Melting You Softly (Student S...

By maysique

132K 6.1K 4.7K

Student Series 1: The MaΓ±ana Habit 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 Delaying tasks is one of the constant poor practices of... More

Melting You Softly
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 15

2.3K 120 122
By maysique

Chapter 15

I never thought that my name can sound more pleasing to the ears when it comes from Axasiel's mouth. Tinatawag lang kasi ako sa dalawang pangalan ko sa school para sa attendance o 'di kaya'y kapag pinagagalitan talaga nina Mama at Papa.

Parang sira, Izzy. Tinawag ka rin niya sa buong pangalan para sawayin dahil naka-panty't bra ka lang kanina, tapos natutuwa ka pa?

"Isra, nakikinig ka ba?"

"Ha?" My eyes set on my father who seemed agitated. "Opo."

"Anong opo!" Hinampas niya ang mesa kaya napapitlag ako.

Napalunok ako at napanguso. Nakayuko akong pinagmasdan ang mga kasama sa mesa. Bukod sa buo kong pamilya, nandito rin sina Axe at Wilder na hindi ko malaman kung bakit ba pumunta rito sa bahay.

"E-eh... Pa... opo kasi nakikinig ako?"

"Tinatanong kita kung tama bang lumabas ka ng kuwarto na walang damit habang may ibang tao! Lalaki pa! Tapos opo? Opo?"

His face was fuming red as he turned to my mother. Nakakunot naman ang noo ni Mama sa kanya.

"Nako naman, Saoirse, 'yang anak mo talaga, sakit sa ulo!"

I frowned. Biglang anak na lang ako ni Mama, gano'n?

"Pa, hindi ko naman po sinasadyang lumabas nang nakaganoon lang. Nawala sa isip ko na natulog akong walang damit. Hello? You know naman po na gano'n—"

Hinampas niya ulit ang mesa. "Huwag mo akong ma-hello-hello at hindi tayo magkausap sa telepono, Eleftheria Isra!"

Lalo akong napasimangot dahil nakita ko pa ang patagong pagtawa ni Wilder. Anong nakakatawa? Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito! Siya ang nagsumbong kay Papa na may ginagawa kami kunong kababalaghan kahit wala naman.

Isa pa, nakita na naman yata nila akong naka-swimsuit tuwing nag-o-outing. What's the difference if they see me in my undies in our house?

Ano 'yon, kapag nasa pool or beach, walang malisya kapag naka-two piece pero kapag sa bahay nakitang nakaganoon, meron?

Hindi naman ako nasisiraan para rumampa sa bahay ng naka-underwear lang, e. I'm not that insensitive to dismiss the fact that I'm not alone in this house, and it might cause a disturbance, which is happening right now if I do that.

Kaso nga, hindi ko naman napansin agad na wala akong suot bukod sa undies. Natutulog naman kasi talaga ako minsan na walang damit lalo na kapag lasing. Sanay na rin naman ako sa lamig dito sa bahay dahil madalas na sleeveless top at shorts naman ang gamit ko.

"Third, ano ka ba naman? Kung pagagalitan mo si Izzy, paalisin mo muna ang dalawang 'to," tukoy ni Mama kina Axe at Wilder.

Umamba namang tatayo na si Axe nang ituro siya ni Papa. Tinakasan naman ng kulay ang mukha ng nauna.

"Diyan ka lang! Isa ka pa, e. Ano bang ginagawa mo rito sa bahay? Noong nakaraang gabi, magkasama kayo nitong anak ko. Hinatid mo? Bakit mo hinatid, ha?" naghahamong tanong ni Papa.

"Manliligaw po ako, Tito Vince..." His tongue ran over his lips as he transferred his somber eyes on me. "Kay Izzy..."

I closed my mouth, pressing the tongue against my cheek. Gusto kong ngumisi pero sa eksaheradang paghampas ni Papa sa kanyang noo at napahawak pa sa dibdib ay hindi ko ginawa.

Marahas naman ang paglingon ni Mama kay Axasiel na bahagyang nakaparte ang labi.

