Melting You Softly (Student S...

By maysique

130K 6.1K 4.7K

Student Series 1: The MaΓ±ana Habit 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 Delaying tasks is one of the constant poor practices of... More

Melting You Softly
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 12

2.3K 133 138
By maysique

Chapter 12

"Sabi CR lang. Bakit nagmamantika na 'yang labi niyo, mga bakla?" mahinang puna ni Mason kina Steffy at Seth habang paupo sa kanilang mga upuan.

I restrained myself from laughing because our professor was lecturing upfront. The five of us occupied the seats on the last row. Umupo sa kaliwa ko si Steffy at sumunod naman sa tabi niya si Seth.

"Bakas ng turon 'yan," tumatawang sambit ni Aaron. "Wala man lang ayuda diyan?"

Steffy was chuckling when she poked Seth's arm rapidly. Sumilip muna ang huli sa prof na wala namang pakialam sa amin at may dinukot sa kanyang bulsa.

"Kung makakalabit naman ang isang 'to. Fingerist ka? Maputol sana daliri mo."

"Gaga," tawa ni Steffy.

"Oh, mga tamad kayong bakla. Sabi kasing tara na sa baba, ayaw niyo pa!" gigil pero mahinang sabi ni Seth sabay lapag ng isang pack ng sampalok sa mesa ko.

Inagaw agad 'yon ni Aaron at binuksan para makakuha ng isa. Sampu ang laman ng isang pack na 'yon sa presyong dose lang. Sampalok o pastilyas ang madalas nilang bilhin sa ibaba kapag gusto ng kutkutin habang nasa klase.

"Ayaw nga namin sa bottom. Gusto namin sa top," ani Aaron na tumatawa.

"Ay, hindi. Flexible tayo, 'te. Baba o taas, go!" si Seth.

"Uy, wala ka ng Pocky?" tanong ni Steffy at kinuha ang box na nasa ibabaw lang din ng arm rest ko.

"Wala na siyang Pocky pero may puke pa siya," Mason said smoothly.

That earned a tee-hee from the four of us. Pati si Mason ay tumawa sa sariling sinabi habang binubuksan ang kinuhang sampalok. Napatingin sa direksyon namin ang prof kaya sabay-sabay kaming umayos ng upo at nagpigil na tumawa.

She'll probably spend all her time discussing some of ethical theories. Siyempre, gamit na gamit na naman ang pangalan ng SPA: Socrates, Plato, at Aristotle, kasama na ang tropa nilang sina Confucius, Immanuel Kant, St. Thomas Aquinas, at marami pang iba.

Humikab ako at isinandal ang ulo sa balikat ni Mason. Nakayuko siya habang abala sa phone na nasa ibabaw ng mga hita niya kaya nakisilip ako.

"Ay, may bebe naman pala," I whispered and chuckled upon seeing the nickname on his Messenger.

Bahagyang hinila niya ang buhok ko. Hindi ko naman binasa ang message, e. 'Yong pangalan lang talaga ang tiningnan ko.

Nagkaroon ng activity pagkatapos ng discussion. Pipili raw kami ng isang ethical theory na pinakagusto o pinakaumaangat sa iba para sa amin at ipapaliwanag kung bakit iyon ang napili namin.

Ako naman, ni-define ko lang kung ano ang Utilitarianism at may kasamang mema dahil sabog. Pampahaba rin 'yong defination, 'no. At least she knows that I understand what Utilitarianism is.

"CR muna tayo!" anyaya agad ni Steffy pagkalabas ng prof namin.

Kinuha ko ang phone sa bag para i-check kung may text o tawag. Mabuti nga at na-silent ko na iyon. My thumb swiped the screen to open it and quickly went to my inbox.

"Banyo Queen ka na talaga, bakla. Tuwing magsisimula at matatapos ng klase, banyo. Habang nasa klase, magbabanyo. 'Yong totoo? Ilang balde ba 'yang iniihi mo?" si Aaron.

"Tangek, 'di lang balde. Drum na iniihi niyan," ani Mason.

Seth laughed. "Next time magdadala na talaga ako ng arinola para sa 'yo."

"Oo, tapos ipapainom ko sa inyong tatlo!" Steffy rode with them.

