako nagreklamo. Sayang lang sa oras, laway, at ganda.

Hindi na pumasok ang prof sa huling subject namin kaya maaga kaming nakalabas. Steffy and I were in the restroom when I received Ral's response to my text earlier.

"Kailan ka magpapakulay ng buhok?" tanong ni Steffy habang nagsusuklay sa harap ng salamin sa banyo.

"Sa Thursday? Wala namang pasok, e. Black shampoo na lang siguro ang gagamitin ko."

Napailing siya. "It will make your hair dry so make sure to use conditioner. Sayang ang buhok mo kapag nag-dry at tuluyang masira."

Ash gray color hair is rather hard to maintain. Madalang lang talaga ako gumamit ng shampoo noon pa man dahil nakasisira iyon ng buhok. When I dyed my hair with this color, I had to use purple shampoo at least twice a month to preserve the silver hair tone.

"Maaga pa naman. Gateway muna tayo?" tanong ni Seth habang naglalakad kami sa hagdan pababa ng building.

Nasa harapan namin ang tatlo, maingay dahil sa pinag-uusapang taga-Tourism department. I shook my head and pulled the lollipop stick out of my mouth.

"Sa Friday na lang. Mamaya pa ako uuwi," sagot ko at isinubo muli ang lollipop.

"Huh? Bakit?"

Tiningnan ko ang oras sa hawak na phone. "Hihintayin ko na si Ral para sabay kami umuwi. May group meeting daw sila, e. Hindi pa tapos."

Pumasaere agad ang kilay niya. Tinawanan ko nga at bahagyang tinulak ang braso.

"Akala mo talaga si Ral ang hihintayin, e. Malamang naman 'yong jowa mong bagets ang totoong dahilan kaya maghihintay."

"Partly true."

Ginaya niya ang sinabi ko sa mas maarteng tono kaya tinulak ko ulit sa braso. Hindi naman nagpaawat at gumanti rin sa akin nang nakababa na kami sa huling baitang.

Humiwalay na ako sa kanila nang nasa freedom square para pumunta sa main library. Halo-halo ang mga estudyante mula sa SHS hanggang kolehiyo ang naabutan ko roon base na rin sa kanilang uniform at lanyards na suot.

I sauntered through the spacious hallway of the library, barely hearing the clacking of my heels against the shiny tiled floor. Bukod sa ayaw kong gumawa ng ingay dahil baka mapagalitan ay natatakot din akong madulas.

I don't know if I'm cursed but everytime I go here, I would always either slip or stumble. Walang mintis kaya nakakainis. Lagi naman akong nag-iingat.

Natagpuan ko ang kapatid kasama ang mga kaklase malapit sa pinakadulong kanluran ng library. All the tables and seats near them were full and they seemed to be really engrossed with their meeting. May nakatutok sa libro, sa laptop, o 'di kaya'y nakikipagdiskusyon sa kanilang kaklase.

From his laptop's screen, Raghnall lifted his chin as though he sensed my presence. His lips etched a grim line. Napatingin din sa akin ang katabi niyang nagsasalita at may itinuturo sa laptop.

I smiled cutely and waved at my brother. Tinanggal ko ang lollipop sa bibig at naglakad patungo sa likuran niya nang umingay ang upuan ng nakaupo roon sa gilid ng table nila at nakatalikod sa akin. Hindi yata ako nakita habang patayo kaya natamaan ako sa tagiliran.

"Hala!"

My arms lifted a bit when I stumbled sidewards, struggling to maintain my balance. Muntik pang lumipad ang hawak ko kung hindi lang may humawak sa braso ko para hindi tuluyang matisod.

"Ate, s-sorry po. Hindi ko kayo napansin," medyo nanginginig ang boses na sinabi ng babaeng nakatama sa akin.

Tumikhim ako at binawi ang braso kay Axe na siyang nakahawak sa akin bago tumayo nang tuwid na parang walang nangyari. May hawak siyang libro sa isang kamay nang marahan niyang hinawakan ang braso ko. Wala akong naaamoy kanina pero ngayong malapit siya, humalimuyak na agad ang amoy baby cologne.

"Okay lang. Hindi naman ako nasaktan," I told the senior high student.