Izzy, huh? Wala nang 'ate'?

Ah, parang gusto ko tuloy siyang tabihan bigla at hawakan ang pisngi niya. That small cut on his lip and the bruise on the side makes me want to treat him... very well.

Siniko ako ni Ral sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon. Kainis 'tong kapatid ko. Nanuntok agad, hindi pa naman alam kung anong nangyari. I wonder if his knuckles are okay, though.

"Izzy! Anong Izzy! It should be Ate Izzy!" pagwawala ni Papa. "Ilang taon ka na nga ulit, Axasiel Rafiki Ferguson?"

"Sixteen po," magalang na sagot ni Axe at ibinalik na ang tingin sa aking ama.

Tinuro ako ni Papa. "E, itong liligawan mo? Alam mo ba kung ilang taon na?"

"Eighteen po. Turning nineteen on August 16 po."

"Ayan ang sìnasabi ko!" singhal ni Papa. "Sixteen ka pa lang, minor, tapos ang liligawan mo, mas matanda sa 'yo ng higit dalawang taon!"

"Does age matter when it comes to love po ba, Tito Vince? If so, then can you explain why did you choose to marry Tita Saoirse whose age is almost four years younger than yours?" Axe remained as polite as he could.

Mama's laugh erupted. Nilingon siya ni Papa na may namumulang mukha. I captured my bottom lip using my teeth to restrain myself from laughing, too.

Baby Axe, saan mo naman kaya nalaman 'yan?

"Ano, Third? Manang mana nga yata sa 'yo 'yang anak mong babae... mahilig sa mas bata?" Mama teased him.

"Isha, legal ka na noong pumorma ako," giit ni Papa.

"But didn't you like me back when I was still in senior—"

Papa groaned, obviously pissed off by the truth. Humalakhak na ako kaya naman nang lumingon siya sa akin ay agad kong kinain ang tawa.

Mama then faced Axasiel with her genuine smile. Inabot ng daliri ko ang labi at pinaglaruan 'yon habang pinagmamasdan sila. Axe appeared to be always tamed and innocent. And calm for that matter.

"Axe, alam ko naman kung anong klaseng bata ka dahil matagal ka na naming kilala. Aware ka rin naman siguro na wala pang pormal na nanligaw kay Isra at mas lalong wala pa siyang naging boyfriend..."

"Wife..." Papa called Mama using his endearment to her.

"I know po, Tita Isha. That's why I want to formally ask if you'd let me court..." he trailed off and glanced at me. "Izzy..."

Mama turned to me. "Izzy, do you like Axasiel?"

Napatingin ako kay Axe bago tumango. Bahagya siyang yumuko na may multo ng ngiti sa labi.

Ano ba? Huwag ka ngang cute diyan. Hmp...

"Okay. Hahayaan kitang ligawan si Izzy pero... kapag nalaman kong may ginagawa kayong kalokohan sa likod namin, ikaw pa rin ang malalagot sa akin, Axasiel. Hindi mo naman siguro gustong magkaroon ng alitan ang pamilya natin?"

Nakangiti si Mama pero bakas ang banta sa kanyang boses. Hindi naman ako natatakot. Ewan ko lang diyan kay Axe.

"Hindi ko po sisirain ang tiwala niyo sa akin, Tita Saoirse," Axe said with determination.

Tapang naman ng bata ko. Tingnan nga natin kung hanggang saan ka.

"At... asahan niyo nang may pupuna sa relasyon niyo ngayon pa lang. You're still sixteen, Axasiel, while Izzy is turning nineteen in a few weeks. Kahit nagliligawan pa lang kayo, alamin niyo kung hanggang saan lang kayo" Mama sternly looked at me. "Izzy..."

Alam ko na ang tingin na 'yan. Tumango ako. Alam ko na agad na maraming titingin sa pagitan ng edad namin, kahit mahigit dalawang taon lang, dahil minor pa ang isa. Kahit pa sabihing meron ding wala namang pakialam sa amin.