Nagtawanan ang tatlong bading habang inaasar si Steffy. Hindi naman siya pikunin at madalas pang nakikisabay sa asaran. Kaya masaya kasama ang apat na 'to dahil kahit nag-aasaran, walang personalan at pikunan.

Oh, well, wala pa naman. Sa isang argumento, laging may isang tama at may isang mali, pero puwede ring pareho silang tama o mali. Hindi naman maiiwasan ang pagtatalo sa magkakaibigan pero importante na dapat alam natin ang limitasyon.

"Huy, Izzy! Ano na, girl? CR na tayo para makauwi na."

Umaalingawngaw ang boses nilang apat habang nasa corridor kami ng third floor. Katabi ko si Steffy at nasa harap naming dalawa ang tatlo. My tongue rolled over my lips when I read Axe's message.

Baby Axe:

Nasa labas na po ako mismo ng gate. Tapos na po ang klase mo?

Izzy:

yup! katapos lang. palabas na kami.

He didn't reply to that so I busied myself inside the restroom with Steffy and our other blockmates. 'Yong tatlo naman ay nagpunta rin sa banyo para sa boys.

"Ihing-ihi na ako," sabi ni Steffy bago siya pumasok sa libreng cubicle.

Tinanggal ko na ang vest na suot bago iyon inilagay nang nakatupi sa loob ng aking bag. Mabuti nga at may aircon ang room namin dahil kung wala, baka mamatay na kami sa init.

Hindi tulad doon sa main building na electric fan lang ang gamit kaya sobrang init lalo na sa tanghali. Nasubukan ko na kasing pumunta roon ng tanghali kasama sina Steffy dahil may binisita silang taga-BSA tapos naka-complete uniform kami.

Habang nakaharap sa salamin, tinanggal ko ang tali ng buhok at agad iyong bumagsak sa likuran ko. Ang sakit talaga sa ulo kapag sobrang tagal nakatali ang buhok tapos mahigpit pa.

"Izzy, may blotting paper ka pa?" tanong ni Raiza.

"Ah, oo..."

Inipit ko muna ang buhok sa likod ng tainga bago kinuha ang maliit na pouch sa bag kung saan nakalagay ang blotting paper ko. Pagkabigay ko sa kanya no'n ay sunod-sunod na naghingian ang iba kong kaklase.

"Ge, ubusin niyo na. Bahala kayo," sabi ko, natatawa.

"Para sa 'yo, uubusin namin, Izzy!" Tumawa rin ang isa kong kaklase.

Minsan lang naman maging oily ang mukha ko. Madalas sa ilong lang din kaya hindi ko rin nagagamit ang blotting paper na binibili ko sa Watsons. Ang cute lang kasi pink ang lagayan kaya ako kumukuha. Sayang nga at wala akong purple o violet na natitiyempuhan kapag pumupunta roon.

Pagkatapos naming mag-ayos ni Steffy ay nagpaalam na rin kami sa ibang naroon. We spotted our friends talking aloud in front of the boys' restroom.

"Akala ko nilamon na naman kayo ng inidoro."

"Baliktad. Ako 'yong lalamon sa inidoro," Steffy said to Mason.

"Sana all lumalamon."

"Sana all nilalamon kamo," I said and laughed.

"Hoy!"

Pabirong hinampas ako ni Seth sa balikat at ikinawit ang braso sa akin habang nagdadaldalan kami pababa ng building. Hininaan naman namin ang boses dahil may mga nagkaklase pa sa ibaba at baka may prof na manita.

Nang makalabas kami sa gate ay pare-pareho kaming tumigil. Steffy, Aaron, and Mason bid their good byes and kissed my cheek before they went to the east side. Nakakapit pa rin si Seth sa akin at nang hilahin niya ako patawid sana ay pinigilan ko siya.

"Bakit, bakla?"

"May ano... may pupuntahan pala ako. Una ka na sa LRT."

Nangasim ang mukha niya. "Saan? Makikipag-date ka, 'no!"

"Oo kaya iwan mo na ako rito."

His lips formed a circle, and he even clasped his hand over his mouth. "Serious ba 'yan?! Sino? Pakilala mo sa akin, bakla ka!"

Tinawanan ko lang siya at inilingan. Sumimangot tuloy siya pero hinayaan na rin naman ako at nauna nang umalis. Hinintay ko talagang mawala siya sa paningin ko bago ako ngumuso at lumingon sa paligid.