"Sorry po talaga," ulit niya at yumuko pa.

Axasiel blocked my view of his classmate with his broad shoulder. Nakaputing shirt na lang siya at hindi na suot ang lanyard. Pinasadahan niya ng tingin ang ibabang parte ng katawan ko.

"Siguradong ayos ka lang?"

Tumango ako at lumingon sa paligid. Wala naman yata masyadong nakakita kaya ayos lang talaga.

"I brought my slippers just in case. Puwede mong gamitin muna para mas kumportable ka."

He didn't even ask me before he freed my arm and turned his back on me. Napatingin ako sa katabing table nila nang magsitayuan ang isang grupo ng estudyante roon. Lumapit ako roon at agad hinila ang upuan sa pinakadulo para makaupo.

Ipinatong ko ang bag sa upuang nasa kaliwa bago hinugot ang phone na inipit ko lang sa gilid ng waistband ng palda. An instant stretch of my lips surfaced when Axe materialized beside me.

He hunched a fraction with his palm resting on the edge of the table. The long, bluish veins from his wrist to elbow pit became visible to my sight.

"Wala na ba kayong klase?" mababa ang kanyang boses nang nagtanong.

Tumango ako at kinuha ang plastic na hawak niya sa isang kamay.

"I'll wait here until you finish para sabay-sabay na tayong umuwi. Doon ka na..." Sabay nguso ko sa likuran niya pagkatanggal ng lollipop sa bibig.

Nanatili ang singkit niyang mga mata sa akin. "Nagugutom ka ba?"

"Hindi naman," sagot ko at inilapit ang hawak na lollipop sa bibig niya. "Ayoko na."

It caused his lips to create a thin space between them. Bumaba ang tingin niya sa candy bago tumungo pa para sakupin iyon ng bibig. Saglit akong tumunganga sa kanya at napakurap.

"D-doon ka na para matapos na kayo," I said nervously before looking down at my hand.

"Bibilisan na lang po namin matapos para hindi ka na maghintay nang matagal," he replied, tapping my head lightly.

I switched my heels with his black slides. Inabala ko na lang ang sarili sa paglalaro ng mobile games habang naghihintay sa kanilang dalawa ng kapatid ko. Nang bahagyang umingay sa table nila ay napalingon ako. They seemed to be discussing—debating rather, over ideas I couldn't grasp.

Nagtagal ang panonood ko sa kanila. I wonder how does it feel to be a smart kid? Is it usual for them to always discuss and argue over things seriously, trying to prove a point to someone?

Sa kapatid ko pa nga lang ay mahirap nang makipagtalo tungkol sa seryosong usapan, paano pa kapag marami na ang kalaban?

Nanginig ang kamay ko dahil sa phone nang may nag-text. My lips jutted out and creases formed on my forehead upon reading the message. Mula iyon sa hindi na naman naka-register na phone number.

Unknown:

I really miss you, boo. I hope you feel the same way about me :)

Lumubog ang ngipin ko sa gilid ng ibabang labi at hindi napigilan ang mga daliri na magtipa ng reply. Pinakawalan ko ang labi at sumandal sa upuan nang nai-send na.

Izzy:

Who's this?

Unknown:

Aw. Binura mo na ba ako sa alaala mo? :)

Do you mind if I sit next to you? You look so lonely sitting alone there..

Kumuyom ang kamao ko at marahas na tumayo mula sa kinauupuan. Dahil sa ginawang ingay ng upuan ay napabaling sa akin ang atensiyon ng ilang estudyante. Ignoring all their stares, I roamed my gaze around the area to search for the possible mystery sender.

My tongue rolled over my lips as I shut my eyes tightly. Nasapo ko ang noo at padarag na naupo ulit. My heart was pounding harshly.

"Ate Izzy," Ral called from their table.

Napalingon ako sa kanila at hilaw na ngumisi. "Ah, sorry sa abala. Don't mind me."

Binalewala ko na lang ang tungkol sa text dahil mukhang kakilala ko lang iyon at nanti-trip lang. Hindi rin naman nagtagal nang nagsitayuan na ang grupo nina Ral at Axe. Naunang nakalapit si Ral sa puwesto ko at agad kinuha ang bag sa aking tabi.