We don't hold people's thoughts about us. Wala na, napasok ko na. Kung lalabas ako sa sitwasyon na ito, ano pa bang magbabago sa tingin sa akin ng ibang tao?

"Hala, Tita, bakit ka po pumayag?" singit ni Wilder. "Kung manliligaw si Axe, e 'di ako rin!"

"Wilder, shut up," Ral spat silently.

I shot Wilder a death glare. "Hoy, bata, hindi ka kasali rito sa usapan. Salingkit ka lang dito kaya 'wag kang epal diyan."

"Bata rin naman si Kuya Axe sa 'yo, ah?!"

"I'm younger than her, but I don't act and think like a child," si Axe.

"Isha naman..." nanlulumong saad ni Papa. "Ayoko. 'Di ko papayagan na ang anak pa talaga ni Miko ang kumuha sa anak ko."

I sighed. Humilig ako sa mesa at inabot ang kamay ni Papa. The corners of his lips were still turned down. I want to tease him further but I guess, as a father who is so close with his daughter, it was hard for him to let another man take care of her.

And I understand what he feels. He said he didn't forbid me from having a suitor but look at him now, sulking because finally, someone has the courage to introduced himself as my formal suitor. Pakiramdam niya siguro ay mawawala ako agad sa kanya kahit pa manliligaw pa lang naman si Axe.

"Papa, manliligaw pa lang po si Axe, okay? Hindi pa ako mawawala rito sa bahay. Hindi pa naman kami magpapakasal. Ligaw pa lang at—"

"Aba't bakit liligawan pa kung hindi rin naman pakakasalan?"

Kumunot ang noo ko. Ha? Kasal agad?

"Pa, anong kasal?" singit ni Ral.

"Ikaw ba, Axasiel, may balak kang pakasalan 'tong anak ko? Kung wala, huwag ka nang manligaw!"

"My goodness, Third!" nahahapong sabi ni Mama at napailing. "They are still studying! Axe is still a minor. Hayaan mong mas magkakilala pa sila at gawin ang mga bagay na gusto nila bago tumuntong sa kasal. They still have a long way to go before that. Anong kasal ka diyan?"

"Sige!" Tumango si Papa at padarag na tumayo. "H-hahayaan na kitang l-l-ligawan ang anak ko pero kapag talaga may ginawa kang kalokohan, mata mo lang ang walang latay. Naiintindihan mo?"

Tahimik na tumango si Axe.

After that talk, Papa shooed our two visitors out of the house. Sinundan ko lang ng malungkot na tingin si Axe at kakaway pa sana nang hilahin na ako ni Papa papasok ng bahay.

Buti nga at naka-long sleeves ako na manipis kaya hindi nila nakikita ang mga sugat ko. Kung nagkataon, baka lalo lang ma-badtrip ang tatay ko.

"Katapat lang natin ang bahay niya, Isra! Ano ka ba naman!"

Ngumisi lang ako at hinayaan siya. At least, my family's aware that Axe is courting me. Akala mo, Axe, ha? Wala kang kawala sa akin. Subukan mo lang talaga.

Izzy:

how's your lip? do you want me to treat the cut

with my lips ror ror (^_~)

Baby Axe:

Nagamot ko na po. How are your scratches? Apply the ointment if necessary.

Izzy:

ang sakit bbq walang talab ang ointment feeling ko need ko ng (つ≧▽≦)つ and σ(≧ε≦σ)

Baby Axe:

Hug and kiss?

Izzy:

(ノ°益°)ノ

Baby Axe:

Sorry. Don't be mad, please.

Izzy:

ba't mo ako naiintindihan?

Baby Axe:

Do you not want me to understand your emoticons? I can pretend that I don't if you want me to.

Izzy:

ihhh!! maen ka na ba? kung di pa, tara pakakainin kita.

Medyo matagal siya nag-reply kaya binuksan ko muna ang PC pero hindi naman naglaro. I lifted my legs on the table as I stared at my phone.