I jumped a little when a cold hand grasped mine with delicate. Nang lingunin ko ang may gawa nito ay agad din niyang binitiwan ang kamay ko.

"Sorry..." Axe's gentle voice transported to my ear.

Dahil madilim na at nakasuot siya ng itim na cap ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Nakatalikod pa naman siya sa pinakamalapit na poste ng ilaw.

Ngumisi ako at mabilis na inagaw ang cap niya sa ulo. His chinky eyes widened and his lips parted a fraction. Nagulo tuloy ang buhok niya pero bagay rin naman sa kanya. That's cute and attractive.

"Kanina ka pa?" tanong ko habang isinusuot sa butas ng cap ang nakatali kong buhok.

"Hindi naman po," sagot niya at tumingin saglit sa paligid bago ibinalik ang tingin sa akin. "Kumain ka na po? Gusto mong kumain muna?"

Tumalikod na ako sa kanya at naglakad pagkatapos ayusin ang cap sa ulo. Sa gilid ng mata ay nakita ko siyang tumabi sa akin, sinasabayan ang lakad ko.

"Busog na ako sa kinain namin. Don't worry. Tapos na ba ang mga assignment mo?" Bahagya na akong lumingon sa kanya.

Wow, Izzy. Buti pa sa assignment niya, concern ka. Sa sariling assignment, ano na? RIP na lang?

Naaamoy ko ang pabango niya kahit na may distansiya kaming dalawa. He's only wearing a white shirt with a black check printed on its chest. Ang hilig niya sa puti, ah? Laging malinis tingnan at laging mabango. Nakaka... turn on.

"Tapos na..." mahina niyang sagot habang nakatingin sa ibaba.

Bumaba tuloy ang tingin ko at napansing sa bag na nakasabit sa braso ko siya nakatingin. I lifted my chin to see him again and when he saw me looking at him, he immediately covered his mouth with the back of his hand and looked away.

Natamaan ng kaunting liwanag ang kanyang leeg kaya naabutan ko pa ang pag-alon nito.

"You want to hold my bag for me?"

Ibinaba niya ang kamay at napalingon sa akin. I could almost see the glee in his eyes shadowed under his lashes.

"Puwede po ba?"

Bahagya akong natawa dahil para siyang batang tuwang-tuwa dahil pinayagang maligo sa ulan.

Kainis na Axasiel 'to... masyadong cute.

Tinanggal ko ang strap ng itim kong hand bag sa braso at inilahad sa kanya. Iyon na lang ang dala ko dahil nag-offer siya kanina sa Dagohoy na iuuwi niya na sa bahay ang laptop ko bago siya umalis. Pumayag na lang din ako dahil wala na naman akong gagawin doon bukod sa UTS na assignment.

He eagerly snatched it from me and inserted his own arm through the hole of the straps and let the bag hang on his shoulder.

Bahagya siyang yumuko at umusli ang sulok ng labi.

Heck... I can't. It seemed that my heart had forgotten to pump for few seconds.

"Kailan ka magpapaalam sa pamilya ko?" untag ko.

He blinked and turned to me. "Gusto mo po bang ngayong gabi na? Ayos lang naman po sa akin."

My bottom lip curved inside my mouth as I rested my tongue on it.

"Paano kung hindi sila pumayag?"

"E 'di... manliligaw pa rin po ako sa 'yo."

I laughed and slapped his arm lightly. Napasulyap siya sa braso at tumingin sa akin.

"Wow, ah? Akala ko kapag hindi sila pumayag, sasabihin mong hindi mo na itutuloy ang panliligaw sa akin!"

"I just want to inform them that I'll be courting you. If they let me, then I'll court them while courting you. If not, then I'll just court you alone."

Mas lalo akong natawa sa pagkamangha. Hindi ko inaasahan na iyan ang sasabihin niya, ah? I know him for being obedient and courteous. May limitasyon din pala talaga.

Bet.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin habang naglalakad tungo sa Legarda Station.

Marami pa rin ang estudyante na taga-UdLAT at kalapit na school kaya may pila roon. Idagdag pa ang ibang hindi estudyante. Magkahiwalay ang pila ng babae at lalaki pero halos magkadikit lang din naman. May baggage scanner din naman kaya mabilis lang ang usad ng pila.