"Let's go, Ate," aniya at humikab.

Sumunod naman ako sa kanya pero hinintay ko rin si Axe na kinausap pa ng ilang kaklase. When he was done talking, he nodded his head to his classmate and stalked toward my spot.

Bahagyang umusli ang sulok ng kanyang labi. "Tara na po..."

Ngumiti ako at magkatabi kaming naglakad palabas ng library. Namataan namin sa labas ang kapatid kong naghihintay habang nakakunot ang noo.

"Isusumbong talaga kita, Ate, kapag nalaman kong may klase ka pa pero hindi na pumasok."

Ngumiwi ako sa kanya. "Wala na nga! Kahit itanong mo pa sa mga kaklase ko. Nagsabi na 'yong prof namin."

"Tss..." His eyes rolled as his strides sped up, totally leaving us behind.

I mimicked his expression and chuckled. Lumingon ako kay Axasiel nang hawakan niya ang aking palapulsuhan habang naglalakad.

"Sino pong hinahanap mo kanina sa library?"

Nawala ang ngisi ko sa tanong niya. Nagsalubong ang kilay niya habang magkalapat ang labi at nakatitig sa akin.

"Wala 'yon," I replied and smiled. "Nga pala, gusto mong dumaan muna sa bahay namin? Maaga pa naman, e. I'll prepare snacks for you and Raghnall."

Simula noong nakita kong napaka-unhealthy ng lifestyle niya pagdating sa pagkain habang nakatira siya sa katapat naming bahay, I went to their original house and talked to Tita Dias regarding that. Kaya naman simula no'n ay doon na ulit sa kanila tumira si Axe. Hindi rin naman siya umangal.

Alam kong ang pagpupuyat ay isa rin sa mga bagay na hindi magandang gawain at inaamin kong ganoon ako. People might even say that I'm in no position to tell someone to fix their lifestyle when I can't even do it to my own.

Then, I realized that people are naturally caring and thoughtful to the person they cherish the most, even if it means putting them first before ourselves. Parang mga magulang na nag-aalala sa kanilang anak, ganoon din ako sa pamilya at mga malapit sa amin.

Hindi sumagot si Axe at tumingin na lamang sa nilakaran namin. Binawi ko ang pulso sa kanya para kumapit sa kanyang braso. Still, he didn't spare me even a glance but he seemed to be in a deep thought.

"Axasiel," nakalabi kong tawag at niyugyog ang braso niya. "Please?"

Umusli ang kanyang nguso at tipid na tumango. Lalong lumawak ang ngiti ko.

Dumaan muna kami sa pinakamalapit na Watson sa lugar namin para bumili ng black shampoo. Nga lang, natagalan pa dahil nadagdagan ang binili ko.

"These are all essentials for me so don't give me that look!" pagtataray ko nang nakalabas.

Paano ba naman, pagkabukas pa lang ng pinto ay nakaabang na silang dalawa, nakahalukipkip at tila may atraso ang hawak kong malaking paper bag sa kanila kung makatingin.

"And, uh, may pagkain din kasi akong binili para sa atin. So it's okay!" dugtong ko pa.

Tinamad nga ako noong dumating ang Thursday sa pagkukulay ng buhok. I stayed up late this morning that I only woke up past 3 in the afternoon. Pagkababa ko para kumain ay naroon na si Ral at nanonood ng TV kasama si Axasiel na naka-uniform pa.

"Ba't ka nandito, Axe?" nakakunot-noong tanong ko.

Dahil hindi na inuuwian ni Axe ang bahay sa tapat namin ay bumibisita na lang siya sa bahay tuwing Thursday, Saturday, o Sunday. It still depends on his free time. HIndi ko naman siya pinipilit. Isa pa, nag-stay na rin siya noong nakaraang araw dito ng ilang oras kaya hindi ko inaasahang nandito siya ngayon. Not that I don't want him here.

Sumusubo pa siya ng chips na kinakain nila nang sabay na lumingon sa akin. The piece he was holding fell from his fingers. Nagulat ako nang hinampas siya ni Ral ng throw pillow sa mukha bago ako galit na tiningnan.

"Ate!"

Napahawak ako sa dibdib dahil sa sigaw niya. "Taas ng boses. Tenor 'yan?"