Baby Axe:

Opo. Wala ka pong assignment? Check mo po muna, baka meron.

Ngumuso ako sa nabasa at hindi na nag-reply. I guess he was busy with his assignments that's why he's asking me. Pagkatapos kong maglaro ay saka lang ako nag-reply sa text niya ng simpleng 'good night.'

I was in bliss when I woke up the next day, but as soon as I entered my first class, I just wanted to go back home and plonked my body onto the bed.

"Hala, may assignment?" I exclaimed right after seeing my classmates all busy in their seats.

Nagpunta na ako sa puwesto ko at nakita ang tatlo na abala rin sa kanilang yellow pad. Naka-earphone lang si Mason sa dulo at nakapikit habang nakasandal sa may bintana. Malamang, tapos na sa assignment.

"Girl, 'yan din ang sinabi ko kanina pagkarating ko!" ani Steffy.

"Kainis naman. Ba't walang nag-chat sa GC?"

Tumunghay si Seth. "May nag-chat kaninang madaling araw sa gc kung sino raw may assignment na. Shokla, ba't halos lahat tayo hindi aware?!"

Umupo ako sa tabi niya at hinawi ang buhok. "Hindi pa naman ako nagbabasa ng announcement madalas sa gc," nakasimangot kong sinabi.

"Hay naku, 'te, gumawa ka na!" si Aaron at naglapag ng yellow paper sa mesa ko. "Bilisan mo, bakla ka. Parating na si Ma'am!"

Thank goodness I have a friend who have a one year supply of yellow pad. Meron naman ako pero tinatamad akong ilabas kaya asa muna sa buraot. Anyway, kapag sila naman ang naubusan ay namimigay rin ako. Saka generous din naman ako sa ibang bagay. I'm not a complete parasite.

Tamad kong kinuha ang ballpen sa bag at nagsulat na. I ducked my head and looked at Seth's paper.

"Ano nga ang assignment?"

Bahagya niya pang hinila ang buhok ko. "Tumingin ka sa gc! May nag-send ng sagot! Copy paste lang, okay na 'yan! Pagpalit-palitin mo na lang ng puwesto ang items."

I puckered up my lips and got my phone from my bag. Naglabas na rin ako ng Pocky para naman medyo ganahan habang nagsasagot.

"Puro definition lang pala... bakit ipapasulat pa? Bawal print?"

My tongue touched my upper lip as I played with my ballpen. Major subject pa talaga.

"'Yan gusto ng Mama mo, e," tumatawang sabi ni Steffy at nakikuha sa Pocky ko. "Sulat ka na."

"Mama 'yon ni A."

Mabilis naman akong magsulat kapag talagang kinakailangan kaya sanay na ako sa mga ganito lalo na at may kopyahan naman. Napasulyap ako kay Mason. Ayos, ah. Pumasok para matulog.

"Guys, nandiyan na si Ma'am!" sigaw ng kung sino sa mga kaklase ko.

"Tapos na!" si Steffy sa tabi ko.

Sa college, hindi naman required tumayo ang lahat ng students at bumati sa prof kapag dumating sila sa room. Manahimik lang kayo bilang respeto sa pumasok na magtuturo, puwede na. Though may iba talagang bumabati pagkapasok nila lalo na 'yong mga malapit sa pintong pinasukan ng prof.

But then, we really have that one prof who will ask you all to stand up and pray. Like this subject. After prayer, magdadaldal pa muna 'yan tungkol sa buhay niyang wala naman kaming pakialam. I mean, buti sana kung may connect naman kahit paano sa lesson namin kaso wala.

Tungkol sa security, safety, and sanitation ang subject niya pero kinukuwento niya 'yong love life niya? So, ano po, Ma'am? Lilinisin namn ang duming ginawa niyo, gano'n?

Well, hindi lang naman siya ang prof na ganyan. Hayaan na nga.

Dalawang beses pa naman ang subject na ito sa isang linggo. Minsan, kapag pinapapasok niya kami nang maaga sa Tuesday at sumusobra sa nakalaang oras, hindi na siya papasok ng Friday.