"Alam mo bang alam ni Ral na may gusto ka sa akin?"

Tumango siya nang nakalagpas na kami sa scanner. Siya pa rin ang may dala ng bag ko.

"He's not saying anything about it, though," he added to his nod as we entered the lift.

"Hmm... naalala ko tuloy bigla 'yong binigay niyang Pocky na may sticky note. It's the same with the other boxes you gave to..."

"Sa akin po lahat galing 'yon," he cut me off. "Ako rin ang nagsulat. I used both my left and right hand in writing so it would seem from different people. Pero... pareho nga pala ang kulay ng sticky note na gamit ko." He slightly chuckled.

Napamaang ako. Tiningala ko siya at naabutang nakayuko rin siya sa akin. Tumunog din agad ang elevator kaya nagsilabasan na kami bago pa man ako magsalita.

Inalala ko ang mga nakasulat doon at napalunok. Hindi naman na nakakagulat na sa kanya galing pati ang bigay ni Ral pero... bakit ganito ang nararamdaman ko?

I put an end on pondering when it was our turn to tap our beep card on the card reader and pass through the access gate. Nagulat pa nga ako dahil may beep card siya na nakalagay din sa ID case niya tulad ng sa akin.

Suwerte kami at nakaabot agad kami sa unang tren na tumigil. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok sa nagsisiksikang mga pasahero. Gano'n din naman 'yon kapag maghihintay pa kami. Masikip pa rin.

Standing position lang kami sa loob. Mahina ang aircon at dahil siksikan, malamang na mainit din pero medyo sanay naman na ako. Mabuti nga at nakasandal ako sa likod. Buti na lang din at si Axe ang naaamoy ko.

Kinapa ko ang secret pocket ng pencil skirt para hanapin doon ang panyo pero wala. Someone pulled the cap off my head and used it as a fan for me. I protruded my lips and met Axe's enticing brown orbs.

"I don't have my hanky with me," I uttered.

Magkaharap lang kami at seryoso siya sa pagpapaypay sa akin gamit ang cap. He paused for a moment and in an instant, he was already wiping the sweat off my forehead and neck with his handkerchief, resuming on fanning me.

Kinuha ko na ang panyo sa kanya at pinunasan ang sariling pawis. Ang gaan-gaan kasi ng bawat dampi niya sa balat ko. Gusto ko 'yong medyo madiin para talagang matanggal ang pawis.

Ginawa ko ring pamaypay ang panyo habang pinapaypayan niya ako. Nang tumigil ang tren at nagpasukan ang mga pasahero ay bahagya siyang natulak sa akin.

Pinatong niya ang kamay sa gilid ko para mapigilan ang tuluyan niyang pagtama sa katawan ko. Napahawak naman ako sa braso niya kahit hindi ko alam kung para saan dahil nakasandal naman ako.

"Okay ka lang?" he asked worriedly.

I jerked my chin up. Pumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"A-ano ba..." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Huwag kang tumitig..."

"Sorry. Hindi ko lang mapigilan..." bulong niya.

My cheeks burnt that I knew he could see how crimson my face is now. Halos ibaon ko ang kuko sa kanyang brasong nakaangat at nakasandal pa rin sa likuran ko. Nagmukha tuloy akong naka-trap dito. Tumitingin pa nga 'yong katabi kong babae sa akin at sa kasama ko.

Ngumuso ako sa kanya. Gusto mo ring ma-trap dito? May Axe ka ba? Wala.

"Ganda mo, Ate Izzy..." mahina pa rin niyang sinabi sa akin.

The metallic taste spread on my taste buds upon hearing his compliment. Tumigil ako sa pagpaypay at yumuko, pinaglaruan na lang ang panyo niya kahit pa ramdam ko ang paninitig niya sa akin.

Lumuwag nang tuluyan ang tren nang huminto ito ulit sa Cubao. Axasiel's hand gently pulled me by the arm and let us sit on the nearest free seats. Nagpunas ulit ako ng pawis gamit ang panyo bago sumulyap sa kanya.

"Tama na 'yan. Hindi na masyadong mainit," sabi ko at pinigilan ang kamay niyang hawak ang cap.

He finally stopped fanning me and leaned his head against the glass window. Nasa ibabaw ng kanyang hita ang bag kong hawak pa rin niya.