Mariin siyang napapikit at napatingala, hawak na ngayon ang mukha ng kaibigan kaya hindi makatingin sa akin.

"Bumalik ka po muna sa kuwarto mo," utos niya at sinamaan ako ng tingin.

"Ayoko nga. Kakain muna ako." I frowned. "And why are you holding his head?"

"It's because you're not wearing anything underneath your top, Ate!" mas galit niyang sagot sa akin.

Yumuko ako at awtomatikong nayakap ang sarili. I was only wearing my white spaghetti top—revealing almost my bare breasts and poking nipples, and very short cotton shorts.

"Don't worry, I didn't see anything clearly," ani Axasiel na nasa TV na ulit ang tingin pero ang kamay ni Ral, nakaharang pa rin sa likod ng ulo niya.

Bumalik ako sa kuwarto dahil baka pagalitan pa ng bunsong kapatid. Wala sana akong balak maligo dahil tinatamad pero dahil nandiyan si Axe, napaligo ako nang wala sa oras.

Much to my dismay, he had already left when I went down to our sala.

"Bakit umalis siya agad?"

"Pinaalis ko na po," suplado niyang sagot habang nakatutok ang mata sa screen.

Sa asar ko, kinuha ko ang throw pillow sa tabi niya at hinampas siya sa ulo. Bago pa siya makaganti ay kumaripas na ako ng takbo patungo sa kusina habang humahalakhak.

"Love you, kapatid!" pahabol ko nang isinigaw niya ang pangalan ko.

Dumating ang Sunday at mabuti na lang na wala kaming klase sa NSTP. Nagkulay kasi ako ng buhok kahapon at nagpunta kina Harley para makikain ng ginawa niyang jelly cake kaya ngayon pa lang ako magre-review.

"Don't forget to take a five-minute break after 20 to 25 minutes," Axe reminded me about the Pomodoro technique he taught me during our video chat.

Parehong desktop ang gamit namin. Nag-aaral na siya noong nag-text ako para sabihing magsisimula na ring mag-aral. Simula noong midterms namin at tuwing may long quiz kami ay gusto niyang makita akong nag-aaral. Dahil magkalayo, gumagamit na lang kami ng Skype.

"Gagawa pa lang ako ng reviewer for our subjects tomorrow. Assignment ba 'yang ginagawa mo?"

He nodded. "Last two na lang po. Please send me your reviewer once you're done with it."

Pareho naman kaming nag-aaral sa tuwing magka-Skype kaya hindi naman din iyon abala sa akin. Isa pa, nakatulong din iyon sa akin para maiwasang maglaro.

"Ano palang ulam niyo?" usisa ko.

He smirked. "Adobong talaba."

"Talaba? That's oyster, right? Masarap?" I asked further, humilig pa lalo palapit sa monitor.

He averted his chinky eyes from me. "Masarap..."

I slightly rotated the monitor of my screen to face my study table before I settled myself on the chair. Nagsimula na akong magsulat sa likod ng gamit na bond paper na iniipon ko. I set an alarm in my phone and after 20 minutes, binitiwan ko ang ballpen at ipinatong ang batok sa likod ng upuan.

"Pagod na ako agad," I joked at him when I noticed him watching me on the screen. "Tapos ka na?"

Nakasandal lang siya sa sariling upuan habang pinaiikot ang ballpen sa mga daliri.

"Opo. Mayamaya na ako magsisimulang mag-review para sa exam."

I pouted. "Ang bilis mo naman matapos."

I acknowledged my own strengths but sometimes, I couldn't help but to wish I could be as brainy as him or my brother. Pero sa tuwing naiisip ko 'yon, biglang sumasagi sa isip ko na hindi naman marunong magluto ang dalawang 'yon. There were times that Ral tried back then but he ended up raising his white flag, and never attempt again or he'd burn our house.

That's when I realized that people have different types of intelligence and definitely, my brother and I are not sitting on the same page. The world will have been dry as dust if everyone in this world is either competent or inept at doing the same thing.

People may excel at something we lack, but we can also pour our hearts into doing things other folks could never do. I also believe that beyond the shadow of a doubt, we can be the best on our own edge.