Siguro ngayon ko lang na-appreciate ang pagiging madaldal niya. I took this as an opportunity to work on my assignment in silence and thankfully, I finished it before she even started her actual lecture and ordered us to pass the homework.

At ang Pocky ko, ayun at nasa kanilang apat na.

"Nahiya pa kayo, sana inubos niyo na," I said, full of sarcasm after receiving the remaining one stick biscuit.

"Ano ka ba, mahal ka namin kaya may patirang isa."

Seth chortled. "Hala, dumi ng bibig mo, Steffy. Patirang isa raw."

"Hala, utak mo may ubo."

I snorted in my chair. Naghampasan naman ang dalawang magkatabi. Lalakas ng loob kasi nasa likod kami at hindi napapansin ni Ma'am, e.

Muntik na akong makatulog habang nagle-lecture ang prof pero pinigilan ko ang sarili. I was sucking my lollipop with a hand propped for my face on the table. However the lecture is informative yet boring, I don't want to sleep in a class like some of my blockmates right now.

Okay na ako sa lumulutang lang ang utak habang nasa klase.

"Oh? Tapos na ba? Saan na si Ma'am?"

My eyelids were heavy as I rotated my head at 90 degrees just to glare at Mason. Humihikab habang nag-uunat pa nga, e. Pasalamat silang hindi nanita at nagpa-quiz si Ma'am.

"Hala uwian na?"

Napasimangot ako sa tanong ni Seth. Tumawa ang apat sa naging reaksyon ko dahil alam nila ang pinoproblema ko.

"Okay lang 'yan, 'te. Basic lang ang accounting. Kaya nga Fundamentals, e. It means basic." Talagang pinagdiinan pa ang salitang 'basic'.

I puffed out a frustrated sigh. Isa lang kasi dapat ang subject tuwing Friday pero dahil may bridging subject ako, kailangan ko pang maghintay ng six hours! Imagine, six hours ang vacant ko? Para sa accounting na subject?

Nasubukan ko namang umuwi muna dahil matagal pa nga bago ang next subject. Problema lang, kapag nasa bahay na ako ay napapasarap ang tulog ko o 'di kaya ay tinatamad na ako pumasok. Kapag naman naghihintay ako kasama ang mga kaklase kong may bridging subject din sa FABM, wala naman ang prof.

Sa apat na meeting namin, wala pa akong na-attend-an kahit isa. Talagang pumasok pa siya kung kailan nasa bahay ako, tulog o tinatamad.

"May prof ba kayo?" tanong ni Mason.

I scanned our gc for that subject. May chat ang prof namin na may klase dahil nagtanong ang taga-ibang section.

"Meron daw, e."

"SM muna tayo para 'di ka maburyo rito."

In the end, we wasted almost three hours in the nearest SM. Bumalik akong mag-isa sa UdLAT, tinatamad sa buhay. Buti na lang at nakita ko ang ibang kaklase ko sa isang bakanteng room at bukas ang aircon kaya nag-stay na muna ako roon.

"Anong pinagawa last time sa accounting?" tanong ko kay Iola pagkaupo sa tabi niya.

"Hmm? Nag-lecture lang naman siya tapos may-quiz daw mamaya. Hindi ka ba um-attend last week?"

I was already sitting pretty in my seat when I heard a sensitive word.

Quiz... sa accounting?

Iola chuckled. "Need ng columnar pad, 'yong eight columns. Tapos sci cal."

Tinitigan ko siya. "Wala ako pareho."

"May columnar pad naman ako rito. Hanap ka na lang ng mahihiraman mo ng sci cal sa ibang section kasi bawal daw gamitin ang phone. Kahit normal calculator, puwede na 'yon."

Pinisil ko ang labi gamit ang daliri bago nilabas ang phone. Hindi ko masyadong nagamit 'to kanina kaya hindi ko nabasa agad ang mga chat sa gc at mga private message. I haven't even greeted Axe earlier!