"Suot mo," aniya at ibinigay sa akin ang cap.

Hindi ako nagsalita. Gumalaw siya sa kinauupuan at nagulat ako nang bahagya siyang yumuko at inilapit ang mukha sa may tainga ko.

"Galit ka po?"

I tilted my head to the right and our eyes had a quick rendezvous.

"H-huh? Bakit naman ako magagalit?"

"I'm sorry for making you uncomfortable," he said in a low and apologetic tone.

Me? He made me uncomfortable? Hindi naman, ah? Kinilig lang ako!

Matunog siyang bumuga ng hangin sa tabi ko at hindi na nagsalita.

Bumaba kami sa Katipunan nang nakasuot ako ng cap at dala niya pa rin ang bag ko. Isang sakay pa sa jeep ang ginawa namin bago tuluyang makarating sa street namin.

The speed of our strides abated as we drew closer to our house. Our gate opened and it revealed Papa who was carrying a garbage bag. Nakayuko siya noong una pero nang napansin niya kami ay napaatras siya agad at napahawak sa dibdib.

"Ano 'yan?" eksaheradong tanong ni Papa habang palipat-lipat ang tingin at daliri niya sa aming dalawa ni Axe.

"Tito Vince..."

Padabog na binitiwan ni Papa ang dala at hinablot ako palayo kay Axe.

"Papa naman," reklamo ko at binawi ang kamay.

"Anong 'Papa naman'? Ano na naman 'to, Izzy? Bakit magkasama kayo niyang bata na 'yan!" Sabay turo kay Axe.

Napakamot si Axe sa batok at bahagyang napanguso. "Tito Vince, hindi naman po ako bata."

"Heh! Manahimik ka!" Tinuro ni Papa ang bag kong nakasabit sa braso ni Axe. "Akin na nga 'yan. Bakit dala-dala mo 'yan? May kamay naman 'tong anak ko!"

Axasiel handed my bag to Papa. He then looked at me with subtle despondent in his orbs. Kinagat ko ang aking labi at matalim na tiningnan ang likod ni Papa. Hindi naman talaga siya ganiyan kay Axe pero simula noong araw na may halikang naganap, naging suplado na siya rito.

Maybe it's the reason why Axe isn't eating breakfast and dinner with us anymore. Mag-isa pa rin kasi siyang nakatira sa bahay nila rito at hindi ko alam kung ano bang pinaplano ng mga magulang niya para hayaan siya rito nang hindi sila kasama.

"Axe, bukas na lang," sabi ko at inagaw kay Papa ang bag ko.

"Anong bukas na lang? Izzy, may hindi ba ako nalalaman dito, ha?" si Papa sa agresibong tono.

"Wala po," I replied as politely as I could before turning my back to them.

Narinig ko pa ang mga sinasabi niya pero hindi ko na pinansin pa. I greeted and kissed Mama on her cheek before I took hasty steps onto the stairs. Ni-lock ko agad ang pinto ng kuwarto pagkapasok.

I unzipped my pencil skirt and let it fall onto the floor after kicking my shoes off my feet. I removed my necktie, longsleeve, and even the cap I was still wearing, tossing it at nowhere before diving onto my bed with only cycling shorts and spaghetti top on.

Napabangon ako bigla nang maisip na i-text si Axasiel. Hinanap ko ang phone sa bag at nakaupo sa kamang binasa ang text niya.

Baby Axe:

Sorry, Ate Izzy. Bukas ko na lang po kakausapin ang pamilya mo. Gawin niyo na rin po muna ang assignment niyo kung meron bago kayo matulog para hindi na magahol sa araw ng pasahan.

I scoffed and threw my phone beside me on bed, thinking if I have any assignment that is due tomorrow. In the end, I just opened my desktop and sat comfortably in front of it with two Pocky boxes near me.

Maglalaro muna ako. Assignment? Kung meron... e 'di bukas na lang.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 81 4
An Epistolary πŸ’­β˜€οΈ | Summer Romance In We're Falling Back (the third book in Calgary's Lovestruck Series), Amber and Luke were one of Solana and Bren...
1.1K 73 56
an epistolary ; aeryka & archer
84.8K 2.1K 110
G3 series #2 - an epistolary 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 i'm not rapunzel but i'll let you pull my hair, baby. wanna try?