"Drink water first, Izzy."

He doesn't really like calling me using the endearment I always suggest him to call me. Hindi ko na rin pinipilit pa dahil mukhang hindi talaga siya ang tipo na mahilig sa ganoong tawagan.

I was able to finish writing my reviewer for two subjects until my third break. Siyempre, habang sinusulat ay hindi maiwasang ulit-ulitin nang basahin para mas maintindihan. I took pictures of my reviewer before sending it to him. Napag-usapan naming sa susunod na short break time ay saka siya magtatanong tungkol doon.

I showed him my palm. Tinitingnan niya na yata ang s-in-end ko sa phone niya pero binitiwan niya iyon para lang tingnan ang palad ko. Lumapit pa siya sa screen habang nakakunot ang noo.

"Ano pong meron?"

"Sakit na ng kamay ko. Massage mo nga." Sabay wagayway ko ng kamay.

Nanginig ang balikat niya dahil sa tawa. He covered his mouth with the back of his hand, shaking his head.

"I would do that if I were there," he said after a while, letting me now see his charming smile. "I love you..."

Natigilan ako at agad uminit ang pisngi. Numipis ang labi niya habang nakangiti at nakatitig sa akin. Tinampal ko ang mukha niya sa monitor.

"Kainis naman 'to! Huwag ka ngang ganiyan tumingin! I'm shy!"

Tuluyan ko nang hinarang ang kamay sa screen dahil sa tawa niya.

"Bakit mukha ko ang tinatakpan mo? I can still see your flushing face clearly, Eleftheria Isra..."

Sumimangot ako at inirapan siya. "Bahala ka diyan. Magre-review na ako!"

"Okay. Just don't end the call, Izzy." He chuckled.

Inabot kami ng alas onse sa pagre-review naming dalawa. Humikab ako nang natapos kami bago sinipat ang phone. The video call is still on, though. Parehong tahimik sa kuwarto namin.

"Matulog ka na po," marahang basag niya sa katahimikan.

"Gusto ko ng ice cream," sabi ko at pinakita sa kanya ang screen ng phone. "It's a new flavor of Selecta, e. Ngayon ko lang nakita. Let's buy one tomorrow."

Kumunot ang noo niya at lalong naningkit ang mata sa katititig sa ipinakita ko pero inalis ko rin agad iyon sa harap niya.

"Anyway, let's sleep na," I said and smiled.

Tumango siya. "Good night, Izzy."

"Good night. I love you!" mabilis kong sinabi at agad nang tinapos ang tawag bago pa siya makapag-reply.

I giggled even after turning my desktop and phone off. After cleaning up my room and doing my skincare routine, which took over half an hour, I was ready to hit the sack when I heard harsh knocks. Pagbukas ko sa pinto ay ang mapupungay at namumulang mata ni Raghnall ang bumungad.

"Oh? You need something?"

Instead of answering, he dabbed something cold on my stomach that made me jump a little. Bumaba ang tingin ko roon at napahawak sa puting plastic bago pa man niya bitiwan.

"Ano 'to?" tanong ko pero tinalikuran niya na ako na may kasama pang irap at kamot sa ulo na may magulong buhok.

Inismiran ko siya bago binuksan ang plastic. My lips parted when I saw a tub of strawberry flavored ice cream with the familiar sticky note pasted on its lid. Humalakhak ako kahit pa tila hinahaplos ang puso ko nang nabasa ang nakasulat.

Kasintamis ng sorbetes na presa ang gabi at umaga sa tuwing ikaw ang nakikita. — Grade mo lagi sa Science noong JHS.

Continue Reading

You'll Also Like

18.3K 1K 44
VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #2: ARTS AND DESIGN [COMPLETE] . β‹… ˚̣- : ✧ : - β­’ ⊹ β­’ - : ✧ : -ΛšΜ£β‹… . Arts and Design is a track that develops the st...
1.6K 73 14
time series #3 Reighn Siena, Arron Loren, and Jett Plane grew together being each other's shoulder to lean on. Not until Reighn's biological father...
84.8K 2.1K 110
G3 series #2 - an epistolary 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 i'm not rapunzel but i'll let you pull my hair, baby. wanna try?
583K 21.7K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.