May text siya na binati ako at sinabihang kumain pero hindi ko na ni-reply-an muna. I went to my brother's name on my contact list and typed in a message.

Izzy:

kapatid, school ka pa? peram sci cal

Dahil wala pa siyang sagot, ni-reply-an ko muna si Axe.

Izzy:

i already ate w/ my friends. 607 (*≧ω≦*)

Baby Axe:

I miss you, too... Izzy.

Namilog ang mga mata ko. Just... how the freaking hell did he know about that code?! Nag-search ba siya? Hindi yata... ang bilis ng reply, e.

Izzy:

bakit mo alam yan!! nakakainis ka lahat na lang ba alam mo? pati pagkuha sa puso ko alam mo rin kung paano hmP

Baby Axe:

25

Izzy:

what's 25 idk that!!

Baby Axe:

Sorry po.

Ngumuso ako. Magtitipa na sana ako ng reply nang sa wakas ay nag-reply si Ral. Ang tagal. Nakapagharot na tuloy ako.

Baby Ral:

Nasa bahay na ako, Ate. Hiram ka na lang po sa mga kaklase o ibang section. Nakauwi na rin si Axe, e.

I squeezed my eyes close and forced a smile. Napatingala sa akin si Iola nang tumayo ako.

"Sa'n ka punta?"

"Manghihiram ng sci cal sa kabilang section. Baka sakali lang may nagdala kahit walang bridging..."

Whether you are in high school or college, having someone you know from the other year level or section is really an advantage. Much better if you're quite close to them. Believe me, even if it's just one person per section, that sole person can ask the whole section to lend you a hand if necessary and emergency.

But never forget that they are your friends and not a supplier nor provider. Don't take their benevolence for granted. Hindi dahil pinahiram o binigyan ka ngayon, gagawin mo ulit sa susunod. Matuto ring mahiya lalo na kung hindi mo naman kilala o close ang nagpahiram sa 'yo ng isang bagay.

"Kunin ko na lang 'yan sa 'yo bukas. Ako na ang magsasabi kay Tom," sabi ni Harley bago iniabot sa akin ang sci cal na galing sa kaklase niya.

More important, return their things in good condition or just the way it was borrowed and learn how to express gratitude. Just a simple act of courtesy for their charity.

"Yep. Pakisabi, salamat."

She jerked her chin lightly and leaned on the doorframe. "Sabay ka sa akin mamaya?"

I smirked. "Oo. Milestone tayo?"

Pinadaan niya ang dila sa ibabang labi at umukit din ang ngisi sa labi. Nilahad niya ang palad sa ibaba kaya bahagya ko 'yong tinampal.

"Later, then."

Pero siyempre, kapag alam mong mahirap palitan ang bagay na hihiramin mo, i-check mo rin muna kung talagang gumagana para aware din ang may-ari. Baka magkaroon pa ng misunderstanding at sa huli, ikaw rin ang lugi. Magagalit na sa 'yo ang may-ari, baka sabihin pa sa iba na hindi ka naman nagbabalik nang maayos ng gamit na hinihiram mo.

Ending, mahihirapan kang manghiram ulit. But it could be a lesson for us. Never be dependent on someone too much. Nothing is permanent. People around us will never stay forever. They will only come and go in our life. You can't always rely upon them.

Kaya sa susunod, hindi ko na kalilimutan ang scientific calculator tuwing Friday. 

Continue Reading

You'll Also Like

1K 50 4
(Could Trilogy #2) We are living proof of a love that is timed perfectly, arriving at just the right moment. So, I wasn't sure why I became his "almo...
863 313 44
Having a wireless chip on her brain makes Sierra suffer from different problems. She is one of those AXC person, or a person living with an artificia...
1.6K 73 14
time series #3 Reighn Siena, Arron Loren, and Jett Plane grew together being each other's shoulder to lean on. Not until Reighn's biological father...
27.6K 839 44
It only took one summer break for Valentina Hermosa to start liking Xaviell Vuitton. He's a real charmer, kind, sweet, and witty. From their picnic...